SHHS 6

3572 Words
SHHS 6 Zethus' Point of View "Zoelle." Tawag ko kay Zoelle nang makita ko siyang nagla-lakad sa may hallway. Napa-tigil siya sa pagla-lakad at napa-lingon sa'kin. "Oh? Kuya Zethus bakit?" Takang tanong niya. Kinuha ko naman ang mga librong bitbit niya ng makita ko siyang nahihirapan. "Pauwi ka na ba?" Tanong ko sa kaniya na sinagot naman niya ng isang tango. "Sabay na tayo." Pahayag ko at nag-simula na kaming mag-lakad patungo sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko. "Nasaan si Chrisnah?" Tanong kong muli sa kaniya. Nakakapag-taka dahil hindi niya ata kasamang umuwi ngayon ang best friend niya. Palagi kasing mag-kasabay na umuuwi itong kapatid ko at si Chrisnah. Kaya naman nagta-taka ako kung bakit wala ngayon ang huli. "Ah mag-kasama sila ni Michael. May pupuntahan daw sila ni bakla." Sagot naman niya sa'kin. Napa-tigil naman ako. Mag-kasama na naman sila? Atsaka saan naman sila pupunta? Pansin ko ang closeness nila noong mga nakaraang araw pa. Naninibago nga ako dahil this is the very first time na may naging kaibigan si Chrisnah bukod sa'min na mga kababata niya. At isang bakla pa. I mean, no offense meant and I'm not against with gays. But seeing them together, it makes me feel a little irritated. I never saw Chrisnah with some other people except with us. Aminado ako, noong unang beses na makita ko si Michael with her, talagang hindi ko iyong nagustuhan. Narinig ko pa ngang napagkamalan nilang lahat na boyfriend ni Chrisnah si Michael dahil iyon ang unang beses na may ibang tao siyang isinama at ipinakilala sa grupo namin. I thought after that day, hindi na namin ulit makikita pa si Michael dahil knowing Chrisnah, she's cold towards other and she's not the type of person na madaling nagpa-pasok ng tao sa buhay niya. But we're all suprised, especially me, when Michael didn't stay away from her. Hanggang sa naging parte na nga siya ng barkadahan namin. I often see them together, it maybe school hours or after. They are always together. I also heard that she defended him in front of their class when someone from their classmate bullied Michael. I was suprised because Chrisnah is not also the type of person that will jump over someone's business. She hates bullies, but she never defended anyone who get bullied. But Michael became exception. Doon ko na-realize na he's somehow special to her and f**k I don't know why. I'm not against Michael, being with us. I actually find him kinda interesting and someone to be fun with. But the hell! I'm starting to get irritated by his presence. I hate seeing them together. Especially, when he makes Chrisnah smiling and laughing like she's really happy. Naiinis ako kasi gusto ko ako lang ang makaka-gawa non kay Chrisnah. I used to be the only person who can make her laugh and smile genuinely. But now, biglang sumulpot si Michael at nagagawa niya ang mga bagay na ako lamang ang nakaka-gawa noon kay Chrisnah. At ang mas nakakainis pa doon, he can make her happy without an effort. Damn. "Kuya?" Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Zoelle. I look at her and I found her staring at me. Napa-iling ako at nag-lakad na muli. I'm somehow lost in my thoughts again. Pagka-rating namin sa parking lot ay agad akong sumakay sa sasakyan. Nang makita kong okay na si Zoelle ay tsaka ko pinaandar ang sasakyan. Naging mabilis lang ang byahe namin kaya naman madali lang kaming naka-rating sa bahay. Tahimik lang akong bumeso kay Mommy pagka-pasok ko pagka-tapos ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Ibinaba ako ang aking bag sa couch at hinubad ang aking uniporme. Napa-tingin ako sa picture na naka-display sa ibabaw ng bedside table ko. I smile as I pick up the frame. It was a picture of Chrisnah holding a single flower while smiling sweetly. Kuha ito noong nakaraang summer doon sa rest house nila. Sabi ko picture'an ko siya dahil ang ganda ng paligid. Napapalibutan kasi ng bulaklak ang buong paligid. She agreed and pick out a flower and pose for me. She wanted to delete this picture dahil mukhang tanga daw yung ngiti niya but not for me. Her smile is sweet and pure. It makes my heart melt. "You're smile doesn't only belong to me now. It was now belong to someone else." I said bitterly. I have love Chrisnah since I don't know. Basta nagising na lang ako isang araw, mahal ko na yung best friend ng kapatid ko. I am also her best friend. Sa aming magba-barkada, ako yung pinaka-close niyang lalaki. Iba si Chrisnah sa mga babaeng nakilala ko. Hindi dahil sa tomboy siya kaya siya naiiba sa paningin ko, pero dahil may something sa kaniya na hindi ko mahanap sa iba. I used to be the loner in our group. Ako yung laging out of place, hindi dahil sa ayaw nila sa'kin, but because I don't know how to socialized with them. Kahit sabay-sabay naman kaming lumaki. But when Chrisnah came, lagi niya akong nilalapitan at inaayang makipag-laro sa kaniya. Naalala ko pa noon kung paano niya sungitan sila Quentin. Tapos ako yung takbuhan niya kapag pinaiiyak siya ng mga kapatid niya. I used to be by her side since we were kids until now. Pero ngayon parang iba na, unti-unting nag-iiba dahil may dumating na. Nakakainis lang na isang bakla pa ang makakapag-pa-selos sa'kin ng ganito. Bakla si Michael pero bakit hindi ako mapa-lagay sa tuwing nalalaman kong mag-kasama sila? Napa-buntong-hininga na lamang ako at inilapag ko ang picture frame sa ibabaw ng bedside table ko. I know what I'm going to wish is a sinful thing, but... "Don't fall for him, please." Chrisnah's Point of View "Saan ba tayo pupunta?!" Iritadong tanong ko kay Michael habang nagla-lakad kami palabas ng school. Inaya niya kasi akong sumama sa kaniya. May pupuntahan daw kasi kami. Hindi ko alam kung saan dahil hindi naman niya sinasabi sa'kin. "Basta ghorl! Sumama ka na lang okey!" Maarteng saad niya sa'kin habang kumekendeng siyang nagla-lakad. "Hindi ako sasama sayo hangga't hindi mo sinasabi sa'kin!" Saad ko sa kaniya at tumigil ako sa pagla-lakad. Tumigil rin siya at taas-kilay na tumingin sa'kin. "Anong kaartehan yan tibo?!" Mataray niyang tanong. I crossed my arms over my chest. "Aba baka mamaya dalhin mo ko kung saan dahil may balak ka palang masama sa'kin!" At inirapan ko siya. Kita ko naman kung paano kumunot ang noo niya habang naniningkit ang kaniyang mga mata. "Hoy babaeng nangangarap maging lalaki! Wala akong planong masama sa'yo ano! Atsaka..." Kumunot ang noo ko ng tumigil siya sa pag-sa-salita. "Atsaka?!" I asked while raising one of my eyebrow. Tinignan naman niya ako from head to toe. Pagka-tapos ay napa-ngiwi siya. "Hindi ako maaakit sa katawan mo ghorl, mas sexy pa ako sayo." Aniya na nagpa-laki ng mga mata ko. Aba't! Anong sabi ng baklang 'to?! Kaya ba niya ako pinagmamasdan mula ulo hanggang paa dahil sinusuri niya ang katawan ko?! Namula ang pisngi ko at agad kong niyakap ang sarili ko. m******s ang baklang 'to! "P-p*****t!" Nauutal na asik ko sa kaniya. Umirap naman si Michael. "Yang utak mo kasi masyadong malisyosa! Halika na nga!" Mataray na saad niya at tinalikuran na niya ako para maunang mag-lakad. Naiinis na tinignan ko naman ang pakendeng-kendeng na baklang iyon. Buwisit! Habang patagal ng patagal, lalong sinisira ng baklang iyon ang araw-araw ko! Urg! Atsaka.... I unconsciously looked down at my body. Hindi ba ako nakaka-akit? I mean, alam ko namang lalaki ang galawan ko. Pero sexy naman ako as a woman 'di ba? May korte naman yung katawan ko, yun nga lang wala akong dibdib. Hehe. Urg!!! Bakit ba ako affected sa sinabi ng baklang iyon?! "Baklang jerk!" Naiinis na bulong ko at sinundan ko na ang baklang sumisira sa araw-araw ko. ... "Dito na lang ho sa kanto, manong." Saad ni Michael habang inaabot ang bente pesos na bayad sa driver ng tricycle na sinakyan namin. Ewan ko ba kung bakit nag-tricycle kami. Sabi ko nga sa baklang ito mag-taxi na lang kami, ililibre ko siya kaso ayaw niya. Hindi naman sa rich kid ako or what, pero kasi first time kong sumakay sa trycicle at aminado akong nakaka-tuwa pala hehe. Bumaba na kami at kumunot naman ang noo ko ng mapag-masdan ko ang paligid. We're in a slum area. Yung lugar na kung saan dikit-dikit ang mga barung-barong na mga bahay. Maraming tao, maraming tambay, maraming batang nagla-laro sa paligid. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Michael. "Sa lugar na ito kami naka-tira." Sagot niya na nagpa-maang sa'kin. Hindi ko alam na sa ganitong klaseng lugar pala naka-tira si Michael. I mean, no offense meant, but I didn't expect this. "Tara." Saad niya at napa-tingin ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nag-lakad kami papasok sa kanto na binabaan namin. I don't know why but I felt something inside me why he's holding my hand. Ang lambot ng kamay niya para sa isang lalaki. "Alisto ka ghorl. Maraming manderekwat sa lugar namin." Saad ni Michael sa'kin kaya naman bigla akong napa-hawak ng mahigpit sa kamay niya habang ang isang kamay ko ay napa-kapit sa strap ng bag ko. Tinignan ko siya at nakita kong naka-ngiti siya sa'kin. Umiwas na lang agad ako ng tingin kasi nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Hindi naman ako nagka-kape na pero bakit parang nagpa-palpitate na naman ako? Tinignan ko yung paligid namin. Ang daming tao. Maingay ang paligid at parang ang saya-saya nilang tignan lahat. Maraming tambay, may mga nagsu-sugal, umiinom ng alak, at yung iba ay nagke-kwentuhan lamang. Marami ring bata ang nagla-laro kahit hapon na at papalubog na ang araw. Ngayon lang ako naka-punta sa ganitong lugar. Malayo sa lugar na tinitirhan ko kung saan tahimik ang paligid. Dito parang ang saya-saya. Parang close lahat ng magka-kapit-bahay. May mga iilan pa akong nakikitang nagbi-bigayan ng pagkain. "Oy Michael! Sino yang kasama mo?! Girlfriend mo ba yan? Aba ikaw na bakla ka ah! Hindi mo sinasabing tuwid ka na pala!" Isang may edad na lalaki ang tumawag pansin sa'min. Huminto si Michael kaya napa-hinto rin ako. "Ho? Hindi ko ho girlfriend ang tomboy na ito, Mang Tasyo! Aba mas maganda pa ako dito eh!" Maarteng sagot ng baklang 'to dahilan upang tumawa yung matandang lalaki. Napa-simangot ako bigla. Kailangan ba niya ipangalandakan na tomboy ako. Atska hindi naman talaga ako maganda dahil gwapo ako. 'di ba readers? Um-oo kayo kung hindi makaka-tikim kayo sa'kin. "Ganoon ba?! Nako sayang! Bagay pa naman kayo!" Natatawang sabi nong matandang lalaki na tinawag ni Michael na Mang Tasyo. Bigla naman kaming nagka-tinginan ni Michael at parehas napa-ngiwi sa isa't isa. "Mandiri ho kayo Manong." Magka-panabay na pahayag namin ni Michael. Nabigla naman si Manong Tasyo at saglit na napa-tigil pagka-tapos ay tumawa na naman. "Masyadong napag-ha-halataan ang mga batang ito. O'siya humayo na kayo at magpapa-kain pa ako ng mga panabong kong manok." Natatawang pahayag nito sa'min. "Sige ho Mang Tasyo. Papuntahin ko na lang diyan si Xylene para ho siya na ang gawin ninyong patuka." Sagot naman ni Michael. Natawa naman si Mang Tasyo at napa-iling na lang sa kaniya. Muli kaming nag-lakad ni Michael. "Sino yun?" Takang tanong ko sa kaniya ng maka-layo na kami. "Ah si Mang Tasyo iyon. Yun ang tumayong pangalawang tatay namin ni Xylene dito sa Manila." Sagot niya sa'kin. Napa-tango naman ako pagka-tapos ay tumigil kami sa tapat ng isang maliit na bahay na may maliit na gate. "Mukha lang ganon yun si Mang Tasyo, pero don't worry harmless yun. Sabongero nga lang." Aniya habang binubuksan niya ang gate. Mukha namang mababait ang mga kapit-bahay nila Michael. Nakikita ko kasi yung ibang tumitingin sa kaniya ay nginingitian siya kanina. "Tara pasok." Aya niya sa'kin pagka-bukas niya sa maliit at kinakalawang nilang gate. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng bahay nila. "Welcome to our humble abode!" Anunsiyo niya pagka-pasok namin sa maliit nilang bahay. Pinag-masdan ko ang buong paligid. Maliit lang ang bahay nila, parang mas malaki pa nga ang kwarto ko kesa dito. Isang palapag lang, nasa kabilang sulok ang sala, habang nasa kabila naman ang kusina. May tatlong pinto na pakiramdam ko ay kwarto nila Xylene at Michael at siguro'y sa tatay at nanay niya ang isa. Nasa gitna naman ang hapag-kainan. Nasaan ang banyo? "Upo ka muna ghorl. Pasensya na at ang liit lang ng bahay namin." Saad niya sa'kin at pina-upo niya ako sa kanilang sofa. Umiling-iling naman ako. "N-no problem. Nanibago lang ako." Saad ko sa kaniya. Naka-ngiting tumingin naman siya sa'kin habang nagsa-salin siya ng tubig sa isang baso. "Kasi malaki yung bahay niyo?" Natatawang saad niya. Agad naman akong umiling. "Hindi noh, sira!" I said. Michael chuckles softly as he gave me a glass of water. "Tubig ka na lang ghorl. Wala akong pangpa-juice sayo." He said as he giggles. Malugod ko namang tinanggap iyon at inisang lagok. Tila nabigla naman si Michael sa ginawa ko. "Ay uhaw na uhaw ghorl? Hindi ka man lang nag-tanong kung mineral or galing ba sa gripo yang ininom mo?" Saad niya. Napa-simangot naman ako. "Kahit mineral pa yan or gripo, okay lang. Walang arte-arte sa taong nauuhaw." Pahayag ko sa kaniya habang iniaabot sa kaniya ang basong pinag-inuman ko. Natatawang kinuha niya naman iyon. "Sana pala sa kanal kita ikinuha ng tubig." And he smirk at me. I frown. "Gago ka ba?" At inirapan ko siya. Natatawang umiling naman siya sa'kin. Pagka-tapos ay umupo siya sa tabi ko. "Gulat ka sa bahay namin noh? Maliit lang 'to pero masaya naman kaming naka-tira dito." Saad niya. Muli kong pinag-masdan ang paligid. Hindi naman panget yung bahay nila. Ang ganda nga eh kasi malinis. Maayos din ang pagkaka-lagay ng mga gamit. Maaliwas at mabango pa. "I kinda like living in this house." Biglang sabi ko. Bumaling ako kay Michael pagka-tapos at ngumiti. "I think it's great living in this kind of house. It's small but you can see everyone in your family. You can see everyone in your family in every corner of your house." I said sincerely. I'm used to live in a huge house since my parents are both heirs/heiress of their family. Pero dahil sa laki ng bahay namin, bihira kami magka-kitaan. Nagki-kita-kita lang kami tuwing kakain at manonood ng movie. Bonding kasi ng family namin ang mag-movie marathon before going to bed. Kaya naman iba yung feeling ko habang pinagmamasdan ko yung bahay nila Michael. Parang bigla kong naisip na tumira sa ganitong bahay dahil anytime pwede kong makita sila Mommy, Daddy at ang mga kakambal ko without searching for them in the whole house. "Kami naman pangarap naming tumira sa malaking bahay." Natatawang saad ni Michael. Tumingin ako sa kaniya and I saw him smiling while his eyes are roaming around their house. "As you can see, mahirap lang ang buhay namin. Hindi kami mayaman, wala rin kaming kaya sa buhay, naka-pasok lang kami sa SCU dahil parehas kaming scholar. Pero keri lang dahil nakakakain pa din naman kami tatlong beses sa isang araw. Atsaka isa pa, masaya naman kahit ganito lang ang buhay namin." Pahayag niya. Naka-tingin lang ako kay Michael habang nagsa-salita siya. Hindi ko alam na sa kabilang ng pagka-masayahin niyang tao ay ganito pala kahirap ang buhay nila. Siguro dinaraanan na lang niya sa tawa ang lahat kahit deep inside him, nahihirapan siya. As I stared at him, biglang nawala yung baklang Michael na nakilala ko. I suddenly saw a responsible and a family-oriented man who has a big dream for his family. "Bakit mo nga pala ako dinala dito?" Tanong ko sa kaniya. Bumaling naman siya sa'kin na may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "I want you to meet my father." Naka-ngiting sagot niya. Nabigla naman ako dahil hindi ko inaasahan na gusto niyang ipakilala ako sa tatay niya. I mean, why, right? "Why?" Takang tanong ko. "Kasi ghorl, you're the very first friend that I have made ever since the world began. Kaya gusto kong ipakilala sa tatay ko yung unang taong naging kaibigan ko." Masayang paliwanag niya sa'kin. Napa-titig naman ako sa kaniya. Kitang-kita kong masaya siya dahil maaliwalas ang bakas ng kaniyang mukha. "Teka, kukunin ko lang si Tatay. Diyan ka lang ghorl!" Saad niya habang humahagikhik. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at dali-daling pumasok sa isang kwarto. Napa-tayo ako nang lumabas si Michael tulak ang isang wheelchair habang doon naka-upo ang tatay niyang tila naka-tulala. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang estado ng buhay ni Michael. Ang saya-saya niya kasi pag nasa school siya. Parang wala siyang problema. Or siguro talagang sinasadya lang niyang takpan ng kaniyang masayahing maskara ang lungkot at hirap ng buhay nila? Huminto sila sa tapat ko at pumunta si Michael sa harapan ng tatay niya. Lumuhod siya upang magka-pantay sila at mabanayad niyang hinaplos ang pisngi nito. "Tay, may ipapakilala ho ako sa inyo." Saad niya habang isang maliit na ngiti ang naka-guhit sa kaniyang mga labi. Dumako naman sa'kin ang walang buhay na mga mata ng tatay niya. Habang ako naman ay hindi alam ang gagawin. I'm still shocked. I don't know what to react nor to say. "Tay, siya ho si Chrisnah. Chrisnah siya ang tatay ko. Ang ganda niya tay noh? Hihi siya yung very first friend ko!" Tuwang-tuwang saad niya sa tatay niya. Wala naman kaming natanggap na reaction mula sa kaniya. "H-hello po. Ako po si Chrisnah Shelyn Perez." Pakilala ko at bahagya akong yumuko. Bumaling sa'kin si Michael at ngumiti. Tumayo siya at marahan niyang hinaplos-haplos ang ulo ng tatay niya. "What happened to your father?" Hindi ko mapigilang tanungin pagka-upo niya sa tabi ko. Ipinasok na niyang muli ang tatay niya sa kanilang kwarto para makapag-pahinga. "My father has an emotional blunting. It was a harmful type of emotional detachment where a person can can be numbed and muted." Paliwanag niya pagka-tapos ay malungkot siyang tumingin sa kwartong kinalalagyan ng kaniyang ama. "What caused your father to be have that?" I asked. He c**k his head sideways at pansin ko ang biglaang pagba-bago ng experession ng kaniyang mukha. From a calmn expression to an anger one. "My mom." Tipid na sagot niya. Nabigla naman ako ngunit hindi ko na lang ipinahalata. "She left us when me and Xylene were still young. We're just 5 years old when she left us with another man." Siryosong saad niya. Kita ko kung paanong kumuyom ang mga kamao ni Michael. Hindi ko na kailangan tanungin pa kung anong nararamdaman niya dahil nararamdaman ko nang galit siya sa kaniyang nanay. Akala ko sa mga telenovela lang nangyayari ang mga ganitong eksena. Pati pala sa reyalidad. I never thought that a mother can leaved their child just to be with someone else. May mas hahalaga pa ba kesa sa mga anak niyo? "She left us because my father was just a strawberry farmer while her love is a wealthy business magnate. Bitch." He said as he jaw tensed. "Kaya ba naging bakla ka?" Tanong ko sa kaniya. Agad namang bumaling siya sa'kin at mabilis na umiling. "Hindi noh! Fetus pa lang ako ghorl, bakla na ako! Susmaryosep ka!" Nahihindik na saad niya sa'kin. Bahagya naman akong tumango habang natatawa. Napaka-siryoso ng usapan namin pero lumalabas pa rin ang pagka-bakla niya. "Pero alam mo, nang makita ko kung ano ang naging epekto ng pang-iiwan ni Mama kay Tatay, parang bigla akong natakot." Saad niya. Taka naman akong bumaling sa kaniya. "Natakot saan?" Tanong ko. Bumuntong-hininga siya at malungkot na bumaling sa'kin. "Natakot ako bigla mag-mahal. Kita mo naman kung anong nangyari sa tatay ko sa pang-iiwan ni Mama sa kaniya. He have loved her so much that he forget to love his self. Nakalimutan niyang mag-tira ng kakarampot sa sarili niya kaya naman nang iwan siya ni Mama, he left nothing. Kasi lahat binuhos niya kay mama." Paliwanag niya. Bigla naman akong nalungkot sa narinig ko. Nakakatakot nga ang mag-mahal. Nakakatakot sumugal kasi hindi ka naman sigurado kung panalo or talo ka. But love is a gamble. It's either you win or loose. It's about taking the risk. "I'm afraid that when I love, it maybe happened to me the same thing happened to my father." And he smile sadly at me. I don't know that this was the real Michael behind his cheerful mask. He's broken and fragile. He needs someone that will take care of him or else he'll be broke. Hindi ko alam kung anong kaluluwa or bagay ang sumapi sa'kin pero bigla ko na lang natagpuan ang sarili kong yakap-yakap si Michael. Ramdam ko ang pagka-bigla niya dahil bigla siyang natigilan. But I don't care, I just feel like hugging the very first person I made friends with aside with my childhood friends. "Chrisnah?" Takang tawag ni Michael sa pangalan ko. Nahihiya na ako kaya naman hinigpitan ko ang pagkaka-yakap ko sa kaniya. "Be still. Don't worry, I won't let someone break you. I won't let someone take away that cheerful and genuine smile of yours." Wala sa sariling naisambit ko. I don't like it when I see him in this kind of state. I want to see the cheerful side of him. I will protect that bright smile of him whatever it takes. f**k it. I always want to see him smile like he used to do. Because, as the days passed by, he already became a special person to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD