SHHS 7

2320 Words
SHHS 7 Chrisnah's Point of View Nang ma-realize ko ang ginawa ko ay agad at nahihiyang humiwalay agad ako kay Michael. Teka bakit ko ba niyakap 'tong baklang 'to ah? Atsaka ano ba yung pinagsasabi ko kanina? Mukhang nawala na naman ako sa katinuan! But I meant what I have said earlier. I really wanted to see him smiling like he used to do everyday. I always wanted to see the cheerful side of him. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman or naiisip ko about Michael. But by just looking at him right now, I know, I've gotta do something that will keep him from being sad. "Oh nakatulala ka sa gwapo kong feslak ghorl?" Nabalik ako sa reyalidad nang biglang nag-salita si Michael. Napa-tingin ako sa kaniya and I saw him eyeing me curiously. "H-hindi noh! Mandiri ka nga!" Asik ko sa kaniya para maitago ang hiyang nararamdaman ko. "Sus! Ikaw ah!" Napa-talon ako nang biglang sundutin ni Michael ang tagiliran ko. s**t! Huwag diyan! Malakas kiliti ko diyan eh! "A-anong ako?!" Takang tanong ko habang pilit kong tinatabig ang daliri niyang patuloy na sinusundo ang tagiliran ko. "H-hoy tigilan mo nga!" Pigil-tawa kong pag-sita sa kaniya. Pero ang bakla, tuloy-tuloy pa rin sa panunundot sa tagiliran ko. I can't help but stifle a soft chuckle. "S-stop." Pigil-tawa ko pa ring paninita sa kaniya. Pero mukhang nakakaramdam ang loko kaya naman tinuloy-tuloy pa rin niya. "Hmmm I see." Nakakalokong saad niya habang nakakalokong naka-tingin sa'kin. He poked me again and I can't help myself anymore. I burst out laughing. "I said stop!" Saad ko habang walang pigil na tumawa ako. "Aha! Sabi na eh! May kiliti ka sa tagiliran!" Saad niya at ang lokong bakla sinimulan akong kilitiin sa aking tagiliran. Tawa naman ako ng tawa habang pilit ko pa ring inaalis ang kamay niyang patuloy sa pag-kiliti sa'kin. Gago 'tong baklang 'to! "Natutulala ka sa kagandahan ko ghorl ah! Kaya dapat lang sayo 'to!" At mas lalo niyang kiniliti ang tagiliran ko. Halos mapapadyak na ako kakatawa sa ginagawa niya at habang si Michael naman ay tawa lang din ng tawa habang patuloy akong kinikiliti. "Tama na Michael!" Hingal ngunit tumatawa ko pa ring saad. "Look at your face! You're so red!" Natatawang pahayag ni Michael. Tumigil na siya at inayos ko naman ang sarili ko habang pinapahiran ko ang mga luhang tumakas sa mga mata ko dahil sa ginawa niya. "Gago! Kasalanan mo yan!" Natatawang saad ko sa kaniya. "At least naka-hanap ako ng isang weakness mo." Proud pa niyang sagot sa'kin. Tumingin naman ako sa kaniya at sinimangutan siya. "Yang mukha mo ang weakness ko! Nakakasira ng araw kapag tinitignan ko!" Pang-aasar ko naman sa kaniya. Siya naman ang sumimangot sa sinabi ko. "Hoy ang kapal mo namang tomboy ka! Mas maganda pa ako sayo!" Maarteng saad niya. I crossed my arms over my chest and smirk at him. "Of course. Gwapo naman kasi ako hindi maganda." At nakakaloko ko siyang tinignan. Napangiwi naman siya. "Alam mo hindi ko maintindihan sayo kung bakit tomboy ka eh ang ganda-ganda mo namang babae!" Nakangusong tanong niya sa'kin. "Like ine-expect ko I can brush and have fun with your hair. Dress you up, fix your face, boy hunting together. You know!" Dagdag niya. Nandiri naman ako bigla sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya? As if naman hahayaan ko siyang gawin ang mga bagay na iyon sa'kin. "Hoy mag-tigil ka nga sa sinasabi mo! Ang creepy kaya! Kahit sabihin mo pang straight girl ako, I won't let you touch my hair nor my face!" Irap ko sa kaniya. Napanguso naman siya. "Why?! Alam mo bang matagal ko ng pangarap ang gawin mga bagay na ganoon?!" Parang bata na sabi niya sa'kin. Napa-irap ulit ako. "Andiyan naman si Xylene! Bakit hindi mo gawin sa kaniya?" Tanong ko. Mas lalong humaba ang pagkakanguso niya. Natatawa na naman ako kasi nagmu-mukha talaga siyang bibe kapag ganiyan. "Ayoko! Hindi naman magpapa-suklay ang babaitang iyon! Ayaw na ayaw non na may gumagalaw sa buhok niya." Saad niya sa'kin. "And so do I!" At ngumisi ako sa kaniya. Umirap naman siya sa'kin. "Bakit ka ganiyan? Ganda-ganda mo namang babae pero naging tomboy ka!" Biglang saad niya. Tinignan ko naman siya at pinanlakihan ng mga mata. "Eh bakit ikaw?! Ang gwapo-gwapo mo pero bakla ka!" And I rolled my eyes at him. Masanay na kayong palagi akong naka-irap. Ganito na talaga ako ever since I was a kid. Sabi ni Mommy, sadyang maldita raw talaga ako bata pa lang. "Eh 'di inamin mo rin na gwapo ako!" Parang tanga na sabi niya sabay ngiti ng matagumpay. Napangisi naman ako. "Inamin mo ring maganda ako." Natigil naman siya at napa-titig sa'kin. Nakipag-titigan din ako sa kaniya. Huh! Akala niya ah! Hindi ako basta-basta nagpapa-talo. Ilang segundo rin kaming magkati-tigan na para bang nagsu-sukatan kami parehas hanggang sa parehas na lang kaming natawa. "Ang panget mo ghorl!" Natatawang saad niya. Hindi ko na lang pinansin yung pangla-lait niya sa'kin kahit gusto ko siyang sapakin. "Ikaw din, kamukha mo yung libag ko." Natatawang sagot ko sa kaniya. Tawa lang kami ng tawa kahit puro kami laitan. This is the very first time that I've laughed like there's no tomorrow. I honestly having a great time right now with this gay inside their tiny house. Maybe, coming with him is not a bad idea. It's actually a very good one. I've learn something new about Michael Gabriel Dela Fuente and I ought to know more about him in the next days. Michael's Point of View "Mukhang enjoy na enjoy ka sa kwentuhan niyo ni Chrisnah kanina ah." Napa-tingin ako sa kapatid kong naka-upo sa may kusina habang umiinom ng tubig. Napa-ngiti naman ako at excited na lumapit sa kaniya. "Oo dai! Grabe ang sarap talaga kakwentuhan ng tomboy na iyon! At alam mo ba!" Masayang kwento ko sa kaniya. Naka-ngiting nakikinig naman siya sa'kin. Umupo ako sa tabi niya at humarap sa kaniya. "What?" Naka-ngiting tanong niya habang naghi-hintay sa mga susunod ko pang sasabihin. "Nakaka-tuwa kasi hindi ko man lang siya nakitaan ng kahit anong pangdidiri sa lugar or bahay natin. Uminom pa nga siya ng tubig without asking kung saan galing yung ininom niya. Hindi rin niya nilait yung bahay natin. Grabe ang bait-bait niya." Masayang kwento ko. Naka-ngiting tumango-tango naman si Xylene. Halatang pati siya ay natutuwa sa kinukwento ko about Chrisnah. "Mabuti naman kung ganoon. At least alam natin na talagang mabait si Chrisnah at hindi mapang-mata." Sagot niya. Umiling-iling naman ako at isang matamis na ngiti ang gumuhit sa'king mga labi. "Hindi Xy. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko." Naka-ngiting saad ko habang gumuguhit sa'king isipan ang naka-ngiting mukha ni Chrisnah. She's really gorgeous. Lalo na kapag ngumiti siya. Bihira siya ngumiti at madalas naka-simangot o kaya naman naka-poker faced kaya naman talagang mamangha ka kapag nakita mong gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mapupulang labi. Eww! Talaga bang pinupuri ko ang tomboy na iyon? Atsaka ang lalim ng puri ko ah! So deep! My God Michael! "Naipakilala mo ba siya kay tatay?" Tanong ni Xylene. Tumango naman ako. "Yes! She's somehow got surprised then asked what happened to Tatay, so, kinuwento ko ang mala-MMK nating buhay." Biro ko. Natawa naman si Xylene. Bigla ko tuloy naalala yung ginawang pag-yakap ni Chrisnah sa'kin and of course, yung mga sinabi niya. Actually, nagulat din talaga ako. Hindi ak o halos maka-galaw kanina sa sobrang gulat. Kasi naman mga dai! Hindi ko naman expect na biglang mang-ya-yakap yang si Chrisnah! Ka-muntikan ko pa ngang isipin na minamanyak ng tomboy na iyon ang sexy body ko! Char!!! But I also feel happy upon hearing what she have said earlier. It makes my heart leap in joy. It's the first time someone told me such beautiful things. I'm surprised but at the same time, happy. Akala ata ng tomboy na iyon siya lang ang may gustong mag-protekta. Ako rin. Gusto ko ring protektahan ang friendship na meron kami. She's my very first friend and I don't want to lose the very first person that I made a friend with. And I also wanted to protect her precious sweet smile. It's like everything was light up when she does that. "Mukhang iba tama ng friend mo sayo ah." Napamaang ako kay Xylene nang bigla siyang mag-salita. Tumayo siya at maka-hulugang tumingin sa'kin. "Guard your heart, Michael. Hindi ka pwedeng mahulog." Siryosong pahayag niya sa'kin. Nabigla naman ako sa sinabi ng malisyosa kong kapatid. Duh! As if naman mahuhulog ako sa tomboy na iyon! Bakla ako noh! Baklang-bakla ang puso ko! "I know, Xy! Don't worry, I'm gay and no one can ever change that." I said assuringly. Mas matanda si Xylene sa'kin ng ilang minuto kaya naman minsan may pagka-ate siya kung mag-utos or mag-salita. Sadyang minsan malakas lang talaga ang ketek niya at umaastang bata. "Siguraduhin mo lang Michael. Dahil yan ang papatay sayo." She said meaningfully as she put a hand over my shoulder. Na-gets ko naman yung sinabi niya kaya siryoso akong tumango. I know. I can't fall in love, neither with a guy nor a girl. Because if I did, it will be the cause of my death. ... Kinabukasan ay nag-botohan ang buong klase namin for room officers. Busy ang aking mga kaklase sa botohan na nagaganap habang kami naman ni tibo ay walang pake sa nangyayari sa mundo. Char! Hindi kami sumasali sa nomination pero bumuboto kami. Kung saan mas maraming boto, doon kami siyempre. Hindi naman kami nangangarap ma-elect as officer kaya absent-minded kami sa nangyayaring botohan. Gusto ko lang maging muse! Char!!! Natutuwa akong i-curl ang buhok nitong si tibo sa ballpen ko. Buti nga napapayag ko 'tong si tibo na galawin ko ang hair niya eh. Aba! Sangka-tutak na pilitan lang naman ang nangyari bago ko siya napapayag. Pinag-alcohol niya pa ako bago ko hawakan ang buhok niya. Napaka-arte! Akala mo naman ginto ang hibla! Pero in fairness, napaka-bango ng buhok ni tibo huhu. Amoy fruity! Ang sarap amuyin! Huhu! "Tigilan mo na nga yang buhok ko!" Bulong ni Chrisnah sa'kin. Hindi ko naman siya pinakinggan at patuloy pa rin ako sa pag-ikot ng kaniyang buhok sa ballpen ko. "Hoy bakla!" Tawag niya sa'kin. Bahala ka diyan! Hindi ko titigilan 'tong buhok niya. Bukod kasi sa mabango ay napaka-lambot pa. Talagang anak-mayaman itong tibo na 'to eh! "The nomination for muse and escort are now open." Busy pa rin ang aming mga classmate sa nagaganap na botohan. Ang tagal naman matapos nito. Gusto ko na mag-lunch. I'm pretty hungry na kaya. "Tigilan mo na sabi yang buhok ko." Sita ulit sa'kin ni Chrisnah. "Ssh! Pwede ba tumahimik ka diyan! Ang bango-bango ng buhok mo! Anong shampoo gamit mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa'kin. "Shampoo ng mayaman at hindi mo afford." At ngumisi ang gaga. Napa-simangot ako. Tignan mo 'tong tomboy na 'to! Minsan talaga may magpaka-ano rin 'tong isang 'to eh! "Eh 'di ilibre mo ko!" Balik ko sa kaniya. Umirap naman siya sa'kin. "Asa!" Damot naman ng isang 'to. Kala mo others! "I nominate Michael Gabriel Dela Fuente as escort." Agad na napa-kunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ko. Huh ano daw? Napa-tingin kami ni Chrisnah parehas sa unahan at napa-tayo ako nang makita ko ang pangalan kong nominado bilang escort. ESCORT TALAGA?!?! GRABE! OKAY LANG SANA KUNG MUSE! MUKHA BANG PANG-ESCORT ANG BEAUTY KO?! "Hoy mga echuserang froglets! Mukha bang pang-escort ang ganda kong 'to?!" Mataray kong tanong sa kanila. Nag-tawanan naman ang mga kaklase kong echosera. Akala mo close kaming lahat, nakakalimutan ata nilang binully nila ako noon. Mga feeling close 'tong mga 'to! "Okay lang yan Michael. Binoto naman namin as Muse si Chrisnah." Saad nung president namin. Narinig ko namang napamaang si tibo. "Huh?!" Tumingin siya sa board at nang-laki ang mga mata niya nang makita ang pangalan niya as our muse. "Pumayag ba ako?!" Gulat na tanong niya. Muling nag-tawanan ang mga kaklase namin. Mukhang napag-isahan kami nang hindi namin namamalayan. "Payag ka na! Kami nga payag eh!" Sagot nung isa naming lalaking kaklase. Napa-simangot ako. Isa siya sa mga nang-bully sa'kin noon. "Pasuntok muna isa para pumayag ako." Sagot naman ni Chrisnah dahilan upang matahimik yung kaklase namin. Napa-irap na lang si Chrisnah dahil wala na siyang magagawa. Napag-botohan na rin kasi na siya na talaga ang muse kahit labag sa kalooban niya. "Oh ano Michael? Aarte pa?" Natatawang tanong nang kaklase namin. Tumingin ako sa kaniya at napa-irap na lang din. Pumalakpak naman siya ng matagumpay dahil alam nilang katulad ni tibo ay wala rin akong magagawa. Napa-upo na lang ako. Ayoko maging escort kalerkey! Gusto ko muse! Huhu "Palit tayo position." Parang batang pagmag-maktol ko kay Chrisnah. Poker faced naman siyang tumingin sa'kin. "Ayoko. Bahala ka diyan sa buhay mo." Masungit na saad niya sa'kin. Napa-nguso ako. "Ayoko maging escort ghorl! Hindi pang-escort yung beauty ko! Look oh! Pang-muse 'to! Pang-rampa!" Ungot ko. Hindi naman sumagot si Chrisnah at umirap na lang. Natapos na ang botohan at pina-punta sa unahan ang lahat ng newly elected officers for this school year. Wala kaming nagawa ni Chrisnah kaya tumayo na kami at pumunta sa unahan ng room. Pinapila kami ng homeroom teacher namin at pinakilala sa buong klase. Gusto kong umirap dahil para naman kaming transferee kung ipakilala. Haler! Magkakakilala na kaya kami! "At para sa ating muse and escort. Ang unang role niyo for this year ay ang lumaban sa pageant for the upcoming intramurals." Anunsiyo ng aming teacher. Nang-laki ang mga mata ko at nagka-tinginan kami ni Chrisnah. Katulad ko ay nangla-laki din ang mga mata niya sa gulat. Omg! Lalaban daw kami sa pageant?! Rinig namin ang hiyawan ng mga kaklase namin habang kami naman ni Chrisnah ay hindi makapaniwala. Hala ghorl! Gusto kong rumampa, pero hindi ko gusto kong sumali sa mga pageant ghorl! Wala akong brain, beauty lang! Huhuhu!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD