Chapter 2

1447 Words
MY HUSBAND IS in front of me. Kung paano niya nalaman na uuwi ako ngayon at kung bakit siya nandito ay hindi ko alam.  “Why are you here?” iritadong tanong ko sa kanya. Si Manong Greg dapat ang susundo sa akin. Siguro nag-overthink lang ako kaya naisip kong nandito siya para sunduin ako. Pero napanganga ako sa sunod na tinuran niya. “I’m here to pick you up. Isn’t that what husbands do?”Nakakaloko ang ngisi niya. “Husband my ass!” I smirked. “I would rather take a taxi than be in the same car as you,” nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.  Nakakailang hakbang pa lang ako nang habulin niya ako at akbayan kaya napatigil ako. “Akala ko ba sabi ni Lolo, polite ka?” nakangising tanong nito. “I’m polite to good people,” nakataas ang kilay na sabi ko. “And I’m not?” maang na tanong nito sa akin. Why does he looked so surprised to hear that? “You tell me.” “I’m asking you a question,” giit niya. “You’re just trying to irritate me. Leave me be. Nasa’n ba si Manong Greg? Bakit ikaw ang nandito?” naiinis na tanong ko sa kanya. Ang ulo ko ay pumipitik-pitik sa sakit at dagdag pa ang isang ito.  “Masakit ang tuhod n’ya at inaatake ng rayuma kaya ang sabi ni Lolo sa assistant n’ya ay sunduin kita. Hindi mo man lang sinabi na uuwi ka.” May himig pa ng pagtatampo ang boses nito.  Pinagsasabi nito? Bakit ko naman ipapaalam sa kanya na uuwi ako? Pinky, baka dahil asawa mo siya? Napangiwi ako sa sinabi ng isip ko. Sa papel lang naman iyon.  “I could have taken a taxi, hindi mo naman ako kailangang sunduin,” asik ko sa kanya. “How can I say no to Lolo? Gusto mo bang lumubha pa ang sakit n’ya kapag nagdamdam sya?” May point siya. Damn it! “Fine, let’s go to the hospital then,” sabi ko sa kanya.  “Kumain ka na ba?”  “Don’t sound so concern, I’m fine.” Ano bang problema nito at masyadong caring. First, sinundo niya ako sa airport. Ngayon ay tinatanong naman ako kung kumain na. Daig ko pa ang nasa twilight zone. “Mag-aalas onse na ng umaga. You look tired and hungry. Ang payat mo na,” komento niya. “So?” “Well, I am hungry at kape lang ang nainom ko kaninang umaga. Let’s have lunch first,” may pinal na saad niya. Kanina tinawag niya akong wife. Sinundo ako sa airport. Inakbayan ako. Ngayon naman lunch? My gosh, Pinky. Stop overthinking. He’s just being… kind. Yes, that’s it. “Fine,” suko na talaga ako. I don’t have the energy right now to argue further. Nakita ko siyang ngumiti. What’s with the smile now?  Naglakad kami papunta sa kotse niya, the latest BMW X6, naka-hazard lang ito at may driver. Pinagbuksan niya ako ng pinto at buong akala ko ay sa unahan siya uupo katabi ng driver pero dito siya pumuwesto sa tabi ko. Sabagay, kotse naman niya ito. Isinandal ko ang aking likod dahil hapong-hapo ako. Pakiramdam ko ay bente-kuwatro oras ang kailangan kong tulog - no, make it forty-eight hours. I am so tired. Mabuti na lang at kaunti lang ang ininom ko sa party noong nagdaang gabi. Nakaidlip ako sa biyahe at nagising akong nakahilig sa isang mainit na katawan. Tumingala ako at nakita ko ang mukha ni Bruce, nakangiti na naman. Napatuwid ako ng upo. Napatawa ito. That boyish grin was the reason I chased him back then. “Are we here?” tanong ko sa kanya. “Yes, nagpaluto ako kay Manang ng early lunch. Alam kong gutom ka pag-uwi mo.” Lumabas ako ng sasakyan at sumunod siya. Ang laki ng bahay na ito. It’s a two storey and designed as a modern contemporary mansion. May fountain pa ito sa unahan.  “Where are we?”  Bukas ang double doors at tumigil ako sa tapat ng hamba. I don’t even know whose home is this.  He faced me. “Our home. Welcome back, wife.” He leaned over and kissed my lips. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ko agad siya naitulak palayo. Dagdagan na natin, napapikit pa ako - my gosh, nakakahiya. Pangalawang halik na niya sa akin ito. Una noong kasal namin - kahit pa sa cheeks lang iyon.  Genius ako, pero parang ang slow mag-process ng utak ko ngayon. Baka puyat lang talaga ako. Pinutol niya ang halik at para akong nahimasmasan noong narinig ko ang mahinang tawa niya.  Kinuha niya ang kamay ko at inakay papuntang dining area. Wala pa akong bente-kuwatro oras sa Pilipinas and he has already turned my world upside down. I’ll be damned! *****   TUMAWAG KANINA ANG personal assistant ni Lolo at nakiusap na sunduin ko si Pinky dahil nirarayuma si Manong Greg. Pumayag na ako na sunduin siya kahit punong-puno ang schedule ko sa araw ng dating niya. Ayaw ko nang madagdagan pa ang disappointment nina Lolo sa akin. Ni hindi ko alam na uuwi siya ngayon. Ano ba naman iyong sabihin niya sa akin na dadating siya ng ganitong oras at petsa? Oo nga naman, asawa niya lang ako.  At least, she finally came home. It’s been what? Nine, ten years? She’s twenty-eight now. Ako naman ay malapit nang mawala sa kalendaryo. I just turned thirty-one last month. We lived separately since we’ve said our vows. We were so young back then and she was barely eighteen.    FLASHBACK Kumatok sa pintuan ko si Lolo. Wala rito ang parents ko at bukas pa ang uwi nila from Norway. May business doon si Dad at kasama niya si Mommy. Binuksan ko ang pinto, “Lo, may kailangan ka?” “Can you meet me in the study about an hour from now?” “Why? May problema?” kunot-noong tanong ko sa kanya. “We need to talk.” He looked so serious. Parang kinabahan ako. I just graduated last month at kasalukuyang nag-tetraining sa company namin. Dad is retiring in three years at gusto niya akong masanay sa pamamalakad nito. Bilang nag-iisang anak, ako ang papalit sa kanya. I haven’t heard anything problematic so far kaya hindi ko alam kung bakit pinapatawag ako ni Lolo.  An hour later, I met him in the study. Bakas na bakas pa rin ang pagiging aristocrat niya kahit maedad na at the age of seventy-five. “It’s good you’re here,” panimula niya. “I’m glad to be here, what do we need to talk about?”ngumiti ako sa kanya to lighten the atmosphere kahit ang totoo ay pinagpapawisan na ako sa ginagawi niya. Huminga muna ito nang malalim saka nagsalita. Hinintay ko ang sasabihin niya. “Do you remember Claire?” napakunot noo ako. Isa lang naman ang kilala kong Claire. “You mean Pinky?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Yes.” “What about her?”  I don’t mean to be rude, pero wala akong ganang pag-usapan ang babaeng iyon. From elementary to high school at maging sa huling taon ko sa kolehiyo ay wala na siyang ginawa kung hindi ang sundan ako nang sundan at kunsumihin. “Do you like her?” seryoso nitong tanong. Napatawa ako pero muling sumeryoso nang makita kong nag-iba ang anyo ni Lolo. Nakakatakot itong magalit at ayaw kong makita ang bad side niyang iyon.  I composed myself. “What's to like?” “What do you mean? Care to elaborate?” curious nitong tanong. “She’s… awkward. She’s almost as tall as me, payat, her eyebrows are too thick. I mean, haven’t she heard about waxing or threading? Heck, even a razor would do. Don’t even get me started with her hair, p’wede kong ipangwaliswis ng agiw dito sa bahay kung meron man. She always wears pink except when she’s wearing our school uniform. At meron s’yang braces sa ngipin n’ya na kulay pink pa rin ang elastics,” I chuckled. “Any positive qualities?” “She’s very smart. I mean book and street smart. She tops her class every year and even every quarter. She plays the piano well.” “Anything else you want to add?” Lolo looked amused. Hindi ko pa rin alam kung saan patungo ang usapan na ito. “Well, I find her very, very annoying. She follows me everywhere. Noong kolehiyo lang ako nakalayo sa kanya dahil pareho kami ng eskuwelahan mula noong mga bata pa kami. But then, it’s also short-lived dahil sa huling taon ko ay nag-enroll din siya sa parehas na unibersidad.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD