SHHS 5
Chrisnah's Point of View
Lahat kami napa-nganga sa kaalamang may girlfriend pala si Michael. I mean, bakla siya 'di ba? Sabagay, lalaki pa rin naman siya at may posibilidad pa rin na maakit siya sa mga babae.
Atsaka maganda naman itong si Xylene. Kung tutuusin, hindi na lugi si Michael. Mas lugi pa nga si Xylene kay Michael eh. Joke!
Pero nakaka-gulat talaga dahil hindi namin akalain. Baklang-bakla kaya si Michael tapos biglang ipapakilala niya sa'min ang girlfriend niya. Sinong hindi magugulat 'di ba?
"Huh?!" Napa-maang si Michael at gulat siyang napa-tingin sa babaeng kasama niya na ngayon ay malapad ang pagkaka-ngiti sa'min.
"Ano--" Magsa-salita sana si Michael nang bigla namang inunahan siya nang pag-ngawa ni Zoey.
"Waaah! Akala ko ba bakla ka?! Mas maarte ka pa nga sa'kin eh! Tapos malalaman kong may girlfriend ka pala!" Paghihimutok ni Zoey na akala mo niloko siya ni Michael as a girlfriend.
Kumunot naman ang noo ni Michael. Parang naguguluhan siya sa nangyayari.
"Maybe Michael was just trying to find the right time to tell us about his girl kaya hindi niya agad sa'tin sinabi." Nag-a-alangan naman na saad ni Kuya Quentin.
"He's still a gay, pero siyempre, he's still a man. Pwede pa rin siyang maakit sa ibang babae. And looks like Xylene tamed the gay." Pag-sang-ayon naman ni Ate Chary.
Nag-tanguan naman kaming lahat. Tama naman sila. Hindi pa rin naman namin lubusang kilala si Michael kahit ilang araw na namin siyang nakikilala. Buong akala namin is baklang-bakla siya, yun pala mayroon pala siyang nobya.
Siguro eto yung nahanap niyang right time para ipakilala sa'min ang nobya niya.
Tinignan ko sila Michael at Xylene na naka-tayo pa rin. Kunot pa rin ang noo ni Michael samantalang si Xylene naman ay ngiting-ngiti.
Habang pinagmamasdan ko sila ay nare-realize kong bagay pala talaga sila. Maganda si Xylene at gwapo si Michael. Yun nga lang mas sosyal at mas maarte itong si Michael kesa sa girlfriend niya. Simple lang kasi ang pagkaka-ayos ni Xylene sa kaniyang sarili habang si Bakla naman ay may suot na isang maliit na pink na ribbon sa kaniyang ulo.
May girlfriend na nga siya pero ganiyan pa rin siya mag-ayos. Buti na lang tanggap siya ni Xylene. Napaka-swerte niya kasi may isang tao na tumanggap at minahal siya sa kung sino talaga siya.
Pero bakit ganoon? Bakit parang nalulungkot ako? Naguguluhan ako kasi may girlfriend na pala itong si Michael pero bakit naga-gandahan siya sa'kin?
I mean, hindi naman masamang magandahan ka sa isa or ibang tao. Pero 'di ba kapag may mahal ka ng iba, dapat sa iisang tao lang naka-tutok ang iyong mga mata? Dapat sa kaniya ka lang nagagandahan. Dapat sa kaniya ka lang naaakit. 'di ba? Hays.
"Iba pala ang kamandag nitong si Pareng Michael eh! Tignan mo nakakuha ng chicks!" Lokong sabi ni Kuya Crane at umakbay siya kay Michael.
"Eeww mandiri ka nga sa sinasabi mo Fafa Crane! Mas bet kit--- awwww!"
"Eto talagang baby ko, umaarangkada na naman ang kabaklaan." Putol ni Xylene kay Michael habang naka-kapit ito sa braso ng huli. Nangingiting umiling naman si Kuya Clive habang inaalis ang pagkaka-akbay kay Bakla.
Wait, now that we found out that Michael already has a girlfriend, is it still right to call him a gay? I mean, nasanay na kasi kaming tawagin siyang bakla, well, not to offend him, pero in a way na biruan. Tomboy nga tawag sa'kin ng baklang iyan eh.
"Ang sweet nila." Kinikilig na sabi ni Zoelle habang naka-ngiting naka-tingin sa dalawa.
"Pero mas sweet kapag naging tayo, Z." Banat naman ni Kuya Quaid kay Zoelle na may kasama pang pag-taas-baba ng kaniyang dalawang kilay.
Nakita ko naman kung paano natigilan si Zoelle at mamula sa pag-banat ni Kuya Quaid.
Yun oh! Duma-da-moves si lover boy sa bestfriend ko. Kaso puro k-pop lang alam nitong gagita kong friend eh. Atsaka ako lang ang nakaka-alam ng tungkol sa pagkaka-gusto niya kay Zoelle. Dinaraanan na lang ni Kuya Quaid sa biro yung nararamdaman niya dahil....
"Tigilan mo yung kapatid ko Quaid." Mapag-banta na pahayag ni Zethus kay loverboy. "Tsk oo na boss Zethus. Bro code atsaka biro lang naman." Pag-suko ni Kuya Quaid na tinanguan naman ni Zethus.
See, that's the reason kung bakit hindi magawang siryosohin ni Kuya Quaid ang pangpapahaging niya ng nararamdaman kay Zoelle. f*****g Bro Code.
"I'm pretty hungry. Can we all eat now that we're already complete?" Saad naman niya Kuya Crane kaya naman nagsi-pag-tanguan kami.
Inaya na nilang umupo si Michael at Xylene. Masayang-masaya si Xylene na umupo sa tabi ni Ate Chary habang si Michael naman ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa na sumunod sa girlfriend niya.
Habang ako ay tahimik na lamang na nag-simulang kumain. Damn, I don't know why but I suddenly lost my appetite.
Michael's Point of View
"Hoy Xylene!" Agad kong hinila ang buhok ng bruhilya kong kapatid nang mahiwalay na kami kela Chrisnah.
Tapos na ang lunch break kaya naman nagsipag-alisan na ang iba sa kanila. Yung iba naman ay nagli-ligpit at kami ng kapatid kong bruha ay nagpa-una na.
"Ouch naman twinnie!" Inda niya habang hinahawakan niya ang gahibla ng buhok na patuloy ko pa ring hinihila. "Ikaw! Bakit mo naman sinabi na jowa kita?!" Nang-gigil na tanong ko sa kaniya.
Nako! Gulat na gulat aketch mga mare! Aba sino ba namang hindi! I was supposed to introduce her as my twin sister pero etong impaktang kapatid ko pinakilala ang sarili niya bilang jowa ko!
Like yuckkk! As in yuck talaga!!! Never in my wildest dream na nakita ko ang sarili ko magkaroon ng jowa noh!
Boyfriend, oo! Pero girlfriend?! Huh! Never mind!!!
Ewan ko ba dito sa kakambal kong ubod ng panget kung bakit naisipan niyang magpa-kilala as girlfriend! Eeh iniisip ko pa lang, nandidiri na ako!
Binawi naman ni Xylene ang buhok niyang hawak-hawak ko at nakaka-lokong tumingin sa'kin pagka-tapos.
"Siyempre! Titignan ko lang kung magse-selos yung tomboy na kinukwento mo sa'kin!" Proud na sabi niya habang may malapad na ngiti sa kaniyang mga labi.
Hindi makapaniwalang tinignan ko naman ang tila nabu-buang kong kakambal. Ano na naman bang tinira nito kagabi at ganito na naman ang utak nito?
Ay nako! Alam niyo mga mare, kung ako ka-kalog-kalog ang puso, itong kakambal ko, ka-kalog-kalog ang utak!
"Hoy Xylene! Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Tomboy yun tapos pagse-selosin mo! Diyos ko mahabaging hangin!" Naiiling na pahayag ko sa kaniya. Narinig ko naman ang nakaka-loko niyang tawa.
"Malay mo! Ang dami-dami kayang bakla at tomboy na nagkaka-tuluyan!" Naka-ngiting pahayag niya sa'kin.
Halos gusto kong masuka sa sinabi niya. I mean, hindi naman sa nandidiri ako kay Chrisnah or sa mga tomboy. Pero kasi you know, bakla ako! By heart and by soul! From head to my cute ingrown!
Imposible ang sinasabi ng kakambal kong may kalog ang utak. Posible sa iba, pero sa'kin imposible!
"Can you stop it! Kilabutan ka sa sinasabi mo! Atsaka mas siga pa iyon si Chrisnah kesa sa'kin ah! Susmaryosep! Hindi mo gugustuhing galitin ang tiboom na iyon!" I said as I rolled my eyes heavenward.
Mapanukso naman akong tinignan ng kakambal ko.
"Sus! Pero laging bukambibig! Miski kay Tatay siya ang kinukwento mo!" Pang-aasar niya sa'kin.
Napa-urong naman ang dila ko sa pag-talak. She just caught me off-guard. Oo na! Palagi ko siyang kinukwento kela Tatay at dito sa kakambal kong froglet! Wala namang malisya dahil kinukwento ko lang naman siya as a friend! She's the very first person I made friends with kaya naman lagi ko siyang bukam-bibig sa'min.
Kaya kayo! Huwag kayong tutulad dito sa malisyosa kong kakambal! Friends lang kami ni Tibo! No more no less! Huwag malisyosa kung hindi pagkukurutin ko yang mga singit niyo!
"Tigilan mo ko! Hilahin ko yang buhok mo eh! Never akong maf-fall kay Chrisnah noh! Fafa ang hanap ko at chicks naman ang hanap niya! Kaya ikaw huwag kang malisyosa!" Gigil kong pahayag sa kaniya at umakto akong parang kukurutin ko siya.
Agad namang umiwas ang malisyosa kong kakambal.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo lulunukin yang sinabi mo ah! Kung hindi ipapakain ko sayo ang mga panabong na manok ni Mang Tasyo! Maganda pa naman si Chrisnah! Mas maganda kesa sayo!" And she stick her tongue out on me.
Ngali-ngali ko nang sapatusin ang daldalita kong kakambal. Talagang nanakot pa siya na ipapakain niya sa'kin ang mga panabong na manok ng kapitbahay naming sugalero na si Mang Tasyo eh kung siya kaya ang gawing patuka ni Mang Tasyo!
Minsan iniisip ko, bakit iniri pa 'to ng nanay namin eh!
"Pumasok ka na nga! Nai-imbyerna ang araw ko sayo! Sana hindi na lang kita pinakilala sa mga fafa kong friends!" Asik ko sa kaniya at tinulak ko siya papasok sa loob ng classroom niya.
"Okay lang yan! Mamaya gaganda na ulit mood mo kapag nakita mo na ang iyong Chrisnah!" At isang malakas at nakakalokong tawa ang ginawa niya. Napa-irap na lang ako.
Bakit ba ganito ang kakambal ko?! Nas-stress ang beauty ko sa malisyo, daldalita, at kakalog-kalog na utak na kapatid kong ito!
"Che! Papasok na ako!" Paalam ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya.
"Okieee! See yah later aligator!" Rinig kong sigaw niya.
Napa-pikit na lang ako ng mariin. Kung hindi ko lang mahal yang kakambal ko, baka ginawa ko na yang patuka sa mga panabong na manok ni Mang Tasyo eh.
Xylene Michelle Dela Fuente is my twin sister. Hindi ko talaga siya girlfriend. Bastos lang bunganga ng babaeng iyon kaya nagpa-kilalang girlfriend ko. Hilig ako pag-trip'an ng daldalitang iyon. Ewan ko kung bakit, dahil siguro close na close kaming dalawa dahil sanggang dikit na kami eversince na lumabas kami sa tummy ng aming mother dear.
Actually, mahirap lang ang buhay namin. Mahirap pero masaya naman. Tatlo na lang kami, ako, si Xylene, at si Papa. Pero keri naman. Nagagawa naman naming mag-survive sa araw-araw.
Nagawa lang namin ni Xylene na maka-pasok sa prestihiyosong school na ito dahil parehas kaming scholar.
Mahirap lang ang buhay namin kaya naman nagsu-sumikap kaming dalawa ni Xylene na maitaguyod si tatay at ang buhay namin mula sa kahirapan. Pangarap namin ang mabigyan ng maganda buhay ang aming tatay.
