Kabanata 28

1458 Words
Lara POV "Kenjie, Mag-order na lamang tayo ng pagkain,Hindi kasi dumating si Yaya Pasing e.Wala magluluto.Ano ba ang gusto mong kainin Babe?" Tanong ko kay Kenjie na busy na naman sa kanyang cellphone palagi ko ito nahuhuling may tinitingnan na litrato sa kanyang cellphone at pagnakikita ako nitong parating agad nitong pinapatay ang kanyang cellphone.nagdududa na rin ako na baka may iba na naman itong babae nilalandi. "Hindi ka ba talaga marunong magluto huh Lara?Puro na lamang galing sa fast-food ang kinakain natin. Daig ka pa ni Pho-" Naputol ang sasabihin nito ng makita nitong iba na ang timpla ng aking mukha.Tinutulad na naman ako nito sa boring niyang Asawa na si Phoebe. "Pwede ba Kenjie,huwag na huwag mo akong ikumpara sa boring na babae na 'yun! malaki ang pinagkaiba namin dalawa,Okey!" Inis na inis kung wika kay Kenjie, Maya maya pa'y tumayo na ito. "Tama ka Lara, Malaking malaki ang pinagkaiba niyo ng Asawa ko!" Matigas na sagot sa akin ni Kenjie,Bigla akong nagpantig sa sinabi nito.Ano ang ibig nitong sabihin na na-mi-miss niya ang boring na babae na 'yun.Sa inis ko dito nilapitan ko ito at sinampal,masyado akong na i-insulto sa pag-ku-kumpara nito sa akin kay Phoebe.At sa pagsasabi nito na asawa pa rin ang tawag nito sa babae na 'yun. "Subukan mong sampalin ako muli Lara,hindi ako magdadalawang isip na iwanan ka, ni minsan 'di ako nagawang saktan ni Phoebe,o ni sagutin ay hindi nito ginagawa noon sa akin ng asawa ko. Subukan mong ulitin muli Lara!" Naglandas ang luha sa aking pisngi sa sinabing 'yun ni Kenjie. "Hindi muna siya asawa Kenjie, hindi ba't on process na ang annulment paper niyo dalawa?" Wika ko kay Kenjie habang umiiyakpa rin. Bakit simula ng pirmahan nito ang annulment paper nila na pinadala ng abugado ni Phoebe ay nagbago na ito sa akin. Naging mainitin din ang ulo nito palagi sa akin. "Tama ka Lara,on process pa ang annulment paper namin, kaya hanggang 'di napapawalang bisa ang kasal namin, asawa ko pa rin si Phoebe.At baka nakakalimutan mo na aksidente ko lamang napirmahan ang unnalment paper namin na 'yun. Dahil nilasing mo ako ng gabing 'yun kaya sa pilitan ko na pirmahan ang mga papeles na 'yun." Wika ni Kenjie na halata naman nagpipigil lamang ng emosyon niya. "Pero,Kenjie hindi ba at gusto mo na rin naman talaga na mapawalang bisa ang kasal niyo ni Phoebe.Bakit ngayon parang nagsisi ka pa na pinirmahan mo ang mga papeles na 'yun! aminin mo nga sa akin mahal mo pa ba si Phoebe?! Kenjie! Sagutin mo ako,Mahal mo na siya?!!!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya naman napasigaw na ako sa sobrang inis at galit na aking nararamdaman.Sinubukan kung hawakan si Kenjie sa braso, pero mabilis itong nakaiwas,Kinuha nito ang jacket na nakapatong lamang sa table at dalian nalakad papunta asa pintuan. "Kenjie!Saan ka pupunta huh?! Pupuntahan mo ba si Phoebe huh?!.Magsalita ka sinabi eh,, Kenjie!!!" Sigaw ko kay Kenjie na dalian naman sa paglabas,naiwan akong umiiyak.hindi ko matatanggap kung mawawala ng tuluyan sa akin si Kenjie. Kailangan ko gumawa ng paraan para hindi ako nito iwan. Napatingin ako sa aking sarili sa harap ng salamin, hindi ko na pala nagagawa ang mag ayos at tumaba na rin ako ng kaunti dahil sa pagbubuntis ko, Pinahid ko ang natirang luha sa aking mata. "Hindi ako makakapayag na bumalik ka muli kay Phoebe, kenjie!"Bulong ko sa aking sarili, Kenjie POV Naihampas ko ang aking jacket na dala,Naiinis ako sa aking sarili.Walang araw o gabi ko hindi naiisip si Phoebe.Alam ko bumalik na ito sa company ni Oliver at madalas din nitong kasama si Oliver,Kahit sa mismong bahay na tinitirahan nito ngayon ay madalas nandoon si Oliver.Ilang beses din ako nagtangka kausapin si Phoebe,Ngunit palagi akong hinaharang ni Oliver ng isang beses na nalapitan ko si Phoebe, galit na galit ito sa akin dahil sa pagkamatay ng sana ay magiging anak namin dalawa. Ako man ay lubos na nagsisi dahil sa nangyari sa anak namin na sana ay buhay pa kung hindi lamang ako naging mlupit kay Phoeb..Handa ko na sana itong isama sa isang lugar na kami lamang dalawa ang mag uusap ng biglang dumating naman si Oliver at agad na inilayo nito sa akin ang asawa ko. Miss na miss ko na si Phoebe at sa tuwing mag isa ako tanging mga masasayang larawan namin ang tanging tinitingnan ko,Ang laki ng panghihinayang ko nang mapirmahan ko ang annulment paper dahil sa kalasingan ko napapayag ako ni Lara pirmahan iyon. Ang tanging gusto ko at hinihiling ko ay ang makapag usap kami ni Phoebe.Hindi ko hahayaan mapunta lamang ito kay Oliver.Agad akong sumakay sa aking kotse,balak kung puntahan si Phoebe sa opisina ni Oliver. "T-teka S-sir,bawal po kayong pumasok dito.Sir! Sandali lang!" Walang nagawa ang security guard nang bigla na lamang ako pumasok sa building ni Oliver.Pagdating ko sa taas kung saan ang mismong floor nila Phoebe,agad ko ito hinanap.Alam kung marami ang nakatingin sa akin na kasamahan ni Phoebe at wala akong pakiilam kung magbulungan man ang mga ito. " Asan ang asawako? Nasaan sinabi ang asawa ko?!" Tanong ko sa kaibigan ni Phoebe na si Vivian.Pinagtaasan ako nito ng isang kilay alam kung ito man ay galit din sa akin, pero wala ako pakiilam kung ang buong mundo pa ang magalit sa akin ang importante makausap ko ang asawa kung si Phoebe.Alam kung mahal pa ako nito, hindi basta-basta mawawala na lamang ng ganoon ang pagmamahal nito sa akin at nasisigurado ko iyon. "Pwede ba Kenjie,tigilan mo na si Phoebe.Alam mo masaya na siya ngayon at isa pa doon ka na lang sa anak n i Zuma na si Lara.Tigilan mo na ang kaibigan ko pwede ba!" Mataray na sagot nito sa akin,Mag sasalita pa sana ako ng makita kung napatingin si Vivian sa aking likod,kaya naman napatingin na din ako sa tinitingnan nito na nasa likod ko.At doon nakita ko si Phoebe at Oliver na masayang nagtatawanan,hindi ata ako napapansin pa ng mga ito.Nagulat din ako sa mabilis na pagbabago ni Phoebe,mula sa pananamit,at maging sa pag a-ayos nito ay ibang iba.Lalo din itong sumiksi at nawala na ng tuluyan ang mga bakas ng pambubulbog ko dito noon.Halatang masaya ito habang kausap si Oliver.Nakita ko pang bahagyang inayos ni Oliver ang buhok nito na bahagyang napatabing sa mukha nito.Naikuyom ko ang aking kamao. " Hoy! Kenjie! Teka saan ka pupunta huh!" Habol pa sa akin ni Vivian ng makita nitong susugurin ko na si Oliver,Hindi na ako nito naabutan at nang makita ako ni Oliver bago pa man ito mag-salita na bigyan ko na agad ito ng isang malakas na suntok sa mukha.Agad naman itong tinulungan ni Phoebe na halata ang gulat sa mukha, Hindi siguro nito akalain na pupunta ako sa mismong opisina ni Oliver.Ngulat pa ito ng bigla ko na lamang suntukin si Oliver,tiningnan naman ako nito ng masama.Tumayo ito at hinarap ako. "Ano bang Problema mo huh! Kenjie!Ano bang ginagawa mo dito? Manggugulo ka na naman ba huh?" Galit na tugon ni Phoebe sa akin,hindi ko matanggap na ang dating babaeng laging sweet sa akin at laging masaya akong makita,ngayon ay galit na galit na sa akin. "Phoebe,Love, gusto ko lang naman na makapag-usap tayong dalawa kahit sandali lamang. Parang awa mo na kausapin mo ako yung tayong dalawa lamang." Hahawakan ko sana ito nang talikuran ako nito at inalalaya pa nito si Oliver na may masamang tingin sa akin. "Umalis ka na Kenjie, Huwag kang manggulo dito.Umalis ka na!" Wika ni Phoebe sa mahinahon na boses,ngunit may diin ang tono nito, Akmang hahawakan ko itong muli ng may dumating ng mga security guard at hinawakan ako ng mga ito sa kamay.Hindi ko magawang makawala sa mga hawak ng mga ito lima sila at malalaking tao din. "Phoebe, Please,Talk to me! Please!!" Sigaw ko kay Phoebe na hindi na ako tinapunan manlang ng tingin. "Hinding hindi mo makukuha sa akin ang asawa ko Oliver!,kailan man 'di ko hahayaan na mapunta siya sayo.Phoebe,Love,Alam ko mahal mo pa rin ako.Hindi ako titigil hanggang hindi tayo nagkakausap dalawa." Sigaw ko pa rin,nag-pu-pumiglas ako, ngunit malakas talaga ang limang guard na kumakaladkad sa akin ngayon palabas ng building. "Huwag ka na babalik dito!,sa oras na bumalik ka sa presento na ang bagsak mo!" Wika sa akin ng isang security guard.Tiningnan ko ito ng masama na kinangisi pa ng gago! "Babalikan ko kayong Lima!" Tugon ko naman sa mga ito.Nginisian pa ako ng mga ito.Kinuha ko naman ang aking cellphone at tinawagan ang kaibigan kung si Carlo na siyang mismong head ng mga security agency.Balak kung paalisin sa trabaho ang limang guard na ito.Habang kausap si Carlo bigla pumasok sa isipan ko na sa pilitan na lamang itakas si Phoebe.Gagawin ko ang lahat makuha ko lamang ito muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD