Kabanata 31

1524 Words
Lara POV Nandito ako sa ospital kung saan ako nagpapatingin,nang matanawan kong pumasok si Phoebe sa isang clinic at ng tingnan ko kung ano ang clinic na pinasukan nito napakunot noo ako. Nagpapatingin ito sa isang psychologist.Hinintay ko itong lumabas,Bago pa ito lumabas tinawagan ko na si Kenjie para puntahan ako. At sa gagawin kong ito alam kong hindi matutuwa si Kenjie kung makikita ako nitong sinasaktan ni Phoebe lalo na't dinadala ko ang magiging anak namin.Tingnan ko lamang kung hindi pa kasuklaman ni Kenjie si Phoebe, siguro naman kahit paano ay may malasakit si Kenjie sa magiging anak namin. Nang lumabas na si Phoebe sinimulan ko na ito inisin,ngunit wala ata itong balak na patulan ako. Nag isip pa ako ng pwede kung sabihin dito para tuluyan ko itong mainis para patulan ako nito. Kaya naman naisip ko na idamay na rin ang walang muwang na anak nito.At hindi nga ako nagkamali nang marinig nito ang tungkol sa anak niya ay binigyan agad ako nito ng malakas na sampal at hindi lamang isa kundi dalawa pa sampal. "Subukan mong banggitin muli ang aking anak,hindi lamang iyan ang gagawin ko sayo Lara! Isa pa huwag kang magsaya baka nakakalimutan mo na hindi pa tapos ang proseso ng annulment paper namin ni Kenjie.Kaya habang hindi pa nag pawalang bisa ang kasal namin!Huwag ka muna umasa na pwede na kayong magpakasal." Galit na wika ni Phoebe sa akin.Ngayon alam ko nang inis na inis na ito at ako man ay nakaramdam din ng inis ng sabihin nito na huwag akong umasa na pwede kaming ikasal ni Kenjie.Kaya naman sinampal ko rin ito at nakailag naman ito kaagad kaya lalo akong nakaramdam ng pagkainis dito. "Walanghiya ka babae ka!.Ang akala mo ba mahal ka pa ni Kenjie huh?!Para sabihin ko sayo hindi ka na niya mahal.AKO! AKO! NA ANG MAHAL NIYA!" Sigaw ko kay Phoebe kaya naman bahagyang pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid namin.Nakita ko naman na ngumisi sa akin si Phoebe na para bang nang aasar pa ito.Pinagtaasan ko naman ito ng kilay,bahagya pa itong lumapit sa akin.Hindi ako nasindak dito at nilabanan ko ito ng sama ng tingin. " Anong sinabi mo Lara? Mahal ka ni Kenjie? Talaga ba?! Ahh,,, kaya naman pala palagi na lamang ako pinipilit ni Kenjie na kausapin ko siya. Well,,, nagmamakaawa pa nga ito para lamang kausapin ko siya e. At alam mo ba kanina lamang pumunta siya sa opisina at gaya ng dati niyang ginagawa pinipilit pa rin ako nitong kausapin ko siya.Sabi pa nga niya pinagsisihan niya ang lahat ng ginawa niya sa akin. At alam mo rin ba Lara na sinabi niyang MAHAL NA MAHAL PA RIN NIYA AKO!" Hindi na ako nakapagpigil pa sa sinabi nito nag init bigla ang aking mukha dahil sa inis sa mga kasinungaling pinagsasabi ni Phoebe. "WALANGHIYA KA BABAE KA!SINUNGALING KA PHOEBE! AKO NA ANG MAHAL NI KENJIE NGAYON HINDI NA IKAW!" Wika ko kay Phoebe at bigla ko naman natanaw si Kenjie, palinga linga ito marahil hinahanap ako nito. Napangiti ako sa aking naisip at agad ko kinuha ang dalawang kamay ni Phoebe at inilagay iyon sa aking buhok. Hinila ko pa ito sanhi para mapaupo ako at ito naman ay naka ibabaw sa akin. Nagsimula akong mag sisigaw at alam ko madali kami mapapansin ni Kenjie sa gagawin kung ito. "PHOEBE TAMA NA! NASASAKTAN NA AKO PHOEBE! TAMA NA!!" sigaw ko at maya-maya pa nga naglapitan na ang ibang mga tao sa ospital at agad din dumating si Kenjie.Hinigit nito si Phoebe at tinulungan naman ako nitong makatayo.Agad ako yumakap kay Kenjie at niyakap din naman ako nito. Umiyak pa ako para lalong maniwala si Kenjie sa drama ko. "Phoebe! Alam kung galit ka sa amin ni Lara, pero mali naman naidamay mo ang magiging anak namin dalawa. Walang kasalanan ang bata para ilagay mo sa kapahamakan.Alam mong buntis si Lara at ito ang ginawa mo pinatulan mo pa siya!. Nag- iisip ka ba huh Phoebe!" Napangiti ako ng malaman na talaga pala mahalaga kay Kenjie ang anak namin dalawa. Nakita ko naman si Phoebe na maluha-luha na. "Ang kapal-kapal ng mukha niyong dalawa.Alam mo bagay na bagay nga kayong magsama dalawa pareho kayong sinungaling. Ikaw Lara ang galing galing ng drama mo,sana hindi manahin ng magiging anak niyo ang ugali niyong dalawa.At ikaw Kenjie pinatunayan mo lang sa akin na hindi ka karapat dapat pang kausapin.MAGSAMA KAYONG DALAWA SA IMPYERNO!" Pagkasabi noon ay tuluyan ng tumalikod si Phoebe.Akma naman hahabulin pa ito ni Kenjie, kaya naman umarte akong sumakit bigla ang aking tiyan na agad naman akong tinulungan nito para makaupo muna inalalayan pa ako nito dahan dahan para makaupo. "Kenjie, natatakot ako sa maaring gawin sa akin at sa anak natin ni Phoebe, baka talagang balak nito na saktan ako para may masama din mangyari sa anak natin.Alam kung naghihiganti siya dahil sa nangyari sa anak niyo.Kenjie alam mo wala kasalanan ang anak natin sa pagkawala ng anak niyo. Natatakot ako ng sobra Kenjie mukhang nababaliw na si Phoebe.Talagang pinuntahan pa ako nito dito sa ospital para lamang pagbantaan." Niyakap ako ni Kenjie,umiiyak pa ako at kunwaring nanginginig sa takot.Mukhang effective naman ang dramang ginawa ko.Pwede na ata akong manalo ng best kontrabida in the year. "Huwag ka mag alala Lara,hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa inyong mag ina.Kakausapin ko si Phoebe na huwagg na niyang ulitin ang ginawa niyang ito sayo." Wika ni Kenjie bakas sa boses nito ang pag aalala.Ngayon ay alam ko na, na ang tanging alas na pwede kung gamitin kay Kenjie ay ang anak namin.Hanggang alam nito na anak namin ang dinadala ko hindi ito makakawala sa akin at gagawin ko ang lahat para hindi nito malalaman na hindi niya tunay na anak ang dinadala ko.Gagawin ko rin ang lahat para makulong si Phoebe nang tuluyan na itong mawala sa buhay namin dalawa ni Kenjie. --- Na i-untog ko ang aking noo sa manibela,Hindi ko akalain na kayang magpanggap ni Lara na sinaktan ko siya.Nagulat ako ng bigla nitong kinuha ang kamay ko at inilagay sa kanyang buhok.Nagsisigaw pa nga ito at humingi ng tulong,Sabay dating naman ni Kenjie at hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan pa rin ako nang makitang mas inalalayan nito si Lara at kinampihan pa nito ang babaeng at bahagya pa ako nitong itinulak.Ang buong akala ko ay seryoso ito sa paghingi niya sa akin ng sorry at akala ko totoong nagsisi ito sa mga ginawa niya sa akin at sa anak namin. "Ang sama-sama mo Lara,Kenjie.Magsama kayong dalawa.Ang sakit-sakit hanggang kailan ako masasaktan?!Bakit kahit anong pilit kung umiwas sa kanila bakit sila pa mismo ang lumalapit sa akin?!" Wika ko sa aking sarili.Habang nag lalandas ang aking luha sa aking pisngi.Nagulat naman ako ng bigla na lamang may kumatok sa bintana ng aking kotse. Nakita ko si Doc Vincent,Kaya naman ibinababa ko ang salamin ng bintana ng aking kotse. "Oh,, Phoebe.Okey ka lang ba?Nakita ko ang nangyari kanina sa labas ng clinic kaya naman nang makita kitang tumakbo dalian kitang sinundan dito. Pwede ba akong pumasok." Wika nito may tiwala ako kay Doc Vincent kaya pinapasok ko naman ito kaagad. "Ahh,, Gusto mo kain na muna tayo? libre ko." Nakangiting wika nito sa akin hindi ako umimik bagkus lumabas ako ng kotse ko at umikot papunta sa pwesto ni Doc Vincent. "Doc, ikaw na ang mag-drive.Baka kung ako ang mag maneho mabangga pa tayo e."Wika ko kay Doc Vincent ,medyo nagulo na naman ang aking isipan kaya pinili ko na lamang na siya ang mag-maneho. "Saan mo gustong kumain Phoebe?" Tanong nito sa akin,tumingin ako dito saglit, bago ko ibinalik ang paningin sa harap ng kotse.Nakita ko pang papalabas na si Kenjie at Lara, Inaalalayan pa ni Kenjie si Lara at ang bruha F na F naman ang pagyakap ng isang braso kay Kenjie.Naikuyom ko ang aking dalawang palad. "Kahit saan Doc. Pwede bang umalis na tayo ngayon." Wika ko kay Doc at mukhang nahulaan naman agad nito ang ibig kung ipahiwatig,kaya naman dalian na ito sa pagbuhay ng makina.at tuluyan na kaming umalis. "Phoebe,alam mo ba masarap ang pagkain nila dito,naku pag natikman mo ang mga specialty nila dito panigurado na babalik-balikan mo ang restaurant na ito." Masayang sambit ni Doc Vincent.Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar medyo romantic ang paligid at halos lahat ng nakikita ko ay nagsusubuan ng pagkain sa kanilang mga partner.May isang pamilyar na tao akong nakita at hindi ako maaring magkamali ang babaeng ito ay ang babae kanina sa opisina ni boss Oliver.Ano naman kaya ang ginagawa nito dito,marahil may iniintay itong kaibigan o ka-meeting. " Phoebe, doon daw tayo pwedeng umupo.Tara, gutom na gutom na talaga ako e." Wika ni Doc na nakahawak pa sa kanyang tiyan, Malapit na kami sa table na sinabi nito at malapit lang din iyon sa table ng babae kanina lamang ay humalik kay Oliver.Kakaupo pa lamang namin ng biglang dumating si Oliver nakasalubong pa ang aming paningin.At halata sa mata nito ang pagka gulat at bahagya ding nagdilim ang mukha nito.Napatingin din ito kay Doc Vincent na noon ay busy na sa pagpili ng pwede naming kainin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD