Chapter two

1363 Words
Chapter two// ANDY'S POV'S Nakatingin parin silang dalawa saken, habang ako naman hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko ngayon, naibigay ko naman na yung juice bat hindi pa ako umalis? Para kaseng may kailangan pa sila saken eh "ah eh, tita, una na po ako.." paalam ko sa kanila Naglakad na ako pero tinawag ako nung kaibigan ni tita Sheena "miss..." "Beth wag na.." sabat naman ni tita Sheena Hindi ko sila magets kaya hindi na ako umimik pa "sige na Andy, pumasok ka na." dagdag ni Tita Sheena Pumasok na ako sa loob ng mansyon, alangan naman makisali rin ako sa usapan nila, napansin ko si Shon na nasa sofa, may hawak na magazine. Mukang busy ah. Umupo ako sa tabi niya, pero medyo malayo ng konte sa kanya, sabay titig sa kanya. Tumingin ka. Tumingin ka. Tumingin ka. OH YEAH! Got you "bakit?" tanong niya saken habang nakatitig sa kanya "wala naman, ang seryoso mo kase dyan.." "may tinitignan lang para sa susunod na proposal ko.." Hindi na ako umimik, yun nanaman iniisip niya, para sa Milton nanaman, ganito pala ang Gawain ng mga susunod na tagapagmana, malapit na kase sya grumaduate eh Kawawa naman, stress nanaman utak neto for sure, hindi man lang magpahinga, or maglibang manlang kahit papano, mamasyal, or makidate? Teka nga, tagal na rin nung huli kami magdate, buwan na rin Pano kase naging busy na sya dyan sa mga pinaggagawa niya, aral tapos business pa minsan, buti nga nasa iisang bubong lang kami, kundi, malamang wala ng oras to saken "uummm.." napalingon sya saken "date tayo?" sabay smile sa kanya Nakatingin lang sya ng deretso, parang hindi pa nagsink in yung sinabi ko ah, kung pwede ko lang sanang isigaw eh "bakit anong meron?" aray "di bale na wag na.." nakakainis bat ganun sagot niya, oo o hindi lang naman eh Tumingin ako sa kabilang side, yung hindi ko maipapahalatang naiinis ako sa sinagot niya, nilingon ko sya agad pero nakalagay yung kamay niya sa bibig niya Halatang nagpipigil ng tawa, ng mapansin niya ako umayos sya ng upo. "okay sige, payag ako, kaso wala akong pera.." nang aasar ba sya o ano? Parang hindi kami noh? Pero hindi naman ako magpapalibre eh "ako na gagastos.." "talaga?" yung muka niya nagpipigil lang ng tawa "oo ako na.." "deal, sabi mo yan ah.." aba at pumayag, himala ata? Pinagastos niya ako Dati ayaw na ayaw niya akong umagastos, ano nakain neto? Epekto bay an ng pagiging busy niya sa business at sa pag aaral niya  "tulog na tayo alien, may date pa tayo bukas.." sinasabi niya yan habang papatayo na sya sa sofa "after class naman eh, excited lang?.." "hi-hindi ah.. dyan ka na nga.." Napapansin ko na nakangiti sya kahit nakatalikod sya saken, galing ko noh? May mata ako sa harapan ni Shon eh hahaha, pero pansin ko talaga, nakangiti sya. Pero bakit ako ang mukang naiinis ngayon eh ako nag aya magdate? Gagasto nanaman kase ako, wala pa akong sweldo eh, pero may ipon naman ako, hayaan na, mukang masaya naman sya sa plinano ko, kahit papano Masstress free sya  ****** SA KLASE Nandito ako sa klase kong panay kalokohan, yung professor ko na takot na takot sa SYKOS, hindi naman na nantritrip yung mga yun bat takot pa sya? Tss Sabagay, malay ba natin kung professor naman ang trip nila at hindi estudyante. "miss Tolentino, can you answer this problem.." Tinawag niya ako papunta sa harap ng klase, buti at madali lang yung pinapasagutan, tinatamad kase ako ngayon. Sinagot ko yung problem na pinapasagutan saken, then chineck niya "nice work miss Tolentino.." sa dali nun pati iba kong classmate kaya yan "mukang magiging top 1 ka sa klase ko ah.." sipsip  Bat saken sya naninipsip? Nagiging lamok nanaman professor ko, sa kanya talaga ako nabubully ng iba kong classmate eh, lagi daw ako ang pinapaburan. Hindi pa niya ako pinaalis sa harapan "alam niyo ban a si miss Tolentino ang nakakuha ng high score sa last exam niyo.." Bakit ganito saken to? "si miss Tolentino rin ang nakakuha ng top 1 sa quiz bee nung last school festival natin.." Eto yung nakakahiyang part, lagi na lang niya akong pinagmamalaki, eh paulit ulit na lang? naikwento na rin saken ni Shon to. Gusto magpapromote kaya siguro ganito sya saken.. wag ako ang kapitan  "at sya rin ang may boyfriend na nasa labas.." Parang umiba yung tono ng pananalita nung prof ko, napatingin tuloy silang lahat sa labas, at ganun din ako, hindi ko na naramdaman yung kamay niya sa balikat ko Bat nasa labas si Shon? "excuse sir.." sabay labas ng room Pumunta kami sa likod ng pinto, para hindi kami masyadong expose sa mga classmate ko, nakakahiya nag uusap kami tapos nakatingin sila, kailangan din ng privacy "bat ka nandito?" "tapos na klase ko.." Huh?? nag isip ako. Oo nga pala, may date kami ngayon "eh hindi pa tapos klase ko..' "kahit na tapos na klase ko..' "eh pano ako?" "malay ko sayo..' "huh? anong malay mo saken, may klase pa ako..' "ayoko maghintay ng matagal.." "eh bakit ka na kase pumunta dito?" "eh tapos na klase ko.." "nang aasar ka ba?" "hindi.." Paulit ulit na lang niya sinasabi na tapos na klase niya, mukang nagpapahiwatig na mag cut na ako ng klase naman oh! "sino ba kase yang professor mo?" sinilip niya kung sino "aaahhh sya pala..." "oh bakit?" "kunin mo na gamit mo.." "may klase pa ako.." Papasok palang ako ng room ng sinalubong na ako nung professor ko "nakalimutan mo miss Tolentino.." binigay niya bag ko Nagbabait baitan o ano? Tss.. ano ba yan, pati ako nadadamay na dito ah.. "lets go..." aya ni Shon "oh ikaw promoted ka na.." "sir talaga!" sir tawag kay Shon? "joke..." buset talaga tong Shon na to hahaha Hindi ko na nakita reaksyon nung professor ko, baka ako bweltahan neto sa ginawa ni Shon na prank  "pumara ka na ng bus.." himala ah, sya pa nagsuggest na magcommute? "ikaw magbabayad niyan ah.." dagdag niya ng may bus na huminto sa tapat namin "oo na.."  Ako manlilibre kaya ako masusunod kung saan kami pupunta. Pagbaba namin ng bus, kumunot kaagad yung noo niya "ano nanaman? Walang magrereklamo.." "may reklamo ba ako?" tinitignan niya yung buong lugar Sa Park lang naman kami, nadaanan ko kase to ang daming tyangge at ang daming street foods, kaya dito ko na alng sya pinunta, baka makatipid pa ako "ano naman balak mong gawin dito?" tanong niya "edi makikipagdate sayo.." tinitigan niya ako "wag ka magrereklamo iiwan kita.." "kung kaya mo.." sabay hila saken "dun tayo.." Sya na ngayon ang nag aya kung saan kami banda pupunta, dinala niya ako sa isang street food "nakakain ba to?" "bat dito ka pumunta hindi mo naman ata alam kainin yan?" "kaya nga may salitang try diba?" "kalamares yan pusit yan.." Kumuha sya ng panusok at nagsimulang kumain, tinitignan ko kung anong rekasyon niya pero parang nasasarapn sya "sya magbabayad.." sabi niya sa nagtitinda "ayaw mo?" aya niya saken "dun ako sa kabila" Fish ball mas mura. Pero habang nagluluto pa si manong ng fishball may napansin ako sa gilid niya na nagtitinda ng bracelet, pumunta ako doon at tinignan yung ginagawa niya. Alam niyo yung personalize na bracelet yung mga tinitinda sa gilid gilid, eto yun eh, eto ung uso sa mga estudyante. Nagpagawa ako ng dalawa, nilagay ko name ni Shon at name ko naman dun sa isa, yung pang fishball ko napunta dito, di bale na nga. "tadaaa..." pinakita ko sa kanya yung pinagawa ko, habang kumakain sya "san mo napulot yan?" "grabe ka ah, binili ko to.. may pangalan pa nga oh.." "sige manong busog na ako byee..."bigla na lang sya umalis dun a hinila ako "uy teka babayaran ko pa si manong.." "wag na.." "anong wag na.." Si manong ngiti ng ngiti habang nakatingin sa amin na naglalakad palayo sa kanya, nakakangiti ka pa sa lagay nay an? Tinakasan ka na ng customer mo? Pero feeling ko sya na nagbayad, pero parang hindi, hay gulo niya! Naglalakad kami "patingin nga.."kinuha niya yung dalawnag bracelet "ang cheap ah." "akin na nga wag mo yang susuutin ah pag nakita ko suot mo yan lagot –" sinuot niya yung may pangalan ko at kinuha niya rin yung kamay ko tsaka niya sinuto yung may pangalan niya Hindi na ulit ako nakaimik "dun tayo.." turo nanaman niya sa kabilang side ng park "teka nga, ako manlilibre kaya ako masusunod kung saan tayo pupunta.." "pero ako masusunod sa relasyon natin.." "hoy unfair yan, dapat pareho tayo.." "hindi naman ako mahigpit sayo, may dalawang rules lang naman ako.." "ano nanamanyang rule rule na yan.." "simple lang, una, mahalin mo ko, pangalawa, ulit ulitin mo lang yung sinabi ko nung una.." sabay kindat saken Pwede na ata akong mahimatay ngayon "Andy.." "tita may kailangan po ba kayo?" "gusto sana kitang kausapin.." "para saan po?" Hindi sya umimik, si tita Emma nawawala na rin ata sa sarili parang yung anak niya "gusto ko sanang.." hinihintay ko yung kasunod "gusto kong..." "makipag DNA test sayo.." Napaisip ako bigla, diba yung gumagawa nun is yung mga magkakadugo lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD