Chapter 1

1381 Words
LOS ANGELES PAGOD. I'M SUPER tired but I had lots of fun! Kauuwi ko lang galing sa fashion show. It was held at Pollock Studios here in LA. Hindi ako rumampa ngayong gabi, inimbita lang ako ng mga malalapit kong kaibigan dahil puro na lang daw lagi trabaho ang inaatupag ko. Pumasok ako sa bahay ko, technically bahay pa rin pala ni Lolo Ambo. Ambrosio Dela Torre is my grandfather on my mother's side of the family. I live in Beverly Hills. This house is huge. It’s a Spanish Colonial Revival design which boasts at least a dozen rooms, and a big pool to boot. Talagang marangya pero anim lang kami rito. Si Kuya Ernie na tumatayong personal driver ko, si Kuya Dan at Kuya Randy ang dalawang guwardiya sa bahay and also alternate bodyguards ko. Ewan ko ba kay Lolo, puwede namang wala. Hindi naman siguro ako maki-kidnap. At syempre hindi ko makakalimutan ang tatlong chuwariwap girls - sina Sandy na cook namin, si Tacia na nakatoka sa paglilinis at si Ate Upeng na mayordoma namin. Naalala ko noong una akong dumating dito sa Los Angeles. I was only eighteen. I begged Lolo Ambo to send me away after the wedding. Kahit saan, basta malayong-malayo. Malayo sa napangasawa ko. Ang gusto ko, iyong hinding-hindi ko na makikita ang nag-iisang lalaking minahal ko at hanggang ngayon ay kinamumuhian ko. Okay, that was a strong word so let’s just say that I was so disappointed in him that I don’t want him to be a part of my life. And yet, asawa ko pa rin siya hanggang ngayon. Binuksan ko ang lampshade sa salas at nagkaroon ng liwanag ang buong bahay. Nadaanan ko ang ilang litrato sa console table at isa-isa kong tiningnan. There’s a picture of mewith my parents. I was too young to remember but my grandfather told me me things as I get older. Maagang nawala ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. I was only five years old. Hindi nila ako nakasama sa dinner na iyon dahil nilalagnat ako. Nawalan ng preno ang sasakyan ng mga magulang ko at namatay sila instantly nang bumangga ang kotse nila sa barandilya ng tulay. To make matters worse, nahulog ang kotse sa bangin. Ito naman ang favorite picture namin ni Lolo. I was about four years old here, nilagyan ko ng bulaklak si Lolo at siningit sa gilid ng tenga niya. Ang dami naming itinawa noong araw na iyon. Lumaki ako kay Lolo Ambo sa Pilipinas - nag-iisa niyang anak ang Mama ko. Pero may ilan akong mga pinsan at mahal na mahal nila ako. Pinaka-close ko si Ate Gabe. She’s seven years older than me. She’s a princess but her mother turned down the crown and was exiled. Kailan lang namin nalaman ang tungkol dito. I didn’t expect Auntie Isay is supposed to be the true Queen of Spain. But that’s a story for another day. Anyway, Ate Gabe is married now and she’s busy raising her two adorable kids. Siya kasi ang may pinakamalapit na edad sa akin kaya kami lagi ang magkalaro. Here’s a family picture in Italy. It was taken during my fifth birthday. Buhay pa ang mga magulang ko nito at kasama rin namin si Lolo Ambo sa trip na ito. Kung nagtataka kayo kung bakit Mason ang last name ko, my father is an Italian. I visit Italy sometimes para makita ang relatives ko sa father’s side. They are all nice to me. Well, except for Paula. Dalawa lang kaming magpinsan. Half Filipino rin siya katulad ko dahil Pinay rin ang kanyang ina. Pero unang apo ako, kaya lahat ng attention ay nasa akin. Maybe that’s where her jealousy is coming from. I don’t hate her and I’ve always been nice to her. Isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya. Pero talagang hindi niya siguro ako gusto. Then there’s a few pictures of myself. Ang graduation picture ko noong huling taon ko sa elementarya, I look like such a nerd. Parang walis ang buhok ko, makapal ang kilay at may braces sa ngipin. Para nga akong si Hermione in that Potter movie, ang role na ginanapan ni Emma. I looked the same in high school at heto naman ang litrato noong nagtapos ako ng Psychology dito sa UCLA with honours. Hindi kaila na likas akong matalino. Sabi ni Lolo ay ganito rin ang memorya ng aking ina. Kaya naging madali sa akin ang pag-aaral. Wala akong araw na boring dahil basta may hawakakong libro, okay na ako. Kaya siguro hindi ako nag-abala sa hitsura ko. I don’t care what they would say. As long as I pass my subject in school, I really don’t pay attention to my looks. But then came that horrible day, so, you could say I did a complete turn around after that. Hindi na ako mukhang nerd. Nakita mo na ba si Emma Watson ngayong dalaga na siya? Talagang kamukha ko na. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may tumawag sa cellphone ko. Alas dos y’ media ng madaling araw dito at alas singko ng hapon sa Pilipinas. “Hello?” “Ms. Pinky, sorry to wake you up. Nasa ospital po ang lolo n’yo,” sabi ng personal assistant niya. Parang dinaganan ng sangkaterbang galon ng tubig ang dibdib ko at hindi ako makahinga. He’s the only one I have left and although he is getting old, kung puwede ko lang pigilan ang oras ay gagawin ko para hindi siya tumanda at iwan ako. “Okay, I’ll book the earliest flight and go home right away. Please take care of Lolo. I will be home soon.” It’s been ten years. Si Lolo lagi ang bumibisita sa akin dito sa LA. Hindi talaga ako umuuwi. Naaawa na nga ako sa kanya dahil matanda na siya para magbiyahe pero sabi niya mahal niya ako. At kung ang nakakapagpasaya raw sa akin ay ang hindi pagtapak sa Pilipinas, then hindi niya ako pipilitin umuwi at siya ang pupunta sa akin dito. I booked the earliest flight I can find at dali-dali akong nag-empake ng ilang gamit. Sa Pilipinas na lang ako bibili ng mga kulang. Besides, hindi naman siguro ako magtatagal doon. ***** MANILA AIRPORT KAHIT MAHABA ANG biyahe at pagod ako sa party kagabi ay tumuloy ako sa flight pauwi. Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao at hindi na bago sa akin ito. Nagkalat ba naman ang mukha ko sa mga billboard dahil sa mga ina-advertise kong mga produkto from clothes to food. Kung hindi mo makita ang billboard, marami rin sa internet at mga magazines. I have a clinic in LA but I do modelling on the side. Nakuha ko ang height ng akin ama at five foot ten. Naka-messy bun lang ang buhok ko. Honestly, nag-shower ako nang mabilis after kong mag-book ng flight at mag-empake ng ilang gamit. Hindi ko na natuyo ang buhok ko. Kaya heto, sabog-sabog at ang pinakamaayos ko nang magagawa na mukha akong presentable ay mag-messy bun. I'm wearing a white long sleeve shirt, distressed maong shorts at puting Converse. Ang tanging alahas ko lang ay relos ko na may dalawang orasan at stud diamond earrings na maliit. Mukha akong college student lalo at backpack lang ang dala ko. Nasaan na ba si Manong Greg? Sabi ng assistant ni Lolo ay iyon ang susundo sa akin. Sobrang anxious ko na, wala pa akong tulog galing sa fashion show tapos diretso ng flight sa Pinas. This driver being late makes me annoyed. Aba, sampung minuto na ako rito sa labas ay wala pang lumalapit sa akin, ah. Kapag hindi pa siya dumating ng isang minuto, papara na lang ako ng taxi papuntang St. Luke's. Sa yamot at pagod ko, hindi ko tuloy napansin ang bultong lumapit sa akin. “Hello, wife.” I know that voice. Ang boses na kahit ilang taon kong hindi marinig, umaalingawngaw pa rin sa tenga ko. Pinikit ko ang aking mga mata at salamat na rin sa shades ko na madilim. Bumilang ako ng tatlo at unti-unti kong tiningnan ang nagsalita sa tabi ko. For f**k's sake, sampung taon na ang nakalipas mukhang apektado pa rin ako sa mukhang ito. I composed myself and cleared my throat but no words came out of my mouth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD