SHHS 12

3335 Words
SHHS 12 Chrisnah's Point of View "Paano na yan ngayon? Anong susuotin mo mamaya?" Alalang tanong ni Zoey sa'kin. Hindi naman ako sumagot at sa halip ay tinignan ko ang night gown ko na ngayon ay sira-sira. Ilang oras na ang lumipas simula nang datnan naming ganito ang night gown namin at hindi pa rin tumatahan si Zoelle. Masyado siyang naapektuhan dahil ngayon lang naman ito nangyari sa gawa niya. "Tahan na Zoelle. Makakasama sayo yan." Pagpapatahan ni Kuya Quaid kay Zoelle. Halatang nag-aalala siya para rito. Marahan niyang hinahagod ang likuran ng best friend ko. Buti na lang wala si Zethus kung hindi, hindi makaka-porma yang si Kuya Quaid. But I know that he's not taking the situation for his advantage. Talagang nag-aalala siya para sa kaibigan namin. "Ang gago naman ng gumawa nito." Narinig kong pahayag ni Kuya Clive habang kunot-noong naka-tingin sa night gown ko. "They are sabotaging Chrisnah for the competition that's why they did this." Siryosong pahayag naman ni Kuya Crane. "Bakit at sino naman ang mananabotahe kay Chrisnah?" Takang tanong ni Ate Chary. "May kaaway ka ba? Or may taong galit ba sayo?" Tanong naman ni Alison sa'kin. Nag-kibit-balikat ako. "Who knows." And I plainly answered. Napa-buntong-hininga naman sila sa sagot ko. Hindi nila kilala ang gumawa nito pero ako kilala ko. Kilalang-kilala ko. Isang tao lang naman ang kilala kong may matinding galit sa'kin. Hindi ko lang sure kung nag-recruit pa siya ng iba. Bitch. Katahimikan ang bumalot sa paligid namin at tanging pag-hikbi lang ni Zoelle ang naririnig namin. No one dares to speak dahil alam nilang badmood ako at si Zoelle. Hindi rin magawang mag-biro ni Kuya Clive. Siryoso lamang na nagba-basa ng libro si Kuya Crane pero alam kong iniisip din niya kung sino ang nananabotahe sa'kin. Ayokong sabihin sa kanila kung sino ang gunawa nito dahil bukod sa wala akong proweba na maipapakita ay alam ko ring gagawa sila agad ng aksyon. Baka nga kung sinabi ko na kung sino ang nasa isip ko baka kinaladkad na nila yun papunta rito at pilit pinahingi ng tawad. Ayokong sila ang gagawa ng aksyon para sa'kin at kay Zoelle. Labas na sila dito. Ako na ang bahala mamaya. Si Michael naman ay abala sa pag-iisip kung paano mareremedyuhan ang nasira kong night gown. May alam naman daw siya sa pananahi kahit papaano at baka maremedyuhan pa daw. Katulong niya si Xylene at si Ate Chary. Hindi ako sigurado kung maayos pa nila night gown since grabe ang ginawa dito. Literal na punit-punit pa siya. Nakalaylay ang ibang tela at sira na rin ang design. "Zoelle where are you going?" Napa-tingin kami kay Kuya Quiad nang bigla itong mag-salita. Nakita naming alala siyang naka-tingin kay Zoelle na mugto ang mga mata sa kakaiyak. Zoelle is such a crybaby. Yung maliit na bagay sa inyo, malaking bagay na para sa kaniya kaya iniiyakan niya. Well, naiintindihan naman naming lahat kung bakit siya umiiyak ngayon. Kahit sino masasaktan kung ang bagay na pinaghirapan mong gawin ay sisirain lang ng isang tao dahil sa inggit at para makapanabotahe. "Just taking some air to breathe." Tipid na sagot ni Zoelle at tahimik lang itong lumabas ng room. Lahat kami naka-tingin lang sa pintuang nilabasan ni Zoelle. Hindi man kami nagsa-salita, lalo na ako, pero lahat kami ay nag-a-alala para sa kaniya. "Sundan mo." Utos ni Zoey kay Kuya Quaid. Halatang nagulat naman ang huli sa utos ni Zoey pero agad din itong tumango at lumabas ng room para sundan si Zoelle. Lahat kami napa-buntong-hininga. Buwisit talaga yung gumawa nito. Lintek lang ang walang ganti. Zoelle's Point of View Nagla-lakad ako papunta sa kung saan habang may iilang luha pa rin ang pumapatak sa mugto kong mga mata. May mga iilang tumitingin sa'kin pero wala akong pake. Eh sa naiiyak ako eh huhu. Nakakahiya. Eto yung unang exposure ko sa kwentong ito pero heto't umiiyak agad ako. Sino ba naman kasing hindi 'di ba? Pinag-hirapan kong gawin ang night gown ni Chrisnah. Dugo (char! Ang oa naman ng dugo) at pawis ang binuhos ko doon. Halos ilang gabi akong puyat para matapos ko agad ang damit na iyon tapos kung sinong Poncho Pilato lang ang sisira! Nakakainis! It's breaking my heart whenever I think what happened. Ang ganda-ganda ng mood ko kanina pag-pasok namin. Excited kasi akong makitang suot ulit ni Chrisnah ang gawa ko. Hilig ko kasi talagang manahi ng mga damit. Eto yung passion ko sa buhay. Tapos si Chrisnah ang lagi kong ginagawang model kapag nakakapanahi ako ng mga sarili kong disenyo na damit. Siyempre ayaw ni Chrisnah pero wala siyang magagawa dahil ako ang best friend niya. Atsaka gustong-gusto ko siya gawan ng damit kasi nakaka-tuwang bihisan si Chrisnah. Para kaya siyang manika! Kyaaa ang cute! Tapos ngayon lang may gumawa nito sa damit na ginawa ko kaya naman nasaktan talaga ako. Ayan naiiyak na naman ako! Huhu napapagod na ako kakaiyak pero wala akong magawa dahil ayaw talagang paawat ng mga luha ko. Kung sino man ang nanabotahe kay Chrisnah at sumira sa damit ko, sakitan sana siya ng katawan, yung tipong hindi siya makaka-bangon huhu. Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop ng building ng eskwelahan namin. Dumungaw ako mula sa railings at kita ko ang mga estudyanteng nagla-laro ng iba't ibang sports. May mga nanonood, yung iba naman nagi-ikot sa mga booths at yung iba nagkakasiyahan lang. Gusto ko rin sana mag-saya dahil ito ang huling araw ng intramurals kaso hindi ko magawa. Ayaw sumang-ayon ng puso ko sa gusto ng utak ko. "Hey." Napa-tingin ako sa taong dumating and I saw Quaid. "Hey." Walang ganang bati ko sa kaniya at pagka-tapos ay muli kong binalik ang tingin ko sa ibaba. "Are you still upset?" Tanong niya sa'kin. Tumabi siya sa'king gilid at katulad ko at tumanaw din siya sa ibaba. Marahan naman akong tumango at pagka-tapos ay ipinatong ko ang aking baba sa kamay kong naka-patong sa railings. "Huwag ka nang malungkot. I'm sure may karma din na babalik sa gumawa nun sa damit mo." Saad niya sa'kin. Napa-nguso naman ako. I already wished for the person who did that to my dress his or her karma. Am I bad for doing that? "Kaso walang susuotin si Chrisnah mamaya." Malungkot kong pahayag. Yun din ang isa pang dahilan kung bakit nalulungkot ako. Mukhang nasira ko yung chance na manalo si Chrisnah sa Mr. and Ms. SCU. Huhuhu. Ang ganda-ganda pa naman ni Chrisnah dun sa gown na ginawa ko. Mukha siyang anghel na ibinaba ng langit. Tapos sinira lang ng kung sino mang hinayupak ang damit na ginawa ko! Bad sila! Bad! Huhu isusumbong ko sila kay Jimin ng BTS! Charot! "No need to worry about that, Zoe. Ginagawan na nila Michael ng paraan yung damit." Sagot naman ni Quiad sa'kin. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong naka-ngiti siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit pero napa-titig ako sa mga ngiti niya. Kakaiba kasi ang ibinibigay ng mga ngiti niya sa'kin. Parang gumagaan yung loob ko. "T-talaga?" Tanong ko. Naka-ngiting tumango naman siya sa'kin. Hindi ko akalain na marunong palang manahi si Michael. Wow kakaiba talaga ang baklang iyon ah. But somehow, it makes me happy. Parang bigla akong naka-hinga ng maluwag knowing that there are a lot of people na willing akong tulungan and I have my friends' each other's back. "So, stop crying anymore. Hindi bagay sayo." At ganoon na lang ang gulat ko nang biglang dumukwang si Quaid upang pahiran ang mga natuyong luha sa pisngi ko. Shit na malagkit!!! Ang lapit ng mukha niya sa'kin! Bakit ganoon? Parang bigla ata akong kinabahan! Matamis na ngiti ang agad na iginawad ni Quaid sakin after niyang pahiran ang mga luha ko. Habang ako naman ay para nabato sa'king kinatatayuan. Hala! Ano ba 'to? Bakit naman ganito ang nararamdaman ko? Ang lakas ng t***k ng puso ko na para bang kinakabahan ako. Hindi naman ako nag-kape pero bakit nagpa-palpitate ata ako? "Gusto mo bang kumain?" Alok ni Quaid sa'kin. I was taken a back when I heard his offer. Parang biglang kuminang ang mga mata ko. Siyempre sinong hindi? Pagkain kaya ang pinag-u-usapan and I was pretty hungry na din! "Libre mo?" Naka-ngiting tanong ko sa kaniya. Knowing Quaid, kuripot kaya 'to! Bihira nga niya akong bilhan ng ice cream noong mga bata pa kami eh. Napa-kamot naman si Quaid sa kaniyang ulo habang nangingiti. Sabi sa inyo kuripot ang isang 'to eh! Gwapo nga kuripot naman. "Sige na nga. My treat." Pag-suko niya. "Yes!" Hiyaw ko sabay suntok sa ere. Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil manlilibre ang isang kuripot na si Quaid. "Tuwang-tuwa ah. But I like that better than the crying one." He said while smiling. "Mas maganda ka kapag naka-ngiti." He added. Napa-tigil naman ako at ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko sa sinabi niya. Huwaaa!! Bakit ba ako nagkaka-ganito? Sinabihan lang naman akong maganda ni Quaid pero bakit nahihiya ako?! Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Quaid nang mapansin niya natameme ako. I frown. Pinagt-trip'an ata ako ng isang 'to eh! "Cute. Halika na! Baka mamaya mag-bago pa ang isip ko." Natatawang pahayag niya sa'kin. At siyempre kumilos na ako. Nako mahirap na noh! "Let's go before you've changed your mind, kuripot." Aya ko sa kaniya at ako na mismo ang humila sa kamay niya paalis ng rooftop. Narinig ko naman ang pag-tawa niya kaya napa-ngiti ako. Thank you, Quaid, for making me feel better. Chrisnah's Point of View Nagla-lakad ako sa hallway ng building namin nang makasalubong ko ang taong salarin sa pag-sira ng night gown na susuotin ko mamaya sa pageant. Awtomatikong napa-kuyom ang mga kamay ko when I saw her laughing her ass out while talking to her dumb circle of friends. Paano niya nagagawang tumawa knowing that she did something execrable? Taas-noong sinalubong ko sila at huminto sa kanilang harapan. Napa-tigil sa pag-tawa ang mga kaibigan niya, lalo na si Sara, ang kaniyang best friend, na biglang namutla nang makita ako. I smirk at back of my mind. Gotcha! Napa-tingin sa'kin si Dianne and one of her eyebrow automatically arched when she saw me. "Do you need something from me?" She asked. "Do you need something from me?" I said mimicking her. Nangunot naman ang noo niya sa ginawa ko. She's about to react when I immediately cutted her off. "Sshh. Don't speak, a bad air will going to come out of your mouth when you do." I said sarcastically. Mas lalo namang nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Habang ang mga kaibigan naman niya ay palihim na natawa. Ah fake friends. "Ano bang problema mo?" Tanong niya sa'kin. I crossed my arms over my chest as I bravery look at her. "What's my problem? Should I be the one to ask you that question? Did you have any conscience?" I asked then I shifted my gaze towards Sara. Nakita kong bigla siyang napa-atras. Tsk. Napagha-halataan masyado ang kaibigan niya. Sara is nerd-type of a woman. She's kind that's why I don't know why she became friends with this b***h. She's too good for Dianne. "What are you saying?!" Naiinis na tanong sa'kin ni Dianne. Sige lang mainis ka lang. Gustong-gusto ko kapag naiinis ka. "Dianne, Dianne, Dianne." I said while giving her a bored look and bored tone. "Can you please stop playing dumb? I know that you know what I'm saying." I added. "Right, Sara?" And I shifted my gaze again to her best friend. Kita kong biglang napa-lunok ang kaibigan niya while her other friends are giving us a puzzled look. Mukhang walang alam yung iba niyang kaibigan sa ginawa niya. It seems like Sara is the only one who knew about her scheme. "You don't have a proof! Anong sinasabi mo!" Asik niya sa'kin. I almost laugh. Nahuli rin siya sa sarili niyang bibig. Hindi ko pa nga sinasabi kung ano talaga yung tinutukoy ko pero heto't nag-react agad siya na wala daw akong proweba. "Oh really? I have a living proof over there." Then I pointed out Sara using my lips. Hindi na mapakali si Sara sa kinatatayuan niya. Halatang hindi siya sanay sa mga ganitong gawain ng kaibigan niya. Kung ako sa kaniya, hindi ako makikipag-kaibigan sa mga tulad ni Dianne. Ipapahamak ka lang ng mga taong kagaya niya. Tumingin siya kay Sara at kita kong pinandilatan niya ito ng mga mata. Pfft. "If I were you, hindi ako magsa-sama ng mga ganiyang klase ng tao kung may gagawin akong hindi maganda. Mabilis kang mahuhuli niyan eh." I said while smirking. Napa-tungo naman si Sara, parang nahihiya na natatakot siya dahil nahuli ko sila. "Paano ka nakaka-siguro na ako nga ang gumawa ng binibintang mo?" At talagang ayaw pa umamin ng gaga. Huli na nga eh. "Look at your best friend's face. Halatang-halata kaya sa mukha niya." I said and I smile at them sheepishly. Sumama naman ang tingin sa'kin ni Dianne kaya naman mas lalong lumawak ang pagkaka-ngiti ko. "You bitch." Nanggigil na bulong niya sa'kin. Ngumiti naman ako. "Oh yes, I'm a b***h so stop messing around with me. Do you think that what you did can make you win? Oh c'mon honey, you've got it all wrong." Saad ko sa kaniya. Dumukwang ako at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Napa-atras naman si Dianne ng bahagya, halatang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. "Sabotaging me will do you no good at the pageant. It just make you look like a pathetic fool whose desparate to win. I pity you." Yun lang at nilagpasan ko na sana sila. Binangga ko pa nga si Dianne eh dahilan para tumapon sa kaniya yung iniinom niyang coffee. Serves her right. Michael's Point of View "Guys be ready. Mags-start na tayo." Announce ng coordinator namin habang andito kami sa backstage at naghi-hintay mag-simula ang huling parte ng pageant. "Kyaaahhh kinakabahan ako ghorl para sa talent portion!" Saad ko kay Chrisnah na kampanteng naka-upo lang sa isang silya. "Bakit? Gawin mo lang iyong prinactice natin. Huwag kang kabahan." Kalmadong saad niya. Nakakaloka 'tong tibo na 'to! Paano niya nagagawang kalmado sa mga ganitong sitwasyon? Kanina pa siya kalmado habang kami nagpa-panic sa damit niyang nasira. Para ngang wala siyang pake kung wala siyang susuotin para sa coronation eh. Buti na lang at nagawan namin ng paraan ni Xylene at Ate Chary yung gown niya. Ginawa na lamang naming Cocktail dress na pa-balloon type kaya naman magsu-suot ng petticoat itong si Chrisnah mamaya. Nakaka-inggit naman yung pagiging kalmado ng tibo na 'to. Kailan ko kaya makikitang kabahan ang isang 'to? Atsaka kaninang tanghali ah. Pag-balik niya galing sa rest room, good mood ang lola niyo. Sabi pa niya sa'kin nahuli na raw niya yung sumira sa dress niya at nasampulan na daw niya. Kinukulit ko nga kung sino kaso ayaw niyang sabihin sa'kin. Daya! "Huy Chrisnah hindi ka ba talaga kinakabahan?!" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa'kin at umiling. Kaloka! "Huwag mo kasing isipin para hindi ka kabahan atsaka pumirmis ka. Nakaka-hilo kang tignan." Saad niya sa'kin. Napa-simangot naman ako. Mapapa-sana all ka na lang sa confidence nitong tomboy na 'to eh. "Atsaka kasama mo kong magpe-perform kaya tumigil ka na diyan sa kakahimutok mo." She added. You heard her right mga mare! By partner ang talen portion dito sa Mr. and Ms. SCU kaya naman mag-kasama kaming magta-tanghal ni Chrisnah mamaya. Secret na kung anong gagawin namin. Pasabog yern?! Sumilip ulit ng coordinator at inanunsiyong simula na ulit ng patimpalak. Tinawag ni contestant number 1 upang maunang mag-tanghal. Mas lalong kumabog ang aking hearty-hearty! Mga mare first time ko 'tong magta-tanghal sa harap ng maraming tao kaya naman hindi niyo ko masisisi kung talagang kinakabahan ako. Gusto ko na lang matapos ang araw na 'to para matapos na ang kahihiyan na gagawin ko mamaya!! Naging mabilis ang mga pangyayari at hindi namin namalayan na kami na agad ni Chrisnah ang magta-tanghal. Mas lalo tuloy akong kinakabahan! Susmaryosep! "Goodluck sa'tin." Bulong ni Chrisnah na nang tawagin na kami. Tumingin ako sa kaniya at napa-lunok ako. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming umakyat ng stage. Gosh! Mas lalo ata akong kinakabahan. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang dinarama ko ang lambot ng kamay nitong si tibo. "Hoy huwag kang tulala." Bulong muli ni Chrisnah sa'kin. Binitiwan na niya ang kamay ko kaya naman nabalik na ako sa reyalidad. Gosh! Nawawala talaga ako sa katinuan kapag hinahawakan nitong tibo na 'to ang kamay ko eh. Nag-prepare na kami ni tibo. Umupo kaming parehas sa isang high chair habang may naka-tapat na mikropono sa aming bibig. Kami ho ay kakanta. I mean si Chrisnah lang pala dahil ako ang tutugtog ng gitara para sa kaniya atsaka magsi-silbing second voice. Kaberg! Marunong ako mag-gitara at kumanta noh. Secret talent ko yan na hindi na secret ngayon dahil bulgar na maraming tao ang hidden talent ko huhu. Nagulat nga rin ako kay Chrisnah nang marinig ko siyang kumanta eh. Masakit lang naman sa tenga yung boses niya. Joke!!! Sinukbit ko na ang gitara sa aking balikat at inayos ang tono. Sumenyas ako kay Chrisnah na naka-tingin lang sa'kin nang okay na ako. Tumango naman siya at ngumiti. s**t! Bakit ang ganda niya? Sakto kasing tinamaan siya ng ilaw pagka-ngiti niya. Mukha siyang anghel! Nakaka-inis! Nag-palakpakan ang mga tao kaya naman nag-simula na akong mag-strum kasabay nang malamyos na pag-awit ni Chrisnah. "Elementary pa lang, napapansin na nila Mga gawi kong parang hindi pambabae, eh, kasi Imbes na Chinese garter, laruan ko ay teks at jolens Tapos ka-jamming ko lagi noon, mga sigang lalaki sa amin" Tumahimik ang lahat nang mag-simulang umawit si Chrisnah. Tila ba may umawit na anghel na biglang nagpa-tahimik sa kanila at tanging boses lang nito ang maririnig sa buong paligid. Sino ba namang hindi mapapa-tigil? Kung napaka-gandang boses ang maririnig mong umaawit. "No'ng ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi Curious na babae na ang hanap din ay babae Sa halip na make-up kit, bitbit ko ay gitara Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na t-shirt at faded na lonta" I was still mesmerized by her voice kahit ilang beses ko na siyang narinig umawit noong kami ay nagp-practice pa lamang. Naka-titig lang ako sa kaniya habang patuloy ako sa pag-strum sa aking gitara. Buti na lang kabisado ko yung chords at hindi ako nagka-kamali. Kung hindi masisira ang performance namin. Hindi ko kasi maalis ang mga mata ko sa kaniya eh. Napaka-ganda niyang pag-masdan, isama mo na ang boses niyang kay sarap pakinggan. "Pero noong makilala kita Nagbagong bigla ang aking timpla Natuto ako na magparebond At mag-ahit ng kilay at least once a month Hindi ko alam kung ano'ng mayro'n ka Na sa akin ay nagpalambot nang bigla Sino'ng mag-aakalang lalake pala Ang bibihag sa tulad kong tigreng gala?" Bumilis ang t***k ng puso ko nang biglang tumingin sa'kin si Chrisnah. Hindi ko alam kung bakit pero parang may gusto siyang ipahiwatig sa pamamagitan ng kaniyang mga tingin. "Kahit ako'y titibo-tibo Puso ko ay titibok-t***k pa rin sa 'yo Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan At ang aking p********e ay nabubuhayan Na para bang bulaklak na namumukadkad Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat Ng araw-araw mong pag-ibig sa 'king buhay, nagpapasarap" She just sang that part while looking at me. At halos tumigil ang mundo ko nang bigla akong kindatan ni Chrisnah kasabay ng pag-guhit ng isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Susmaryosep. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may mali na ata sa sistema ko. s**t lang kasi alam kong bawal, pero hindi ko mapigilan. She's slowly turning me into a complete different person that I don't expect me to be and it's f*****g killing me because I can't help but to be drown at her everytime she does something crazy! She's making me as nutty as a fruitcake! Get a grip of yourself, Michaella, or should I start calling myself, Michael? Urg!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD