Chapter three

964 Words
Chapter three// ANDY'S POV'S KINABUKASAN Papunta kami kung saan kami magpapa DNA tets, matagal daw makuha resulta neto, mas mabuti daw na maaga kaming pumunta. Ang totoo hindi ko pa alam kung para saan ba bat ako inaayang mag pa DNA tets ni Tita Sheena, kasama pa namin ngayon yung kaibigan niya, yung Beth. Nasa kotse kami ngayon, hindi pa ako nakapagpaalam kay Shon. Mabilis lang kaming nakarating sa pupuntahan namin "halika na Andy.."aya ni tita Sheena saken Sinusundan ko lang silang dalawa ng kaibigan niya, ang hirap naman makisingit sa pinag uusapan nila, nahihiya ako sa kasama ni tita Sheena Kumuha sila ng sample saken Ganun din kay tita Sheena Hindi naman sa nagtatanga tangahan ako, alam ko naman ang meaning ng DNA hindi lang ako sure kung yung iniisip ko ay yun yung dahilan kung bakit kami nag DDNA Naiwan kami ni tita Sheena sa loob, yung kaibigan niya ang pumasok sa loob ng laboratory. "Andy pwede bang... wag mo na munang sabihin to kay Shon.." "tita bakit po ba magpapaDNA tayo?" "ayoko kase ng nararamdaman ko ngayon, gusto ko na putulin tong kutob namin.. Andy, may possibility na, ikaw talaga ang anak ko.." seryoso yun? Pero bat wala akong maramdaman? Yung lukso ng dugo? Tama ba yun  "bakit po ako? Tita naguguluhan ako.." "yung kaibigan ko, si Beth, sya ang kasama kong nanganak, ang alam niyang anak ko ay babae at hindi lalake, kaya gulong gulo ako nitong mga nakaraang araw, at kaya na rin kita inaya na magpa DNA.. dahil.. ikaw yung kasabay ni Shon na nasa nursery.." "pero po, magkaiba kami ng birthday ni Shon.." "sigurado ka bang yun talaga birthday mo Andy?" pati ako nag aalangan na rin sa personality ko Ang totoo, yun ang sinabi saken nung kaibigan din ni mama na nag alaga saken, wala rin akong malakas na proweba para sabihing lahat ng sinabi nung nag alaga saken ay totoo. Pero kase. "hayaan mo, malalaman din natin ang totoo pag tapos ng DNA na to.." Kung sabagay, tama naman si tita Sheena. "tapos na, pwede na tayo umuwi.." sabi nung kaibigan ni tita Umuwi kami ng mansyon. Sinalubong kaagad kami ni Shon "saan kayo galing? Bat magkasama kayo?" Nagtinginan kami ni tita Sheena "sinamahan lang ako ni Andy pumili ng ireregalo kay Beth.." hindi naman sya nagtaka sa sinabi ng mama niya Nagmadaling pumunta si tita Sheena sa kwarto niya, naiwan kami ni Shon dito "ah sya nga pala, nakuha mo na sweldo mo?" "hindi pa.." "oh.." abot niya ng sobre "salamat.." Napansin ko syang nakangiti habang naglalakad papuntang kitchen, binuksan ko yung sobre, pera nakalagay, mukang ito nga sweldo ko.. pero teka?? Bat sobra? "hoy Shon.." "hhmmpp?" "oh sobra.." abot ko ng sobrang pera "yan yung nagastos mo kahapon.." "huh?" "bingi ka ba? diba sabi ko ayoko ng ikaw gumagastos saken?" "nagpalibre ka, kaya.." "ang dali mo talaga mauto.." "che!" ******* MILTON.. "bat nandito kayo" tanong ko kanila Charee Ganda ng upo nila sa damuhan "nagpapalamig lang.." sagot ni Charee May kanya kanya silang mundo  Nakiupo rin kami ni Shon "patay oras.." sabi ni Shon habang nagbabasa ng libro "ano naman yang binabasa mo?" tinignan ko "love story, hahaha,nagbabasa ka pala niyan?" "ano sa tingin mo saken? Alien? Hindi ako katulad mo.."  Okay payn!  Magkatabi kami ni Shon, binabasa ko rin yung libro na binabasa niya "naniniwala ka rin sa forever?" tanong ko "oo naman.." "pano mo naman nasabing may ganun?" "magkakaroon nun, pagkagraduate mo hahaha..." ano daw? "hindi kita nagets.." "hahahahaha..." "anong nakakatawa dun..' "wala, bawal bang tumawa? Ang point ko dun, malapit na tayo ikasal, kaya may forever.." "matagal pa yun.." "malapit na.." "matagal pa.." "ewan ko sayo.." bigla syang nainis "basta wag ka lang magtatago ng kung ano saken.." kinabahan ako sa sinabi niya Hindi ako umimik, dahil.. dahil na rin sa pakiusap ng mama niya na wag sasabihin kay Shon ang tungkol dun sa DNA test namin ng mama niya "tumahimik ka ata? May problema ba?" "wala naman.." "o baka naman may tinatago ka nasaken?" Quiet Andy, Quiet, pahalata ka masyado, nakow! "wala ah.." "bat ang tagal mo sumagot, meron noh?" sinara niya yung libro na binabasa niya, at saken sya nakafocus "wala naman talaga.." "yung totoo.." "wala nga..." tinitigan niya ako ng masama "are you cheating on me?" "huh? baliw ka, bat ko gagawin yun.. hindi noh!" "good.." naging panatag sya Hindi yun ang dahilan Shon, gusto ko man sabihin sayo, pero ayoko rin mawala ang tiwala saken ng future mom ko, Assuming ANDY! I mean, ayoko masira tiwala ni tita Sheena saken, sinabi ko na hindi ko muna sasabihin yun, at isa pa, alam ko naman na mahalagang bagay yun kaya bawal pang malaman. ~~~~~ AFTER HOW MANY DAYS "Andy.." tawag ni tita Sheena "po?" "pwedeng wag ka muna pumasok ngayon.." "bakit po?" "ngayon ko na kase kukunin yung result.." huminto sya "pwede bang samahan mo ko.." Aabsent ako? Sige na nga. Katulad nga ng sinabi ni tita Sheena saken, sinamahan ko sya papunta sa kuhaan ng DNA result, hindi namin kasama yung kaibigan niya, may kailangan daw asikasuhin yun kaya wala dito Dati rati, laging nasa mansyon yun ah, himala ata, iba feelings ko dun sa kaibigan ni tita Sheena, simula nung pumunta kami dito sa pagpapa DNAhan namin. "mam, eto na po yung result.." abot nung babae kay tita Sheena Naka envelope yun , hindi naman kaagad binuksan ni tita Sheena yun tinitigan niya lang. May powers kaya sya na pag tinitigan eh mabubuksan yun? hahaha joke lang, mukang kinakabahan kase sya makita yung result Ako? Wala akong pake, alam ko namang joke joke lang nila yun, at ako pa talaga napili nilang pagtripan, hahaha, ano ba yang pinag iisip ko. "dun tayo sa labas Andy.." Lumabas kami ni tita Sheena, hawak niya parin yung envelope. Imposible talaga, naguguluhan parin ako sa kanila ng kaibigan niya kahit ipinaliwanag na saken lahat, basta imposible lahat ng yun. Umupo kami sa bench, dalawa lang kami ni tita Sheena Inilapit niya rin saken yung envelope, at dahan dahan niya itong binuksan, kampante lang ako sa lagay na to, pero si tita parang nanginginig ang kamay Malamang pasmado to. Isa akong Tolentino, wala akong dugong mayaman, at... teka? Pano kaya si Shon? Nahulog yung envelope kaya napalingon ako dun sa papel, napukaw neto ang atensyon ko, nilingon ko si tita Sheena, pareho kami ng reaksyon. "ba-bakit positive.." tanong ko Hindi umiimik si tita Sheena, natulala na sya, lagot! Nakatingin lang sya sa papel. Bat naging positive yun? It means? Sya mama ko? pero wala talaga akong maramdaman na kahit ano, pano na to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD