Chapter five

1225 Words
Chapter five// ANDY'S POV'S Ang hirap ng ganito, yung may nililihim ka sa taong mahal mo. Gustong gusto ko na sabihin sa kanya kung ano bang nangyayare pero, ayoko naman mawala tiwala ni tita Sheena sa akin Lalo na sya ang mama ni—mama ko? no mama ni Shon parin sya Magkasama nanaman si tita Sheena at si tita Beth yung kaibigan niya, nasa garden nanaman sila, habang ako eto hindi parin mapakali dahil may nililihim kay Shon "Andy pinapatawag ka ni mam Sheena.." sabi ni manang Pumunta naman ako kaagad doon "Andy.."-Tita Sheena "po?" "sumama ka sa amin ni Beth.." ngiting sabi niya Pareho silang nakangiti, ewan ko kung ano bang nangyare, hindi na katulad ng dati si titan a halos balisa dahil sa nangyayare, ngayon mukang tanggap na niya Tanggap na niya yung DNA na totoo yun? So.. it means tanggap na niya na anak niya ako? "saan po?" "basta, magbihis ka.." Katulad nga ng sinabi ni tita nagbihis ako, wala si Shon dito sa mansyon, busy sya sa Milton, marami siyang pinagkakaabalahan doon, lalo na sya ang susunod na tagapagmana Pero pano yun? Hayst! Bat ba ako nag iisip na nagapagmana ako, ayoko ng pera, mas gusto ko ng pagmamahal Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta nung sumakay sila sumakay na rin ako, patingin tingin sila sa akin, habang nakangiti. Ako ngiting aso  Huminto yung sasakyan at pagbaba ko, mall to ng mga mayayaman ah.. Nahiya tuloy akong lumapit sa mga kasama ko, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, anong gagawin namin dito? "Andy halika na.." aya ni tita Sheena Ayoko magpacute dito sa labas kaya sumama na ako, ano naman gagawin ko dito sa labas, namangha lang ako kase hindi ko pa to napapasok  Pumunta kami sa dress section "yung babagay sa kanya.." sbai ni tita Sheena sa nag aassist Ako naman si sunod ng sunod lang kung saan saan. Pinasuot nila sa akin ang ibat ibang damit, dress na elegante , pagtingin ko sa presyo ang mamahal, nakakabutas sa bulsa, kulang pa sweldo ko para bilhin ang mga to Kaso si tita Sheena ang bumili para sa akin. Hanggang sa shoe section binilhan niya rin ako. Ang dami dami nang binili ni Tita Sheena para sa akin, hindi naman ako makaimik, basta parang turing niya lang sa akin ay hindi maid. Araw araw kaming ganoon ni tita Sheena, minsan kasama si tita Beth minsan hindi, lagi niya akong pinapasyal, pagkadating ko sa school. Hindi kami napapansin ni Shon kase laging nalalate ng uwi yun. At minsan pag uwi namin, natutulog na kaagad sya. "tawag ka ni young master.." Pumunta ako sa room ni Shon "namiss mo ko?" bati ko sa kanya kaagad sabay higa sa kama niya Nasa study table sya, naka nerdy eye glasses, ang gwapo niya grabe, ang linis niya tignan  "saan kayo pumupunta ni mama?" "ha? Ah eh.." isip Andy "sa .. sa mall, wala daw kase syang libangan dito kaya lagi syang nagpapasama.." Hindi naman na sya nagtanong pa, phew! Yung papa ni Shon still in comatose nasa ibang bansa parin sya, at may private nurse, nandito ang mama niya just to relax Masyado daw kase syang nagpupuyat sa ibang bansa dahil sa pagbabantay niya sa asawa niya, kaya kailangan niya rin umuwi muna, para na rin maiwasan ang stress at maiwasan na rin nab aka magkasakit sya Tumayo sya at hinarap ako "nawawalan ka na ng oras.." "ha?" "sa akin.." dugtong niya sa sinabi niya Hindi tuloy ako nakaimik, sorry Shon pero napapamahal na rin ako kay Tita Sheena, parang mas gumaan ang loob ko sa kanya lalo na nitong mga nakaraang araw Pano kase, turing na niya saken ay anak, tinatawag niya akong anak, lalo na pag nasa labas kami. Kaso hanggang kelan kaya kami maglilihim kay Shon tungkol dito sa pagkatao ko? sa pagkatao niya? At dahil nagrereklamo na si Shon, lumabas kami ng mansyon para mamasyal, kahit wala ako sa mood sumama parin ako sa kanya. Para kaseng ang bigat sa pakiramdam na may tinatago ka sa taong mahal mo? Parang gusto ko na sabihin kaso, ang problema, hindi ko alam kung pwede ko na sabihin sa kanya "alam mo ba favorite place ko to nung bata.." Naglalakad lang kaming dalawa, kung ano ano sinasabi niya pero, parang wala akong maintindihan "lagi kaming nandito nila mama at papa.." Sabihin ko na kaya? Saan ba ako magtitiwala, kay Shon o sa mama niya? I mean mama ko? saan ba ako takot mawala, si SHon? O si Tita Sheena Kaso si Tita Sheena, napapamahal na rin sa akin, noon pa man napalapit na sya saken, mas lumalim lang nitong mga nakaraang araw, tinuturing na niya akong anak, dahil na rin siguro sa uhaw ko sa pagmamahal ng ina kaya ako nagkakaganito, pero si Shon? Pano naman sya? "tara pasok tayo dun.." Ano bang gagawin ko? "hoy Andy.." galit na ang tono ng boses niya "HA?" natauhan ako bigla "nakikinig ka ba?" "sorry.. hehe.." "may problema ba?" "wala ah, nabangag lang siguro sa mga projects ko sa school.." "don't worry, pagsasabihan ko mga teacher mo na wag na gumawa ng project.." baliw talaga  Inaya niya lang ako kung saan saan, masaya sya ngayon, at mukang hindi naman niya ako nahahalata ngaayon na nalilito sa mga nangyayare. Kung saan saan lang kami napapadpad.. Kain dito, lakad dito, upo dito.. Masaya sya at masaya na rin ako kase nakikita kong masaya sya, kaso nga lang, pag naiisip ko na malaman niya yung sekreto namin ni Tita Sheena lagot na ako neto "umm.. Shon.." "hhmmpp?" "si-si Charee kase may problema..." "oh eh ano ngayon?" "ano ka ba makinig ka nga... kase ano... nahihirapan sya magtago ng sekreto kay Kieffer.." "oh tapos?" Ang totoo, gumagawa lang ako ng kwento para malaman ko lang reason niya kapag naglihim ako sa kanya, dinamay ko pa sila Charee at Kieffer  "gusto na niya magsabi kaso hindi pwede, kase ano—" "kung mahal ni Charee si Kieffer sasabiin niya kung ano pa yun, gets?" Natahimik lang ako, kase iba ang ginawa ko, hindi ko sinabi kay shon yun "pwede ba wag ka na mangealam sa kanila.." dag dag niya "nagtatanong lang naman.." "ang pakealaman mo yun sa atin wag sa iba.." "oo na, alam ko.." nasermonan pa ako ****** KINABUKASAN Pauwi na ako galing school Hindi ko kasabay si Shon kase nauna na syang umuwi, alam na busy sa mga kung ano ano dyan. Nasa gate palang ako nang may napansin akong kakaiba sa mansyon, yung iba kaseng maids nasa labas at nagbubulungan habang patingin tingin sa loob ng bahay. Agad akong pumasok sa gate "anong meron?" tanong ko agad "nag aaway ata sila mam at si young master.." sagot ng isang maid Nag alangan pa akong pumasok, kase mukang nasa living room lang ata si shon at tita Sheena, nilakasan ko na lang ang loob ko na pumasok sa loob. Ano naman kaya pinag aawayan nila? Pagpasok ko, nakatalikod sa akin si tita Sheena habang nakaharap si Shon sa kanya, nagulat ako sa reaksyon ng muka ni Shon Kase halos maiyak na sya dahil namumula ang mga mata niya. Napalingon silang dalawa sa akin, dahil sa nakita kong umiiyak si tita Sheena, patay na... Mukang nagkabukingan na.. Walang nag iimikan tinignan ko yung hawak ni Shon, may hawak syang folder, sabi na nga ba, mukang alam na niya, dapat kase sinabi na namin noon habang maaga pa "kelan mo pa balak sabihin ha?" tanong niya kay Tita "hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo.." sabi naman ni tita Sheena habang umiiyak Ako? Eto nakatayo lang sa pinto at hindi alam ang gagawin "positive, it means, anak mo sya?" tanong ni Shon, parang may galit pa sa boses niya, tumingin sya sa akin ng masama "ikaw.." napayuko ako, pero saglit lang "alam mo rin ba to?" Hindi ako sumagot, pumikit na lang ako habang nakayuko. Napaangat na lang ang ulo ko ng ibagsak niya yung folder sa sahig at umalis, umakyat sya sa kwarto niya. Gusto ko syang sundan "ang tanga ko anak.." biglang banggit ni tita Emma sa akin Kanino ako pupunta? Sino icocomfort ko? Hay ang hirap naman ng ganito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD