SHHS 11
Chrisnah's Point of View
Nag-simula na ang opening ceremony ng intramurals namin. Nasa backstage kami ni Michael at hinihintay namin na ipakilala kami.
Sumilip ako sa kurtina at kita kong napaka-raming tao ngayon ang nanonood. Ang ilan sa mga ito ay sabik na sa magiging patimpalak ng tatanghalin na Mr. and Ms. SCU para sa taong ito.
"My Gosh." Narinig kong saad ni Michael kaya naman napa-tingin ako sa kaniya. Kita ko kung paano siya magpa-balik-balik sa pagla-lakad na para bang hindi mapakali.
Ramdam kong kinakabahan talaga siya. Ganito pala kabahan ang baklang 'to. Para siyang nagpa-panic.
"Huy okay ka lang?" Tanong ko kahit halata namang hindi siya okay.
Tumigil naman siya sa pa-lakad-lakad niya at nanglalaki ang mga matang tumitig siya sa'kin.
"Ghorl mukha ba akong okay? Tignan mo nga nagpa-panic na ako. Hindi ako okay ghorl! Kinakabahan ako!" Aligagang sagot niya sa'kin. I frown. Bakit ba siya kinakabahan? May stage fright ba siya? Ako nga chill lang eh.
"Pumirmes ka nga. Wala namang magagawa yang palakad-lakad mo. Nahihilo lang ako sayo." Asik ko sa kaniya. Bumuntong-hininga naman si bakla. "Paano ghorl?! Sabihin mo nga sa'kin, paano?" Parang iiyak na saad niya.
Umirap naman ako. Hindi ko alam na masyado palang kabado ang isang 'to. Tsk.
"Inhale exhale. Tapos kumalma ka. Wala namang kakain sayo sa stage." Saad ko. Nakita ko namang sumimangot siya sa sinabi ko. "Hindi ko alam kung kino-comfort mo ba ako o hindi eh." He said while frowning.
Napa-irap naman ako.
"At bakit naman kita ico-comfort? Umayos ka na. Magsi-simula na." Aniya ko sa kaniya nang marinig ko ang MC na banggitin ang tungkol sa pinaka-mahalagang patimpalak ngayong araw.
"Ayan na ghorl!!!!" Irit ni Michael. Napa-tingin pa ako sa kamay niyang humawak sa braso ko. "Hoy alisin mo nga yang kamay mo! Umayos ka!" Asik ko sa kaniya habang pilit kong inaalis ang pagkaka-hawak niya sa braso ko.
"Ayoko! Kinakabahan talaga ako ghorl! Umatras na kaya ako!" Naiiyak na saad niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Lokong bakla 'to. Balak pa akong iwan sa ere.
"Tigilan mo! Isipin mo na lang yung effort nila Zoey at Zoelle sa pag-aayos ng mga gagamitin natin sa pageant na 'to. And besides, naka-suporta sayo ang buong klase natin. Look." Saad ko habang hinawi ko ng maliit ang kurtinang nagta-tapik sa'min.
Sumilip naman si Michael at halos mang-laki ang mga mata niya. May banner kasi na ginawa ang mga kaklase namin at ang nakalagay is "Go Michael! Go Chrisnah! Go Go Go!" May mga cheering materials pa sila like pom-poms and drums.
"See? Tapos aatras ka." Pahayag ko sa kaniya. Halos hindi naman siya maka-paniwala. Miski ako ng una ay nagulat din kagaya niya nang makita ko ang mga kaklase kong may dala-dalang banner at full support sa'min. Pero somehow, I felt happy. Kaya mas lalo ko tuloy naramdaman yung eagerness na parang gusto kong ipanalo 'tong laban na 'to dahil ang daming sumusuporta sa'min, sa'kin.
Sana ganoon din ang maramdaman nitong si Michael. He got everyone to support him and it's making me happy for some unknown reason.
Napa-ngiti pa ako nang makita ko ang mga kaibigan namin na todo suporta sa'min. Andoon din si Xylene at ang mga magulang ko. Alam kong hindi makaka-punta ang tatay ni Michael dahil sa sitwasyon nito, pero how I wish that he can make it just for this day.
"Ang dami nating supporters." Namamanghang pahayag ni Michael habang naka-silip pa rin. Palihim naman akong napa-ngiti. I know right. Alam kong maraming naka-suporta kay Michael, hindi niya lang iyon alam. "That's why there's nothing to be nervous about. You've got everyone to support you." Kibit-balikat kong pahayag sa kaniya.
Bumaling naman siya sa'kin at halos mabuwal ako sa gulat ng bigla niya akong sungaban ng isang yakap.
Siraulo 'tong baklang 'to! Muntik pa akong ma-out of balance, buti na lang at nagawa kong balansehen ang sarili ko. Mangyayakap na lang, kailangan mang-bigla pa.
"Thank you ghorl! Kahit papaano nawala yung kaba ko. Hindi ko alam na marami palang handang sumuporta sa'tin!" Madramang pahayag ni bakla. Hindi ko mapigilang matawa ng bahagya. Ang drama naman nitong si bakla.
Parang kanina lang kabadong-kabado siya.
"Of course. There are a lot of people who's willing to support you." I said, half chuckling. Lumayo naman si bakla sa'kin at naka-nguso akong tinignan. "Ready na ako!" Confident na saad niya.
I smile. "Good." Ngumiti lang sa'kin si bakla at sakto namang pumasok na ang coordinator at pinaayos na kami ng pila.
We're contestant number 5. Buti na nga lang at hindi kami ang una eh. Ayokong mauna noh.
Nag-simula nang ipakilala ng mc sila contestant number 1. Grabe ang naririnig naming hiyawan at cheers para sa unang contestant. Nagka-tinginan tuloy kami ni Michael at napa-ngiwi na lang sa isa't isa. Gusto kong matawa sa reaction naming parehas.
"Let's just enjoy this show, bakla." Natatawang pahayag ko sa kaniya. Ngumiti naman siya atsaka niya ipinalantik ang kaniyang mga daliri. "Yeah, I know right, tibo."
Natapos na si contestant number 1, 2, 3, 4 at kami na ang susunod ni Michael.
Napa-taas naman ang kilay ko nang dumaan si contestant number 4 sa'min at binulungan ako.
"Goodluck, Chrisnah. May the best woman wins." And I saw her smirk at me. Nilingon ko siya at nginisihan lang. Huh kala naman niya affected ako. Hinding-hindi ako makikipag-kumpitensya sa taong mukhang kalabaw. Hays.
She's Dianne Alexa Natividad. We're classmate from elementary to junior high. Ewan ko ba kung bakit pero palagi na lamang siyang nakikipag-kumpitensiya sa'kin simula pa noon. Habang ako naman ay chill lang at walang pake sa kaniya.
Hindi naman sa pagmamayabang, pero todo effort talaga siyang taasan ako noon. Sa grades, sa ganda, talento, at kung anu-ano pa. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya ako magawang unahan sa ranking. Tapos wala naman akong ginagawa to make me rank high.
I don't know why she started a fued between us. I don't have the slightest idea. Galit na galit siya sa'kin and only God knows why. Hanggang ngayon nga ay nakikipag-kumpitensiya pa rin siya kahit na hindi na kami mag-kaklase. As far as I can remember, I didn't do anything bad at her for her to get mad at me.
"Uy ghorl tayo na." Tapik ni Michael sa'kin. Tumingin naman ako sa kaniya at tumango.
Sabay kaming huminga ng malalim bago kami umakyat sa stage at rumampa.
Halos nakaka-binging tilian ang agad na sumalubong sa'min. Rinig na rinig namin ang masigabong hiyawan ng mga kaklase kong todo taas ng banner at wagayway ng mga pom-poms. Yung iba naman ay todo tambol. Ganoon din ang mga kaibigan kong todo hiyaw.
Nagka-tinginan kami ni Michael at parehas kaming napa-ngiti sa isa't isa.
Huminto ako sa tapat ng micropono na naka-lagay sa gitna. Siryoso akong tumingin sa maraming tao at pagka-tapos ay isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko dahilan upang mag-hiyawan ang lahat.
"Kakambal ko yan!!!" Rinig kong hiyaw ni Kuya Clive habang si Kuya Crane naman ay naka-ngiting nanonood lang.
"Go Chrisnah!!!!" Rinig kong sigaw ni Zoelle. Lumingon naman si Kuya Quiad na judge namin ngayon at napa-ngiti ito nang makita ang huli. Pumapag-ibig si Quaid.
"Go, darling!! Mommy's so proud of you!" Hiyaw ni Mommy habang may hawak-hawak na cam recorder. Si daddy naman ay naka-ngiting naka-akbay lang kay Mommy.
I cleared my throat first before I started to speak.
"Good morning my fellow students!!" Masigla kong bati na sinabayan ng isang nakaka-binging hiyawan. "I'm Chrisnah Shelyn Perez, coming from the class of remarkable engineering feats, skills, and ingenuity, ROMANS!"
"WOOOHHH!"
"HUZZAH! ROMANS! ROMANS!"
Taas-noo at confident akong ngumiti at nag-pose pagka-tapos ng introduction ko. Bumaling ako kay Michael and I winked at him. Kita ko naman kung paano siya mamula at mabigla sa ginawa ko. I wanted to laugh because of his cute reaction. Alam kong nabigla siya sa ginawa kong pag-kindat. Miski ako ay nagulat sa ginawa ko. Masyado siguro akong nadadala ng tuwa kaya kung anu-ano na ang nagagawa ko.
Nag-lakad na ako papunta sa isang sulok pagka-tapos kong magpa-kilala. Si Michael naman ngayon. Napa-ngiti ako nang confident na rumampa si bakla.
Halos mag-hagalpakan ang mga nanonood dahil sa ginagawang pag-kendeng ni Michael. Kung titignan ay parang hindi siya kinakabahan kanina. Sobrang confident niya kasi ngayon at feel na feel niya ang pag-rampa sa entablado. Natawa pa ang lahat ng kumaway ito na para bang isang beauty queen.
"Wooohh go Michael!!" Hiyaw ni Zoey na sinabayan naman ng mga kaklase namin.
"Ang ingay mo tilapia!" Natawa kaming lahat sa sinagot ni Michael. At nakuha niya pa talagang mag-biro ah.
He cleared his throat as he hold the microphone in front of him.
"Magandang buhay mga mare!!!" Pag-bati niya gamit ang maarte at matinis niyang boses. Nag-tawanan naman ang lahat, miski ang mga judges namin.
"Ako nga pala si Michael Gabriel Dela Fuente sa umaga, Michaella Gabriella naman sa gabi!" Ganadong pagpa-pakilala niya. Nag-tawanan muli ang lahat, kahit ako ay hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa ni Michael. Parang hindi kabado kanina ah.
"Representate mula sa klase ng mga matatapang na mandirigma, ROMANO!!! At ako ay naniniwala sa isang kasabihan, kapag binato ka ng tinapay, saluhin mo at lagyan mo ng palaman!! Thank you!"
"WOOOOOOOHHH!!!! MICHAEL MICHAEL MICHAEL MICHAEL!"
"GO MICHAEL!"
Wala kang ibang maririnig kung hindi ang pag-cheer ng mga tao sa pangalan ni Michael. Halos magiba na ang buong stadium sa lakas ng hiyawan ng mga tao dahil kay bakla. Dinaig niya pa yung hiyawan ng mga tao kanina kay contestant number 1. Mukhang malaki ang laban nitong si bakla ah.
Nag-tagpo kami ni Michael sa gitna as we strike our last pose for our introduction. Napa-iling pa ako ng mag-flying kiss pa si Michael sa harap ng madla.
Tumalikod na kami at nag-lakad pabalik ng backstage.
Sinalubong naman kami ng mga kaibigan namin doon.
"Kyaaahh! Ang galing mo Michael!" Tuwang-tuwang pahayag ni Zoey habang niyayakap si bakla. Pilit naman umiiwas ang huli. "Alam kong magaling ako! Hindi mo na need yumakap, tilapia ka!" Nandidiring saad ni Michael kay Zoey.
"Congrats sa first introduction, Chrisnah!" Bati naman ni Zoelle sa'kin. Ngumiti lang ako naman ako sa kaniya bilang sagot.
"Ang galing ng kakambal ko! Manang-mana ka talaga sa'kin!" Saad ni Kuya Clive habang inaakbayan ako. "Baka kay Crane kamo." Bulong naman ni Alison. Ngumuso naman si Kuya Clive. "Ang bad mo talaga sa'kin Ali babe." Sinamaan ng tingin ni Alison si Kuya nang marinig na naman nito ang itinawag sa kaniya. "Sabing tigilan mo yang kaka-Ali babe mo sa'kin eh!" Asik niya sa kakambal ko.
Napa-iling na lang ako sa kakulitan ng mga kaibigan ko. Pumunta ako sa isang sulok upang maka-hinga ng ayos dahil medyo uminit at sumikip ang hangin sa paligid namin. Ang dami kasing tao dito sa backstage. Nakaka-suffocate.
"Hey congrats on your opening." Napa-tingin ako sa nag-salita and I smile when I saw Zethus.
"Thanks." I said. Inabutan niya ako ng isang bottled mineral water as he sat beside me. "Hindi ko akalaing makikita kita up stage. You nailed it." Saad niya. Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya.
Tahimik na tao lang si Zethus. Hindi siya madalas mag-compliment sa ibang tao, but when he does, it means you really did nailed it. I mean, he saw the best on what you did. Kumbaga napa-hanga mo siya.
And I feel embarrassed because he compliments me. He's my guy best friend and all but I feel embarrassed whenever he compliments me.
"This will be the last one. Ayoko na ulit." Saad ko and I laughed softly to hide my embarrassment. Narinig ko rin naman ang mahina niyang pag-tawa. "I doubt that. Maraming humanga sayo and besides, you're the muse of your class. Ikaw ang pambato nila when it comes to beauty pageant." He said while shrugging his shoulders.
Napa-nguso naman ako sa sinabi niya. He's stating a fact. Pero yung maraming humahanga? I doubt that. I know that because....
"Mas maraming humahanga kay Michael ngayon." Naka-ngiting saad ko. Tinignan ko si Michael na patuloy pa ring kinukulit ng mga kaibigan ko. I smile sweetly as I saw how he reacts towards our friends. Halatang masayang-masaya din siya sa resulta ng ginawa niya.
"You admire him." I heard Zethus whisper but I didn't heard what exactly he said. "Huh?" Maang ko sa kaniya. Ngumiti naman si Zethus at umiling. "Nothing. Tara kain tayo after nito. My treat." Alok niya sa'kin. Kuminang naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
Gutom na rin kasi ako atsaka madalang lang sa patak ng ulan kung mang-libre si Zethus noh! Kaya dapat kapag inaya ka niya, sumama ka na kasi once in a blue moon lang yan.
"Sure! Hotpot gusto ko!" I said dreamingly. He chuckles softly as he nodded his head. "Yeah sure." Napa-ngiti naman ako ng malapad. Ahhhh sa wakas masa-satisfy na rin yung craving ko sa hotpot wieeeh.
Dianne's Point of View
"Dianne tama ba 'tong gagawin natin?" Tanong ni Sara sa'kin habang nasa dressing room kami nila Chrisnah at Michael. I don't know kung paano sila nagkaroon ng sariling dressing room. Marahil siguro hiniram ito ng kaibigan nilang nasa Theatre club. Tsk privilege.
"Yes that's why you need to shut up your mouth sa gagawin natin." Saad ko kay Sara.
I'm going to sabotage Chrisnah kaya andito ako ngayon sa dressing room nila. Balak kong sirain ang night gown niya para sa day 2 ng pageant tomorrow.
Matagal na akong inis sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero parati na lamang siyang nangunguna, without exceeding efforts. Samantalang ako, todo kayod na ako sa pag-aaral pero wala pa rin. Lagi akong pangalawa. Ngayon nga ay nasa section 2 ako at si Chrisnah naman ay nasa section 1.
Hindi ko alam kung saan umusbong itong galit ko sa kaniya. Gusto ko lang naman maging top 1 para maging proud sila Mommy at Daddy sa'kin pero hindi ko magawa dahil lagi siyang nauuna. I know she's not competing with me as I do, kaya mas lalo akong naiinis. At ngayon, sumali rin siya sa beauty contest na sinalihan ko. Naiinis ako kasi malaki na naman ang tiyansa niyang manalo dahil sa baklang partner niya.
At mas nainis ako dahil hindi ko maitatangging humahanga ako sa baklang kaibigan niya. Bakit lagi na lang na kay Chrisnah ang lahat ng magagandang bagay dito sa mundo?
She has the beauty, wealth, brain, a happy family, a supportive friends, and he has Michael. Aminado akong na-crush at first sight ako sa baklang iyon. Who wouldn't. He has the looks na talagang mapapalingon ka. Huwag mo lang siyang pagsa-salitain dahil talagang mabibigla ka. Hindi ko nga akalain na bakla ang isang 'yon dahil sobrang gwapo nito. Hays pero hindi ko pa rin mapigilang hindi humanga sa kaniya. Nakakainis lang dahil kaibigan siya ni Chrisnah. Ano bang meron ang babaeng iyon at lahat na lang nasa kaniya?
Naiinggit ako sa kaniya dahil lahat ng gusto ko nasa kaniya. I want a happy family too, everybody does right? Unfortunately, napunta ako sa pamilyang mataas ang expectations at standards. My mom knew Chrisnah and her family. Why? Chrisnah's dad was my mom's first and greatest love. Anak ako ni Izziah. At kung nabasa niyo na ang love story ng parents nila Chrisnah, malalaman niyo kung sino ang mommy ko sa buhay ng parents niya.
Too bad hindi nagka-tuluyan ang mom ko at ang dad ni Chrisnah, edi sana masaya din ang buhay ko ngayon. Ayoko man pero sinisisi ko ang mommy ni Chrisnah. Kung sana hindi lang niya inagaw ang first love ni mommy edi sana iba ang buhay ko ngayon. Hays.
Eto marahil ang dahilan kung bakit galit na galit ako kay Chrisnah. Because I envy her with the things she have as I wanted the same thing too.
"Baka mahuli tayo Dianne." Natatakot na pahayag ni Sara. She's my best friend and she's not used of doing this kind of thing. Mabait si Sara compare to me. That's why she'sy best friend, we have different personality na wala sa isa't isa.
"Sshh hindi yan. Basta huwag kang magsa-salita about this." I warned her. Natatakot na tumango naman siya. Gabi na kaya naman wala nang tao dito sa school. Kami na lang ni Sara ang natitira dahil nga may plano ako.
Sinimulan ko nang hanapin ang night gown ni Chrisnah and I'm too lucky tonight dahil madali ko lang iyon nahanap. Naka-hanger lang kasi iyon sa isang sulok.
"You deserve this b***h. Ewan ko na lang kung manalo ka pa." I said while smirking. Kinuha ko kay Sara ang gunting na dala-dala namin. Pinasadahan ko ng aking mga kamay ang night gown na susuotin ni Chrisnah bago ko ito ginupit-gupit.
I'm sorry Zoelle. Alam kong pinaghirapan mo itong gawin, malas mo lang dahil ayokong manalo si Chrisnah kaya naman ginagawa ko 'to.
Walang awa na pinag-gugupit ko ang parte ng night gown ni Chrisnah. Maganda sana yung pagkaka-gawa at yung design kaso pumapangit siya sa paningin ko dahil ayoko sa taong magsusuot nito.
"Tama na yan Dianne. Baka may makakita pa sa'tin." Saad ni Sara sa'kin. Napa-ngisi na lang ako nang makita ko ang aking obra. Ang kaninang magandang damit na nasa harapan ko ay ngayon ay gutay-gutay na.
"I'm already satisfied with my work." I said devilishly. Bumaling ako kay Sara na alanganin pa rin. Ngumiti ako sa kaniya. "Tapos na kaya huwag ka nang matakot diyan. Let's go bago pa may makakita sa'tin." Saad ko sa kaniya at dali-dali na kaming lumabas mula sa kwartong kinaroroonan namin.
I smirk at back of my mind. May the best woman wins Chrisnah. But I don't think you will.
Chrisnah's Point of View
"Huwaaaaaaaaah anong nangyari sa night gown mo?!" Napa-tingin ako kay Zoelle nang bigla itong sumigaw. Nakita ko siyang hawak-hawak ang night gown kong gutay-gutay na.
"Hala anyare ditey?!" Gulat na pahayag ni Michael at alala siyang bumaling sa'kin.
Lumapit naman ako sa kanila at pinagmasdan ang night gown kong sira na.
"Pinaghirapan kitang gawin tapos ganito lang ang mangyayari sayo! Sinong gumawa nito?!" Naiiyak na pahayag ni Zoelle. Halatang masama ang loob niya sa sinapit ng gown niyang pinaghirapan niyang gawin sa loob ng ilang araw.
Tahimik lang ako at hindi nagsa-salita. Ito na ang huling araw ng kumpetisyon at ganito pa ang nangyari sa gown ko. Maaga kaming pumunta ng school para sana mag-last minute preparation pero heto nga ang dintnan namin pag-pasok namin.
Imbes na mag-panic ay kalmado lang ako. It's not like I'm not worried about what will I wear for tonight's competition. Pero mas nag-a-alala ako kay Zoelle. She's devastated. Who wouldn't? Sinira lang naman yung isang bagay na pinaghirapan mong gawin. I would feel the same if that happened to me.
"Sino kayang gumawa niyan? Kawawa naman si Zoelle." Bulong ni Michael. Tumingin naman kay Zoelle na nagsisimula nang umiyak. f**k I hate seeing her crying for Pete's sake.
Bigla akong nakaramdam ng inis. My fist was turn into ball and my jaw was tightened. Hindi dahil sa wala akong susuotin mamaya. f**k who cares about that. Naiinis ako dahil may sumira sa gawa ng best friend ko.
Alam kong sinadyang gawin ang insidenteng ito. I was being sabotage and I have the right person in my mind on who did this f*****g incident.
And I'll make sure she'll pay for this.