SHHS 13
Michael's Point of View
"Huwaaaa congrats mga bakla!!" Masayang pag-bati ng mga kaibigan namin ni Chrisnah pag-baba namin ng stage.
"Thank you guys!" Masayang pahayag naman ni Chrisnah. Nagsi-lapitan ang mga kaibigan namin sa kaniya at niyakap siya. Habang ako naman ay naka-titig lang sa kaniya.
She looks genuinely happy. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan kasaya and somehow, it makes me happy, too.
Yes, we've won the contest. Kami ni de Chrisnah ang itinanghal na Mr. and Ms. SCU para sa taon na ito. Nakaka-proud lang dahil parehas naming first time sumali sa ganitong uri ng kumpetisyon pero nanalo pa kami.
Hindi namin ine-expect, lalo na ako. Like duh! Nakaka-kaba kaya sumagot sa q and a mga mare!
But I'm very happy that we've won the contest.
"Baka matunaw." Napa-pitlag ako nang bigla akong sikuhin ni Xylene. I look at her and I saw her smiling playfully at me. Napa-irap naman ako. "Che! Tunawin ko mukha mo eh." I said as I tried to denied the fact that I indeed staring at her.
Who wouldn't! She looks so goddamn beautiful tonight wearing that cocktail gown na niremedyuhan lang namin. Actually, mas bumagay nga ito sa kaniya dahil na-enhanced ang ganda at kinis ng mga binti ni Chrisnah. Mukha siyang babaeng-babae ngayon.
Sinong mag-a-akala na isa palang tibo ang nanalo sa Ms. SCU? At hindi mo aakalaing ganiyan siya kaganda.
"Naiinggit ka sa beauty niya noh?" Rinig kong pang-aasar ni Xylene sa'kin.
Gusto kong paliparin 'tong kakambal ko ngayon. Napaka-ingay! Nawawala ang focus ko kay tibo! Tsk!
"Hindi noh! Mas maganda kaya ako sa tibo na yan!" I denied. Oo na, ako na yung indenial.
"Sus! Kunwari pa siya! Hoy Michael tigil-tigilan mo ko sa pagiging denial mo. Halatang-halata ka na kaya!" Saad niya sa'kin.
Tumingin naman ako sa kaniya atsaka siya sinimangutan. Bakit ba napaka-malisyosa ng babaeng 'to?
"Ikaw ang tumigil! Palinis mo yang utak mo, madumi na eh." Asik ko sa kaniya at lumakad na paalis sa tabi niya.
Naiimbyerna ako sa kakambal kong iyon. Hindi ako makapag-isip ng ayos. Naguguluhan na nga ako eh!
Mismi ako sa sarili ko naguguluhan na sa pagba-bagong nangyayari sa pagka-tao ko. It's like I am being a complete different person whenever I'm with her. Parang nawawala ang pagka-bakla ko when she does something crazy!
Iba na 'to eh. Iba na yung nararamdaman ko and I'm f*****g confused on why I am having this kind of feeling.
Lalo na yung sa nangyari kanina. She's really staring at me while singing the last part of her song. Hindi ko alam kung may gusto ba siyang ipahiwatig o ano. Naguguluhan ako.
Isa lang naman yung malinaw sa'kin eh. Iba yung nararamdaman ko sa tuwing may kakaibang ginagawa si Chrisnah. Bumibilis ang t***k ng puso ko for some unknown reason.
Or siguro alam ko yung rason pero masyado lang akong denial? Ay ewan!
Bakla ako. Yun ang pagkaka-alam ko, pero bakit nagkaka-ganito ako dahil sa tibo na 'yon?
Kaloka mga mare!
"Hoy bakla! Saan ka pupunta?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Chrisnah sa gilid ko.
Nagla-lakad na kasi ako palabas ng backstage. Ayoko na doon sa loob, nasu-suffocate ako sa dami ng tao.
"Uuwi na. Whylalu?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ka man lang magpa-paalam sa mga kaibigan natin?" Tanong niya.
Ay oo nga pala! I forgot to say goodbye to our supportive friends. Buwisit kasi 'tong si Xylene, ginugulo lalo yung utak ko! Imbyerna talaga yung babaeng iyon.
"Ay nakalimutan ko! Ipaalam mo na lang ako, I'm too tired na eh." Maarteng saad ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Chrisnah. Nagma-maldita na naman ang gaga.
"Ano ka may utusan?" Masungit na saad niya sa'kin habang ang kilay niya ay kasing taas ng Mt. Everest.
I frown. Minsan ang gaspang talaga ng ugali ng isang 'to eh.
"Makikisuyo lang! Kaloka ka! Ako na nga magpa-paalam!" Asik ko sa kaniya and I was about to go back to bid goodbye to our friends when I suddenly heard Chrisnah laughing.
Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Hala nababaliw na ata ang tomboy na 'to. Kanina lang nagma-maldita, ngayon naman wagas maka-tawa.
Pero in fairness, mukhang good mood pa rin ang lola niyo.
Ano kayang kinain nito? Or suminghot ba 'to ng utot ng kakambal niyang si Clive at nahawa na siya sa kabaliwan non?
"Why so serious? Hayaan mo na sila! Masyado silang masaya sa pagka-panalo natin kaya hindi na nila napapansin na wala na pala tayo sa loob." Natatawang pahayag niya. Tignan mo 'tong gagang 'to. Tsk!
"Che! Nababaliw ka na ata, kaloka." I said as I rolled my eyeballs at her.
She chuckles softly.
"Hindi noh. Halika na, ihahatid kita." Aya niya sa'kin. Nangunot lalo ang noo ko. "Gaga! Paano mo ko ihahatid eh wala ka namang sariling sasakyan!" Asik ko sa kaniya.
Atsaka ayoko magpa-hatid sa kaniya. Nakakahiya. Ako ang lalaki, dapat ako ang magha-hatid sa kaniya.
Pero kailan ko pa naisip magpaka-lalaki? Tsk! Iba na ata talaga 'to Michael!
"Who told you that I don't have a car of my own?" Naka-ngising tanong niya sabay labas ng isang susi ng sasakyan.
Nang-laki ang mga mata ko. Alam kong likas na mayaman talaga sila Chrisnah. Ngunit hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa murang edad ay may sarili na siyang sasakyan. Namangha nga rin ako sa laki ng bahay nila eh. Alam kong mayaman sila, pero hindi ko akalain na ganoon sila kayaman.
Ibang-iba sa buhay na meron ako. Parang bigla naman akong nalungkot for some unknown reasons. Ang layo pala ng estado ng buhay namin ni Chrisnah. Ang taas niya habang ako nasa ibaba. Parang napaka-imposible ng iniisip ko. Aish!
Bigla akong napa-iling. Bakit ba ako nag-iisip ng mga ganoong bagay? Stop your fantasies, Michael.
"Siryoso ka ba?" Gulat na tanong ko sa kaniya. She poker-faced. "Do I look like I'm kidding?" Balik tanong niya sa'kin. Huwaaaa mukhang siryoso nga ang babaitang ito na ihatid ako.
"Ano? Magpapa-hatid ka ba o hayaan na lang kita mag-commute?" Inip na tanong niya sa'kin.
At dahil may kamahalan din ang aking pamasahe, kaya naman hindi na ako nag-dalawang-isip pa na magpa-hatid na. Once in a blue moon lang maging mabait 'tong si Chrisnah. Might as well, sulitin na. Hihi.
"Oh let's go na!" Aya ko kay Chrisnah at nauna na akong mag-lakad patungo sa parking lot. Natatawang sumunod naman siya sa'kin. "Arte pa eh. Papahatid din naman pala." Rinig kong pahayag niya habang tumatawa. Hindi naman ako sumagot at sa halip ay palihim na lamang akong ngumiti.
Sumakay na kami sa sasakyan niya pag-dating namin sa parking lot. I feel amazed pa nga dahil ang ganda ng sasakyan niya compared sa mga kapatid niya.
"Talaga bang marunong kang mag-drive?" Tanong ko kay Chrisnah habang ini-start niya yung makina. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Mukha bang hindi? Bumaba ka kung hindi ka sure sa driving skills ko." Asik niya sa'kin.
"Siyempre! Prevention is better than cure noh! Mahal ko pa ang buhay ko." Saad ko sa kaniya habang kinakabit ko ang aking seatbelt.
Mas lalong tumalim tuloy yung tingin niya sa'kin. Waahh scary!!
"Gusto mong ibaba pa kita sa gitna ng Edsa?" Pananakot niya na agad ko namang inilingan. Umirap naman siya sa'kin.
Napa-kapit ako sa aking seatbelt nang simulan nang paandarin ni Chrisnah ang sasakyan.
"Tsk." I heard her tsked when she glanced at me. "Huwag kang mag-alala, hindi ko ibabanga itong precious car ko." At inirapan niya ako. Napa-nguso naman ako. Naniniguro lang noh. I love my life pa.
Pero in fairness naman dito kay Chrisnah, maingat naman siya mag-maneho. Smooth lang ang takbo. Marunong pala talaga siya mag-drive.
"Oh nanahimik ka? Sabi sayo marunong ako eh." Bigla niyang sabi sa'kin.
"Pero bakit ngayon lang kita nakitang mag-drive?" Takang tanong ko. Ngayon ko lang kasi nakitang nag-dala siya ng sasakyan. Ni hindi ko nga alam na may sarili pala siyang sasakyan eh.
"Ayoko lang. Pwede naman ako sumabay kela Kuya. Atsaka para tipid sa gas." She answered while shrugging her shoulders.
"Ang kuripot naman. Mayaman ka naman." Saad ko. Umirap naman siya sa'kin. "Hindi ako kuripot noh. Sadyang tamad lang din ako mag-drive." Sagot niya sa'kin.
Hindi na lang ako sumagot pa at sa halip ay sumilip na lang ako sa bintana.
Sa totoo lang, kanina pa ako hindi mapa-kali. Hindi ko alam kung bakit. Parang hindi ako mapa-kali knowing that Chrisnah is just beside me.
I took a secret glance at her and I saw how fantastic she was while driving smoothly. Bakit ganoon? Nagb-blur ang paligid ko sa tuwing tinititigan ko siya. Bukod tanging siya lang ang malinaw.
Pinag-masdan ko kung gaano siya kaganda. Bakit sobrang ganda naman ata ng tomboy na 'to sa paningin ko? Hindi ko magawang ikumpara yung beauty ko or ng kahit sino sa kaniya dahil mas hamak na mas maganda talaga siya kumpara sa kahit kanino.
Simple lang ang ganda niya pero hindi nakaka-umay tignan. Maamo ang bakas ng kaniyang mukha at may pagka-inosente kung tumingin. Huwag na lang natin pag-usapan ang maldita niyang ugali. Joke!
I don't know why but everytime that I'm with her, I can't help but stare at her pretty face.
I've never seen such beauty like her.
She's so perfectly imperfect and it makes me drown at her everytime I stare at her.
Napa-iling ako sa bagay na tumatakbo sa isip ko atsaka ko inalis ang pagkaka-titig ko sa kaniya.
Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. My whole system was in chaos right now.
Binalik ko na lamang ang paningin ko sa labas ng bintana. I should stop thinking about the what ifs because I know that it will never happened.
And besides, hindi pwede. It will just end up hurting me or her. I just want us to stay what we used to be right now. No more no less.
I exhale deeply as I stared out of the window.
I'm so tired. Gusto ko na mag-pahinga. Napa-sandal ako sa upuan at ganoon na lang ang pagka-kunot ng noo ko nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak namin.
"Hoy babaita! Mali ata yung daan mo!" Pahayag ko sa kaniya.
"Sino ba kasing nag-sabi na iuuwi kita ng diretso?" Sagot niya sa'kin. Taka naman akong napa-tingin sa kaniya. Huh?
"Saan tayo pupunta? Akala ko ba ihahatid mo ko? Hoy babaita ka may balak ka bang hindi maganda sa'kin?!" Kinakabahang tanong ko sa kaniya sabay yakap sa katawan ko.
Kita ko namang kumunot ang noo niya at daglian niya akong tinignan.
"Kapal mo! Hindi ko pagi-interesan yang katawan mo. Eew!" Maarteng pahayag niya. Ay choosy pa! Hindi naman siya lugi sa katawan ko! Ang sexy ko kaya!
"Eh saan tayo pupunta? Kaloka ka alas-otso na ng gabi!" Takang pahayag ko. Tumingin naman siya sa'kin at ngumisi. Creepy!
"Basta! Sumama ka na lang o kung ayaw mo ibaba kita mismo dito at ikaw na bahalang umuwi mag-isa." Saad niya. Napa-tingin naman ako sa labas at pansin kong konti lang ang dumaraang sasakyan sa lugar kung nasaan kami.
Eeehh! The place is kinda eerie. Nasaan na ba kami? Saan ba balak pumunta ng tomboy na 'to?!
"Oo na! Sasama na ako! Siguraduhin mo lang wala kang gagawin sa'king masama ah! Kung hindi tatawag ako ng pulis." Banta ko sa kaniya. Umirap naman si Chrisnah. "Asa." Mataray na pahayag niya.
Nag-drive lang ng nag-drive si Chrisnah hanggang sa maka-rating kami sa isang fast food chain. Nag-drive thru kami at umorder ng makakain.
Siyempre libre niya. Sinulit ko na yung pagiging good mood niya ngayon. Malamang sa malamang kasi sa lunes, maldita on na ulit yang babaitang yan.
After namin dumaan sa drive-thru ay nag-layag na naman kami. Hindi ko talaga alam kung saan ako balak dalhin ng babaitang 'to. Basta alam ko lang malayo na kami sa kabihasnan.
Puro puno na kasi ang nadadaanan namin at madalang na din ang mga sasakyan. There were street lights but mostly puro trees.
"Ang creepy naman dito." Hindi ko mapigilang maibulong. Narinig ko namang marahang tumawa si Chrisnah. "But you'll be amazed when we get there." She said while smiling.
Hindi na lang ako umimik. Nagugutom na rin ako kaya naman gusto ko na ring huminto na kami sa byahe. Kaloka pala 'tong si Chrisnah kapag naka-hawak ng manibela. Kung saan-saan ka dadalhin. Akala ko ihahatid na ako pauwi sa'min, yun pala balak pang mag-joyride.
Nangunot ang noo ko nang bigla kaming huminto sa isang lugar na hindi na talaga dinaraanan ng mga sasakyan.
"We're here." Anunsiyo ni Chrisnah. Kinuha na niya ang mga paperbag na may lamang pagkain at bumaba na. Habang ako naman ay nag-a-alangan. Teka nasaan ba kami?
"Hoy bakla baba na!" Tawag ni Chrisnah sa'kin. Kahit nag-aalangan ay bumaba na ako. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka mamaya may bigla na lang umatake sa'kin from nowhere.
Kashokot! Feeling ko nasa Wrong Turn ako. Yung horror movie! Shocks!
"Where are we?" Kunot-noong tanong ko kay Chrisnah. Umupo naman siya sa hood ng sasakyan niya and my jaw drops when I saw the view in front of us.
Ngayon ko lang napag-tanto na nasa mataas pala kaming lugar and now I'm seeing the beauty of they citylights.
"Wow." I can't help but to feel really amazed. It's like in a whole new world with the first ever friend I have made.
Kumikinang sa mga mata ko ang maliliwanag at ibang-ibang kulay ng mga building sa ibaba. Habang natatanaw din namin ang malawak at puno ng bituin na kalangitan.
Napaka-ganda.
"Ganda noh?" Napa-tingin ako kay Chrisnah when I heard her speak. I saw her smiling genuinely and yes, napaka-ganda ng natatanaw ng mga mata ko ngayon.
Napaka-ganda niya.
"This is my favorite place. Dito ako nagpu-punta whenever I want to be alone. Well, I always want to be alone." She said. Lumapit naman ako sa kaniya at tumabi. Hindi naman ako ganoon kabigat kaya hindi naman siguro mayuyupi itong hood ng sasakyan ni Chrisnah noh?
"Oh kain. Ang payat mo eh." Saad ni Chrisnah habang iniaabot sa'kin ang isang hamburger na inorder namin kanina. I frown. "Hindi ako payat, sexy lang." I declared as I snatch the hamburger from her hands.
"Whatever." And she rolled her eyeballs.
Katahimikan ang bumalot sa'min. Naka-tingin lang kami sa nag-ga-gandahang citylights habang in-enjoy ang pagkain namin.
Umihip ang malamig na hangin and instead of making me shiver, it actually makes my whole system at peace.
Ewan ko ba pero nakaka-ramdam ako ng kapayapaan ngayon. It's like I'm breathing some fresh air and it calms down my chaotic system.
"You're the very first person that I brought here." She said. I remember her saying that this was her favorite place. At talaga namang nabigla ako when she said I was the very first person she ever brought to her favorite place.
"Why?" I mumble. Akala ko hindi niya narinig pero tumingin siya sa'kin at ngumiti. "I don't know. I just feel like bringing you here." She answered.
"You know what, whenever I am here, I feel at ease. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako kung saan ako lang ang tao. Payapa at kalmado. Sariwa ang hangin at magandang tanawin. Gustong-gusto ko na pumupunta rito tuwing gabi. Bukod kasi sa magandang tanawin, ay nakaka-ramdam din ako ng kapayaan. Gusto ko yung pakiramdam na dumarampi ang malamig na simoy sa aking balat. Ang sarap lang sa pakiramdam." She said genuinely as she's gazing at the swirl of colorful lights below us.
I wanted to tell her that I feel the same way too. But I chose not to because this the very first time that Chrisnah open up herself to me and I just want to listen to every words she would tell.
Hindi kasi si Chrisnah ang tipo ng tao na madaldal. She's also not an open-book type of a person. Kaya naman talagang magiging interesado ka once na mag-open-up siya sayo.
And besides, I want to know her better. Gusto kong mas makilala pa siya lalo, kung sino talaga siya behind her fearless mask.
"So, be honored because you're the very first person who stepped on my hideaway." And she chuckles.
Napa-ngiti naman ako.
"I'm honored. Thank you." Pag-sakay ko sa trip niya. Tumawa naman siya at nabigla ako nang subuan niya ako ng tatlong pirasong french fries.
Muntik pa akong mabulunan mga mare!
"Kumain ka ng kumain! Ang payat mong bakla ka." Natatawang pahayag niya. Nginuya ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako nag-salita. "Hoy gaga ka! Muntik akong mabilaukan atsaka hindi payat! Sabing sexy ako eh! Tsaka nahiya naman ako sa katawan mo." Sarkastikong pahayag ko sa kaniya.
Awtomatikong umarko naman ang kilay niya.
"Oh bakit? Anong problema mo sa katawan ko?" Mataray na tanong niya sa'kin.
Umirap naman ako kasabay ng pag-nguso ko.
"Payat ka din naman." Bulong ko na mukhang narinig naman niya. "Hindi ako payat! Petite lang and that's two complete different things! Spelling mga magka-iba na eh, meaning pa kaya." Asik niya sa'kin.
Sarkastikong tumingin naman ako sa kaniya. "Ay ang smart mo diyan sa naisip mong yan, mare." I said with full sarcasm. Napa-irap naman si tibo.
Magsa-salita pa sana ulit ako nang bigla na naman niyang subuan ng pagkain ang bibig ko. This time yung burger na kinakain niya.
Grabe! Bakit ganito ang tomboy na 'to?! Ang bully!
"Oh huwag ka magsa-salita! Kain lang ng kain alam kong gutom ka rin." Natatawang pahayag niya. Alam kong pinagt-trip'an ako ng babaitang 'to kaya naman naisip kong gantihan din siya.
Aba siyempre hindi pwedeng siya lang ang nage-enjoy. Dapat ako din.
Kaya naman habang busy pa sa pag-tawa si babaita, agad akong kumuha ng fries nang hindi niya napapansin atsaka iyon ipinasak sa bunganga niya.
"hmmp!" Natigil siya sa pag-tawa at isang masamang tingin ang ipinukol sa'kin. Hindi ako makapag-salita dahil kagat-kagat ko pa rin ang burger na ipinasak ni Chrisnah sa bunganga ko.
But I gave her a playfull look.
Nginuya niya ang fries at inirapan ako. Akala ko mananahimik lang siya pero laking gulat ko nang muli na naman niyang pasakan ng fries ang bibig ko. Grabe napaka-balahura ng babaeng 'to!
Masama na ang tingin na ipinukol ko sa kaniyang ngunit siya ay tawa lamang ng tawa.
Nginuya ko na ang mga pagkain sa bibig ko at nilunok.
"Balak mo ba akong patayin?!" Angil ko sa kaniya. "No. But you look funny!" Natatawa niyang pahayag. Tinitigan ko lang siya ngunit maya-maya lang din ay natawa na rin ako.
"Gaga ka." At binato ko siya ng fries. Napatigil naman siya ngunit napa-ngisi rin kinalaunan. "Hoy asdfghjklhl" Hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko nang bigla niyang pasakan na naman ng fries sa bibig ko. "Huwag kang mag-tapon ng pagkain, maraming nagugutom sa Pilipinas. Kumain ka dapat para tumaba ka." At nakak-loko niya akong nginitian.
Napa-simangot lang ako habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko. Habang pinagmamasdan kong tumawa si Chrisnah ay hindi ko mapigilang matawa na rin.
"Loka." Natatawang saad ko. Ngiting-nakaka-loko naman na nag-kibit-balikat si tibo.
Nag-tawanan lang kami at nag-kwentuhan hanggang sa hindi namin namalayan ang oras. Alas-dyis na pala ng gabi.
Napag-desisyunan naming umuwi na. Masyado na rin kasing lumalalim ang gabi at baka parehas na kaming hinahanap sa mga bahay namin. Atsaka nag-a-alala na din ako dahil walang kasama sila Xylene at Papa sa bahay.
Naging mabilis na lang ang byahe namin dahil kumonti na din ang sasakyan sa daan. Naihatid agad ako ni Chrisnah sa'min.
Nag-paalam lang ako sa kaniya at nag-pasalamat.
"Ingat ka pag-uwi. Chat mo ko kapag naka-uwi ka na ah." Bilin ko sa kaniya. Awtomatikong tumaas naman ang kilay niya. "At bakit ko naman gagawin yon? Boyfriend ba kita? Ambisyosa." Mataray na saad niya sa'kin.
Parang nahiya naman ako bigla. Tsk! Oo nga Michael! Bakit nga ba sinabi mo yun? You sound like a worried boyfriend. Yay! Pero nag-aalala lang naman ako dahil mag-isa na lang siyang uuwi. Aish!
"Worried lang as a friend! Huwag kang assumera!" Saad ko na lamang para maitago ang pagka-hiya ko.
Umirap lang si Chrisnah at nag-paalam na aalis na.
Pinanood ko lang na maka-layo ang sasakyan niya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at tahimik na pag-pasok ko. Siguro tulog na rin si Xylene.
Ibinaba ko ang gamit ko sa sofa at dumireto sa kwarto namin ni papa. Dalawa lang kasi ang kwarto dito sa bahay at kay Xylene ang isa habang share naman kami ni papa.
Nakita kong tulog na si papa. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang kamay.
Hindi ko na ata kayang itago pa ang nararamdaman ko. Kailangan kong mailabas ito kung hindi sasabog ako.
"Papa." Tawag ko sa ama kong mahimbing nang natutulog. Alam kong hindi na sasagot si Papa kahit na tawagin ko siya.
Pero nag-patuloy pa rin ako sa pagsa-salita.
I exhales deeply. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang tumatakbo sa isip ko ang tumatawang mukha ni Chrisnah.
"Mukhang umiibig na ho ang anak niyang bakla." Mahinang sambit ko.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi habang inaamin ko sa sarili kong unti-unti na akong umiibig kay Chrisnah. Hindi ko alam kung kailan at paano, basta ang alam ko lang unti-unti na niya akong binabago. Ang malambot at bakla kong puso ay unti-unting umaamo at nagiging pusong lalaki.
Alam kong hindi 'to pwede. Napaka-layo ng agwat ng estado ng buhay namin sa isa't isa. Ngunit anong magagawa ko kung siya ang gusto nitong bakla kong puso? Aish! Akala ko isang lalaki ang magpapa-t***k ng puso kong kakalog-kalog, yun pala isang tibo.
Ngunit imbes na makaramdam ako ng lungkot at takot, napa-ngiti pa ako. Ang saya-saya ko at hindi ko mapigilang hindi kiligin.
Mga mare! In-love na ang inyong bakla!
Sa gitna nang aking kilig ay biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko naman iyon sa bulsa ng aking pantalon at laking ngiti ko nang makita ko ang chat ni Chrisnah.
From: Malditang Tibo
Naka-uwi na ako bakla. Good night. Yucks.
"Eeeh. Good night, tibo." Hindi ko na magawang mag-reply pa dahil tuluyan na akong kinain ng kilig.
In-off ko ang screen ng aking phone at humiga ako sa aking kama katabi si papa. Niyakap ko ang aking unan para itago ang kilig na aking nararamdaman. But I can't help it! Talagang napapa-ngiti ako.
Ang sarap palang ma-inlove mga mare!!