Crisnah's Point of View xx
Nakatingin ako ngayon sa harap ng harap ng isang life size mirror at pinagmamasdan ko ang sarili ko. Napasimangot ako sa nakikita ko. Ang babaeng-babae ko tignan sa unipormeng ito. Nakakainis! Bakit kasi pang-Japanese ang uniforme sa SCU eh! Hindi ako sang-ayon sa uniforme na ‘to. Gusto ko tuloy lumipat ng school! Urgh!
"Chrisnah are you done?" Narinig kong katok ni Kuya Crane. I'm fully aware na kanina pa nila ako iniintay ni Kuya Clive dahil sabay-sabay kaming papasok ngayon. First day of school eh. Pero dahil nag-iinarte ako sa uniforme ko eh hindi ko magawang lumabas ng kwarto.
"W-wait lang kuya, matatapos na talaga ako." Sigaw ko. Napabuga ako ng hangin. Ilang wait pa ba ang sasabihin ko? Nakaka-ilan na ko and knowing Kuya Crane, I'm sure he's getting pissed right now.
"We're going to be late---"
"Bilisan mo na bruh! Kanina pa nakasimangot ‘tong si Crane! Excited pumasok ang gago! Hahaha"
"Shut up Clive."
Rinig kong pagtatalo ng dalawa kong kakambal sa labas ng kwarto ko. Napatingin ako sa orasan and it's nearly 8 o'clock which is start ng class hours.
Sinulyupan kong muli ang sarili ko bago ako mangiyak-ngiyak na lumabas ng kwarto habang bitbit ang backpack ko.
Nadatnan ko pang pinagkakatuwaan ni Kuya Clive ang nakasimangot na si Kuya Crane pero natigil din sila at agad na napatingin sa’kin.
"Woah! Babaeng-babae ka dyan bal!" Namamanghang saad ni Kuya Clive at inakbayan nya ko.
Napasimangot naman ako. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o hindi eh! Ang sarap suntukin!
"Well, you look good in that uniform Chrisnah. Now, let's go. We're damn late, idiots." Ani naman ni Kuya Crane at nauna na itong bumaba ng hagdan.
Gusto ko talaga maiyak ngayong araw na ‘to! Ayoko sa suot ko. Ayoko ng ganitong uniform! Gusto ko yung uniform ng mga kakambal ko!
"Stop pouting, twin. You don't know how cute you are in that uniform. Trust me." Nakangiting sabi ni Kuya Clive saken at inayos nya ang full bangs ko.
Ako cute?! Yak!!! That's the least compliment I wanna hear for Pete's sake! Sabihan mo akong pogi, matutuwa pa ko! Pero cute?! Uh! Nevermind!
"Pero kuya parang ‘di mo naman ako kilala, ayoko ng ganitong klaseng pananamit. Tignan mo ang ikli oh! Atsaka hindi ako cute, pogi ako! Pogi!" Angil ko sa kanya. Natawa naman si Kuya Clive at ginulo niya ang buhok ko.
Hala parang siraulo! Inayos-ayos niya yung bangs ko kanina tapos guguluhin din pala niya.
"Kahit na mas maton ka pa sa’min ni Crane, ikaw pa din ang nag-iisang babygirl namin." Natatawang saad nito na talaga namang kinainis ko ng husto.
Babygirl my ass! Yuck!
"Tigilan mo ako sa babygirl mo! Kadiri lang pakinggan!" Singhal ko at nilagpasan ko na siya. Nauna na akong bumaba dito dahil walang mangyayari kung itutuloy ko pa ang pakikipag-usap sa lalaking iyon.
Daig mo pa may ketek sa ulo. Kung ano-anong nakakadiring bagay ang pinagsasabi! Pwe!
"Babygirl hintay!" Tatawa-tawang sigaw ni Kuya Clive.
Sumimangot na lang ako at hindi ito pinansin. Sobrang sama na ng araw ko, ni hindi pa nga nagsi-simula, sira na agad. Urg!
Nagdire-diretso ako sa sasakyan ni Kuya Crane at sumakay sa backseat. Sa passenger seat naman si Kuya Clive. Nang-aasar na nakangiti pa rin siya sakin at inirapan ko na lang siya.
Kalma ka Chrisnah. Kakambal mo yang unggoy na yan, wag mong patulan. Grr!
Habang nasa byahe ay todo hila ako sa skirt ng palda ko. Nagbabaka-sakali akong humaba ito kapag hinila ko nang hinila. Kahit hanggang .5 inch above the knee lang, okay na ako.
Nakakainis talaga!!! Gusto kong mag-palit ng uniform! Pwede bang katulad na lang kela kuya iyong uniform ko?! This is so damn frustrating!!
"We're here." Anunsyo ni Kuya Crane nang mai-park na niya ang sasakyan sa parking lot ng school namin.
Nauna nang bumaba sila kuya pero nanatili pa rin ako sa loob ng sasakyan.
Anak ng tupa!!! Parang hindi ko kayang bumaba at mag-lakad ng ganito ang suot papasok sa loob ng school!!! Aaaaahhhh!!! Nakakahiyaaaa utang na loob!!! Can someone please sent me some miracle and change my uniform?!
Napa-pitlag ako ng biglang kinatok ni Kuya Clive ang bintana sa side ko at sinenyasan akong bumaba na.
Holy s**t! This is it pansit! It is now or never!!!
Wala sa loob na bumaba ako ng sasakyan. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at feeling ko hindi ko kakayaning mag-lakad.
"Ok lang yan, twin. Maton ka pa din naman." Ani kuya Clive at tumawa ito habang pina-pat ang ulo ko.
Tinitigan ko ito ng masama. Nakaka-ilan na ito ngayong umaga ah?! Kota na! Grr!
"Stop it, Clive. You're making Chrisnah uneasy." Suway naman ni Kuya Crane dito. Bumaling ito sa’kin at inayos ang buhok kong nagulo dahil kay Clive baluga.
"This isn't your first time wearing that uniform Chrisnah, don't act like this is. Let's go." Siryosong saad ni Kuya Crane at wala na akong nagawa kung hindi tumango na lamang.
Naunang nag-lakad papasok si Kuya Crane at sumunod kami ni Kuya Clive.
Of course, this is not my first time wearing this effin’ uniform pero hindi pa rin talaga ako komportable. I'm not used to wearing this kind of clothes pero dahil kasama sa rules and regulations ‘to ng school, kailangan kong sumunod.
I'm currently in my 3rd-year high school. Dalawang taon na lang at g-graduate na ako. Konting tiis na lang!
"Chrisssssssss!!" Nakakagulantang na sigaw ni Zoelle at bigla niya kong sinalubong ng yakap.
Muntik pa kaming bumagsak sa sahig kung ‘di ko lang nabalanse ang sarili ko.
"Good morning Chris!" Masiglang bati nito sa akin.
"Bumanganga mo. Ang ingay mo para sa umaga, alam mo yun?" I said sarcastically at her. Napanguso naman ito.
"Wag ka nga! Namiss kaya kita atsaka hindi ka ba natutuwa na ang ganda kong pambungad sa umaga mo?!" Masiglang saad nito at para pa itong tuko na kumapit sa braso ko.
This is Zoelle Ariella Willford, anak nila Tita Miyuki at Tito Blake and she's my best friend.
Ganito talaga ‘tong babaeng ‘to. Maingay, makulit at laging high energy. Siguro lagi itong naka-milo.
"Zoelle Ariella, ang clingy mo! Paano mo ko na-miss eh nag-kita naman tayo kahapon! Atsaka pandagdag ka sa mga nakakasira ng araw ko." Saad ko rito na ikinasimangot naman niya.
Narinig kong tumawa si Kuya Clive at pinat nito ang ulo ni Zoelle.
"Paano ka nakakatiis sa ugali ng kakambal ko?" Natatawang tanong ni Kuya.
Ako naman ang napa-simangot. Alam kong hindi maganda ang ugali ko, pero kailangan pa ba ipa-mukha. Grr!
"Oh well, mauna na kami girls. Kanina pa excited ‘tong si Crane pumasok eh. Pumasok na rin kayo okay? See you later." Paalam ni Kuya Clive sa amin at nauna na sila ni Kuya Crane.
Magka-klase silang dalawa at ako naman ay naiba ng section. Unfortunately, hindi ko rin kaklase si Zoelle.
"Hoy babae, wala ka pa bang klase?" Tanong ko kay Zoelle habang nag-patuloy kami sa pag-lakad.
"Hmm, wala pa. Wala pa yung class adviser namin eh. Balita ko eh may meeting ang mga teachers ngayong umaga kaya baka ma-late ang mga teachers natin sa klase." Anito at napa-tango naman ako.
Sayang effort ni Kuya Crane sa pagmamadali, wala pa palang mga teachers.
Pag-pasok namin sa building namin ay nag-paalam na si Zoelle na pupunta na siya sa kanyang classroom. Nasa 3rd floor ang room niya at nasa 2nd naman sa’kin.
Nakaka-lungkot isipin na wala man lang akong kaklase ni isa sa mga kaibigan ko! Si Alli, paniguradong kaklase niya din sila Kuya Clive!
I'm all alone!
Pag-pasok ko sa classroom ko ay may kaniya-kaniyang mundo ang bawat kaklase ko.
Buti na lang at wala pang masyadong naka-upo sa bandang dulo at may mga bakante pa kaya doon ko napag-pasyahang pumwesto.
Pag-upo na pag-upo ko ay agad kong itinali into ponytail ang may kahabaan kong buhok at itinaas ko ang mga paa ko sa upuan.
Literal na upong lalaki ang ginawa ko. Naka-cycling shorts naman ako kaya wala akong dapat ikabahala.
Tahimik kong pinagma-masdan ang mga kaklase kong may kaniya-kaniyang kwentuhan. Kung andito lang sila Zoelle, Alli at ang dalawa kong kakambal, malamang may ka-kwentuhan ako ngayon at baka nasaway na rin ako ni Kuya Crane dahil sa upo ko.
Bakit ang saklap naman ata ng 3rd-year high school life ko?!
I'm not into socializing. Hindi ako mahilig makipag-communicate sa ibang tao, maliban sa mga kaibigan ko. Tahimik ako madalas kapag hindi sila ang kasama ko. In short, I am an introvert. Unlike nila Kuya Clive, Alli, and Zoelle, magaling sila makipag-socialized. Kuya Crane is another topic, he's cold and a little bit distant.
Pero I can say that, I am bit popular because of my twin brothers. Marami kasing nagkaka-gusto sa dalawang iyon. Popular sila pag-dating sa mga babae, lalo na si kuya Clive. Plus, idagdag mo pa yung mga kaibigan kong nasa higher year level na sikat din dito sa school namin. Halos lahat ng kaibigan ko dito na kasama ko na simula pagka-bata ay mga sikat, napapaligiran ako kaya nadamay ako.
"Hey, gurl!! Why are you alone!"
Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa aking harapan at nagtititili.
Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Lalaki siya pero bakit napaka-tinis ata ng boses niya?!
Pag-dako ng mga mata ko sa kanyang mata ay parang bigla akong napatulala.
Teka, baka nagkaka-mali lang ako. Baka hindi ito yung may matinis na boses. Ang gwapo kasi ng nasa harapan ko eh. Hindi bagay sa mukha niya kung ganoon yung boses niya.
"Ha? Ako ba kausap mo?" Tanong ko sa lalaking ito.
Pinagmasdan ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko. At halos man-laki ang mga mata ko ng mapansin kong may clip siya sa buhok niya na.... HUGIS RIBBON AT KULAY PINK PA?!?! SERIOUSLY?!
At kung hindi pa ko nagkaka-mali, parang naka-lipstick pa ata ito!?!
Anong nangyayari?! Bakit ganito itsura ng isang ‘to?!
Hindi kaya...
"Hi, gurl!!! Oo ikaw nga! Sino pa ba sa tingin mo ate gurl?! Ikaw lang naman tao ditey sa pwestong ito. Kalerkey ka ha! May nasa-sight ka ba na hindi ko nasi-see?" Saad nito sa matinis na boses.
Confirm.... Hindi ako nagkaka-mali ng iniisip. Itong lalaking nakatayo sa aking harapan ay isang sirena...
Halos mabuwal ako sa aking kinauupuan. Hindi ako maka-paniwala na ang ganito ka-gwapong lalaki ay sirena pala. Alam mo iyon?! Beki! Bakla! Gay! Pusong babae!!
Kung tutuusin, mas maganda pa siya sa’kin kapag naging babae. Pero hindi ko pinangarap maging maganda!
"Ah.. eh.." wala akong maapuhap sabihin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nawiwindang pa rin ako hanggang ngayon!
"Do you mind if I sit beside you gurl?! Mukhang ang lonely mo eh!" Anito at mahinhin itong tumawa.
Jusko! Babaeng-babae siya kung gumalaw, pati nga pag-tawa eh! Ano ‘to?! Palit na lang kaya kaming katawan!
"Ha? Sige lang." Tipid kong sagot sa kaniya.
Tuwang-tuwa naman siya at agad niyang kinuha ang bag at inilagay sa katabi kong upuan.
"So, hello seatmate!! Kyaahh I'm so happy na may katabi akong magander!" Tuwang-tuwa sabi nito at pumalakpak pa ito.
Nag-pantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Did he just say I'm pretty?
"Hindi ako maganda!!" Asik ko rito.
Tila nagulat naman siya sa naging reaksyon ko at napa-hawak pa siya sa dibdib niya.
"Uy kalma ka lang teh! Sige ka, magkaka-wrinkles ka. Sayang beauty!" Anito at humagikhik ito.
"Hindi nga kasi ako maganda! Bumalik ka na nga doon sa dati mong upuan!" Asik kong muli rito na ikinabigla naman nito.
Isa pang panira ng araw. Grr!
"Ay hala siya oh! Gigil much si ateng! Osiya-siya, hindi ka na pretty, mas pretty naman kasi ako sayo." Saad nito na may kasama pang pag-pilantik ng daliri.
Seriously? Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Mas babae pa siya kung kumilos sa’kin.
Bakit Chris kailan ka pa naging babae kumilos?
"So, anyway highway skyway, what's your name ateng? I'm Michael Gabriel Dela Fuente. Michaela Gabriella sa gabi!" Masiglang pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
May pag-kaway pa siya na akala mo isa siyang beauty queen na nasa pageant.
"Chrisnah Shelyn Perez. Chris for short." Pagpapa-kilala ko naman.
Tinignan niya ko na ikinanuot naman ng noo ko.
Sa klase ng tingin niya, parang sinusuri niya ang buong pagka-tao ko. Taas baba ang mata niya sa’kin at siryosong-siryoso pati ang mukha nito.
Anong ginagawa niya?
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
He's still eyeing me when he answered.
"Ate gurl, babae ka ba talaga? Look at the way you sit, hindi upong Maria Clara teh. Parang kang gangster. Eeww."
Napa-taas naman ang kilay ko. Wow. Sa buong buhay ko, maliban sa mga kaibigan at pamilya ko, siya lang ang pumuna sa kilos ko. No one dares dahil daw nakaka-intimidate ako kung titignan, hindi raw ako mukhang approachable.
And this gay got guts. Just wow.
"You speak like a boy din. Your voice was too stiff for a girl like you. Hmm. You're fishy ah!" Dagdag nito.
I smirk at him at ibinaba ko ang paa ko. Ipinatong ko ang siko sa ibabaw ng mesa at ipinatong ko ang mukha ko sa palad ko.
"Eh bakit ikaw? You act and sound like you are a girl even tho you're not. Aren't we're a bit alike? You too are fishy." I said as I looked straight into his eyes.
Tila nabigla naman ito sa sinabi ko at napatahimik ng ilang segundo. Napa-titig din siya sa’kin at bahagyang naka-bukas ang kanyang bibig.
As if I said something amazing.
"Oh my God as in O to the M to the G! You're so cool Chrisssieee!" Maya-maya'y reaksyon nito as he giggles.
Napamaang naman ako sa kaniya. What the hell?! Bakit ganiyan yung reaksyon niya! Hindi ba dapat mainis siya?! Mali ba ko ng kalkulasyon!
And what did he just called me?!? Chrissie?! Is he damn serious?!
"What the... You're unbelievable!" Nai-sambit ko.
Tuwang-tuwang napa-tingin naman siya sa’kin at nagulat pa ako ng hawakan niya ang dalawa kong kamay.
He looked at me with those glittering eyes. Damn what's with this guy! I mean, gay! Or whatsoever!
"And so are you, Chrissie! Oh my God! I knew it! From the very first time I laid my eyes on you, alam ko ng iisang dugo lang ang dumadaloy sa atin, na magka-lahi tayo!" He said hopelessly.
Ano bang pinagsasabi ng isang ‘to?! Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin na iisang dugo lang ang dumadaloy sa’ming dalawa? Na magka-lahi kami? Is he my long lost brother? May kapatid pa ba kami? Is my father cheated on my mother?
Can someone enlighten me?!
"W-what are you saying? Atsaka bitawan mo nga yung kamay ko!" Naiilang na sabi ko sa kaniya. Akmang babawiin ko na ang mga kamay ko pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkaka-hawak dito.
"You're body truly belongs to me. Ikaw ang matagal ko ng hinahanap. Can't you see? Ang katawan ko ang tunay mong katawan at ang katawan mo naman ang tunay kong katawan. Nagka-palit lang tayo! Isa kang pusong lalaki na nagka-tawang babae at ako naman ay isang pusong babae na nagka-tawang lalaki! We're fated to meet each other!" At napanganga ako sa sinabi niya.
Seriously? He's so damn hopeless. Sinong matino ang mag-iisip ng mga bagay na iniisip niya?!
My body is his true body? Is he out of his mind?
May nakapasok na baliw sa school namin. I'm going to inform the faculty about him. Baka sakaling maagapan pa.
"Chrissie from now on hindi na kita hahayaan pang mawala. I'll be with you wherever you are. And when the right time comes, babalik na tayo sa mga totoo nating katawan."
And that makes my jaw dropped.
This guy is really insane. I should bring him to the nearest mental hospital as soon as possible. Kung hindi, pepestehin lang nya ko araw araw.
My 3rd-year life will be a real pain in the ass.