Kabanata 33

1501 Words
Oliver POV Dinala ko si Phoebe sa isang bahay bakasyunan ng pamilya namin ng makita ako ito sa restaurant na 'yun na may kasamang ibang lalaki nag init agad ang aking ulo. Ang akala ko ay mawawalan na ako ng karibal kay Phoebe pero nang makita ko kung paano tingnan ng lalaking 'yun si Phoebe,alam ko na agad na may gusto ito kay Phoebe. Kaya naman nang muli kung sulyapan si Phoebe nakita kung ngumingiti ito sa lalaking 'yun.Para akong sinampal ng katotohanan na kung ipagpapatuloy ko pa rin ang pagiging torpe ko baka tuluyan ng mapunta sa ibang lalaki si Phoebe at hindi ko matatanggap 'yun. Kaya naman mabilis ko pinauwi si Janelle,Hindi naman na ito nagtanong pa sa akin kung bakit ko siya pilit pinauwi. "Maraming salamat po Manang Oring, Napakasarap po ng inyong luto." Wika ni Phoebe kay manang na nakangiti rin kay Phoebe, halatang nagutom nga ito dahil halos nakadami ito ng kain. "Maraming salamat Iha,at nagustuhan mo ang niluto ko."Tugon naman ni manang Oring kay Phoebe,Bigla naman tumayo si Phoebe na pinagtaka ko. " Excuse me Oliver, Punta lang sana ako sa balcony." Wika nito sa akin, Tumango lamang ako dito, at umalis rin ito agad. "Iho, Sino ba ang babae na 'yun? Mukhang ngayon ka lamang ulit, nagdala ng babae dito sa inyong bakasyunan.Ang huling tanda ko na dinala mo dito e, 'yung babaeng mukha koreana. Ano nga ba ang pangalan ng babaeng 'yun?" Tanong sa akin ni manang Oring. Ang tinutukoy nito babae na dinala ko dito noon ay si Janella.Sumama ito ng mag baskasyon ang pamilya namin dito. " Si Janella po ang tinutukoy niyo manang Oring.Ahh, Manang, pagkatapos niyo po magligpit dito kahit po umuwi na lamang kayo muna. Bukas na lamang po ng umaga kayo bumalik" Wika ko kay manang na bigla na lamang ngumiti sa akin ng nakakaloko. " Sige, Iho, a-agahan ko na lamang bukas ng Umaga,Ayan! tamang tama dumating na ang aking sundo.Paano Oliver, Ikaw na ang bahala sa bisita mo huh?" Nakangiting wika ni Manang sa akin. Pag alis ni manang sinundan ko naman sa balcony si Phoebe. Nakita ko itong nakatayo at malayo ang tinatanaw, mukhang malalim ang iniisip nito. Lumapit ako dito at nang malapit na ako dito pumikit ako at dinama ko ang sariwang hangin. "Napakasarap talaga dito sa probinsya, Sariwang sariwa ang hangin." Wika ko ng mag mulat na ako ng mata.Tumingin ako kay Phoebe na seryoso pa rin.Bigla itong huminga ng malalim na pinagtaka ko naman. Mukhang may dinadala na naman itong problema.Kaya naisipan kung tanungin ito. "May Problema ba Phoebe?" Tanong ko dito. " Bakit sinapak mo na lamang bigla si Vincent? Oliver.?" Biglang tanong sa akin ni Phoebe, masyado naman ata itong concern sa lalaking 'yun.Kaya naman hindi ko maiwasan na makaramdam ng Inis. Kung bakit kailangan pa nitong itanong 'yun hindi pa ba obvious dito na nagseselos ako. "Oliver,Tinatanong kita, Hindi mo ba alam na napapagod na ako sa kakaisip kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito! Pati si Vincent bigla mo na lamang sinuntok? Tapos ngayon dinala mo ako sa malayong lugar na ito! Ano ba talaga ang plano mo sa akin? Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Sumagot ka Oliver," Halata sa mukha ni Phoebe na naiinis na ito sa akin. At naiinis din ako dahil concern na concern ito sa lalaking 'yun.Nang dahil sa lalaking 'yun nagkakaganito na siya sa akin. "Hindi ka ba talaga iimik huh! Oliver! Tinakasan ka na ba ng dila mo para hindi ka makapagsalita, O baka naman nabingi ka na?Oli-" "Dahil nagseselos ako Phoebe! Matagal ko nang gustong sabihin sayo na matagal na kitang mahal! At hindi lang kita mahal kundi Mahal na Mahal kita. Ang akala mo ba naging madali sa akin ang lahat huh?!.Ang tagal kung nag antay Phoebe,Simula high school ka pa lamang palagi na akong nakatanaw sayo sa malayo, At nang handa na akong magtapat sayo, saka naman ako inunahan ng kapatid kung si Kenjie. Wala na akong nagawa lalo na nang maikasal ka kay Kenjie, Guhong-guho ang mundo ko nang malaman ko 'yun. Pero hindi ako sumuko Phoebe, ginawa ko pa rin ang lahat para mapalapit sayo.Nang mag ka-problema ang kompanya nila Kenjie Lumapit sa akin si Mom, para tulungan ang walang silbi kung kapatid na si Kenjie, Kapalit ng pagtulong ko sa mga ito ay ang pagtatrabaho mo sa kompanya ko.Sa ganoong paraan palagi kitang makikita at mababantayan. Ang makita kita araw-araw ay Okey na sa akin. Hanggang sa malaman ko na hindi pa rin tumitigil sa pambabae niya si Kenjie at alam kung labis kang nasaktan ng malaman mo ang tungkol sa pang babae nito. Daig ko pa ang dinudurog unti-unti ng makita kang umiiyak,at nasasaktan at lalo na nang saktan ka ni Kenjie. Gusto kung magwala,gusto kung murahin ang aking sarili. Dahil kung hindi lamang sana ako naging duwag noong high school pa lamang tayo,sana kahit paano nagkaroon ako kahit katiting na pag-asa sayo.pero ano pa ba ang magagawa ko Phoebe huli na ang lahat at hindi ko na kayang baguhin ang nakaraan. Kaya hanggang kaya kung protektahan ka ay gagawin ko." Hindi ko mapigilan ang mapaluha, sa buong buhay ko ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob para ipagtapat ang tunay kung nararamdaman kay Phoebe at nakahinga ako ng maluwag dahil nasabi ko at na amin ko na dito ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.Nakita kung nag punas din ito ng luha sa kanyang pisngi. "May isang lalaki na palagi ako binibigyan ng pulang bulaklak, Isang araw nahuli ko ang lalaking 'yun na naglalagay na naman ng bulaklak sa locker ko. At hindi ko inaasahan na ang lalaking, Una ko pa lamang nakita na naglalakad sa isang malaking stage ay ang lalaking palaging nagbibigay sa akin ng bulaklak. Napakasaya ko nang malaman na ang lalaking gustong gusto ko ay siya palang secret admirer ko. Hinihintay ko na sana'y magtapat na ang lalaking 'yun.Pero wala ata itong balak magtapat hanggang sa napagod na ako mag intay dito.Ang buong akala ko ay pinag-ti-tripan lamang ako nito.Hanggang isang araw may isang lalaki ang nagtapat sa akin ng kanyang pag ibig, tinanggap ko ang lalaking 'yun. Ngunit kahit naging asawa ko na ito,hindi pa rin mawala sa isipan ko ang lalaking una kung minahal. Inasam ko na sana ay makita ko itong muli ngunit nabigo ako makita ito. Hanggang sa isang araw natuklasan ko na kahit kailan pala ay hindi nawala ang lalaking 'yun sa tabi ko at palagi pa rin itong nasa tabi ko, gaya ng dati hindi ako nito pinabayaan, Ang akala ko nagbago na ito sa pagiging torpe niya ngunit nagkamali ako dahil gaya ng dati takot pa rin ito magtapat sa akin.KAYA NAGPAPASALAMAT AKO OLIVER DAHIL NAGLAKAS LOOB KA NA PARA AMININ SA AKIN NA MAHAL MO AKO! kung alam mo lang ang tagal ko na rin gustong sabihin sayo na MAHAL NA MAHAL DIN KITA." Gulat na gulat man ako sa pinag tapat sa akin ni phoebe,Hindi na ako nag dalawang isip pang lapitan ito at yakapin ng mahigpit, Naramdaman kung yumakap din ito sa akin. Tumutulo ang luha ko sa sobrang sayang aking nararamdaman sa wakas nasabi ko na kay Phoebe ang tunay ko nararamdaman at ngayon na alam ko na mahal na rin pala ako nito.Kung sana pala noon pa ako nag tapat dito sana ay noon pa kami naging masayang dalawa. Bahagya kung iniangat ang katawan ni Phoebe nag tagpo ang aming mga mata na panay pa rin ang pag agos ng mga luha. "Mahal na Mahal kita Phoebe, At wala na akong ibang babae minahal sa buong buhay ko kundi ikaw lamang.At kahit anong mangyari Ikaw at ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko. Hindi na ako matatakot mag tapat sayo ng tunay ko nararamdaman.Hindi na ako magiging torpe Phoebe.I love you baby," Wika ko kay Phoebe na dahan-dahan tinatanggal ang kanyang braso na bahagyapa rin nakayakap sa akin.Nagtaka naman ako sa ginawa nitong 'yun. "What's Wrong Baby?" Tanong ko kay Phoebe na nag iwas pa ng tingin. "Sabi mo wala kang ibang babae minahal?E sino 'yun babae bigla ka na lamang hinalikan at niyakap, Dinaig pa ng babaeng 'yun ang pagiging Linta." Napatawa naman ako sa sinabing 'yun ni Phoebe. Halata kasi dito na nag se-selos ito kay Janella.Hinila ko itong muli palapit sa akin. at iniyakap ko muli ang braso nito sa aking bewang. "Hey, nagseselos ka ba kay Janilla?" Tanong ko kay Phoebe na bigla naman umirap sa akin na kinatawa ko naman mukhang nagselos din ito kaya ito umalis na lamang bigla sa opisina. "Hindi ako nagseselos nagtatanong lamang ako.Kung sino ang babae na 'yun." Mukhang mahaba-habang paliwanagan ang mangyayari kaya naman binuhat ko na lamang si Phoebe na bigla pang napasigaw sa gulat. "Ano ba! Oliver, ibaba mo nga ako!" Utos nito sa akin at para hindi na ito magsalita pa pinatahimik ko na ito gamit ang aking labi na ngayon ay nakalapat na rin sa labi niya.Hindi naman na ito tumanggi pa sa ginawa ko.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD