SHHS 3
Chrisnah's Point of View
"Aish." Kanina ko pa pilit pinapa-kalma yung malakas na t***k ng puso ko dahil sa sinabi ni Michael kanina.
Hindi naman ako affected, I mean, not in a way na kinikilig ako or what. Like, bakit naman ako kikiligin 'di ba? Aish! Ewan ko ba kasi sa baklang iyon at bakit ganoon ang lumalabas sa bibig niya!
Eto namang puso ko, grabe ayaw tumigil sa pag-t***k ng malakas. Kulang na lang kumawala sa ribcage ko.
"Tahimik ka diyan ghorl!"
"Ay puso ko!"
Hindi ko mapigilang maibulaslas nang biglang mag-salita si Michael sa tabi ko. Urg! Bakit kasi bigla-biglang nagsa-salita ang isang 'to?!
Tumingin naman ako sa kaniya at kita kong taka siya'ng naka-tingin sa'kin. Napa-buntong-hininga na lamang ako.
"Pwede ba itikom mo yang bibig mo kahit isang minuto lang?" I said poker-faced. Nagta-taka siya ngunit hindi na lamang siya nag-tanong pa.
Halos mapa-tapik pa ako sa aking noo nang makita kong unaarte siyang zini-zipper niya ang kaniyang bibig. Baliw nga ata talaga 'tong isang 'to!
"Bakit ka ba andito sa tabi ko? Hindi ba't doon sa unahan ang upuan mo?" Tanong ko sa kaniya habang naka-halumbaba ako sa aking lamesa.
Iniintay ko yung sagot niya ngunit laking pagta-taka ko nang hindi siya sumagot.
Bumaling ako sa kaniya at nangunot ang noo ko nang makita kong pirmi siyang naka-upo at tikom ang bibig.
"Hoy! Kinakausap kita!" Asik ko sa kaniya pagka-tapos ay marahan kong tinapik ang balikat niya.
Huwag na kayong mag-taka kung bakit nakakapag-kwentuhan pa kami kahit tapos na ang lunch period. Wala pa yung assigned teacher namin.
Bumaling siya sa'kin at napa-simangot na lamang ako nang ipakita niya ang phone niyang may timer. Naka-set ito sa 1 minute.
Talagang tinotoo niya yung sinabi kong itikom niya yung bibig niya for 1 minute. Nag-set pa siya ng timer.
Nakaka-ubos ng lakas itong baklang 'to.
Hinintay kong matapos ang timer niya at ganoon na lang ang pag-buga niya ng hangin after tumunog ng phone niya.
"Ayan na ghorl! Tapos na iyong 1 minute na hinihiling mo! Pwede na ba ako mag-salita?" Malakas ang boses na tanong niya sa'kin. I frown but deep inside me gusto kong tumawa.
Ewan, basta natatawa ako sa inaasta niya. Para siyang bata.
"You're already talking, silly," I said as a matter of fact. Ngumiti naman siya sa'kin ng malapad and for a moment, as I stare at his smiling face, hindi ko rin maiwasang hindi mapa-ngiti.
I can't help it! Nakaka-hawa yung ngiti niya. He's somehow, cute. Pogi talaga itong baklang 'to.
Wait! Bakit ba pinupuri ko ang isang 'to?! Kailangan pa ako natutong pumuri ng lalaki?
"Ano nga ulit tanong mo kanina ghorl?!" Ayan na naman yung matinis niyang boses. Required ba talagang patinisin ang boses kapag bakla?
Ang sakit kaya sa tenga, lalo na 'tong boses ni Michael, ang lakas pa naman mag-salita akala mo nasa kabilang classroom yung kausap niya.
"I said, why are you sitting beside me eh 'di ba doon ang upuan mo sa unahan?" I asked again. Tumingin naman siya sa unahan then bumalik ulit ang tingin niya sa'kin.
"Wala lang." He answered while shrugging his shoulders. And for the first time, nakita kong sumiryoso ang expression ng mukha niya.
"Nakita kasi kita kanina na mag-isa. Akala ko loner ka, kaya nilapitan kita." Then he glanced at me. "And I found you cool and somehow, interesting." And he smiles silly at me. Hindi naman ako sumagot.
Sanay naman ako na mag-isa ako tuwing nahi-hiwalay ako sa mga kaibigan kong ka-batch ko. Okay lang naman din sa'kin ang mapag-isa. Pabor pa nga dahil tumatahimik ang mundo ko.
Ngayon lang naman umingay ang mundo ko simula ng dumating 'tong baklang 'to.
"Atsaka ano..." Napa-tingin ako sa kaniya at napa-kunot muli ang noo ko nang makita kong parang kiti-kiti siya na hindi mapakali.
Bahagya siyang naka-yuko habang walang tigil na pinagla-laruan niya ang mga daliri niya. Hindi rin siya maka-tingin sa'kin at pansin kong bahagya ding namumula ang kaniyang mga pisngi.
Anong nangyari sa isang 'to? Natatae ba 'to?
"Atsaka ano?" Takang tanong ko sa kaniya. Bahagya naman niya akong lumingon at nahihiya niyang hinawi ang may kahabaan niyang buhok. "Atsaka naga-gandahan ako sa'yo." Saad niya sa mahina at nahihiyang boses. Mas lalo ring pumula ang kaniyang mga pisngi dahil sa sinabi niya at hindi rin siya maka-tingin sa'kin. Ngunit kita kong bahagya siyang naka-ngiti.
Ako naman ay napa-tigil. Ang kaninang pinapa-kalma kong puso ay bigla na namang nag-wala. Alam mo yung pakiramdam ng mga bidang babae sa anime kapag may nangyayaring nakaka-kilig sa kanila? Yung scene na parang huminto ang paligid at nag-karoon ng mga sparkling bubbles.
Ganoon! Ganoon yung feeling ko ngayon! Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko nasa anime ako at ako yung bidang babae!
Hindi naman ito yung unang beses na may nag-sabing may naga-gandahan sa'kin pero damn! Bakit iba yung feeling kapag sa baklang ito nang-galing ang mga papuring iyon? Urg!
"A-ah..." Mas lalong lumakas yung t***k ng puso ko nang magka-titigan kami. Te-teka! Bakit parang mas lalong lumiwanag yung paligid! Pakiramdam ko nag-laho na nang tuluyan yung mga tao sa paligid namin.
Magsa-salita na sana siya nang...
"Okay class! Sorry, I'm late." Napa-igtad kaming parehas at agad na napa-iwas ng tingin sa isa't isa ng biglang pumasok ang homeroom teacher namin.
Nangla-laki ang mga mata ko habang dinaramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. s**t! Ano yun?! Anong nangyari?
"Atsaka naga-gandahan ako sa'yo." I bite my lower lip when I heard his voice ringed inside my head. Wala sa sariling napa-hawak ako sa pisngi ko at napa-pikit na lang ako ng mariin nang maramdaman ko ang pag-iinit nito.
Teka, bakit nagb-blush ako?!
...
Ilang oras ang lumipas at sa wakas uwian na. Pagka-tapos ng nakaka-ilang na scene namin ni Michael kanina ay hindi na kami muling nag-usap. Pero hindi pa rin naman siya umaalis sa tabi ko.
Tumayo na ako pagka-tapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Naka-sukbit na ang bag ko sa aking balikat at handa na sanang mag-lakad palabas ng classroom nang bigla akong tawagin ni Michael.
"Ghorl." Nilingon ko naman ito. "Bakit?" I asked while staring at him. Hindi agad siya umimik, mukhang balisang tilapia siya dahil hindi siya mapa-kali. Pinagla-laruan na naman niya ang mga daliri niya at hindi na naman siya naka-tingin sa'kin.
Hindi ko tuloy maiwasang mapa-taas ang isang kilay. Ano na naman bang ketek ng baklang 'to?
"What do you need? Uuwi na ako dahil uwing-uwi na ako." Saad ko sa boses na naiinip. Masanay na kayong parang siga ako umasta dahil lumaki akong ganito.
Sabi nga nila Mommy at Daddy, mas siga pa raw ako sa mga kakambal kong lalaki. Kaya huwag kayong umangal sa ugali ko, okay? Ako nga hindi umaangal sa ugali niyo eh. Tsk.
" A-ano... " Nauutal na simula niya. Mas lalo tuloy umangat ang kilay ko. Ano bang nangyayari dito sa isang 'to at nagkaka-ganito? Kanina pa 'to.
"Ano? Pwede paki-bilisan! Naiinip na ako." I said with my famous poker face.
Tumingin naman siya sa'kin at kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"I just want to say that I'm so glad to meet you. Sana maging kaibigan kita." Sabi niya sa nahihiyang boses niya na may kasamang pag-hawi sa buhok niyang may kahabaan.
Hindi ko alam pero biglang lumambot ang expression ng mukha ko habang naka-tingin kay Michael.
Bakit ba ang daming lumalabas na unusual words sa bibig nitong baklang 'to? I mean, he always said something that leaves me dumbfounded.
And this is the first time na may humiling na maging kaibigan ko bukod sa mga kababata ko. I mean, I'm famous because of my popular friends pero wala ni isa ang nag-sabi sa'kin na sana maging kaibigan nila ako.
I don't know why but I suddenly feel happy.
It's good to know that somehow, someone in this world wants to befriend me.
"Akala ko naman kung anong sasabihin mo." I said as I try to hide my smile. I c**k my head sideways para hindi mahalata ni Michael na napapa-ngiti ako.
Napansin ko namang tumingin sa'kin si Michael at napa-maang.
Napapa-ngiti na talaga ako dahil sa itsura ni Michael. Para siyang inosenteng bata na naka-tingin sa isang bagay na hindi niya alam kung papaano gamitin. Pfft, seriously? Ilang taon na ba ang baklang 'to?
Isang araw ko pa lang siya nakilala pero iba't ibang personality niya na agad ang nakikita ko. There's this goofy and loud side of him and right now, kaharap ko yung inosenteng side niya.
Tinalikuran ko na siya para hindi niya makitang naka-ngiti ako.
"Siguraduhin mong mae-entertain ako sa company mo dahil kung hindi ia-unfriend kita." I said, smiling widely.
Hindi ko na alam kung anong reaksyon niya dahil nga sa naka-talikod na ako pero alam kong bahagya siyang nagulat dahil rinig ko ang mahina niyang pag-singhap.
"Talaga ghorl?! Omg!!! Nako sure akong mae-entertain ka sa company ko dahil araw-araw kitang bubulabugin ghorl! Kyaaahh this is so fun like o to the m to the g!!!" Rinig kong sagot niya.
I stop myself from laughing. And this is the goofy and loud side of him. This gay is unbelievable.
Bahagya na lamang akong napa-iling.
"Ingay mo. Alis na ako, kanina pa ako iniintay ng mga kakambal ko! Tagal mo kasing bakla ka!" I said while my back still facing him.
" Iyakap mo na lang ako sa mga kakambal mong pogi ah!! Ba-bye ghorl! See yah tomorrow ghorlalu!" Hindi na ako sumagot pa at sa halip ay nag-lakad na ako palabas ng classroom.
I chuckle softly as soon as I got outside of our room. This is the first time I encountered such a person like Michael and this is the first time I showed different emotions sa taong isang araw ko pa lang naki-kilala.
I don't know what's with that gay, but I think being friends with that loud, goofy, and innocent guy is not a bad thing.
Napa-tingin ako sa kulay kahel na kalangitan dahil sa papalubog na araw.
I think my 3rd-year high school life will be interesting and something fun.
...
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi naman sa intensyon ko talagang pumasok ng maaga, sadyang hinila lang ako ng mga kapatid ko dahil may gagawin daw sila sa library na kailangan nilang matapos agad.
Kung ano man iyon? Hindi ko alam. Madaling-madali nga si Kuya Clive habang si Kuya Crane ay cool na cool lang. Siguro hindi na naman nagawa ni Kuya Crane ang mga assignments niya. Tsk tamad talaga!
Pag-pasok ko sa classroom namin ay agad na napa-kunot ang noo ko. Nakita ko kasi si Michael na naka-tayo sa unahan habang naka-yuko ang ulo at sukbit-sukbit pa ang bag sa balikat nito. Habang ang mga kaklase ko namang lalaki ay tawang-tawa na naka-turo pa ang mga hintuturo nila kay Michael.
What's going on here?
"Bakla pala 'tong isang 'to eh!" Natatawang saad nung isa kong kaklaseng lalaki sa mga kaibigan nito pagka-tapos ay sabay-sabay silang nag-tawanan.
"Tangina ngayon mo lang nalaman pre? Eh kahapon pa yan naka-ribbon tapos putok na putok pa yung labi sa lipstick niyang pula." Sagot naman nung isa niyang kaibigan. Muli silang nagka-tawanan kaya naman yung ibang mga kaklase namin ay natatawa na rin.
Napa-tingin ako kay Michael na naka-yuko lang. Wala siyang ginagawa, hindi rin siya kumikilos. Magka-daop lamang ang kaniyang dalawang kamay habang naka-yuko na para bang hiyang-hiya.
Wala ba siyang gagawin?! These people are bullying him! Wala ba siyang gagawin para depensahan niya yung sarili niya?
"Hoy bakla! Alam mo bang bawal bakla dito sa SCU?" Aniya ng isa naming kaklase kaya nagka-tawanan na naman ang mga hinayupak kong kaklase.
I don't know why, pero naiinis ako. Gusto kong pagsa-sapakin ang mga 'to dahil sa ginagawa nila kay Michael. At eto namang si Michael, bakit hindi niya magawang ipag-tanggol man lang ang sarili niya? Nakakainis! Ayoko sa lahat ay nakaka-kita ng mga ganitong eksena.
"Hoy bakla hindi ka ba magsa-salita?! Pipe ka ba?!" Maangas na tanong naman ng isa pa naming kaklase na kung hindi ako nagkaka-mali ay anak ng isang teacher dito.
Anak ba talaga ito ng teacher? Bakit hindi man lang niya magawang turuan ng magandang asal ang anak niya? Pwe.
"Pipe ata 'tong baklang 'to eh!" Dugtong niya at humarap siya sa buong klase. Nag-tawanan muli ang mga kaklase ko habang ako ay unti-unti nang kumukuyom ang kamao.
Nag-lakad palapit kay Michael yung anak ng teacher at maangas na tinindigan ang huli. "Bakla na nga, pipe pa. Walang kwenta!" Nangungutyang pahayag niya kay Michael and he was about to push him away but I immediately interfere.
Agad kong hinawakan ang braso ng lalaking ito at masama siyang tinitigan dahilan para bahagya siyang mapa-atras. Natigil din ang tawanan at lahat ay halatang nagulat sa bigla kong pag-pasok.
"C-Chrisnah." Narinig kong tawag ni Michael sa pangalan ko. Nasa likod ko siya at alam kong miski siya'y gulat din.
I c****d my head sideways to give him a quick glance.
"Be still." Bulong ko na agad naman niyang tinanguan. Bumaling muli ang mga mata ko sa lalaking hawak-hawak ko pa rin ang braso.
"What's wrong with you?" Siryoso at malamig na tanong ko sa kaniya. Tila natakot naman siya sa paraan ng pananalita ko kaya naman mabilis siyang umiling.
Hindi naman ako pala-away. Hindi rin ako ganito sa tuwing nakaka-kita ako ng mga taong binu-bully. I'm not trying to act all cool and mighty either. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang hindi mangielam nang makita kong sumusobra na sila sa pangbu-bully kay Michael.
I hate to see other people bullying my friends. Ako lang ang pwede mang-bully sa baklang 'to.
"Oh wala naman pala eh! Bakit ka ganiyan?!" Saad ko at marahas kong binitawan ang braso niya. Pagka-tapos ay tumingin ako sa mga kaklase kong gulat pa rin na naka-tingin sa'kin.
"What's wrong with all of you?! Wala namang ginagawang masama yung tao sa inyo, bakit binu-bully niyo?!" Naiinis na sigaw ko sa kanila. Lahat naman sila ay napa-tigil at ni isa wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanila.
"What's wrong with being gay?! Mali ba maging bakla?! Mali bang magpaka-totoo ka sa sarili mo?! Mali bang i-express mo yung totoong ikaw?!" I said and I held Michael's hand.
Alam kong nagulat si Michael at hindi niya inaasahan ang ginawa ko. I pulled him beside me.
"Ano naman ngayong kung lalaki siya at may suot na pink na ribbon?! Ano naman ngayon kung putok na putok ang labi niya sa lipstick na pula?! Anong meron kung bakla siya?! Natatapakan niya ba ang pagka-tao niyo?! May ginawa bang masama itong baklang 'to sa inyo?! Napaka-dali para sa inyo ang mang-husga at pag-tawanan ang pagka-tao ng iba, without knowing what they have been through. Without knowing the struggle of this person you're calling gay just to survive this world full of judgemental and toxic people." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Michael. I don't know why pero sobrang inis na inis ako.
"You know what, being gay is not a bad and ugly thing. We're not ugly, we're not toxic, society is. Mga feeling perfect." I said and with all my might, I rolled my eyeballs heavenward.
Katahimikan ang bumalot sa buong classroom namin pagka-tapos kong manermon. Kilala ako ng mga taong 'to dahil simula elementarya, sila na ang mga ka-batch ko. Of course, SCU is a complete package. May primary, secondary, and tertiary education.
Kaya halos lahat ng mga estudyante dito ay magkaka-kilala na rin dahil ang iba ay hindi na umalis dito simula elementarya. And these people knew me ever since. They knew what I am capable of and they knew how I am when I get mad.
Don't get me wrong, I'm not a gangster. Psh! Alam lang nila na talagang siga ako dahil nga pusong lalaki ako eversince the world begun for me.
Pagka-tapos ng ilang minutong katahimikan ay bumaling ako sa lalaking anak ng teacher namin.
"At ikaw." Duro ko sa kaniya dahilan para mapa-atras siya. Tsk lakas mang-bully pero takot naman pala sa'kin. "Between you and Michael," I state as I point my fingers between the two of them. "You're more than worthless than him. Try to ask your mother first to teach you how to be well-mannered before you judged someone." And I grinned at him.
"Kulang ka ata sa aruga." Yun lamang at hinila ko na si Michael palabas ng classroom namin, leaving them all dumbfounded.