SHHS 2

3264 Words
Chrisnah's Point of View xx Naka-simangot na naglalakad ako patungo sa cafeteria. Inis na inis na talaga ako ngayong araw na ‘to. Mula umaga hanggang ngayong tanghali, bugnot na bugnot na ako. Paano ba naman! Ayaw ako tantanan ng baklitang nasa gilid ko! "Ate gurl saan ba tayo kakain? My feet is aching na kaka-walk. Ang laki naman ng school na itech!" Reklamo ni Michael habang laylay na ang mga balikat kakalakad. Kanina pa kasi kami naglalakad at nagpapaikot-ikot. Well, sinasadya ko talaga yun para humiwalay na siya sa’kin pero matindi ‘tong baklang ‘to, ayaw humiwalay. Kaasar! Napag-alaman kong transferee pala ang isang ‘to. He's from Baguio City at kakalipat lamang nila dito sa Manila. "I'm going to eat with my friends. Ewan ko ba sa’yo kung bakit ka nasama sa’kin." Inis na sagot ko sa kaniya. Sumimangot naman siya at maarteng nag-punas ng pawis. "Sama ako sayo ate gurl. ‘di ba I told you, wherever you will go, I'll go with you." Anito na ikinasimangot ko naman. Ano ba talagang ketek ang meron sa ulo nito? Baliw na ba ‘tong bakla na ‘to? "Tantanan mo nga ako pwede ba! Hindi tayo close!" Angil ko dito. Bahagya naman itong lumayo sa’kin si Michael at maarteng napa-hawak sa kaniyang dibdib. "Ay! G na g ate gurl?! I'm just protecting what's mine duh!" Maarteng sagot ni Michael sa’kin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What is he talking about? Anong meron sa’kin na pag-mamay-ari daw niya? "Huh? Baliw ka na ba? Pinagsasabi mo?!" And I rolled my eyes at him. Konti na lang gusto ko na itong suntukin. Grr nagti-timpi lang ako. "Gurl you didn't listen to me awhile ago noh?! Omg! Sabi ko you're body truly belongs to me that's why I'll follow you wherever you go. I'm just protecting my body kasi soon isa-sauli mo na sa’kin yang body mo." At humagikhik ito. Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya. Seriously? Naniniwala talaga siya na sa kaniya talaga itong katawan ko? Na nagka-palit lang kami? Ano ‘to nasa telenovelas kami? Kung saan nagkaka-palit ang katawan ng mga bida? Ano ba namang pag-iisip meron ‘tong si Michael! Nakaka-imbyerna. "Are you watching telenovelas?" I asked him. Mabilis naman siyang tumango. "Yes of course! I love watching telenovelas kaya! Ikaw ba gurl? Nanonood ka din ba?!" Excited na tanong ni Michael sa’kin. I looked at him with my bored look. "Kaka-nood mo yan, kung anu-ano na nasasabi mo." I said at binilisan ko ang lakad ko. Siguro nasobrahan na si Michael sa kakapanood ng mga telenovelas kaya naging ganito na ang pag-iisip niya. Hay nako nakakasama nga naman talaga ang sobra. "Grabe ka naman gurl! Nasa matinong pag-iisip pa naman ako!" He said while pouting his lips. Napa-arko naman ang kilay ko. "Talaga? Hindi halata." Sagot ko sa kaniya na mas lalong nagpa-haba sa nguso niya. He's getting in my nerves kaya naman hindi ko na mapigilan pilosopohin siya. Pag ganitong nagugutom na ko tantanan niya na ako. "You're so maldita talaga! Isa kang malditang shibuli! Hmp!" Anito at suminangot. Inirapan ko lamang siya at tahimik lang akong nag-lakad. Hayaan na nga kung sumama ito. Gutom na talaga ako at gusto ko na kumain. Plus the fact that I wanted to sit na dahil pinagtitinginan na ako ng ilang mga kalalakihan. Sa iksi ba naman ng palda naming mga babae eh. Hay nako bakit kasi ganito ang uniform namin? Sino nag-isip ng ganitong uniform? Tsk! Nakaka-dagdag init ng ulo. "Chrisnah!" Dumating kami sa Cafeteria at pag-pasok na pag-pasok namin ay agad kong narinig ang pag-tawag ni Zoey sa’kin. Zoey is Zoelle's older sister. Although 1-year lang naman ang gap nila sa isa't isa and she's in her 4th-year high school. Tumingin ako rito at kita kong kumpleto na ang mga kaibigan ko sa aming paboritong lamesa at ako na lamang ang tanging kulang. "Ganda naman nun gurl. Da who un? Jowa mo?" Tanong ni Michael na naka-sunod pa din pala sa akin. "Ano? Hindi ko jowa yan! She's just my friend. Wala sa plano ko mag-jowa." Sagot ko rito. "Oh! I seeee." Anito sa matinis na boses. Kailangan ba talaga patinisin ang boses? Sakit sa tenga! Lumapit na ako sa mga ito at isa-isa ko silang binati. Ang dami namin, nakakapagod sila batiin. "Who is he Chrisnah? May boyfriend ka na pala, hindi mo sinasabi sa’kin!" Biglang tanong ni Zoelle sa’kin na halos nagpa-laki naman ng mga mata ko. Eto boyfriend ko?! Yuck! Diyos ko wala sa plano ko mag-boyfriend! At kung itong Michael lang naman na ito ang magiging boyfriend ko? Thanks but no thanks! Magpapakalalaki na lamang talaga ako. "Chrisnah?" Narinig kong tawag ni Kuya Crane sa’kin. Tumingin ako sa kanila ni Kuya Clive at kita kong matiim silang nakatitig sa’kin. Of course, I know that kind of look! Kahit titibo-tibo ako, alam kong ayaw nilang may umaaligid-aligid na lalaki sa’kin. Bantay sarado pa din sila pag-dating sa akin kahit alam nilang hindi naman ako papatol sa lalaki. Protective twins? Yes, they were. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at lahat sila ay naghihintay sa sagot ko. What the f**k?! They knew me for so long! Halos sabay-sabay kaming lumaki at kilala nila ako simula pagka-bata; that I don't act according to my gender tapos pag-iisipan nila akong jowa ko itong si Michael! Urg! "Of course not! He's not my boyfriend! Kadiri ka Zoelle!" Naiinis na sagot ko sa bestfriend ko. Sabay-sabay naman silang napa-buga ng hangin. Seriously?! Akala talaga nila boyfriend ko ang isang ‘to?! Ha! Never in my wildest dream! "Deny na deny gurl ah! Diring-diri pa te! Eeww din! We're not talo-talo. Yuck!" Nandidiring saad naman ni Michael. Umikot pa ang mga mata niya kasabay ng pag-ngiwi niya. "He's gay?" Narinig kong tanong ni Alli. At nang tignan ko ang mga kaibigan ko ay halos hindi sila makapaniwala. Of course, who wouldn't? Kahit ako noong una ay hindi rin maka-paniwala na bakla ang isang ito eh. Yes, he have the looks na mapapa-dalawang tingin ka talaga. Alam mo iyon? He's a head-turner at tiyak ako na maraming babae ang nanghihinayang sa kinahitnan ng kasarian ni Michael. Ilang babae na kaya ang umiyak sa panghihinayang rito? "Yessss proud and loud ate gurl!!!! I am Michael Gabriel Dela Fuente sa umaga, Michaella Gabriela sa gabi!" Pakilalang muli ni Michael na tila ba nasa isang pageant. "Oh my! I love this one!" Maarteng saad ni Zoey at tumayo pa ito para lapitan si Michael. Kunot-noong napatingin naman ako. "Ang pogi-pogi mo! Sayang ka!" Saad ni Zoey dito. Ngumiwi naman si Michael sa sinabe ni Zoey. "Ay gurl pwede ba sabihin mo na lang na maganda ako? Para naman matuwa ako sayo." He said na ikinatawa naman ng mga kaibigan ko. Miski ako'y hindi ko rin napigilan matawa. Well, parehas kaming naiinis kapag sinasabihan ng maganda at gwapo. Umupo na ako sa tabi ni Zoelle. Bahala ang baklang iyan kung saan ito uupo. Basta gusto ko na maupo para makakakain na ako. Bumalik na si Zoey sa upuan niya at umupo naman si Michael sa tabi ko. "Um-order ka na Chrisnah. Ang tagal mo eh, ikaw na lang hinihintay namin." Utos ni Kuya Clive sa’kin. Napa-simangot naman ako. "Ayoko! Ikaw na Kuya!" I said. "Ayoko din! Ikaw na lang Chad!" Utos naman ni Kuya Clive kay Kuya Chad. "Inuutusan mo ko Clive?" Walang emosyon na tanong ni Kuya Chad sa kakambal ko. "Hindi." Mabilis na sagot nito na ikinatawa naming lahat. Takot kasi si Kuya Clive kay Kuya Chad. Kilala kasi namin itong si Kuya Chad na mahilig makipag-basag ulo. Nakukunsumi na nga sila Tita Chloe at Tito Calvin sa kaniya eh. Kuya Chad is in his 3rd-year college. Mas matanda ito ng ilang taon kesa sa’min. "Ako na nga lang ang o-order. Gutom na ko nagtu-turuan pa kayo." Reklamo ni Chary at tumayo na ito para um-order ng kakainin naming lahat. "Wait samahan na kita Cha!" Prisinta ni Quentin at mabilis siyang tumayo para habulin si Chary. Chary is kuya Chad's younger sister. They are Tita Chloe and Tito Calvin's children. While Quentin is Kuya Crane's best friend. Si Allison naman ay anak nila Tita Gab at Tito Stephan. Only daughter kaya may pagka-spoiled brat. Alli is kuya Clive's bestfriend at hindi lingid sa kaalaman ko na may lihim na pag-tingin ang kakambal ko sa bestfriend niya. "Ang gaganda at ang g-gwapo naman ng mga kaibigan mo gurl. Nabubusog ang mga mata ko!" Kinikilig na bulong sa’kin ni Michael. Hindi ako sumagot at sa halip ay nakinig lang ako sa pinag-kekwentuhan ng mga kaibigan ko. "Lalo na ung kakambal mong si Clive. Bet ko iyon pero mas bet ko ung katabi niya. Hihi." Bulong muli nito sa’kin. Tinignan ko ang tinutukoy niya at kita kong si Kuya Crane iyon na busy sa binabasang nitong libro. Tinignan ko ng masama ang baklang katabi ko. "Huwag ang mga kakambal ko." Mahing bulong ko dito. Nang-laki naman ang mga mata niya. "Triplets kayo? Wow!" Namamanghang sabi ni Michael. "Gurl pwede quadruplets na lang tayo?! Ang g-gwapo ng mga kapatid mo!" Mahinang tili niya. Inirapan ko ito. “Hindi pwede. Bawal bakla sa amin." Sagot ko rito. Sumimangot naman ito. "Bawal bakla pero tomboy pwede? Gurl huwag ako." He said sarcastically. Muli ko itong inirapan. Ang ingay naman ng baklang ‘to. Lalagyan ko na ng tape ang bunganga nito eh. "Huwag ang mga kuya ko." I said possessively. "Ay pagmamay-ari mo gurl? Damot mo naman, pakurot lang eh." Malanding saad niya at umarte pa na parang kumukurot; with matching lip bite. Kadiri! Eewww! Hindi ko na lamang ito pinansin at sakto naman bumalik na sila Chary at Quentin bitbit ang mga pagkain namin. Sa wakas makakakain na ako! Gutom na talaga ako eh! Tapos iniimbyerna pa ako ng baklang ito. "Kainan na!" Masayang anunsiyo ni Kuya Clive at para itong batang nag-simula nang kumain. "Uy Michael kumain ka na din!" Alok ni Zoey dito at dumikit pa siya kay Michael para lang iabot ang pagkain ng huli. Tahimik lang akong nagsisimulang kumain habang maingay silang nagbibigayan ng pagkain. "Hi Chrisnah!" Bigla namang dumating ang boy best friend kong si Zethus. Kapatid nila Zoelle at Zoey. "Oy kain na!" Bati ko rito at inabutan ito ng pagkain. "Ghorl!" Kulbit sa'kin ni Michael. Ano na naman ba?! "What?" Iritang tanong ko kay Michael. "The who is he?!" anito habang ngumunguso-nguso kay Zethus na nakikipag-kwentuhan kela Quentin. "Si Zethus. Bakit?" Takang tanong ko. Tila nagningning naman ang mga mata nito. "Ang gwapo!" Sambit niya. Muntik ko nang maiubo yung kinakain ko. Takte! Lahat na lang ba gwapo dito sa baklang 'to?! Kahit ata ogre ipakilala ko dito, sasabihan pa rin niyang gwapo eh. "Can you please shut your f*****g mouth up?" Inis na bulong ko rito. Ngumuso naman siya sa’kin. Yuck! May pag-pout pa talagang nalalaman ang baklang ito ah! Kadiri! "Sungit!" Kunwaring nagtatampo na saad ni Michael at bumalik na siya sa kinakain niya. "Ah who is he?" Narinig kong tanong ni Zethus. Tinignan ko ito at kita kong siryoso itong nakatingin sa'min. "He's Michael! Chrisnah's classmate!" Magiliw na pakilala naman ni Zoey dito at kumapit pa talaga ito sa braso ni Michael. "Oy ghor alisin mo nga yang pagkaka-pulupot mo sa'kin! Eeeww!" Nang-didiri na saad ni Michael dito habang  pilit na inaalis ang braso ni Zoey sa kaniya. Mukhang tinamaan pa ata itong si Zoey kay Michael ah. Sabagay gwapo naman kasi itong baklang 'to eh, pero siyempre mas gwapo ako. "Oh, I see." Simpleng sagot ni Zethus at matipid itong ngumiti sa'kin. Zethus' been my best friend ever since the world began. Of course, lahat naman kami magkakababata. Sabay-sabay kaming lumaki, ako, si Kuya Clive, Kuya Crane, si Alli, si Kuya Chad, Ate Chary, Kuya Quentin, Kuya Quaid, si Zoelle, Zethus, at si Zoey. So, para hindi kayo malito. Ipapakilala ko sila sa inyo isa-isa. Kilala niyo na naman kami ng mga kakambal ko kaya no need na para ipakilala ko pa ulit sila. So, mag-start tayo kay Alli. Si Allison Gabrielle Hanes ay anak nila Tita Gab at Tito Stephan. Best friend ni Kuya Clive itong si Alli. Buti nga nagka-sundo sila dahil sobrang magka-iba sila ng ugali eh. Si Kuya Chad Harris Santos naman at Ate Chary Hermia Santos, anak nila Tita Chloe at Tito Calvin. Bestfriend ni Zoey si Ate Chary. Si Kuya Chad naman, siya yung malayo yung agwat sa'min dahil 3rd year college na siya. Si Kuya Quentin Lim and Kuya Quaid Lim naman ay ang kambal na anak nila Tita Queen at Tito King. Si Kuya Quentin best friend ni Kuya Crane, as far as we know meron din siyang gusto kay Ate Chary, but of course, Ate Chary doesn't have the slightest idea about that. Kami-kami lang ang nakakaalam and we are all rooting for them to end up together. Si Kuya Quaid naman bestfriend din yan ni Kuya Crane at sa pagkaka-alam ko, oo ako lang nakakaalam dahil sa'kin lang niya sinabi, may gusto siya sa best friend kong si Zoelle. Pero siyempre hindi alam ni Zoelle. Puro K-pop kasi alam ng babaeng iyon eh. And last but not the least, the Z siblings. Si Zoelle Ariella Wilford, Zethus Willford, and Zoey Arabell Wilford, ay ang mga anak nila Tita Miyuki at Tito Blake. Si Zoelle at Zethus ang bestfriend ko. 3rd year college na din yang si Zethus pero talagang close kami simula pagka-bata kahit na malayo ang agwat namin sa isa't isa. Si Zoey or Ara naman ang bestfriend ni Ate Chary, pero may secret kami niyan ni Zoey mwahahahahha. Crush niya si Kuya Crane pero hindi naman siya pinapansin ng kakambal ko. Iyon pang si Kuya Crane eh ubod ng suplado ‘yon. Pero don't get me wrong ah, lahat kami close sa isa't isa since our parents are best friendsssss. So, ayan kilala niyo na kami at mas lalo niyo pa kaming makikilala sa mga susunod na kabanata kaya sana patuloy niyong basahin ang kwentong ito. Okay?! Uupakan ko kayo kapag hindi niyo ito pinag-patuloy. Nagtayuan na kaming lahat nang marinig namin ang ringbell. It means tapos na ang lunch break at oras na para sa susunod na klase. Buti na lang at tapos na kaming lahat kumain. Ewan ko lang dito kay Michael na hanggang ngayon ay lumalamon pa din. "Mauna na kami guys ah?" Paalam ni Kuya Clive habang naka-akbay kay Alli. "Ano ba alisin mo nga yang kamay mo Clive!" Angal naman ni Alli. Tumingin naman si Kuya Clive dito. "Bakit? Mabigat ba?" Tanong ni Kuya. "Oo kaya alisin mo! Mamaya mapagkamalan pa tayong mag-jowa eh!" Asik ni Alli habang kipkip sa dibdib ang mga gamit nito. "Oh ano naman? Ayaw mo nun ang gwapo ng boyfriend mo." Ani Kuya Clive at nag-post pa ito. Napa-irap na lamang si Alli at nauna na itong nag-lakad palabas ng canteen. "Una na ko guys. Humahangin dito sa canteen eh." Rinig naming paalam nito habang tuloy-tuloy sa paglalakad. "Intayin mo ako Alli babe!" Habol ni Kuya Clive sa papalayong Allison. Natatawa na naiiling na lamang kami sa kakulitan ni Kuya. Si Kuya Clive talaga yung pinaka-makulit at pinaka-maingay sa'ming lahat. As in! "Gago talaga yun si Clive. Walang ibang ginawa kung 'di buwisitin si Allison." Natatawang saad ni Kuya Quentin. "Ano pa bang bago doon? Lagi naman nag-aaway iyong dalawang ‘yon." Dagdag naman ni Ate Chary. Naglalakad na kami palabas ng canteen habang nagke-kwentuhan. Sumunod na rin si Kuya Crane dun sa dalawa dahil magka-klase sila. Si Zoelle naman ay pupunta pa raw ng cr kaya humiwalay sa'min. Yung mga 3rd year college naman na sina Kuya Chad at Zethus ay nag-paalam na rin. "Nakakapagtaka nga at naging mag-bestfriend iyong dalawang ‘yon eh." Dagdag pa ni Ate Chary. Natawa naman si Kuya Quentin. "Opposite attracts." Anito na nakapag-patawa kay Ate Chary. Ako naman ay nangingiti lamang. Hindi naman ako mahilig sumabay sa kwentuhan nila, madalas ay tahimik lamang ako. "Oh siya dito na kami Chrisnah." Paalam ni Ate Chary. Ngumiti naman ako at tumango sa kanila. "Hoy Zoey halika na! Tigilan mo na yang si Michael." Sigaw ni Ate Chary. Lumingon ako at nakita kong kinukulit-kulit ni Zoey si Michael at halata naman kay Michael na gusto na niyang lumayo kay Zoey. Gusto kong matawa sa pagmumukha ni Michael. Para siyang nang-didiri na ewan. "Ghorl tawag ka na oh! Chupepe ka na! Shoo shoo!" Pagtataboy ni Michael kay Zoey. "Eeeh gusto pa kita maka-bonding eh." Parang bata na sabi ni Zoey. Akala ko ba si Kuya Crane ang gusto nito eh bakit ganito ito umasta kay Michael? "Ghorl araw-araw tayo magkikita. Anubey!" At umirap si bakla. Nag-pout naman si Zoey at halos matawa kami ng makita naming sukang-suka si Michael habang nakatingin dito. "Ghorl huwag kang ga-ganiyan. Mukha kang tilapia." Kumento ni Michael. I bit my lower lip to prevent myself from laughing. Damn! Kanina pa ako natatawa sa banat nitong baklang 'to. Ayokong tumawa pero hindi ko mapigilan! "Ang bad mo! Tara na nga Chary!" Nakangusong saad ni Zoey at lumapit kay Ate Chary na natatawa rin. Maging si Kuya Quentin ay nangingiti habang naiiling. "Oh siya mauna na kami! Late na kami, gaga kasi ‘tong si Zoey!" Saad ni Ate Chary at nagmamadali na silang umalis papunta sa kanilang classroom. "See you later Chrisnah, Michael!" Sigaw ni Ate Chary. Kumaway lang ako dito. Si Zoey naman ay nag-flying kiss kay Michael at halos matawa na naman ako nang umaktong parang umiilag si Michael. s**t lang! "Pfft." I can't help myself! I am damn laughing! "Oh napano ka ate ghorl?! Tawang-tawa?!" Sarkastiskong sabi ni Michael sa'kin habang naglalakad na kami patungo sa room namin. "Bagay kayo ni Zoey." I said, still laughing. Mabilis na nag-bago naman ang reaction ng mukha ni Michael. Mukha na naman itong nandidiri na ewan. Putek! Nakakatawa iyong itsura niya kapag ganoon! "Susmaryosep! Magdahan-dahan ka nga sa sinasabi mong shibuli ka!" Iritang sabi niya sa'kin. "Mas bet ko mga kuya mo or yung iba mong kabarkadang fafa noh!" Maarteng saad ni Michael na may kasamang pagpilantik pa ng mga daliri. "Eh kaso bet ka ni Zoey." I said, chuckling. Nakita ko naman kung paano tumirik ang mga mata nito sa sobrang inis. Damn! He looks so damn funny while doing that! "Ghorl kung walang magandang sasabihin iyang bibig mo, itikom mo na lang! Like zipping your mouth bitchhh." Anito na umaarte pang zini-zipper ang bibig. Pinigilan kong muli ang sarili kong matawa rito. Malapit na kami sa classroom namin. Ewan ko ba pero gusto ko pang asarin 'tong baklang 'to. Ang sarap asarin eh! Nakakatawa kasi yung mga facial expression niya. Ang gwapo-gwapo pero ang pangit ng mga expressions niya. Hindi bagay sa kaniya. Wth! "Bakit? Maganda naman si Zoey ah?" Dagdag ko. Nasa loob na ng classroom namin si Michael and I were about to enter the room too when I stopped halfway because of what he has said. "Ghorl kung yung si Zoey friendlalu mo lang din naman, edi ikaw na lang ang pipiliin ko. Mas bet kita noh at mas maganda ka doon kesa sa mukhang tilapia na iyon!" Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lamang naramdaman ang mabilis na pag-t***k ng aking puso.Nangunot-noo ang noo ko kasabay ng pag-hawak ko sa aking dibdib. What the f*****g hell is that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD