SHHS 8
Chrisnah's POV
"Chrisnah!!!" Sigaw ni Zoelle ang agad na bumungad sa'kin pagka-pasok ko sa canteen. Ngayon lang natapos yung lintek na botohan na yan kaya naman ngayon lang kami naka-labas ni Michael. Grabe gutom na gutom na ako, nakaka-badtrip.
At ang mas nakaka-badtrip pa is yung naging muse ako sa klase namin, hindi lang iyon, lalaban pa ako sa Mr. and Ms. SCU para sa darating na intramurals.
Hindi ko naman ginustong maging muse at mas lalong hindi ko rin gustong lumaban sa isang pageant. Urg! It's not my thing okay!
"Ang ingay mo, Zoelle." Pagsusungit ko. Si Michael sinundo si Xylene. Nagre-reklamo pa nga dahil lagi daw pa-vip ang impakta niyang kapatid. Naga-alburuto na rin yun kanina pa dahil parehas kaming kanina pa nagugutom.
Nagbo-botohan lang naman kasi ewan bakit napaka-tagal pa!
"Badtrip ka? Whyyyy?" Parang bata na usisa ni Zoelle sa'kin pagka-tapos kong umupo sa tabi niya. Tumingin naman ako sa paligid at kita kong lahat sila ay naka-tingin sa'kin na tila ba iniintay nila ang sagot ko.
Napa-irap ako. Aish! Gusto ko lang naman kumain na pero bakit kailangan pang mang-usisa! Ni ayaw ko ngang pag-usapan eh! Kaso makaka-hindi ba ako sa mga 'to?
"I became the muse of our class for this school year." Mahinang sagot ko.
Lahat ng mga kaibigan ko ay natigilan at nagulat. Eto kasi yung unang beses na naging muse ako ng aming klase. Of course, hindi ako napayag na iboto nila ako noon. Wala rin namang nag-tangkang mag-nominate sa'kin noon.
Ewan ko lang kung bakit kasing kapal ng kalyo ni Michael ang mga kaklase namin ngayon at nagawa akong iboto as muse.
Mga feeling close.
Napa-igtad ako nang biglang mag-hiyawan ang mga kaibigan ko. As if they are celebrating something.
"s**t! Dalaga na yung baby namin!" Si Kuya Clive yan na nakikipag-appear pa kela Kuya Chad, 1Quentin, at Kuya Quaid. "Ali babes! Dalaga na yung kakambal namin ni Crane!" After niyang makipag-appear ay bumaling naman siya kay Allison na busy sa pag-kagat sa clubhouse sandwich nito.
"Alam ko! Hindi ako bingi, Clive! Matagal nang dalaga si Chrisnah, ngayon lang nag-glow-up." Mataray na sagot naman nito kay kuya Clive.
Napa-kunot-noo naman ako. Anong pinagsasabi ng kakambal kong 'to?! Anong dalaga na eh matagal na akong nag-dalaga. Duh!
Tinignan ko si Kuya Crane na naiiling lang kay Kuya Clive at ang mga kaibigan kong natatawa lamang.
"What are you saying?" Takang tanong ko. Narinig ko naman ang mahinhing pag-tawa ni Ate Chary. "Huwag mo nang pansinin ang kakambal mo. Masaya lang yan dahil ito ang unang beses na naging muse ka sa klase niyo." Sagot ni Ate Chary. "Oo nga, Chrisnah! Edi it means ikaw ang pambato ng klase niyo sa darating na intramurals?" Tanong naman ni Zoey.
Napa-tingin ulit ako sa mga tao sa paligid ko dahil bigla silang tumahimik sa tanong ni Zoey. Lahat sila ay naka-abang sa kung anong isasagot ko.
Napa-buntong-hininga na lamang ako at napa-tango.
"Yown!!!"
Muli silang nag-hiyawan sa pangunguna ng abnormal kong kapatid. Lahat ay tuwang-tuwa sa binalita ko habang ako naman ay nagta-taka sa kung anong nakakatuwa.
Ako nga hindi natutuwa eh! Nabubuwisit ako!
Tumingin ako kay Zoelle at kita kong naka-ngiti siya sa'kin. Pa-ngiti-ngiti lang ang bruha pero alam kong kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip niyan para sa magiging ayos ko sa pageant.
Si Zoelle kasi ay mahilig sa fashion. Siya ang taga-ayos namin ng mga damit kapag may isang sasali sa'min sa pageant or kapag a-attend kami ng party na kailangan ng formal na pananamit.
Naalala ko pa noon, sumali si Ate Chary sa Binibini at Ginoong Sining at si Zoelle ang gumawa ng costume at night gown ni Ate Chary. Ayun nanalo si Ate Chary.
"Chrisnah ako ang magme-make-up sayo ah! Si Zoelle na ang bahala sa damit!" Excited na saad ni Zoey sa'kin. Kung si Zoelle naman ay sa fashion design, si Zoey naman ang aming make-up artist. Laging duo ang dalawang 'to pag-dating sa pag-a-ayos. Sabi nga namin pwede silang mag-tayo ng sarili nilang studio in the near future eh.
Tiyak na makikilala sila around the world dahil parehas silang mahusay.
"Sino pa ba?" Masungit na sagot ko naman kay Zoey. Humagikhik lang naman siya. Sanay na yan sa pagsu-sungit ko.
"Chrisnah simulan mo na mag-beauty rest para mas lalo tayong gumanda!" Suhestiyon ni Kuya Quaid. "Bakit? Panget ba yung kapatid ko para kailanganin pa niya ng beauty rest?" Sabat naman ni Kuya Clive.
"Hindi! Tanga sabi ko para mas lalong gumanda! Ang binge mo naman Clive!" Sagot naman ni Kuya Quaid. Napa-tango-tango naman ang kakambal ko. "Ah! Kala ko sinasabi mong panget ang kakambal ko eh. Walang panget sa'min noh!" Saad niya pagka-tapos ay nag-pogi pose pa.
"Meron." Biglang nag-salita si Alison kaya napa-tingin sa kaniya si Kuya. "Sino Ali babe?" Takang tanong niya.
Poker faced naman na tumingin sa kaniya si Alison habang may kagat-kagat na tinapay. Nilunok muna niya ang kinakain bago nag-salita. "Ikaw. At tigil-tigilan mo ang kakatawag sa'kin ng Ali babe dahil isupalpal ko ang sandwich na hawak ko sa mukha mo!" Asik ni Alison sa natamemeng si Kuya Clive.
Nagka-tawanan naman kami sa kulitan ng mga-bestfriend. Palagi silang naga-asaran na dalawa pero dahil likas na masungit si Alison kaya naman laging taga-lambing si Kuya Clive kapag napipikon na ito. Palibhasa kasi ay malaki ang pagkaka-gusto niya sa bestfriend niya. Hindi lang maka-amin si Kuya Clive dahil natatakot.
"Pero sinong escort mo nga pala?" Biglang tanong ni Zoelle. Muli na naman silang natigilan at nag-hintay sa isasagot ko. Aish! Para naman akong nasa hotseat nito!
"Oo nga. Hindi mo sinasabi kung sinong escort mo." Dagdag naman ni Alison. Tumingin ako sa kanila at muling napa-buntong-hininga. Bakit ba ang big deal nito sa kanila? Tsk!
Akmang sasagot na sana ako ng biglang may matinis na boses ang biglang sumingit sa usapan namin.
"Of course, it's my handsome brother!!"
"Maka-handsome ka naman! Pwede namang pretty!"
Napa-tingin kami sa bagong rating at kita naming ngiting-ngiti si Xylene habang naka-abrisyete sa kakambal nitong si Michael.
"Huh?!" Lahat napanganga sa nalaman nila. Hindi sila makapaniwala na ang mga bisexuals pa na kagaya namin ni Michael ang nag-wagi sa botohan ng Muse at Escort.
"Omg!!! This is perfect!!" Biglang irit ni Zoey. "Ako ang mag-aayos sa inyo!" Dagdag niya. Sobrang excited siya dahil halata mo sa mga ngiti at mga mata niyang kulang na lang ay kuminang.
"Ako naman ang bahala sa mga costumes and all!" Saad naman ni Zoelle. Nagka-tinginan ang mag-kapatid at nag-appear. The power of Wilford siblings tsk.
"Mukhang magiging maganda at interesado ang pageantry ngayon." Naka-ngiting saad naman ni Ate Chary.
"Mukhang alam ko na kung kanina ko ipapasa ang trono ko." Nangingiting napapailing na saad naman ni Kuya Quaid. Si kuya Quaid kasi ang reigning Mr. SCU at siya ang magpapasa sa tatanghaling Mr. SCU for this year.
Napa-iling na lang ako habang sila Michael naman ay umupo na rin. At dahil sila na lang ang kulang kanina kaya pwede na kaming mag-simula kumain. Sa wakas! Gutom na rin talaga ako eh!
Actually, wala naman akong pake doon sa pageant na sasalihan namin ni Michael. Kaya ko naman, hindi ko lang talaga forte at alam kong ganoon din si Michael kahit na gusto niya ang rumampa. Pero wala naman kaming magagawa. Hindi naman kami pwede mag-back-out dahil mawawalan ng representative ang room namin.
Pero hindi ko inaasam manalo. Okay na sa'kin na mai-represent ko yung room namin. Kung manalo, salamat. Kung hindi, okay lang. Ewan ko lang kay baklang Michael kung may balak siyang ipanalo ang kaniyang pag-rampa.
Speaking of, tinignan ko si bakla na tahimik lang na kumakain. Ano kayang problema ng isang 'to at biglang nanahimik?
"Kailan pala ang intramurals?" Biglang tanong ni Quentin. Ayun! Buti na lang naitanong niya. Kanina ko pa gustong itanong yan, nakakalimutan ko lang.
"Sa Friday na." Sagot naman ni Alison.
Bigla naman kaming inubo ni Michael. Tangina! Nasamid ako! Tubig!
"Hala anong nangyari sa inyo?!" Alalang tanong nila sa'min habang kami naman ni Michael ay nagkaka-kundamahog sa pag-kuha ng tubig habang marahan naming pinapalo ang aming mga dibdib.
Mabilis pa sa alas-kwatro na inisang lagok ko ang baso ng tubig na nahanap ko. Ewan ko kung kaninong tubig 'to.
"What happened? Are you okay?" Biglang tanong ni Quentin sa'kin. Tumango-tango naman ako habang pinapahiran ko ang aking bibig. Si Michael naman ay naka-recover na rin.
"What did you say, Ali?" Baling ko kay Alison. Taka naman siyang tumingin sa'kin. "Huh? Alin?"
"Yung kanina. Kailan ang intramurals?" Tanong ko sa kaniya. "Ah! Sa Friday na. Bakit?" Sagot naman niya sa'kin. Nagka-tinginan kami ni Michael at napa-ngiwi sa isa't isa.
Shocks! Hindi ko naman alam na sa Friday na pala ang start ng intramurals! Akala ko next month pa! Bakit ang bilis naman ata ng panahon? Hindi ko namalayan na papasok na ang 2nd quarter ng school year namin.
So, it means, kung Friday ang opening ng intramurals, mag-s-start na rin ang Pageant? Urg! Hindi kami prepared! Atsaka bakit hindi kami agad in-inform ng homeroom teacher namin?! Haler! Tuesday na kaya ngayon!
"Shocks! Kailangan ko na palang madaliin ang pag-gawa ng mga costumes at damit nila Michael at Chrisnah!" Aligagang sabi ni Zoelle. Tumango naman silang lahat. Unti-unti na rin atang nagsi-sink-in sa kanila na malapit na ang araw na pinaka-hinihintay nila.
"Omg! Kailangan natin 'tong paghandaan! Kailangan manalo nila Michael at Chrisnah!" Pahayag naman ni Zoey. At lahat ay nag-panic na. Kanya-kaniya na silang plano para sa'min ni Michael habang kami naman ni bakla ay hindi alam kung anong gagawin.
Like! Haler! Bago sa'min 'to parehas! I have never been compete in a pageantry. Ano bang malay ko tungkol doon 'di ba?!
Natapos nang ganoon ang lunch period namin. Sobrang abala sila sa pag-iisip ng ico-costume namin ni Michael sa darating na pageant. Sobrang supportive sila sa'min na akala mo wala silang kani-kaniyang representative sa bawat classrooms nila. Loyal daw ang support nila sa'ming dalawa ni Michael kaya need daw namin parehas manalo. Tsk as if naman 'di ba? Sabi ko nga kanina, bahala na kung mananalo o hindi. Basta ang mahalaga ma-i-present namin yung classroom namin.
Ang hirap ng maraming kaibigan. Hindi sila magka-sundo sa magiging costume namin. May gusto ng basketball, soccer, horse riding, swimming at kung anu-ano pa. Hindi man lang kami tanungin ni Michael kung anong prefer namin, basta sila daw ang mag-de-decide.
But at the same time, it's kinda happy. It's good to know that there are a lot of people who's willing to support you all the way from the start up to the finish line. Parang nakaka-motivate na gawin mo yung best mo kasi may mga taong naniniwala at naka-suporta sayo.
Being with these crazy people makes my life so much easier. I'm so lucky that they were my childhood friends and honestly, I don't know what to do without these idiots.
...
"Bakla bakit ang tahimik?" Tanong ko kay Michael nang nagla-lakad na kami pabalik sa aming classroom. Pansin ko kasi kanina pa, bungad nang dumating sila ni Xylene, ay tahimik siya. Hindi siya nagku-kulit, umiirit, or nagsa-salita man lang.
He seems problematic.
"Ghorl hindi ka ba kinakabahan para sa pageant?" Tanong niya sa'kin. Napa-tingin naman ako sa kaniya. "Huh? Hindi naman. Bakit?" Sagot ko. Totoo naman eh. Hindi naman talaga ako kinakabahan. I mean, why should I, right? Mas nakakakaba kaya yung feeling na taeng-tae ka na sa public place and you can't do anything about that. Mwehehehehe.
"Wala naman." Tipid na sagot niya kaya naman taka ko siyang tinitigan. Michael seems like not in his usual self. Ano kayang problema ng baklang 'to?
"Hoy anong problema mo?" Tanong ko muli sa kaniya as I nudged him by his side. "Ouch naman! Sakit naman ng siko mo!" Reklamo niya dahil medyo napa-lakas ang pagkaka-siko ko sa kaniya.
Napa-ngisi na lang ako sa kaniya. "Ayaw mo kasing mag-salita eh." I said. Ngumuso naman si bakla habang himas-himas ang kaniyang tagiliran.
"Ano kasi. I feel anxious about the upcoming pageant." Nahihiyang sagot niya sa'kin. Nangunot naman ang noo ko. Is there something to be anxious about? "Why?" I asked. Huminto si Michael kaya napa-hinto rin ako.
Sige bakla, mag-emote ka pa diyan. Late na talaga tayo para sa afternoon class natin.
Minsan emotera din 'tong baklang 'to eh.
"Eh kasi first time kong sasali sa ganitong pageant. Kinakabahan ako kasi paano kung madapa na lang ako bigla habang rumarampa 'di ba? O kaya matisod? Paano kung wala akong masagot sa answer and question. You know, beauty lang ang meron ako, brain? Huwag mo na tanungin." Pagbibiro niya. Napa-irap naman ako sa sinabi niya. Kaloka naman 'tong si Michael.
Wala pa nga yung mismong araw ng pageant pero ang advanced na agad niyang mag-isip.
"Ang oa mo naman mag-isip! Wala pa ngang mismong araw ng pageant eh. Atsaka bakit ang negative mo? Akala ko ba gusto mong rumampa? Dream come true na 'to para sa'yo oh." Saad ko sa kaniya. Bumaling naman siya sa'kin. "Gaga! Hindi eto yung rampa na gusto ko! Gusto ko yung nagmo-model lang! Yung sa rampa sa mga runaway stage! Ayoko ng pageant!" Naka-simangot na saad niya sa'kin.
Inirapan ko naman siya.
"Dami mo namang alam. Ayan ba yung walang brain? Atsaka kung wala kang brain edi sana dedo ka na. Boplaks." Saad ko sa kaniya. Mataray na tinignan naman niya ako. "Pilosopo yern?" Maarteng saad niya. "Nag-iinarte yern?" At inirapan ko siya.
Napa-simangot na lang siya ulit at tumanaw sa school grounds. Nasa 2nd floor kasi kami ng building namin kaya naman natatanaw namin kung anong nangyayari sa malawak na quadrangle ng school namin.
"Pero alam mo bakla. Hindi ka dapat kabahan. Hindi naman natin kailangan manalo kaya wala ka dapat ikakakaba. Enjoy'in na lang siguro natin yung pageant. I-feel mo na lang din yung pag-rampa. Kung mananalo tayo, edi goods. Kung hindi, at least nag-enjoy tayo 'di ba? Let's just enjoy the show." I said. Wala naman kasing mangyayari kung papangunahan kami ng kaba.
We're both unexperienced when it comes to this kind of competition. Hindi namin alam kung paano ba ang kalakaran sa pageantry. Kaya naman dapat i-enjoy na lang namin yung moment. Andito na rin naman kami, why not have some fun, right?
"Sabagay, may tama kang tomboy ka." Pag-sang-ayon niya sa'kin. Proud na ngumiti naman ako habang naka-tanaw ako sa malawak na quadrangle ng SCU. "I'm always right." Proud kong sagot.
"Tangek! Literal na may tama ka sa ulo!" Biglaang sagot ni Michael. Poker faced naman akong bumaling sa kaniya at sa wakas bumalik na ang sigla ni bakla. Nakakapang-asar na eh. "Joke lang ghorl!" Natatawang saad niya. "Funny yern?" I said, still wearing my famous poker-faced. "Gusto mong tamaan ka sa'kin?!" Angil ko sa kaniya.
Akmang aambahan ko na sana siya ng suntok nang bigla niyang takpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang braso.
"Hoy ghorl huwag ganiyan! Lalaban tayo sa pageant, huwag mong bangasan ang pretty face ko!" Maarteng saad niya. Natatawa ako sa inaasta ni Michael pero siyempre hindi ko pinahalata. "Ayusin mo kasi kung ayaw mong bangasan ko yang panget mong mukha!" Asik ko sa kaniya. Agad naman niyang inalis ang braso niyang pinanghaharan niya. "Hoy maka-panget ka! Kala mo naman ganda mo!" Pagta-taray niya.
I crossed my arms over my chest habang mataray na tinignan siya.
"Maganda talaga ako. Halika na nga! Late na tayo sa kaartehan mo!" Aya ko sa kaniya at nauna na akong mag-lakad. Rinig ko naman ang pag-habol ni bakla kaya naman palihim na lang akong napa-ngiti.
There. I like it better when he's in his usual self.
Third Person's Point of View
Naging abala ang buong magba-barkada sa mga nagdaang araw para pag-handaan ang nalalapit na pageant nila Michael at Chrisnah.
Abala si Zoelle, ang best friend ni Chrisnah, sa pag-gawa ng costume ng dalawang kaibigan. Habang si Zoey naman ay abala sa pamimili ng mga gagamiting make-up. Naluma na kasi ang iba niyang make-up at ang iba ay naubos na kaya naman kailangan niyang mamili.
Sila Clive at Crane naman ay abala sa page-ensayo sa darating na basketball tournament. Si Chad at Quentin ay abala sa soccer. Si Quaid naman sa volleyball. At sila Chary at Allison naman ay abala sa pag-gawa ng mga cheering materials para sa mga kaibigang lalahok sa mga patimpalak sa darating na intramurals.
Ang dalawang bida naman na sila Michael at Chrisnah ay abala sa pag-e-ensayo para sa darating na pageant. Halos excuse na sila sa kanilang mga klase dahil sa pag-attend ng mga practice. May intermission number kasi ang mga kalahok sa nasabing patimpalak kaya kailangan nilang sumali sa practice.
Hindi lang sila ang mga magba-barkada ang naging abala para sa darating na intramurals dahil maging ang buong eskwelahan ay pinaghahandaan na rin ang nasabing event.
Habang palapit ng palapit ang intramurals ay mas lalo silang naging abala lahat. Nagha-handa na rin ng kani-kanilang talent sila Chrisnah at Michael. Pagka-tapos ng practice sa eskwelahan ay dumidiretso sila sa bahay nila Zoelle para isukat ang mga damit na susuotin nila sa mismong araw ng pageant. Doon din sila tinuturuan ni Chary mag-lakad na para bang isang model dahil dating model si Chary at title holder ng isang pageantry sa school nila.
At ngayon nga ay ang huling gabi ng pag-e-ensayo nila dahil kinakabukasan ay opening na ng intramurals at bukas din ang unang rampa nila suot ang kanilang sports costume at casual attire.
Dalawang araw lang naman gaganapin ang intramurals kaya dalawang part lang din ang pageant. Sa unang araw ay ipapakilala ang mga contestant at rarampa suot ang sports costume at casual attire nila. Sa pangalawa at huling araw naman ng pageant ay doon rarampa nila ang kanilang night gown at itatanghal ang kanilang mga inihandang talento. Doon na din magaganap ang Q and A.
Okay na ang costume na susuotin nila Michael at Chrisnah sa tulong ni Zoelle. Night gown na lang ni Chrisnah ang kulang dahil nagkaroon ng kaunting pagkakamali sa sukat ni Zoelle.
"Eto na! Try mo nga ulit Chrisnah!" Saad ni Zoelle sa kaibigan habang bitbit ang isang baby pink flowing gown na bagong adjust niya.
Andito sila ngayon sa bahay ng mga Wilford para bigyan ng huling pasada ang kanilang mga susuotin sa araw ng pageant. Si Michael ay naka-ayos na suot ang isang three-piece suit and tie. Inayusan din siya ni Zoey para daw mas mukhang makatotohanan ang kanilang huling preparasyon.
"Halika Zoey! Ayusan mo din si Chrisnah!" Tawag ni Zoelle sa kapatid. Iniwan nilang tatlo si Michael sa sala ng bahay nila habang hila-hila si Chrisnah na halatang pagod na sa buong araw na page-ensayo at paghahanda.
"Suotin mo na 'to dali! At umupo ka sa harap ng dresser ko pagka-tapos." Utos ni Zoelle sa kaibigan pag-pasok nila sa loob ng kwarto nito.
Parang lantang gulay na sumunod naman si Chrisnah. Sakto na ang gown niya sa kaniya at wala nang dapat i-adjust pa. Humahapit sa kaniyang katawan ang kulay rosas na tela na umaabot lagpas ng kaniyang paa. Bukas ang likod ng suot niyang gown habang takip naman ang kaniyang buong harapan. May mahabang slit ang gown sa kanang bahagi ng kaniyang binti.
Lumabas si Chrisnah mula sa banyo at nagka-ngitian na lamang ang mag-kapatid sa ganda ng kanilang kaibigan.
"Perfect!" Magka-panabay na sigaw ng mag-kapatid. Tuwang-tuwang hinili ni Zoey si Chrisnah upang paupuin sa harap ng dresser atsaka sinimulang ayusan.
Simple lang ang ginawang ayos ni Zoey sa mukha at buhok ni Chrisnah. Light make-up lang at naka-messy french braid ang buhok ng dalaga na tinernuhan ng kulay gintong mga pala-muti sa ulo. Pinag-masdan ng mag-kapatid ang kabuuang resulta ng ginawa nila sa kaibigan at napa-ngiti na lamang silang parehas ng malapad.
Nag-mukha lang naman kasing anghel sa kagandahan ang kaibigan nila. Sabi na nga ba't magandang dilag talaga ang kaibigan nila kahit titibo-tibo.
"Tara! Baba na tayo!" Excited na saad ni Zoelle at inalalayan na nila si Chrisnah.
Napa-hikab naman sa antok si Michael habang hinihintay bumaba ang tatlong babae. Pasado-alas-nuebe na kasi ng gabi kaya inaantok na siya. Oras na ng beauty sleep niya pero heto't andito pa rin siya sa bahay ng mga Wilford.
Napa-pikit na si Michael nang marinig niya ang matinis na boses ni Zoey.
"Be hold madlang people! A Goddess is coming down the stairs!" Rinig niyang saad nito. Napa-iling na lamang si Michael sa kakulitan ni Zoey at tumingin na siya sa hagdan.
Ganoon na lamang ang pagka-mangha niya nang makita niyang unti-unting bumaba si Chrisnah mula sa hagdan. Parang nawala bigla ang antok na nararamdaman niya at napalitan lahat ng pagka-mangha.
Damn! Sinong makakapag-sabi na isang tomboy ang mala-anghel na bumababa ngayon sa hagdan?
Hindi napigilan mapatayo ni Michael at mapa-nganga ng konti.
"She looks different. She looks so much like an angel." Yan ang bagay na tumatakbo sa isip ngayon ng baklang si Michael.
Nag-angat ng tingin si Chrisnah dahilan upang mag-tagpo ang kanilang mga mata. Mas lalo tuloy nawala sa ulirat ang ating gwapong bakla.
Bigla niyang naramdaman ang pag-lakas ng t***k ng kaniyang puso. Pakiramdam nga niya ay naririnig sa buong kabahayan ang t***k ng puso niya sa sobrang lakas. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman.
Parang biglang lumabo ang paligid at tanging si Chrisnah lamang ang malinaw.
Oh God. Bakit napaka-ganda niya? Parang nakalimutan ko ata na bakla ako.