Akala ko nga magiging malungkot ang buhay ko rito sa Manila eh dahil galing kaming Baguio at wala kaming kakilala dito. Pero laking pasasalamat namin dahil naging mababait ang aming mga naging kapit-bahay. Lalo na si Mang Tasyo na nag-silbing pangalawang tatay namin. Yun nga lang, sabongero.
At ngayon nga, isang panibagong buhay ang meron kami ni Xylene dito sa Manila. We're still not used of living here but I'm beyond grateful that we have met some kind and genuine people here na tinanggap kami ng buong puso, especially Chrisnah. She's my first friend and she's so close to my cute heart.
Oh huwag malisyosa ah! Friend lang! Tsk!
Pero who knows right? Baka mamaya or sa isang araw, mag-iba ang ihip ng hangin. Tignan na lang natin hihi.
Chrisnah's Point of View
"Baby say ah!"
"Ano ba Xyleneeee!"
"Eeehh eat mo na 'to baby! I'm trying to be sweet oh!!"
"Urg! Kadiri ka!"
Naka-tingin lang kami kela Michael at Xylene habang napipilitang sinubo ni bakla ang pagkaing iniuumang sa kaniya ng kaniyang jowa.
"Ayan! Very good baby!" Tuwang-tuwang palakpak ni Xylene nang kinain na ni Michael ang tinapay na isinusubo niya rito.
"Sweet naman ng girlfriend mo pareng Michael! Pwede ganiyan din tayo Ali?" Baling ni Kuya Clive kay Alison na tahimik lang na kumakain.
Napa-tigil naman sa pagkain ang huli at masamang tinignan ang kakambal ko.
"Gusto mong itarak ko 'tong tinidor na hawak ko sa ngala-ngala mo?!" Asik ni Alison sa kakambal ko. Tila para namang tuta na nag-sumiksik si Kuya Clive kay Kuya Quentin. "Quentin oh! Si Alison!" Parang bata na sumbong ni Kuya dito.
"Huwag mo kasi ginagalit si Ali." Natatawang pahayag ni Kuya Quentin habang inilalayo niya si Kuya Clive sa kaniya. Napa-irap lang naman si Ali at bumalik na ulit sa pagkain.
Kain is life yan si Ali. Payat lang yan kung titignan pero kaya niyang maka-sampung ulit ng kanin sa Mang Inasal.
"Buti pa kami ng baby Michael ko sweet lang." Sabat naman ni Xylene. "'di ba baby?" At naglalambing na nagsumiksik ito sa braso ni bakla.
Natawa naman kaming lahat nang makita naming napa-ngiwi si Michael sa inaasta ni Xylene.
Ilang araw na namin silang kasama pero pansin namin na baklang-bakla pa rin si Michael kahit may nobya na ito. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagka-bakla niya.
Sobrang sweet na girlfriend ni Xylene kay Michael. Kahit lagi siyang tinataboy at pinandidirihan ng huli ay patuloy pa rin siya sa paglalambing rito. Lagi na rin namin siya kasama. Minsan kapag dalawa lang kaming mag-kasama ni Michael ay bigla siyang susulpot kung saan. Parang binabantayan niya si Michael dahil kung nasaan si bakla, andoon din siya.
Hindi naman sa nagse-selos ako, yuck! Mandiri kayo! Pero minsan hindi ko maiwasang mainis. Simula kasi ng dumating siya ay hindi ko na nabu-bully si Michael! Nami-miss ko na asarin ang baklang 'to!
"Lumayo ka nga Xylene! My God!" Maarteng pahayag ni Michael habang nandidiri niyang inaalis ang pagkaka-kapit ni Xylene sa kaniya.
"Ang cute niyo! Parang gusto ko rin tuloy ng baklang boyfriend!" Natatawang pahayag ni Ate Chary habang naka-tingin sa dalawa.
"Do you want me to be gay?" Lahat kami napa-baling kay Kuya Quentin ng bigla siyang nag-salita.
Lahat ay napa-tigil sa kani-kanilang gawain. Si Zoelle ay napa-tigil mula sa panonood ng k-drama, habang si Ali ay napa-tigil sa pagkain, si kuya Clive ay napa-tigil sa pangungulit sa best friend nitong si Ali, si Kuya Crane at kuya Quaid ay napa-tigil sa pag-uusap, si Zoey ay napa-tigil sa pag-nguya, si Zethus at si Michael napa-nganga, at si Xylene ay napa-tingin.
Ako naman ay naka-tingin lang kay Kuya Quentin habang si Ate Chary ay napa-tigil sa pag-tawa.
Hindi lingid sa kaalaman naming lahat na may lihim na gusto si Ate Chary at Kuya Quentin sa isa't isa. Pero first time na nag-salita ng ganito si Kuya Quentin. I mean yung mga pahaging na banat. Kaya lahat kami ay nagulat.
"Ahm."
"T-that was a joke only. I know it's not funny!" Nauutal at nahihiya na bawi ni Kuya Quentin sa sinabi niya habang si Ate Chary naman ay namumulang umiwas ng tingin.
Nagka-tinginan kaming lahat at pilit na itinago namin ang kilig na nararamdaman namin sa dalawa.
Kung hindi niyo naitatanong ay fan kami ng love team nila. Bagay kaya silang dalawa!
"Ang tamis naman!" Irit ni bakla na bumasag sa katahimikan naming lahat. Hindi tuloy maiwasang mag-tawanan kaming lahat.
"Eh matamis din naman tayo baby ah! Sweet kaya ako sayo lagi!" Sabat naman ni Xylene dahilan upang mapa-ngiwi muli si Michael.
"Diring-diri na sayo si Michael. Kung ako sayo, break ko na yan!" Ani naman ni Zoey. Bumaling sa kaniya si Xylene at ngumiti.
"Hindi ko iiwan ang baby ko kahit diring-diri siya sa'kin!" Proud na sabi niya. "Right baby?" At humarap siya kay Michael upang magpa-cute.
Napa-irap na lang si Michael kaya nag-tawanan silang lahat sa kakulitan nilang dalawa. Habang ako naman ay nakakaramdam ng inis. Ewan ko, but these past few days, madalas akong mainis lalo na kapag nakikita silang dalawa.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na rin ang lunch break. Kaniya-kaniya na kaming balik sa aming mga classroom dahil simula na ng afternoon class.
"Hays sa wakas!" Saad ni Michael habang nagpapakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
Para siyang nakaramdam ng pagka-laya sa paraan ng pag-buga niya ng hangin.
"Bakit?" Takang tanong ko habang nagla-lakad na kami papunta sa classroom namin.
"Sa wakas ghorl naka-laya na rin ako sa Xylene na iyon!" Iritadong sagot niya sa'kin. Nag-paalam kasi si Xylene na pupunta munang library kaya mauna na raw kami.
"You're too hard on your girlfriend." I said as I c****d my head sideways.
"Huh! Talagang naniniwala ka na girlfriend ko ang daldalitang iyon?!" Pag-angal niya. Bumaling ako sa kaniya at kita ko ang kunot na kunot na noo niya.
"Bakit? Hindi ba?" Takang tanong ko sa kaniya. Umirap naman siya sa'kin. "Ghorl baklang-bakla ako! Can't you see?! Mas maganda pa nga ako sa daldalitang iyon eh!" Saad niya habang umaakto siyang nagf-flipped hair.
Napa-kunot-noo naman ako.
"Eh ano mo si Xylene?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Kambal ko si Xylene! Sadyang loka-loka lang ang daldalitang iyon kaya nag-panggap na girlfriend ko!" Saad niya dahilan upang mapatigil ako sa pagla-lakad.
Huh! Kakambal niya si Xylene?! Eh bakit hindi sila mag-kamukha?!
"We're fraternal twins that's why we're not look alike. Malisyosa lang talaga iyong kakambal kong iyon at mahilig mang-trip! Kalog utak non eh! Tinitira niya siguro lagi yung mabahong medyas ng isa pa naming kapitbahay na si Mang Alberto kaya ganoon ang utak non! Konti na nga lang gagawin ko nang patuka sa panabong na manok ni Mang Tasyo yang si Xylene eh---" Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Michael habang nira-rant ang kakambal niya.
Samantalang ako naman ay naka-tigil pa rin at hindi makapaniwala.
Xylene and Michael are actually twins. Hindi sila mag-jowa!
I don't know why! Pero anak ng teteng, hindi ko mapigilang hindi mapa-ngiti sa kaalamang hindi mag-nobya si Xylene at Michael!
What's happening to me!