Kabanata 32

1510 Words
Phoebe POV Sa dami naman ng makikita ko ngayong araw kung bakit si Oliver pa ang nakita ko at kasama pa nito ang babaeng,sa palagay ko ay kasintahan nito. Halata sa mukha nito ang gulat alam kung hindi nito inaasahan ang makita ako dito at nagkataon pang may ibang lalaki akong kasama.Kahit ako naman ay nagulat din ng makita ko ito sa dami-dami naman kasi ng kainan bakit dito pa ako dinala ni Doc, Vincent. Lalapit na sana sa pweto namin si Oliver ng tawagin ito ng kasama niyang babae. At buti na lang din dumating na ang waiter na kukuha ng order namin. "Phoebe,nakapili ka na ba ng gusto mong pagkain?" Tanong sa akin ni Doc. Vincent.Agad. " Ahh, Doc,ikaw na ang bahala mamili ng ating kakainin. Kahit ano okey lang sa akin." Sagot ko naman dito na tumango lamang sa akin. " Okey, Phoebe, ako na bahala mamili ng pagkain natin. Tiyak magugustuhan mo ang mga pagkain napili ko." Wika ni Doc,tumango na lamang ako sa sinabi nito kahit na hindi ko talaga lubusang maintindihan kung ano ang sinabi nito.Palihim ako ng tumingin sa table nila Oliver, at nagulat naman ako ng mapagtanto kung nakatingin din pala sa akin si Oliver, Kaya naman nag kasalubong pa ang aming mga mata.Ako na ang unang nagbaba ng paningin at kunwari ay iba ang aking tinitingnan.Maya-maya pa dumating na ang aming pagkain. At muli kung sinulyapan ang table nila Oliver at ang kasama nitong babae. Buti na lamang at busy na si Oliver sa pagkain pinagmasdan ko lamang ito habang sumusubo ng pagkain, kumakain nga ito pero para itong lutang. Imbes kasi na kutsara ang gamitin nito sa pagkuha ng kanin tinidor ang ginagamit nito. Muli naman itong napatingin sa akin kaya nahuli na naman ako nito sa pangalawang pagkakataon na nakatingin sa kanya. Kaya naman nag bawi na agad ako ng tingin at tinuon na lamang ang atensyon sa pagkain na ngayon ay nasa harapan ko na. " Phoebe, You should try this one." Wika ni Doc,Vincent naglagay ito ng pagkain sa aking pinggan, medyo nailang pa ako dahil ngayon lamang kami kumain nito sa labas pero ito at pinaglalagay pa ako nito ng pagkain sa aking pinggan.Medyo na ilang ako sa ginagawa nito kaya pinigilan ko na ito sa paglalagay ng pagkain sa aking pinggan. " Ako na nalang ang kukuha Doc. Salamat" Nakangiti kung wika dito. Ngumiti din ito sa akin, ngunit halatang nalungkot ito. "Naku, Doc pasensya ka na huh,Hindi lang ako sanay ng pinagsisilbihan." Wika ko dito at muli itong ngumiti sa akin. "Pasensya ka na din Phoebe,Masyado lang ata ako na excite na makasama kang kumain ngayon.Medyo matagal ko na rin kasi gusto kang ayain mag date e, Ohh, I mean- hahaha ang ibig kung sabihin e yung ganito na kumain tayo dalawa para mas makilala mo pa ako at mas makilala pa kita." Masaya ng wika ni Doc.Mukhang tama nga ata si Vivian sa sinasabi niya sa akin kanina tungkol kay Doc. pero sa dami naman ng babae bakit naman ako pa ang nagustuhan nito. Ayaw ko sanang maging feeling maganda or mag ilusyon na may gusto sa akin si Doc. ngunit masyado halata sa mga kilos at kung paano ito tumingin sa akin. "Okey, Lang Doc.Vincent.Actually sinabi nga sa akin ni Vivian na-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng unahan ako ni Doc magsalita. "Huh!Sinabi ba sayo ni Vivian na may gusto ako sayo? Ang babaeng 'yun talaga humanda siya sa akin mamaya." Natawa ako bigla sa naging reaksyon ng mukha ni Doc. "Doc. Actually wala naman ganoon sinabi si Vivian. Ang sabi lang niya nahuli ka daw niya tinitingnan ang picture ko." Natatawa ko pa rin sagot kay Doc. na bigla naman namula ang mukha. Kaya hindi ko na napigilan pa ang lalong matawa. "Nakakahiya naman. Sorry, Phoebe, huh! pero ngayon na alam mo na ang lahat ng 'yan gusto ko malaman mo na gusto talaga kita. Noong unang araw pa lamang kita makita sa clinic ko nagkaroon na agad ako sayo ng paghanga.Akala ko nagandahan lamang ako sayo nang ipakita ka sa akin ni Vivian.Hanggang sa makaharap na kita doon ko na patunayan na hindi ka lamang maganda kundi pati ang puso mo ay maganda rin. Alam kung hindi ito ang tamang oras para pag usapan ito. Sorry, again, Phoebe." Seryosong Wika nito sa akin. Ako man ay nagulat ng bigla na lamang ito nagtapat sa akin. Buti pa ito kayang magtapat ng nararamdaman pero 'yun isang tao kilala ko napakaduwag.Hinawakan ko ang kamay ni Doc.at tiningnan naman nito kamay ko nakahawak sa kamay niya. " Sorry, Doc Vincent,Alam kung alam mo kung ano ang pinagdaanan ko ngayon.Sana maunawaan mo ako Doc." Wika ko dito na tumango tango naman sa akin. Hinawakan din nito ang aking kamay, saka ngumiti.Binawi ko naman na ang aking kamay na hawak din nito. "Mabuti pa kumain na ta-" Hindi na naituloy pa ni Doc. Ang kanyang sasabihin ng bigla itong mapatingin sa aking tabi.Kaya naman napatingin na din ako sa tinitingnan nito at ganoon na lamang ang pagka gulat ko nang makita si Oliver na nakatindig sa aking tagiliran. "Oliver?" Mahinang tugon ko dito na nakatingin lamang sa akin. "Let's Go!" Bigla na lamang ako nitong hinawakan sa braso sabay higit sa akin kaya naman napilitan na akong mapatayo." "Sandali lamang! Sino ka ba huh! bitiwan mo si Phoebe!" Wika ni Doc na halata ang gulat at inis.Hindi naman ito pinansin ni Oliver at tuluyan na itong tumalikod habang hawak parin ang aking braso. "Doc, Pasensya ka na huh." Wika ko kay Doc.Ngunit bigla naman nito pinigilan si Oliver sa paglalakad, kaya naman muli itong napaharap at sa pagharap ni Oliver bigla na lamang nitong sinuntok si Doc Vincent sa mukha.Napahawak ako sa aking bibig sa ginawang 'yun ni Oliver. "Ayaw ko nang makikita ang pagmumukha mo kung sino ka man. At sa susunod huwag na huwag mo hahawakan ang kamay ng babaeng mahal ko!" Kung kanina nagulat ako sa pagsuntok nito kay Doc. Mas nagulat pa ako sa narinig kung sinabi ni Oliver. Bigla akong nahirapan humingan. "babaeng mahal ko! Babaeng mahal ko!" Salitang paulit-ulit na sumisigaw sa aking isip, Bahagya kung kinurot ang aking sarili kung totoo ba ang nangyayaring ito. Nasaktan ako kaya alam kung totoo ang lahat ng ito at ang sinabing 'yun ni Oliver. Totoong mahal ako nito. "Sandali lang, Doc, Sorry." Magsasalita pa sana si Doc.ng bigla na lamang tumalikod si Oliver ang bilis pa nitong maglakad na akala mo'y may humahabol sa amin.Nang nasa harap na kami ng aking sasakyan agad nitong kinuha ang susi sa aking bag at mabilis binuksan ang pinto ng sasakyan. "Sakay!" Utos nito sa akin,Ewan ko at bigla na lamang ako sumakay.Gusto ko pa sana itong tanungin kung bakit niya ginawa 'yun kay Doc, At nasaan na ang babaeng kasama nito kanina.Posible naman na iniwan nito ang kasama niya ng dahil lamang sa akin. Maya-maya pa sumakay na din ito at mabilis na pinaandar ang aking kotse. Tahimik lamang kaming dalawa, Pinakikiramdaman ko pa ito, ngunit mukha galit ito dahil na rin sa hindi maipinta ang itsura nito. Tumikhim ako para sana magsalita, ngunit walang boses ang lumabas sa aking bibig.Kaya naman pinili ko na lamang ang manahimik. Hinayaan ko na lamang si Oliver na magmaneho. "Teka,Kanina ka pa nagda-drive Oliver saan mo ba balak ako dalhin.?" Takang tanong ko kay Oliver,Napansin ko kasing malayo na kami sa syudad. Mukhang nasa isang probinsya na kami. Sa tagal nitong nagmamaneho inabot na kaming Gabi sa daan. At kumakalam na din ang sikmura ko. Naalala kung hindi ko manlang nagalaw ang inorder na pagkain ni Doc Vincent kanina. "Bingi ka na ba huh BOSS OLIVER?!" Naiinis ko nang tanong kay Oliver na nawalan na ata ng dila,Siguro panis na ang laway nito kaya nahihiya na itong magsalita. " Ano ba tinatanong kita? Saan mo ba talaga ako dadalhin huh? Oli-" Hindi ko na tuloy pa ang aking sasabihin ng bigla na lamang humito ang aming sasakyan. "Nandito na tayo.Alam ko gutom ka na. Kanina pa nag iingay ang tiyan mo e. Huwag ka mag alala kaninang nakatulog ka sa byahe tumawag na ako kay Manang Oring na magluto ng masarap na pang hapunan." Wika ni Oliver at bigla na rin itong bumaba. Mukhang hindi na ito galit.Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako makababa. "Nakatulog ba ako kanina? Parang hindi naman e." Wika ko dito, nagtataka kasi ako hindi naman ako nakatulog kanina e. " Yes, Baby, nakatulog ka kanina sa byahe. mabilis lamang ang tulog mo kaya siguro hindi mo napansin na nakatulog ka. Tara na sa loob ng makakain na tayo. Nakakahiya sa mga alaga mong bulati e ang lakas mag ingay haha." Nakakunot noo ako, kanina lamang ay galit na galit ito at nakuha pa nga nito ang manuntok. Pero ngayon ito siya at may pagtawa pa. Hinawakan ako nito sa aking kamay at pinagsaklop nito ang aming kamay at sabay kaming pumasok sa isang hindi ganoon kalaking bahay. Para itong isang makaluma ngunit may halong pagka modernong bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD