SHHS 14

2720 Words
SHHS 14 Chrisnah's Point of View Naniningkit ang mga mata ko habang naka-tingin kay Michael. Hindi ko alam kung bakit pero kanina pa good mood itong si bakla. Nakakapag-taka dahil ngiting-ngiti si bakla at mukhang masaya pag-dating niya kaninang tanghali. "Bakit ganiyan ka naman maka-tingin ghorl? Is there something wrong?" He asked while smiling widely. Awtomatikong umangat naman ang kilay ko. "Oo. Anong meron at parang good mood ka ata?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa naman siya habang maarte niyang kinukumpas ang kamay niya sa ere. "Ano ba ghorl! Masaya lang talaga ako ngayon. Masama ba?" Parang baliw na tanong niya sa'kin. The side of my lips automatically twitched. Ano kayang inalmusal ng baklang 'to at parang hindi ata maganda ang dulot sa utak nito? "Are you going crazy? Kasi kung oo, ihahatid na kita pauwi sa inyo." Tanong ko sa kaniya habang kunot ang aking noo. Nawala naman ang ngiti ni bakla at napalitan ng pag-simangot. "Hoy grabe ka naman! Masama ba maging masaya?! Alam mo ikaw panira ka din!" At inirapan niya ako. "Bakit ba nagustuhan kita." Nangunot lalo ang noo ko nang bigla siyang may ibinulong. "Huh? May sinasabi ka ba?" Mataray kong saad sa kaniya. "Wala! Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya. Andito kasi kami sa mall at papunta kami ngayon sa parking lot dahil andoon ang sasakyan ko. Sinundo ko lang naman dito si Bakla at dahil gutom na rin ako kaya inaya ko na rin siyang kumain. "I wanted you to meet someone." I answered as I sipped in my juice. Taka namang bumaling sa'kin si bakla. "Huh? Sino?" Tanong niya. "Basta. Sumama ka na lang." I said. Ayoko sa lahat yung maraming tanong. Buti na lang masunurin si bakla at hindi na nag-tanong pa. Pagkarating namin sa aking sasakyan ay agad kaming sumakay. Binuhay ko ang makina at nag-simulang paandarin 'to. Actually balak ko siyang isama sa pag-bisita sa isa sa pinaka-paborito kong lugar. Ewan ko kung bakit, basta gusto ko lang. Hindi ko lang alam kung magugustuhan niya doon kagaya ng pagka-gusto niya sa pinuntahan namin kagabi. Anyway, I had so much fun last night. Pakiramdam ko nailabas ko yung totoong ako. It's not like what I show to other people and my friends aren't my true self. I mean, I think I have shown Michael the other side of me. Isang tao lang nakaka-kita ng ganitong personalidad ko. And it's Zethus, my guy best friend. We've been closed since I was a little. Kahit na mas matanda talaga siya sa'kin. I like being around him. Bukod tangin siya lamang ang nakakapag-pa-ngiti sa'kin noon. We have the same vibes and personality that's why I'm always around him. But this Michael guy came and changed everything. I can freely shown the other side of me whenever I'm with him. Yung tanging si Zethus lang ang nakakakita noon, naipapakita ko na rin kay Michael ngayon. I don't know why but I feel like I can open up myself with Michael like an open book. I can be whatever I want to be when I'm with him. Inaamin ko, I really like his company. I enjoyed every moment I had with this crazy gay. I feel like sometimes, I'm being a complete different person whenever I'm with him, but in a good way. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko or why I am being like this. But one thing is for sure, I love hanging around with this crazy gay. That's why I had so much fun with him last night at my favorite place. And I wanna hangout like that again with him. I take a quick glance at Michael and I smile when I saw him nodding his head at the beat of the music from the stereo. Nakakapag-taka talaga kung bakit good mood itong baklang 'to ngayon. I mean, he's always on the good mood, pero parang iba yung awra niya ngayon. Parang may nangyaring maganda sa kaniya kasi makikita mong ang saya-saya niya. I wonder what happened that makes him very happy. However, I like seeing him happy. Please stay happy. "We're here." Anunsiyo ko nang dumating na kami sa dapat naming puntahan. I just parked the car at bumaba na, ganoon din si Michael. "Welcome to one of my favorite place on Earth." I said. Taka namang tumingin si Michael sa signage na naka-sabit sa entrance ng pinuntahan namin. "An animal shelter?" He said, wondering. Yes, I brought him here at the animal shelter. This is one of my favorite place because this is where my favorite dog lives. "Yeah. Bakit? Do you hate animals?" I asked. Agad naman siyang umiling. "Hindi. Nakakapag-taka lang." Sagot naman niya sa'kin. Napa-maang naman ako sa kaniya. Anong nakakapag-taka kung dinala ko siya dito? "Anong nakakapag-taka doon? Tara na nga." Aya ko kay Michael. Hinila ko na siya papasok sa loob at agad kaming sinalubong ni Ate May, isa sa mga staff dito. "Hi Chrisnah!" Masayang bati niya sa'kin. Ngumiti naman ako at kumaway. "Hi Ate May! Nasaan si Chloe?" Tanong ko. Ngumiti naman si Ate May. "Si Chloe talaga ang hinanap mo ah. Anyway, andoon siya sa dining, pinapakain nila Josh." Sagot niya. Napansin naman niya si Michael na tahimik lang sa gilid ko at pinagmamasdan ang paligid. Mukhang ngayon lang naka-punta ang isang 'to sa isang animal shelter. "Boyfriend mo?" Tanong ni Ate May habang may ngiting nakaka-loko sa kaniyang mga labi. Agad naman nang-laki ang mga mata ko sa tanong niya. Bakit ba lagi na lang kaming napagkaka-malang mag-jowa nitong si Michael? Mukha ba talaga kaming mag-couple? "H-hindi ah! Ate May talaga!" Nahihiya kong sagot habang mabilis pa sa kidlat na binitiwan ko ang kamay ni Michael. Aish! Napapansin ko lately na palagi ko na lang hinahawakan ang kamay ng baklang 'to. Nakakahiligan ko na ata. Who wouldn't? Eh ang lambot ng mga palad niya. Urg! Ano bang sinasabi mo Chrisnah! Napa-tingin naman si Michael sa'kin nang bigla kong bitawan ang kamay niya. May pagta-taka sa kaniyang mukha. Namula naman ako. Bakit parang ayaw niyang bitawan ko siya? Parang gulat na gulat siya sa ginawa kong pag-bitaw. "Bakit?" Takang tanong ni Michael sa'kin. Pagka-tapos ay tumingin siya kay Ate May na ngayon lang din ata niya napansin. "Ah hello po." Magalang na pag-bati niya sa huli. Ngumiti naman si Ate May. "Hi! Ako si May, isa sa mga staff dito sa animal shelter." Pakilala ni Ate May sa sarili niya. Tipid na ngumiti naman si Michael. "Nice to meet you po. Ako po si Michael, but you can call me Michaella." At humagikhik si bakla. Tila nabigla naman si Ate May sa pagpapa-kilala ni Michael habang ako naman ay napa-iling na lamang. "Y-you're a gay?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate May. Ganiyan din ang reaction ko nang mapag-tanto kong bakla si Michael. Kahit sino naman kasi hindi maniniwala dahil bukod sa gwapo si Michael, ay hindi rin ito mahilig mag-bihis lalaki. Except sa style nito. He used to wear ribbons and clips on his hair. Nagli-lip tint din siya. Pero napapansin ko na nitong mga nakaraang araw, hindi na siya nagsu-suot ng hairclips at nagli-liptint. Kaya naman kung titignan, parang lalaking-lalaki talaga siya. Huwag mo lang pagsa-salitain at pagagalawin. "Ay yis ati! Michael sa umaga, Michaella sa gabi!" Anito. Hindi pa rin maka-paniwala si Ate May. Napa-yuko na lang ako habang naiiling. "Tara na po kay Chloe." Singit ko sa kanila bago pa may masabi itong si Ate May. "Sino si Chloe?" Takang tanong ni Michael sa'kin. "You'll meet her soon. Let's go." Aya ko sa kaniya. Tumango naman si Michael at nauna na itong mag-lakad. Feeling kabisado niya yung lugar. Sumunod naman kami ni Ate May na tahimik pa rin habang pinagmamasdan ang likod ni Michael. "Chrisnah talaga bang bakla siya?" Tukoy niya kay Michael. Gusto kong tumawa dahil may panghi-hinayang sa boses ni Ate May. "Opo ate. By heart and by soul." I said as I tried to stop myself from chuckling. Narinig ko namang napa-buga ng hangin si Ate May. "Sayang. Akala ko boyfriend mo. Ang gwapo pa naman, bagay sana kayo." Bulong niya. Nag-init naman agad ang pisngi ko sa narinig ko kaya hindi na ako sumagot. Kami bagay ng baklang iyan? Duhhhh eh diring-diri nga yan si Michael kapag pina-partner sa babae eh! Atsaka imposibleng mangyari ang iniisip ni Ate May. Hindi kami talo nitong si bakla. We're just friends. Nothing more and nothing less. Isang himala kapag nagustuhan ako ng baklang yan. "Chloe!" Agad kong sigaw nang makita ko si Chloe na pinapakain ni Kuya Josh, isa rin sa mga staff dito sa animal shelter. Lumingon sa'kin si Chloe at hindi ko mapigilang mapa-ngiti nang agad siyang tumakbo palapit sa'kin. Yumukod ako upang salubungin siya at agad itong niyakap nang maka-lapit siya sa'kin. "Ahhh I miss you, Chloe!" Malambing kong saad habang yakap-yakap ang may katabaang katawan ni Chloe. Chloe is a siberian-corgi mixed breed and she's my favorite dog among the other dogs who lives here. Well, I love them all, but my heart belongs to this little cutie. Malambing kasing aso si Chloe plus the fact na napaka-bubbly niya at napaka-cute. Lagi ko siyang binibisita dito. "O'siya maiwan muna namin kayo diyan." Paalam ni Ate May sa'min. Bumaling naman ako kay Ate May at ngumiti. "Sige po. Thank you Ate May at Kuya Josh!" Saad ko sa kanila. Naka-ngiting tumango lang sila sa'min atsaka kami iniwan. Yumukod na rin si Michael upang magka-pantay kami pagka-tapos ay hinawakan niya ang katawan ni Chloe. "Ang cute mo naman." Naka-ngiting saad niya. Bumaling si Chloe sa kaniya at nagka-tinginan kami ng masigla itong lumapit sa kaniya habang winawagwag nito ang kaniyang buntot. "Hi daw sabi ni Chloe." I said while chuckling. Tumawa naman si Michael at pi-nat ang ulo ni Chloe. "Hello. Ako si Michael! Nice to meet you, Chloe." Naka-ngiting pakilala niya kay Chloe. Tumawa naman kaming parehas nang biglang dilaan ni Chloe ang mukha niya. "She likes you!" I shout in glee. "Mukha nga and I like you too!" He said as he playfully pointed his fingers to Chloe's nose. Bumaling si Michael sa'kin at ngumiti kami sa isa't isa. I'm glad that he likes it here. Akala ko hindi niya magugustuhan ang lugar na ito. Siguro mahilig din siya sa aso kagaya ko. "Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" Tanong ni Michael sa'kin habang pinagmamasdan naming mag-laro si Chloe kasama ang kapwa niya aso. Naka-upo kami ngayon isa bench dito sa garden ng animal shelter. Dito nila malayang pinapakawalan ang mga asong naka-tira dito upang mag-laro. "It just happened that I saved Chloe from being hit by a fast car." I answered. Gulat na napa-tingin naman si Michael sa'kin. "Huh?! Sinagip mo si Chloe?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako. "Yeah. Nakita ko siyang pagala-gala habang iniintay ko si Kuya Crane para sunduin ako. Then I saw a car coming from her and she's too busy eating a bone to mind the car that was going to hit her. So, I run towards her and saved her before the car passed by." Kwento ko. Tumingin ako kay Michael at kita kong nangla-laki ang mga mata niya habang bahagyang naka-uwang ang kaniyang mga labi. I chuckle because he looks silly. "Hoy!" Natatawang saad ko sa kaniya dahil parang natulala siya sa kwento ko. "Gaga ka! Buti hindi ka napa-hamak!" Biglang saad niya sa'kin. Bahagya naman akong natawa. "Of course not. I already jumped out of the way before it hits us." I said while shrugging my shoulder. Napa-buga naman ng hangin si Michael na para bang nabunutan siya ng tinik. "Eh bakit dito mo pa dinala si Chloe? Hindi mo na lang inuwi sa inyo." Tanong niya. Siryoso ko namang ibinalik ang tingin ko kay Chloe. "Of course, it does crossed my mind. But I can't that's why I brought her here, kung saan ligtas siya." I said. "Bakit hindi pwede?" He asked. I sigh. I still get lonely as I remember the reason why I can't bring Chloe home with me. "My twin brothers are allergic to animal fur. That's why I can't bring her home." I said. Naalala ko pa kung paano sumpungin ng allergy si Kuya Crane habang hinahatid namin dito sa animal shelter si Chloe. He keeps on wheezing and had difficulty in breathing. Yun ang allergic reaction nila whenever there are pet furs near them. Kaya naman kahit gustuhin ko ay hindi ko magawang mai-uwi si Chloe. Michael's Point of View I look at Chrisnah as I heard her sigh. Halata sa mukha niya ang kagustuhan niyang maiuwi ang asong kinagigiliwan niya. Ngunit hindi niya magawa dahil sa health condition ng mga kakambal niya. Hindi ko alam na mahilig pala si Chrisnah sa mga aso. Like wala kaya sa itsura niya. Para kasing tigre 'tong si Chrisnah, laging matapang ang mukha kaya hindi mo aakalaing may malambot pala siyang puso pag-dating sa mga aso. "I look forward on the day that I can bring Chloe home with me." She whispers. Tumayo siya at nilapitan ang favorite niyang aso na excited naman siyang sinalubong. Pinagmamasdan ko lang si Chrisnah. Gusto kong tuparin yung hiling niyang maiuwi si Chloe, pero paano? "She really wanted to bring that dog home with her eversince she brought Chloe here." Napa-tingin ako nang may biglang nag-salita and I saw ate May. Umupo siya sa tabi ko at parehas naming pinag-masdan si Chrisnah na masayang nakikipag-laro sa aso niya. "Kaso hindi nga pwede dahil sa allergy condition ng mga kapatid niya kaya naman palagi na lang niyang dinadalaw si Chloe dito." Saad ulit ni Ate May. "Matagal na po ba si Chloe dito?" Tanong ko. Tumango naman si Ate May. "Almost a year and a half since she got here. Mabait, malambing, at makulit na aso si Chloe. Kahit kami ay tuwang-tuwa sa kaniya kaya hindi ako magta-taka kung kinagigiliwan siya ni Chrisnah. Actually, Chrisnah was really fond of all the dogs here at the shelter. She always bring foods and medicines for them at kung minsan nagdo-donate din siya ng fund para sa maintenance ng mga aso dito. " Kwento ni Ate May at mababakas na masaya siya sa mga itinutulong ni Chrisnah sa kanila. Bahagya naman akong nagulat ngunit hindi ko na lamang pinahalata. I didn't know that Chrisnah was also supporting this animal shelter. Oh my God. She's such an angel. Hindi mo lang talaga mahahalata dahil sa matapang na personalidad niya, but when you got to know her better, magugulat ka and at the same time mamangha. "Malaki na ang naitutulong ni Chrisnah dito sa shelter at laking pasalamat namin dahil dumating siya sa buhay namin." She said, gratefully. Tumingin sa'kin si Ate May at ngumiti sa'kin. "She's such an angel for us. Kaya sana maiuwi na niya si Chloe dahil alam naming gustong-gusto na niyang maka-sama araw-araw ang paborito niyang aso." Saad ni Ate May. Bumaling ako kay Chrisnah and I saw how happy she was while playing with her fluffy friend. Dahil doon ay isang desisyon ang nabuo sa'king isipan. "I'm going to bring her home." Saad ko at tumingin ako kay Ate May na halatang nagulat sa sinabi ko. "Iuuwi mo si Chloe?" Hindi maka-paniwalang tanong niya sa'kin. Tumango naman ako habang naka-ngiti kong pinagmamasdan si Chrisnah. "Yes. Para hindi na malayo sa kaniya si Chloe at araw-araw na niyang mabisita." "Omg! Thank you, Michael! Sabi na nga ba't hindi ka talaga bakla eh!" Tuwang-tuwang pahayag ni Ate May. Gulat naman akong napa-tingin dahil sa sinabi niya. Huh?Anong ibig niyang sabihin? "Unang kita ko pa lang sayo alam ko nang may lihim kang pag-tingin sa aming anghel." Saad niya habang may nakaka-lokong ngiti sa kaniyang mga labi. Bigla naman akong namula. Teka! Ganoon na ba kahalata ang pagkaka-gusto ko sa tomboy na 'yon? "P-po? H-hindi ho ah!" Tanggi ko. Ate May playfully nudge at me. "Ay sus! Halatang-halata, te!" Pang-aasar sa'kin ni Ate May. Mas lalo akong namula. Umiwas pa ako ng tingin para hindi mahalata ni Ate May ang pamumula ng aking mga pisngi ngunit sakto namang tumama ang aking mga mata kay Chrisnah na masayang tumatawa. Pakiramdam ko bumukas ang langit sa paraan ng pag-tawa niya. Ang sarap niyang pag-masdan. Ang ganda-ganda niya at nakaka-gaan ng pakiramdam na makita siyang masaya. Oh God! Hindi na talaga maitatanggi, umiibig na ang aking baklang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD