Michael's Point of View
Nakatingin lang ako kay Chrisnah habang patuloy siya sa panenermon sa buong klase. Kunot na kunot ang noo niya at halatang iritado ang kaniyang boses.
Lahat ay nakikinig sa kaniya habang siya ay nagsa-salita kahit na alam naman ng mga kaklase namin na galit siya.
Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa kaniya. Grabe ang cool niya. Paano niya nagagawang mag-salita ng ganito sa harap ng maraming tao? Nakakamangha yung tapang niya. Sa kilos palang niya, halatang hindi siya isang ordinaryong babae.
Habang pinagmamasdan ko siyang mag-salita, mas lalo akong namamangha sa kaniya. Unang araw pa lang na nakita ko siya ay nakaramdam na agad ako ng kakaiba.
Alam kong bakla ako, sa puso, kaluluwa, at isipan. Charot! Basta alam kong bakla ako, pero nang makita ko ang babaeng ito, hindi ko maiwasang humanga sa kagandahang taglay niya. Maganda si Chrisnah. Talagang mapapalingon ang kahit sinong lalaki sa ganda niya.
May kaliitan ang kaniyang mukha na binagayan ng kaniyang matatambok na pisngi, matangos na ilong, mapupungay na mga mata at maninipis at kulay rosas na mga labi. Mukha siyang manika kung tutuusin.
Huwag mo lang siyang pagsasalitain dahil talaga namang major turn-off ghorl!!! Aba napaka-maton ng boses. Mas maton pa ata sa'kin huhu! Tomboy pala ang gaga huhu!
Pero maganda talaga siya. I really wanted to be her friend. Yes, friend ghorl! Huwag malisyosa! Bakla aketch okie?! From head to my ingrown, bakla ako. Sama mo na rin yung kalyo ko sa paa, bakla ako.
Nagulat ako nang bigla na lang hinawakan ni Chrisnah ang kamay ko pagka-tapos ay hinila na niya ako palabas ng classroom namin. Iniwan naming naka-tunganga ang mga kaklase naming mga feeling perfect.
Pinagmamasdan ko lang umindayog ang naka-ponytail na buhok ni bruha. Hindi ko alam sa babaeng 'to kung bakit ayaw niyang iladlad ang shining shimmering black hair niya. Ganda kaya huhu. Inggit nga ako sa buhok niya eh!
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta nagpapatianod lang ako sa tomboy na 'to. Hindi ko mapigilang ngumiti habang hila-hila niya ako.
First time kasi na may nag-tanggol sa'kin mula sa pangbu-bully. Nakaka-tuwa lang na may mga tao pa rin na hindi tumitingin sa kasarian ng isang tao. Mabait naman pala itong si tomboy.
"Aish!" Agad niyang binitawan ang kamay ko nang makarating kami sa garden ng school. Huhu in fairness ah! Napagod aketch kaka-walk! Ang layo din kaya ng nilakad namin! My feet is aching na tuloy!
And oh!! I can feel that the ribbon I clipped in my precious hair is slowly falling! Huhu eto naman kasing tiboOm na ito! Bakit kailangan mang-hila after mag-speech?!
"Hoy ikaw!"
"Ay ako!"
Gulat at napa-hawak pa ako sa aking dibdib ng biglang bumaling sa'kin ang tiboOm na si Chrisnah. Tinignan ko siya at kita kong naka-kunot ng malalim ang kaniyang noo.
Ano na naman kayang problema ng shalala na ito?!
"Ano ba iyon ghorl?! Nakaka-gulat ka you know!" Saad ko sa kaniya habang pinapa-kalma ko ang nagulat kong hearteu.
Ang lakas kasi ng t***k ng dibdib ko eh. Tsk. Masama 'to.
Saglit na natahimik si Chrisnah at maya-maya'y napa-buntong-hininga. Nagta-taka ko naman siyang tinignan. Ano kayang nangyari sa tibo na 'to?
"Why ghorl? Is there something bothering you?" I asked while I flipped my hair. Siyempre kailangan may pag-flip para bongga!
Umupo naman siya sa bermuda grass habang naka-tingin sa malayo. Napa-simangot pa ako sa upo niya dahil naka-taas ang dalawang tuhod niya habang naka-patong doon ang dalawang kamay niya. Alam niyo yung upong pang-tambay? Ganern!
Kaloka 'tong tibo na 'to!
"Hoy ghorl uso umayos ng upo! Diyos ko po! Huwag mong ibuka ang langit!! Bakla ako, hindi ako maaakit!" Maarteng saad ko. Kunot-noong tumingin naman sa'kin si Chrisnah na parang hindi niya nage-gets ang sinasabi ko.
Ay slow ang lola mo!
"Sinasabi mo?!" Asik niya sa'kin. Tinuro ko naman ang legs niyang naka-open sesame gamit ang aking pouty lips. Tumingin siya sa tinuturo ko at agad niyang tiniklop ang kaniyang dalawang tuhod habang nang-lalaki ang kaniyang mga mata.
"Bastos! Naka-cycling ako siraulo!" At isang masamang tingin ang ipinukol niya sa'kin. Napa-hawak naman ako sa aking dibdib. "Ay! G na g mare?! Malay ko bang naka-cycling ka duh!" Saad ko sa kaniya pagka-tapos ay umupo ako sa tabi niya.
Hindi naman siya umimik at sa halip ay inirapan lang ako. Bakit ba ang siga ng tomboy na 'to?! Tsk feeling may egg! Joke lang hihi! Baka marinig ako ng babaeng 'to at masuntok ako! Sayang naman ang beauty ko!
Katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa. Naka-tingin lang si Chrisnah sa malayo habang ako naman ay tinatanggal ang mga sumiksik na libag sa'king long fingernails. Yes, that's right! I have long beautiful fingernails!
Pinapaputol nga ng teacher namin kahapon kaso ayoko! Hihi no way, as in n to the o the w the a the y! No way! Tagal ko kaya pina-haba ang aking beautiful fingernails!
"Bakit hindi ka lumaban kanina?" Biglang basag ni Chrisnah sa katahimikan.
"Wala lang. Ayoko makipag-away noh!" Sagot ko habang abala pa rin ako sa pagli-linis ng aking long beautiful fingernails. "Tsk! Hindi naman porket lalaban ka, it means makikipag-away ka na. You're just going to defend yourself, anong masama dun?" Sagot naman niya.
Napa-kibit-balikat ako. "Eeeeh ayoko ghorl. Hindi ako sanay na dinedepensahan ko yung sarili ko against other people." Tumingin ako sa kaniya and I found her looking at me while creasing her forehead.
Gusto kong matawa sa itsura ng tiboom na 'to. G na g mare! Halatang inis na inis yung itsura niya kaso mukha rin siyang siryoso kaya huwag na lang. Katakot pa naman itong ghorlalu na ito. Mukhang any minute mananapak eh. Char!!!
"Why? I mean, wala namang mawawala kung dedepensahan mo yung sarili mo against bullying ah!" Inis na sabi niya sa'kin. Napa-nguso naman ako.
Actually, sanay na ako sa mga pangbu-bully ng mga tao sa'kin. I mean duh, ever since the world began for me, binu-bully na ako ng mga kaedaran ko sa lugar namin. Even my classmates sa old school ko. They are bullying me because of being gay. Ganoon naman parati eh. I am not just defending myself against them kasi ewan, siguro dahil takot ako or naduduwag lang ako. Or maybe it's the two of them. Takot ako and at the same time, duwag din ako.
I'm not the kind of person na palaban. I'm soft. I easily got hurt. Of course, dumating ang inyong bakla sa puntong umiiyak ako. But because I don't want to be a burden to my family, lahat ng ginagawang pangbu-bully sa'kin, tinatago ko na lang sa sarili ko.
I'll just go home with a happy smile plastered on my face as if I didn't get bullied all day, every day. I don't want my family to get worried about me.
"Hoy bakla!"
"Ano yun tibo?!" Baling ko kay Chrisnah nang mabalik ako sa reyalidad. Maka-bakla naman itong feeling fafa na 'to! Pwede naman niya akong tawaging beauty na lang! Mas bet ko pa! Hihi!
"Natahimik ka diyan. Sabi ko wala namang masama kung dedepensahan mo yung sarili mo sa ibang tao." Saad niyang muli. I sigh as I look up at the clear sky.
"Wala naman mangyayari kung dedepensahan ko yung sarili ko laban sa kanila. Oo, bakla ako, nasasaktan din ako sa mga pangbu-bully nila, pero kapag naiisip kong lumaban, parang napapaisip din ako. Anong mapapala ko kung lalaban ako? Kapag pinatulan ko sila, mas lalo lang nila akong bu-bully'hin. So, I'm just ignoring them even if it's killing the hell out of me." Paliwanag ko then I smile.
"I've been bullied since I was in elementary at my old school. Sanay na sanay na ako kaya I don't mind at all. Hindi na ako affected sa ganiyan ghorl. Pasok dito, labas sa kabila na lang ang ginagawa ko." I said as I point my left and right ear.
"I don't need to prove myself to them just to get their acceptance. Kung hindi nila tanggap ang kabaklaan ko, aba'y problema na nila yun. Ang chachaka naman nila. I don't owe them an explanation either why my gender isn't straight. f**k them for being homophobic. Kala mo kega-ganda at ke-gw-gwapo eh mas cute pa kesa sa kanila yung ingrown ko." I joked, trying to lift the attitude.
Ayoko ng masyadong lonely. Gusto ko happy lang. Masyado kasing siryoso sa buhay itong tomboy na 'to eh. Daig mo pa pasan-pasan ang buong mundo! Kaloka!
"And most importantly, I don't live my life just to please them. Bahala sila sa buhay nila, basta ako masaya ako at tanggap ng pamilya ko ang kabaklaan ko, yun lang kuntento na ako. The rest of their opinions doesn't really matter to me." And I flipped my hair. Yung bonggang-bonggang flip. Syempre kailangan may pag-flip para dama 'di ba.
Arte yern?
Tumingin ako kay Chrisnah and I found her staring at me. Hindi ko mabasa kung ano yung nasa mga mata niya because her eyes are too cold. But I can sense that what I've said made sense to her.
Pero in fairness ah, ngayon ko lang natitigan ng ganito 'tong bruhang 'to at masasabi kong maganda talaga siya. Huwag mo lang pakikilusin okie.
"Ghorl stop staring at me. I'm melting. And alam kong gwapo ako, but uhhh, beki ako ghorl. Kahit anong titig mo sa beauty ko, hindi mo ako mabibihag." Saad ko dahilan upang mabalik siya sa reyalidad.
"Ouch!" Daing ko habang hawak-hawak ko ang ulo kong sinapok niya. Huhu! Grabe sabi na eh! Dangerous 'tong tomboy na 'to eh! Ang sakit ng head ko! Feeling ko umalog ng todo yung brain ko at nagka-hiwalay-hiwalay ang brain cells ko. Huhu.
"Mapanakit yern?!?!" Naka-simangot kong saad sa kaniya. Inismidan naman ako ni Chrisnah. "Mga pinagsasabi mo kasi! Mandiri ka nga!" Asik niya sa'kin. "Eh bakit kasi naka-titig ka sa'kin, babaita ka?! You can tell me naman kung nag-gwapuhan ka--- aahhh daddy oh!!!" Agad kong hinarang ang dalawang kamay ko sa mukha as defensed nang makita kong umamba si Chrisnah ng suntok sa'kin.
Omg! Parang ayoko na ata maging friend 'tong tomboy na 'to! Masyadong agresibo! Masyadong mapanakit! Mamaya naiinggit na pala ito sa beauty ko at sinasadya niyang saktan ako para lang maging ugly duckling ako! Oh no!
Kunin niyo na ang lahat sa'kin, huwag lang si Coco Martin. Chos! I mean, yung beauty ko!
"Tumigil ka ah! Kung hindi tatahiin ko yang bibig mo!" She warned me while narrowing her eyes at me. Natakot naman aketch. Feeling ko kasi lalamunin ako ng eyeballs ng babaitang ito.
Hindi na lang ako umimik pa at naka-ngusong hinimas ko na lang ang ulo ko.
Maya-maya ay nag-salita si Chrisnah.
"Pero alam mo, tama yung mga sinabi mo eh. Kahit naman anong gawin mong pag-depensa sa sarili mo, may mga taong hindi pa rin makikinig at ipagpapatuloy pa rin nila ang ginagawa nila sayo. You're right, we can't please everyone to accept us, the real us." She said as she looks afar.
Tumango-tango ako.
"Correct ka diyan, ghorl! As in big check! Kaya don't mind them na lang. Don't ever stoop down on their very low as in very very low levels! Eewww!" Maarteng saad ko na may kasamang pagpilantik ng mga daliri.
Napa-tingin naman si Chrisnah sa'kin at napa-ngiwi.
"Kailangan talaga may pag-ganiyan?" Naka-ngiwing saad niya sa'kin. Natawa naman ako at marahan ko siyang tinapik sa kaniyang balikat.
"Of course, ghorl!" And I giggled. Hindi siya sumagot at sa halip ay inirapanang ako.
I happily deep a sigh as I look at her. The very first friend that I made in my entire life. And the very first person who defended me in front of everyone who bullied me.
"Oy tibo!" At bahagya kong sinundot ang kaniyang pisngi. Uy ang lambot! Kakainggit naman ang peslak ng babaeng 'to! Makinis na, malambot pa. Huhu.
Korean skin yern?!
"Ano bakla?!" Angil niya sa'kin. I chuckle softly as I started to play with my fingers. This is my mannerism. Whenever I get shy, I found myself playing with my fingers so that it will lessen the shyness that I'm feeling.
"Ano.. gusto ko lang din magpa-salamat. I know I've said that I don't need to defend myself just to prove myself to everyone." I said.
Yumuko ako ng bahagya para itago ang pamumula ng mukha ko.
"Sus wala iyon---" Agad ko nang pinutol ang sasabihin niya. "But thank you for being the first person who defends me in front of everybody. I really appreciate it, Chrisnah." I said as I smile at her sweetly.
Chrisnah's Point of View
"But thank you for being the first person who defends me in front of everybody. I really appreciate it, Chrisnah."
Napa-tigil ako at napa-titig kay Michael habang matamis siyang naka-ngiti sa'kin at ang buhok niya'y marahang hinahangin.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaka-kita na naman ako ng sparkling bubbles sa paligid niya habang naka-ngiti pa rin siya sa'kin. Feeling ko muli na namang nag-blurred ang paligid. Yung parang sa mga anime! Teka! Bakit ganito?! Naso-sobrahan na ata ako sa kaka-panood ng anime!
But I can't help it. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang tinititigan ko ang baklang ito.
I think I'm f--- urg! No! Hindi! Imposible yung naiisip ko! Baka dala lang ng kape kaya ang lakas ng t***k ng puso ko. Baka nagpa-palpitate lang ako! Oo, tama! Uminom kasi ako ng kape kanina kaya nagpa-palpitate ako.
Tsk! Hindi muna ako iinom ng kape para hindi na muling lumakas itong t***k ng puso ko.
I shook my head and avert my eyes from staring at him.
"Tsk! Hindi na iyon mauulit dahil walang pwedeng mang-bully sayo! Dapat ako lang!" I said as I'm done collecting myself.
Nakita ko namang sumimangot siya.
"Kaya naman pala! Napaka mo talagang tibo ka! May pa-defend-defend ka pang nalalaman! Yun pala balak mo lang din akong i-bully!" Parang batang naiiyak na sabi niya sa'kin.
Tinignan ko siya at hindi ko napigilang matawa sa itsura niya. Mukha siyang bibe sa haba ng nguso niya.
"Siyempre! Gusto mo ko maging kaibigan 'di ba?! Eh 'di mag-tiis ka sa pangbu-bully ko!" And I grinned at him. Nakita ko namang humaba lalo ang pagkaka-nguso niya kaya mas lalo akong natawa. Damn! Bakit mukha siyang bibe?!
"Napaka-sama mong tibo ka!" Asik niya sa'kin. Tumayo na ako para pag-pagan ang palda ko. Mag-start na kasi ang morning classes namin within 10 minutes. Kailangan na namin bumalik sa room kahit ayoko na sana bumalik dahil ayokong makita ang pagmu-mukha ng mga kaklase kong mukhang paa ni Michael.
"I know right!" I said as I smirked at him. Umirap lang si bakla at tumayo na rin. Natawa pa ako dahil ang arte ng pagkaka-pagpag niya sa kaniyang pwet'an.
Arte kala mo naman maganda! Sabagay pogi naman itong si bakla, may karapatan mag-inarte.
Urg! Did I just praise him again? Napapa-dalas ata yung pag-puri ko sa baklang 'to ah!
Nag-start na kaming mag-lakad pagka-tapos. Naka-nguso pa rin si bakla pero ako dedma lang.
"Ganito mo ba i-trato mga kaibigan mo?!" Naka-simangot na tanong niya sa'kin. Nilingon ko siya at nginisihan.
"Hindi. You must feel special because you're the only person I treat like this. Be honored, bakla." Pang-aasar ko sa kaniya habang pinagta-taas ko ang aking dalawang kilay.
Nakita ko namang kumunot ang noo niya senyales na naiinis na siya kaya mas lalo akong natuwang asarin siya.
"Ay attitude yern?!" Mataray niyang saad at isang nakaka-lokong ngiti lang ulit ang binigay ko sa kaniya.
"Bakla yern?! Bilisan mo na diyan bakla! Male-late na tayo! Arte mo!" At inunahan ko na siyang mag-lakad. Rinig ko naman ang pag-ismid niya kaya naman palihim akong ngumiti.
Another side of him na naman ang nakita ko ngayong araw sa kaniya. The pikon side of him.
Pikon yern?!
...
Lumipas ang mga araw at tuluyan nang naging parte ng barkadahan si Michael. Aba close na close agad siya sa mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa sila sa kabibuhan ng baklang si Michael. Lalo na si Zoey na laging naka-lingkis kay bakla kaya ang huli ay iritang-irita. Mwahahaha!
So far so good. Masaya naman kasama si Michael. Walang minuto or oras na hindi ka tatawa sa mga ginagawa niya. Baklang-bakla talaga siya at nakaka-tuwa lang dahil I found someone who has the same sexuality as mine. And mas lalo akong natuwa dahil agad siyang tinanggap ng mga kaibigan ko. Even my twins are so fond of him. Kahit nga si Kuya Crane ay siyang-siyang sa company ni Michael.
Takot lang 'tong si bakla kay Kuya Chad. Maangas daw kasi masyado. Parang gangster daw dahil sa dami ng piercing ni Kuya Chad. Any time daw feeling ni bakla masusuntok siya ni Kuya Chad.
Bad boy look kasi si Kuya Chad. Rather, bad boy talaga siya. Nasabi ko na sa inyo 'di ba, laman ng principal at dean's office lagi si Kuya Chad dahil sa hilig nitong makipag-away.
Michael is a very nice person and so fun to be with. Every moment with him is worth it. No dull moment as in.
Natigil na rin ang pangbu-bully kay Michael. Siyempre lagi ko ba namang ka-dikit ang baklang iyon eh simula ng araw na mag-sermon ako sa buong klase namin ay pakiramdam ko natakot na yung mga classmate namin sa akin.
Well, it's good. Ayokong may ibang mangbu-bully kay Michael. Gusto ko ako lang.
"Chrisnah!" Narinig kong tawag ni Zoey sa'kin. Lumingon ako sa kaniya at napa-angat ang isang kilay.
Lumapit ako sa kinauupuan ng mga kaibigan ako.
"Kailangan talagang sumigaw Zoey?" Naka-simangot kong tanong sa kaniya. Umupo ako sa pagitan ni Zoelle at ate Chary. Habang si Zoey naman ay naka-bungisngis na humarap sa'kin.
It's our lunch break kaya naman nasa cafeteria kami. Kumpleto kami except kay Michael. May pupuntahan daw siya katabing room namin eh. Ewan ko kung sino. Iniwan ko na kasi gutom na ako eh.
"Nasaan si Michael?" Naka-ngiting tanong niya sa'kin. I poker face at her.
"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang bakla?" Siryoso kong tanong sa kaniya na ikinatawa naman ng mga kaibigan namin. Napa-nguso naman si Zoey. s**t naalala ko bigla yung duck face ni Michael.
Bagay nga sila, parehas silang mukhang bibe kapag naka-nguso.
"Hoy narinig ko yon atityodang tibo!" Napa-lingon kami at nakita namin si Michael na naka-taas ang isang kilay.
Hindi naman ako umimik at inirapan ko lang siya.
"Michael!!!" Tumayo si Zoey sa kinauupuan niya at akmang tatakbo kay Michael nang bigla siyang pigilan ng huli.
"Hephep!! Diyan ka lang tilapia ka! Huwag kang lalapit sa'kin kung hindi ipapasuntok kita kay Fafa Chad!" Pananakot niya kay Zoey dahilan upang matawa kaming lahat.
Napa-nguso naman ang huli at bumalik sa kaniyang pagkaka-upo.
"Mukhang hindi ka na-miss ni Michael, Zoey." Saad ni Kuya Crane habang naka-tingin sa libro na binabasa niya. Naka-simangot na bumaling naman si Zoey kay kuya at kita ko kung paano mamula ang kaniyang pisngi.
Of course, tinukso lang naman siya ng kaniyang long time crush.
"C-che! Mag-basa ka na lang diyan bookworm!" Pa-irap na pahayag niya kay Kuya. Tumingin siya sa'kin pagka-tapos and I just grinned at her. Pulang-pula kasi siya eh.
"Okay guys! Can I have your attention please?" Maarteng pahayag ni Michael. Lahat naman kami ay napa-lingon sa kaniya.
"Oy may chicks palang kasama si pareng Michael eh!" Naka-ngiting pahayag ni Kuya Clive. Nakita ko naman kung paano samaan ng tingin ni Allison si Kuya. Selos yern?
"Maka-pare ka naman diyan! Ang bastos ah!" Naka-ngiwing saad ni Michael. Natawa na lang sila dahil sa kaartehan ni bakla.
Doon lang namin napansin na may kasama ngang babae si Michael. Nag-taka ako nang makita kong titig na titig siya sa'kin kaya naman nakipag-titigan din ako.
Sino ba ito? Bakit ganito ito maka-titig? Maganda yung babae. Maputi, may kaliitan, tama lang ang pangagatawan, at bumagay rito ang medyo curly nitong buhok. May kamukha siya pero hindi ko lang malaman kung sino. Parang kamukha siya ni ---
"Guys, I want you to meet my--" Nagsa-salita na si Michael nang agad siyang pinutol ng babaeng kasama niya.
"Girlfriend." Dugtong nung babae sa sinasabi ni Michael. Tumingin siya kay Michael at binigyan ito ng isang nakaka-lokong tingin. Pagka-tapos ay bumaling siya sa'min.
"Hi everyone. I'm Xylene, Michael's girlfriend. Thank you for being his friend." Pakilala niya sa sarili niya at isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.
Lahat kami napa-nganga. Is this for real?! May girlfriend 'tong baklang 'to?!