Chapter four

1039 Words
Chapter four// ANDY'S POV'S "uumm.. ano pong.. hayst.."  Ano ba dapat ko sabihin? Wala akong masabi, kase naman, nabigla din ako sa resulta "hindi ko akalain to.." "mas lalo po ako.." nilingon ko si tita "totoo talaga to tita?" Napapikit na lang si tita Sheena, halatang hindi rin niya inakala tong nalaman namin Bakit ang bilis ng oras, lovers lang kami ni Shon tapos ngayon magkapatid na? Pero no! Hindi kami magkapatid, sabi ni tita napagpalit yung mga babies, so it means?? Lovers parin kami, tama.. lovers parin Teka nga Andy bat yan ba iniisip mo "sasabihin na po ba natin to kay Shon?" "wag.." agad na sagot ni tita "pero bakit po?" "hindi ko alam kung matutuwa sya dito.." Kung sabagay, tama si Tita Emma "Andy hindi ko alam gagawin ko.." "mas mabuti po siguro umuwi na muna tayo.." Umuwi kaming dalawa ni tita, pareho kaming nagugulat sa nangyayare, pareho kaming nabibigla, kaya heto kami parehong tulala sa magkabilang bintana ng kotse. Walang naimik sa aming dalawa, hindi ko rin maramdaman yung lukso ng dugo, dahil na rin siguro sa nasanay na ako na mag isa, i mean sanay na walang magulang, iba rin kase kapag lumalaki ka na kasama ang magulang mo. Pagdating naman namin ng mansyon "magkasama nanaman kayo?" agad na ginilid ni tita Sheena yung envelope "syempre naman, kailangan ko rin makabonding ang future—" "future?" tanong ni Shon "future daughter in law ko.." hindi ako natuwa parang mas kinabahan ako sa sinabi ni tita "excuse lang.. iwan ko na kayo.." paalam ni tita Nang makalampas na sya kay Shon, napansin ko sya na huminga ng malalim, mukang palabas lang ni tita ang kaninang pinakita niya kay Shon. Pareho naming hindi masabi kaagad kay Shon, hindi rin kase naman inexpect na ganun ang resulta. Dapat diba masaya ako? hayss, di ko alam mararamdaman ko. "nagseselos na ako.." "hindi ko aagawin mama mo noh.." sa sinabi kong yan, naisip konanaan yung DNA test Kaya nawala nanaman ako sa sarili "hindi yun.." Nabaling naman agad ang atensyon ko kay Shon "eh ano?" "sayo, mas may oras ka kay mama kesa saken.." Aminin Andy kinilig ka Pero hindi pwede, bat naiisip ko, magkapatid kami? Bat ganito naiisip ko? NO! NO! NO! "basta hindi pwede.." ayan may kusang lumalabas nanaman sa bibig ko kapag naglalaban ang mga cells sa utak ko hahaha, yung nag iimagine kana ng sitwasyon na hindi naman dapat, jusme ano tong nasabi ko "ano?" "ha? " "nagiing alien ka nanaman.." Sinakayan ko na lang trip ni Shon, kesa makipagbangayan pa dyan.  ******* MILTON. Pareho kami ni Charee na nakatingin sa malayo habang nakahalumbaba "Charee.." "oh?" "may sasabihin ako.." "ano?" "anak ako ng may ari ng Milton.." "aahh okay, libre mangarap.." "seryoso ako ano ba, wala akong mapagsabihan ikaw lang kaya wag mo sasabihin kahit na kanino.." Tinignan ako ni Charee na para bang nababaliw na ako "Andy.." "oh?" "ikaw ba talaga yan?" "Charee seryoso A.K.O!" "proweba?" "nakay tita Sheena." "talaga?" "oo nga, ang hirap maglihim gusto ko may mapagsabihan kaya sinabi ko sayo.." "talagang talaga? Seryoso ka pala?" bigla syang natauhan ng makita ang mukha ko na problemado "hindi ako nagiimagine noh, seryoso ako.. Charee.." "WHAT!!!!! Talaga?" "kanina ka pa talaga ng talaga, oo nga!" "WAAH mayaman ka Andy! Sayo tong Milton? Pwede ka na rin bumuo ng SYKOS GIRL, ay hindi panget yun.." "Charee ano ba, seryoso ako, nagpa DNA kami ni tita, oo nakakalito talaga at nakakagulat pero totoo positive.." Tinitigan nanaman niya ako "oh tapos?" "hindi daw namin pwedeng sabihin to kay Shon.." *KRING* Saktong nagring yung bell nagkahiwalay nanaman kami ni Charee. "sige mamaya na lang.." Hindi ko ba alam parang hindi sya naniniwala sa akin, parang feeling ko binalewala lang niya yung sinabi ko Hayst! Timing nga naman kung kelan kase kami tulala tsaka ko sinabi yun, malamang lutang yan hangin lang yung sinabi ko sa kanya, dumaan lang kumabaga AFTER HOW MANY HOURS Wala akong makitang makausap kaya minabuti kong pumunta sa club house Labas palang rinig ko na nagtatawanan silang lahat doon, pagbukas ko ng pinto tumahimik sila "andyan na sya.." rinig ko sa kanila Pero hindi ko alam kung sino nagsabi  Nasa loob ang lahat ng SYKOS pati sila Charee, Ember, Sab at Eroll Nakatingin silang lahat sa akin, lumapot sa akin si Shon, tinitigan ako sa mata "may masakit ba sayo?" "wala.." "baka napilay ka ah.." "hindi noh.." "bakit ang lalim ng mata mo?" "malamang nag aaral ako pag gabi.." "ilang araw ka ng puyat?" Ako naman si tanga binilang din "tatlo ata, bakit ba?" "aahh kaya pala.." sabay tingin ni Shon sa mga kasama "anong kaya pala?" "kailngan mo matulog ng maaga, kumain ng healthy foods, oh sya upo.." utos niya saken Habang pinapaupo ako kasama silang lahat, nakapagtataka mga tingin nilang lahat saken "oh yan kumain ka.." utos nanaman ni Shon "anong bang nangyayare?" tanong ko "Andy kailangan mo yan, para naman hindi ka magi sip na kapatid mo si Shon.." bigla akong nabilaukan sa narinig ko Tinignan ko si Charee, nakapeace sign sya "hayaan niyo sya, kung nag iimagine sya na anak ni mama, it means iniimagine niya na asawa na niya ako.." dagdag ni Shon Pakiramdam ko, napahiya ako. Hindi ako nakaimik, kase oras na mag react ako, mukang lalabas na ang totoo, ayoko naman ipaglaban na totoo lahat ng sinasabi ko. Wala naman akong proweba, at talagang imposibleng maging anak ako ni tita Sheena sa tingin nila, pero yun ang lumalabas sa DNA namin. Hayst! Nakakalito na  Napilitan akong ngumiti para hindi mahalata, pero isang tao ang nakapansin sa akin Si Stanly "anong nangyare sayo?" tanong niya saken "wala.." "kita naman sa mata mo.." Tinitigan ko si Stanly, mukang mapagkakatiwalaan naman sya "Stanly.." "hhmmp?" "totoong anak ako ni tita Sheena.." Hindi ako lumingon sa kanya, hindi ko alam kung maniniwala sya sa akin "pano mo naman nasabi.." "ang hirap ikwento, mahabang kwento.." "so... seryoso ka sa sinabi mo kay Charity kanina?" "oo, pero, hindi pwedeng malaman muna yun ni Shon.." Ewan ko kung naniniwala sa akin si Stanly, hindi na kase sya umimik pa, mukang nag dadalawang isip sa sinabi ko kung maniniwala sya. Ang hirap pala ng ganto, yung wala man lang makikinig sayo, yung iba akala nila biro lang lahat ng lumalabas sa bibig ko,akala nila nag iimagine lang ako, wala naman talagang maniniwala kung ganto ang sitwasyon, ako? yayaman? tsk, tagapagmana? yung dating kinamumuhian kong apelyedo, lahi ko pala? Eto namang si Charee muntik na akong mabuking , tsk! Buti na lang bestfriend ko sya kundi ipapalunod ko sya sa fishpond, o papakain kay daddy shark chuchururu. Nagtatawanan sila dito, paano na lang kaya kapag narealize nilang totoo yung sinabi ko, magagalit kaya sila saken? may magbabago kaya ng trato sa akin? Sana ang hwag lang magbago ay yung feelings ni Shon sa akin, kahit malaman niya tong tinatago namin ni Tita Sheena, alam ko, may tamang oras para malaman niya, si tita Sheena nalang bahala magsabi, dahil sya naman talaga ang may karapatan magsabi kase kapag ako? nako, iisipin lang nun, saang planeta ko nanaman nakuha yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD