Chapter 3

1325 Words
NAPAHILAMOS AKO SA mukha ko. Naaalala ko pa ang insidente sa canteen. She was a freshman at senior naman ako. Dinalhan niya ako ng leche flan dahil alam niyang paborito ko iyon. Inulan kami ng tukso ng mga tao roon. Sa hiya ko ay itinulak ko pabalik sa kanya sa mesa ang ibinigay niya at sinabing hindi ako kumakain noon. Adding salt to the would, sinabi ko rin na tigilan na niya ang panliligaw niya sa akin dahil may girlfriend na ako. After that, hindi na siya lumapit sa akin, laging umiiwas kung magkakasalubong kami sa campus or sa hallways. “I'm sorry, you feel that way, but I think she will be a good match for you. Mga bata pa lang kayo ay magkasundong-magkasundo na kayo. I don’t know what happened after that,hindi na kayo close,” dismayadong sabi nito. “What do you mean?” kinabahan ako bigla. Anong gustong sabihin ni Lolo? “Sa makalawa ay ikakasal kayong dalawa. Napagkasunduan na namin ni Ambo ang kasal niyo kahit mga paslit pa kayo noon,” sabi nito. “No way,” umiling ako at pakiramdam ko ay sumakit nang sobra-sobra ang ulo ko. “Does Mom and Dad know about this?” “Yes. That’s why they’re coming home tomorrow.” “Pero, Lo, you can’t be serious about this. I mean it’s not the old days anymore. Fixed marriage is ab-” My grandfather cut me off. “It’s final.”  Tumayo ito at iniwan ako sa study. Pero bago siya umalis ay may sinabi siya. “Kapag hindi ka nagpakasal sa kanya, I will cut you off from everything. And I mean everything, Bruce. You are my only grandson but I am willing to donate everything to charity." Iyon lang at tuluyan na siyang lumabas. This can’t be real. I can’t marry her. I am dating Samantha right now and marriage at twenty is insane. Add Pinky to the equation at baka sa mental na ako pulutin. Iniisip ko pa lang na i-dodonate ni Lolo lahat sa charity including this house I love so much, naluluha na ako. I grew up here and I have a lot of good memories with my family.  I decided to get out and think of another way para hindi matuloy ang kasal namin. Kahit inis na inis ako sa pagmamanipula ni Lolo sa buhay ko ay mahal ko pa rin siya. Isa lang ang alam kong paraan para hindi matuloy ang balak nila ay iyon ay tawagan ang babaeng iyon. She’s smart. That means she can think of something to get the both of us out of this mess. Suot ang itim kong long sleeves na nirolyo hanggang baba ng siko, butas na pantalon at itim kong Converse, kinuha ko ang wallet, telepono at susi ng kotse pagkatapos ay lumabas ako. I didn’t even bother fixing my hair. Bruce Havard is not marrying Pinky Mason. Period. Dinala ako ng mga paa ko rito sa Tagaytay. Malapit na rito ang bahay nina Pinky. Hindi ito kalayuan sa Talisay kung saan kami nakatira. Ni hindi ko alintana ang lamig ng hangin. Sa narinig kong salitang kasal kanina ay parang lalagnatin ako. Sinubukan ko siyang tawagan kanina pero hindi niya sinagot. Hindi pa naman siguro siya natutulog dahil wala pang alas-diyes ng gabi.  Sinubukan ko uli at sa wakas ay sumagot din siya. “Hello,” walang ganang sagot nito at mukhang naabala sa ginagawa. “Pinky,” sambit ko sa pangalan niya.  Narinig kong huminga ito nang malalim at parang nadismaya na marinig ang boses ko. Dati naman ay habol siya nang habol sa akin. “What do you want?” “I just wanted to know if you-” she cut me off. Damn! Kanina si Lolo, ngayon naman si Pinky. “Are you referring to the wedding from hell?” dinig ko ang inis sa boses niya. Ang lagay eh, ayaw niya rin ng kasal na ito. Mabuti naman kung ganoon. “Yes, that. Ano ang gagawin natin?” “Natin?” amused na tanong niya sa akin. “Well, it involves the two of us so I want to know your plans. Sa tono mo ay parang ayaw mo rin sa kasunduan nila. Wala na siguro silang magagawa kung dalawa tayong tatanggi sa gusto nilang mangyari,” wala sa loob na sabi ko sa kanya. “I don’t want to marry you." Diretso siyang sumagot. Pero at the same time ay parang nainsulto ako sa tinuran niya. Choosy pa? I’m a good catch… erase that, I am the best catch. “The feeling is mutual,” sabi ko sa kanya. Akala niya ba ay siya lang ang may ayaw?   “But the thing is Lolo is all I have and I don’t want to disappoint him.” Napanganga ako sa sinabi niya.  “What’s that supposed to mean?” I’m officially lost. Hindi ako kasing talino niya. Hindi lingid sa lahat na genius si Pinky pero hindi ko maintindihan ang punto niya ngayon. “We are getting married in secret anyway. No one will know except our families. I asked Lolo not to announce it at pumayag siya. I think five years is long enough for this stupid marriage. I’ll send you an annulment papers on the fifth year. Date any girl you want. I don’t care. I’ll do the same.” Napaismid ako. As if naman may papatol sa kanya pero sige, her plan is better than me running away to God knows where. Besides, no one will know we’re married anyway. At bonus pa na magbubuhay-binata ako. Pumayag na rin ako. “Okay, magkita na lang tayo sa makalawa,” sabi ko sa kanya. “Okay. Bye,” mabilis na sagot niya. “Wait-” “Ano na naman?!” ramdam ko na ang inis nya. Ayaw niya talaga akong kausap. “I-I, uh…”  Shit! Itatanong ko sana kung anong gusto niyang regalo sa araw ng kasal namin. She still deserves a keepsake. Kahit pa may napagkasunduan kaming annulment after five years. “If you have nothing to say, I should hang up now. It’s late. Goodnight."  Ang sunod kong narinig ay ang mahinang click mula sa linya. Tuluyan na niyang ibinaba ang awditibo. The nerve of that woman. No one dismisses me. This is a first at siya pa talaga ang nauna. Hindi ko naiwasan ang magbalik-tanaw sa unang araw na nakilala ko siya. I sighed. Parang kailan lang ay mga musmos pa kami. We first met when she was five. Umuwi ang mga magulang niya at sa kasamaang palad ay nasawi sa isang car accident. I was barely eight pero hindi ko natiis na hindi lapitan ang batang laging nakadapa sa damuhan at nagbabasa.  She has always looked clean and dressed in pink. Her hair is naturally thick and wavy at sa init sa Pilipinas ay laging sabog ang buhok nito. Otherwise, she looked very cute. Palagi akong kasama ni Lolo sa bahay nila at naglaro pa nga kami ng kasal-kasalan noong umuwi ang pinsan niyang si Paula.  Umiyak pa ito dahil ayaw pumayag ni Pinky na si Paula ang maging bride. Mas matanda daw siya kaya dapat siya ang bride at hindi si Paula. Kasama rin namin ang kaibigan ko si Vince noon at siya ang nagkasal sa amin. Napatawa ako bigla. Naalala ko ang parte na may you may kiss the bride at ayaw niyang magpahalik sa pisngi niya.  Bigla niyang plinaster ang kamay sa bibig ko. Sa halip, tinanong niya ako kung papakasalan ko raw siya kapag malaki na kami. I was so young then and I don’t even really know kung ano talaga ang kasal. It’s just a silly childhood game. But I did tell her I will. At dumating na ang oras na iyon. Hindi bale, matatali lang naman ako ng limang taon sa kanya. It’s not like it’s a real marriage anyway.  Limang taon lang, kaya ko ‘yon. Kayang-kaya ko ‘yon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD