Kabanata 23

1538 Words
Phoebe POV Ngayon ko lamang nakita ang ganitong klase na mata ni Kenjie,Punong puno ito ng galit at pagkamuhi.Nakaramdam na ako ng takot lalo pa't mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa braso ko kaya naman napangiwi na ako sa sobrang sakit. "K-kenjie!,,Ano ba nasasaktan na ako!Bitiwan moko!" Halos pasigaw ko nang pakiusap dito,Ngunit mukhang bingi ito sa pakiusap ko.Pilit kung tinatanggal ang kamay nitong nakahawak sa aking braso. "Niloko mo ako Phoebe!! Niloko mo ako!! Taksil ka babae ka!" Sigaw ni Kenjie na nagpagimbal sa buong pagkatao ko.Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lamang ako nitong hinawakan sa panga.Hindi lamang 'yun ang ginawa nito sinampal din ako nito ng paulit ulit.Tumutulo na ang dugo sa aking bibig sa lakas ng pagkakasampal nito sa akin. "Kenjie,Pakiusap tama na,,Makinig ka muna sa akin Please!!" Pagmamakaawa ko pa kay Kenjie,Hindi ako nito pinakinggan,bagkus sinipa ako nito sa tiyan.namilipit ako sa sobrang sakit,sa sobrang sakit pati ang parteng puson ko ay sumakit na rin.Napabaluktot ako sa nararamdaman kung sakit. "Kulang pa 'yan Phoebe,Madumi kang babae.Ang buong akala ko matino kang babae,na guilty pa ako sa mga panlolokong ginawa ko sayo 'yun pala pareho lamang tayong naglolokohan." Galit na wika ni Kenjie sa akin,Bumuhos ang luha ko bukod sa sakit na aking nararamdaman sa bandang puson,hindi ko rin matanggap ang mga sinasabi nito sa akin. "Hindi totoo ang mga binibintang mo sa akin Kenjie! Kahit na kailan hindi ko kayang lokohin ka at saktan." Mahinang sagot ko kay Kenjie,habang hawak ko ang aking puson.Nilapitan ako nito at sinambunutan iniangat nito ang aking ulo sa pamamagitan ng pagsambunot nito sa aking buhok. "Kung hindi mo ako niloko sino ang lalaking kasama mo sa picture at video na 'yun? Sino?! Sumagot ka PHOEBE!!" Muling sigaw ni Kenjie.Hindi ko lubos maisip na hahantong kaming mag asawa sa ganitong sitwasyon.Nang dahil sa isang video at litrato nagawa akong bulbugin ni Kenjie ng ganito. "Hindi ko alam, Hindi ko kilala ang lalaking 'yun Kenjie,patawad hindi ko rin alam kung paano ako nakarating sa motel na 'yun kasama ang lalaking 'yun." Pagkasabi ko noon binitiwan na ako ni Kenjie.Tumalikod ito at pinagdadampot nito ang mga mamahaling Vase saka pinaghahampas.Hindi ito tumigil hanggang hindi nababasag ang mga babasagin naming kagamitan.Halos mabingi na ako sa ingay na nilikha ng pagbabasag nito.Ang buong akala ko'y tapos na ito nagulat na lamang ako ng muli ako nitong tingnan,Sinugod ako nitong muli saka binigyan ng isang suntok sa mukha at pinagsisipa din ako nitong muli sa parteng tiyan ko.Sigaw lamang ang tanging nagawa ko.Masyadong malakas si Kenjie isama pang lasing na lasing ito at mukhang wala na ito sa sarili. "Maawa ka sa akin Kenjie! Tama na! Tama na!!,,,Parang awa muna Tama na!!" Muling pagmamakaawa ko dito.Napasigaw naman ako sa sobrang tindi ng sakit sa bandang puson ko pakiramdam ko may lumabas na kung ano sa p********e ko.Saktong tumigil naman na si Kenjie sa pagsipa sa akin. "Maghiwalay na tayo Phoebe!!,Ayaw ko nang makikita ang pagmumukha mo!! Total magkakaanak na rin kami ni Lara,Bukas na bukas ipapadala ko sa abogado ko ang annulment paper.Magsama na kayo ng lalaki mo!! pero bago 'yun bibigyan ko nang leksyon ang lalaking kasama mo sa motel na 'yun.Pareho kayong magdudusa.pweeee!!!!" Hindi ko na inintindi pa ang mga sinabi ni Kenjie.,Ang pakiramdam ko katapusan ko na ngayon..Pagkatapos ako nitong duraan sa mukha,nakita ko lumabas na ito nang aming bahay.Gumapang ako papunta sa Telepono para humingi ng tulong. --- Oliver POV Hindi ako mapakali kaya naman bagkus na umuwi na ako ng bahay nagdesisyon ako puntahan na lamang si Phoebe at tiyakin kung nakauwi ba ito ng maayos.Malapit na ako sa bahay ni Phoebe at Kenjie nang makita kung lumabas si Kenjie gulo gulo ang buhok nito at napansin ko rin ang kamay nito na duguan.Bigla akong kinabahan para sa kaligtasan ni Phoebe,Mabilis itong sumakay sa kanyang kotse kaya naman hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.Dalian ako sa pagparada ng aking sasakyan sa labas ng bahay nila Phoebe.At pagkababang pagkababa ko tumakbo na ako sa loob ng bahay,pagpasok ko pa lamang nakita ko na ang nagkalat na mga basag na vase.Hinanap ko si Phoebe may mga bahid din ng dugo sa sahig. "Tulong!! Tulungan niyo ako,,,Parang awa niyo na Tulong!!!" Bigla naman akong nakarinig ng boses na humihingi ng tulong,Alam kung si Phoebe 'yun.Kaya dalian ko itong pinuntahan.At laking gulat ko nang makita ito halos hindi ko ito makilala sa daming dugo nito sa mukha at gulo gulo rin ang buhok nito.Napansin ko rin ang maraming dugo nito sa pagitan ng kanyang hita.Halos hinang hina na ito. "P-Phoebe?" Naiiyak kung tawag kay Phoebe napaangat ito ng tingin sa akin,at sabay hagulhol nito ng iyak.Awang awa ako sa sinapit nito sana hindi ko ito hinayaan na umuwi ng mag isa.gayong alam kung malalaman agad Kenjie ang tungkol sa litrato at Video na 'yun. "O-Oliver,,Tulungan mo ako," Mahinang pakiusap ni Phoebe,Nilapitan ko naman ito kagaad at dalian ko itong binuhat palabas ng bahay.Mukhang masama ang lagay nito,Hinding hindi ko palalampasin ang ginawang ito ni Kenjie.Para itong isang hayop sa ginawa nito sa mismo niyang Asawa.Nababaliw na ata ang isang 'yun. "Phoebe,Wag kang bibitaw malapit na tayo sa ospital.Please Phoebe,hawakan mo lang ang kamay ko please Hold on Sweetie." Pakiusap ko pa kay Phoebe na halos hirap na hirap na sa pagsasalita pati ang mata nito ay hindi nito magawang maimulat na dahil sa pinsalang ginawa ni Kenjie. "Please,,,,Save me Oliver, p-please,,,,," Pagkasabi noon ni Phoebe tuluyan na itong nawalan ng malay.Nahampas ko naman ang manibela,Sobrang kaba at pag aalala ang aking naramdaman.Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kaba at takot.Ayaw kung mawala sa akin si Phoebe.Binilisan ko pa ang pagmamaneho,Sa ilang sandali lamang narating namin ang ospital. "Nasaan ang Doctor!! Hey,,! mga bingi ba kayo huh! Gusto niyo bang ngayon din ay ipasara ko ang ospital na ito!" Galit kung sigaw sa mga naka duty na nurse na nakatingin lamang sa akin habang karga si Phoebe na duguan.Bigla naman nagdalian ang mga ito sa pagkilos,May dumating din na isang doctor na babae at agad na tiningnan ang lagay ni Phoebe. "Ihanda ang operating room ngayon din Bilis!!" Utos nito sa mga nurse at nagmadali naman kumilos ang mga nurse,Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan sa operating room dalhin si Phoebe,Kaya naman lumapit na ako sa doctor na tumitingin pa rin kay Phoebe. "Anong nangyayari Doc,Bakit kailangan niya dalhin sa operating room?" Tanong ko agad sa Doctor ngunit tiningnan lamang ako nito.Saka tumingin sa isa pang Doctor na dumating. "Mukhang huli na Doctor,Pinahanda ko na ang operating room." Bagkus ay sagot ng Doctora kanina lamang ay tinatanong ko sa kalagayan ni Phoebe,Agad naman dinala ng mga ito si Phoebe sa operating room. "Kayo ba ang kasama ng Pasyente Sir,Kailangan niyo humanap ng dugo na pwede namin isalin sa pasyente masyado madaming dugo na ang nawala dito.May ibinigay ito na papel at doon nakasulat ang type nang dugo na kailangan ni Phoebe sakto naman na katulad ng type ng dugo nito si Mom ang step-mother ko.Kaya naman agad kung tinawagan si Mom at mabilis itong pumayag para makapagbigay ng dugo para kay Phoebe... Pagkaraan ng ilang Oras hindi pa rin lumalabas ang dalawang Doctor na tumingin kay Phoebe,Samantalang kasama ko si Mom at Dad dito sa labas ng operating room.Tapos na rin kuhaan ng dugo ang step-mom ko.May lumapit muli sa akin na nurse at sinabi nitong kulang pa ang dugo kailangan ni Phoebe isang bag lang kasi ng dugo ang nakuha nila kay Mom.Bigla kung naisip tawagan ang magulang ni Phoebe.Alam kong imposible makarating kagaad ang mga ito pero gagawin ko ang lahat ng imposible para sa babaeng mahal ko. "Nurse,pwede bang tingnan niyo rin ang dugo ko kung pasok sa type ng dugo ng pasyente." Tanong ko agad sa nurse . "Ano po bang type ng dugo niyo Sir?" Sagot naman nito sa akin. "O positive ang type ng dugo ko,Sa tingin ko naman pasok ang dugo ko sa type ng dugo ni Phoebe.Tama ba ako Nurse?" Tanong ko muli sa nurse,Napatangu tango naman ito sa akin. "Yes! Sir,Pwede po dahil A positive po ang recipient at ang Mommy niyo naman po ay A positive din.At tama po kayo pwede rin po kayong magdonate ng dugo para sa pasyente." Nakahinga ako ng maluwag ng malaman na pwede ang dugo ko.kaya naman agad akong nagpakuha ng dugo, dalawang bag agad ang dinonate ko para kay Phoebe.Nagdadasal ako na sana makaligtas ito,kahit na hanggang ngayon hindi ko malaman kung ano na ang sitwasyon nito ngayon... "Nurse,Please sabihin mo sa Doctor na tumitingin kay Phoebe gawin niya ang lahat para mailigtas si Phoebe.Handa ako magbayad kahit magkano pa 'yan mailigtas lamang siya." Nakita kung lumungkot ang mukha ng nurse na napatingin naman sa akin. "Sir,Huli na po kasi ang lahat e,Nalaglag na po ang batang dinadala ni Mrs,wala na po itong buhay,At maraming dugo ang nawala kay Mom.Pero huwag po kayong mag alala magagaling na Doctor po ang tumitingin kay Mrs.Ang tanging magagawa niyo po ngayon Sir ay ang magdasal para sa Asawa niyo." Nagulat ako sa sinabi ng nurse,kung gano'n buntis si Phoebe at marahil hindi nito alam na buntis siya.At hindi rin alam marahil ni Kenjie na nagdadalang tao si Phoebe... Kawawang baby hindi na napagbigyan pang mabuhay sa mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD