SHHS 10

2040 Words
SHHS 10 Michael's Point of View Hawak-hawak lang ni Chrisnah ang kamay ko habang kami ay nasa byahe. Tahimik lang kaming parehas at walang kumikibo sa'min. Susmaryosep! Mahabaging langit! Pinagpapawisan ako kahit napaka-lamig naman dito sa loob ng sasakyan nila. Namamawis ang mga kamay ko at pakiramdam ko nga nararamdaman iyon ni Chrisnah. Nakakahiya pero dedma lang ang loka! Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. I mean, given na yung kinakabahan talaga ako para sa pageant. Pero mga mare! Iba 'tong kaba na nararamdaman ko ngayon! Ang lakas ng pintig ng puso ko, pakiramdam ko lalabas na nga siya sa ribcage ko eh. Pinag-masdan ko ang magka-hugpong naming kamay ni Chrisnah. Hindi ko alam kung bakit pero napa-lunok ako. Ang lambot ng palad niya. Ramdam ko ang kalambutan nito sa aking palad. Halatang alaga at hindi gumagawa ng gawaing bahay ang tomboy na 'to! Kamay-mayaman huhu! Nakakahiya sa kamay kong pasmado na nga, magaspang pa! Susmaryosep! Pero mukhang wala naman iyon kay Chrisnah dahil hindi naman siya kumikibo. Wala naman akong naririnig na reklamo mula sa kaniya pero kahit na! Nakakahiya pa din! Gusto ko na sanang bawiin ang kamay ko pero alam mo yung pakiramdam na parang ayoko din bitawan ang kamay niya. I feel relax somehow just by holding her hand. Pero kahit naman pasmado ang kamay ko, mabango naman yan mwehehehhe. Nag-lotion kaya ako! Ginamit ko yung lotion ni Xylene. Atsaka may hand cream ako sa bag. Mwehehehehehehe magpa-pahid na lang ako mamaya after kapag binitawan niya na yung kamay ko at sana hawakan niya ulit. Charot! "We're here." Huminto ang sasakyan sa parking lot ng school namin. Binitawan na ni Chrisnah ang kamay ko at nauna na itong bumaba. Huhu ano ba yan! Bitin naman! Char!! Bumaba na rin ako at pumunta sa gilid ni Chrisnah. Grabe napaka-rami namang tao ngayon! Bukod kasi sa mga estudyante ng SCU ay open din ang school namin ngayon sa mga taga-ibang school para manood. Huhu mas lalo ata akong kinabahan sa dami ng tao ngayon. Pakiramdam ko mahihimatay ang lola niyo!!! "Don't be nervous. I'm here, silly." Bulong ni Chrisnah at muli na namang lumundag ang puso ko ng muli niyang hawakan ang kamay ko. Gosh! Nakalimutan ko mag-pahid ng hand cream! Huhu pero hayaan na nga! Hindi naman nagre-reklamo 'tong tibo na 'to eh. "Michaeeeeelll!" Halos takpan ko ang tenga ko sa nakaka-binging bunganga ng kapatid ko. Sinalubong niya kasi kami ni Chrisnah pag-pasok ng gate. At take note! She's still holding my hand! Harhar! "Ano ba Xylene! Ang ingay mo!!" Sita ko sa kaniya. Magsa-salita na sana siya ng mapansin niya ang kamay naming magka-hawak ni Chrisnah. Agad na nang-laki ang mga mata niya at pagka-tapos ay isang nakaka-lokong tingin ang ibinigay niya sa'kin. Alam ko na ang tumatakbo sa utak nitong bruha kong kapatid kaya naman napa-irap na lang ako. "Eherm!" She clears her throat and then smile at as michiveously. Mukhang dedma naman si Chrisnah at hindi napapansin ang kalokohan ng kapatid ko dahil hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Ngumit naman ng nakaka-loko sa'kin si Xylene nang mapansin niyang hindi affected si Chrisnah. Ako naman ay pinandilatan ng mga mata ang kapatid ko, senyales na itigil niya ang pagiging malisyosa niya. "Okay okay." Natatawang pahayag niya atsaka siya bumaling kay Chrisnah. "Waaah ang pretty-pretty mo today Chrisnah! I mean always naman, pero mas lalo kang gumanda today!" Tuwang-tuwang pahayag niya kay Chrisnah habang pinagmamasdan ito. Simple lang ang suot namin since opening pa lang at ipapakilala pa lang. Naka-white shirt lang kami parehas na may tatak na Mr. and Ms. SCU at naka-pants. Tapos light make-up. Aminado rin akong mas lalong gumanda si Chrisnah sa make-up niya. Light lang kasi at parang in-enhance lang ni Zoey ang ganda nito sa ginawang make-up. Nice one, tilapyang Zoey. Hihi. "Huwag mo naman ipag-sigawan. Baka ma-insecure yung makakarinig." Mataray na saad ni Chrisnah sabay tingin ng maka-hulugan sa ibang direksyon. Huh? Napa-maang kami ni Xylene at sinundan ang tinitignan ni Chrisnah. Kita naming naka-tingin siya sa isang grupo ng mga kababaihan na iba ang tingin sa'min at yung iba ay napa-irap pa. Ay wow! Taray yern? "Huy anong problema?" Tanong ko kay Chrisnah na mukhang badtrip na. "Tanungin mo yung mga mukhang palaka diyan sa gilid. Kung maka-tingin, halatang mga insecure." Sagot ni tomboy na halatang sinasadyang iparinig sa isang grupo ng mga kababaihan na naka-tingin sa'min. "Feeling maganda, naging muse lang. Pwe!" Sagot ng isa na kapwa contestant din namin. Nang-laki naman ang mga mata ni Xylene. Ay taray! Sumasagot! Palabarn! Ano kayang problema nito kay Chrisnah? "Feeling maganda raw. Hindi niya alam maganda talaga ako at siya yung feelingera sa'ming dalawa. Hindi ba Michael?" At mapanuksong ngumiti sa'kin si Chrisnah. Napa-ngiwi naman ako at nag-aalangan na tumingin dun sa kaaway ni Chrisnah na ngayon ay masama ang tingin sa'ming dalawa. "A-ah oo!" At peke akong tumawa. Ngumisi naman si tomboy at kita ko kung paano umusok sa inis ang pinariringgan nito. "Hayaan mo na yan Chrisnah. Huwag mo na pansinin yung mga taong mukhang paa diyan sa gilid. Kalyo mo lang yang mga yan." At nang-uuyam na tumawa ang kapatid ko. Nang-laki lalo ang mga mata ko. At talagang naki-sali pa itong bobita kong kakambal! Nako nako! Kahit kailan talaga! Alam niyo bang warfreak yang si Xylene! Susmaryosep. "Huy tama na yan. Halika na nga kayong dalawa." At hinila ko na sila Chrisnah at Xylene papunta sa dressing room namin dito sa SCU. Gagamitin namin yung room ng mga senior high as our dressing room. Siyempre hiwalay ang dressing room ng babae sa lalaki noh. "Bakit mo ko hinila? Nag-e-enjoy pa kong inisan ang mga iyon." Naka-simangot na tanong ni Chrisnah sa'kin ng maka-layo na kami. "Oo nga! Kj mo sis!" Gatong naman ni Xylene. Tumigil kami sa pagla-lakad at namewang ako sa harap nila. "Kaloka kayo mga te! Usok na usok na yung ilong ng pinariringgan niyo kanina! Susmaryosep kayo!" Ani ko sa kanila. Tumaas naman ang kilay ni tibo. Maldita talaga. "And so? Maganda nga yon para mag-mukha siyang toro." Anito. Gusto ko na lang tampalin ang noo ko. Bakit napaka-war freak ng mga 'to? "Tumigil nga kayo! Pag-untugin ko kayo diyan eh." Sita ko sa kanilang dalawa. Kaloka 'tong dalawang 'to. Umagang-umaga, away agad. Kalerkey. "At tayo Chrisnah, halika na. Mag-retouch na lang tayo. Naha-hagardo versoza ako dito!" Saad ko habang maarte kong pinapaypayan ang mukha ko. "Tsk matagal ka ng haggard." Irap ni Chrisnah sa'kin. Nakita ko namang pigil-tawa ang kapatid ko. Napa-simangot na lang ako. Ako na naman ang nakita. "Chrisnah!!! Michael!" Napa-tingin kami sa taong tumawag ng mga pangalan namin and we saw Zoey running towards us. Ano naman kayang problema ng tilapia na 'to? "Bakit?" Tanong agad ni Chrisnah pagka-lapit ni Zoey sa'min. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Mags-start na ang opening ceremony. Halika at ire-retouch ko kayo!" Aya ni Zoey sa'min sabay hila sa'ming dalawa ni Chrisnah. "See you later bitches!" Naka-ngiting paalam ni Xylene. Hindi ko na nagawang mag-salita pa dahil ang bilis nang pagkaka-hila ni Zoey sa'min. Agad kaming pumasok sa isang bakanteng room. Teka, hindi naman ito ang dressing room namin ah? "Gaga hindi ito ang dressing room!" Saad ko kay Zoey habang abala ito sa paglalabas ng kaniyang mga gamit. "Okay lang yan! Pinaalam ko na 'to sa club director namin. Okay lang daw gamitin. Halika na Chrisnah, ikaw muna." Aligagang saad ni Zoey. Doon ko lang napansin na nasa theaters club room pala kami. Kasali kasi sa Theater club si Zoey. Siya ang make-up artist ng club nila. Ganoon din si Zoelle. "Saan si Zoelle?" Tanong ni Chrisnah habang inaayusan siya. Naupo naman ako sa isang silya at ako na ang nag-ayos sa sarili ko. Tamang pagpag lang ng foundation at konting ayos sa hairlalu ko. "Kinukuha yung mga damit niyo. Kasama nila Crane." Sagot ni Zoey. Talagang kina-reer ng mag-kapatid na ito ang pag-aasikaso sa'ming dalawa ni Chrisnah. Ang swerte naman ni Chrisnah dahil may mga kaibigan siyang kagaya ni Zoey at Zoelle. Pero swerte na rin ako kasi may kaibigan akong kagaya ni Chrisnah. Masaya ako na naging kaibigan ko sila at tanggap ang pagiging bakla ko. "Hey!" Napa-tingin kami sa dumating at iniluwa ng pintuan sila Chary, Quentin, Quaid at Chad. "Goodluck Chrisnah at Michael!" Naka-ngiting pahayag ni Chary sa'min. "Break a leg." Saad naman ni Quentin. Nabigla naman ako ng bigla akong akbayan ni Quaid. "Dapat manalo ka. Ikaw ang gusto kong pag-pasahan ng trono." Natatawang pahayag ni Quaid sa'kin habang hawak-hawak ang aking balikat. I frown. "Hoy huwag mo kong i-pressure!" Saad ko sa kaniya na ikinatawa lamang niya. Kinakabahan na nga ako eh tapos ip-pressure pa ako ng lokong 'to! "Nasaan na ba ang baby Zoelle ko?" Tanong ni Quiad. "Nasa bahay pa nila Chrisnah, kasama ni Crane, kinukuha yung mga damit." Sagot naman ni Zoey. "Kawawa naman ang baby Zoelle ko. Sunduin ko na kaya?" Saad naman ni Quiad. Tumingin naman sa kaniya si Zoey. "Sira! Kasama na nga ni Crane eh tapos susunduin mo pa. Atsaka tigilan mo yang kaka-baby mo sa kapatid ko. Pasalamat ka wala si Kuya Zethus kung hindi yari ka dun." At pinanglakihan ng mga mata ni Zoey ang kakamot-kamot sa ulo na si Quaid. "Bakit ba ayaw niyo para sa'kin kay Zoelle?" Kakamot-kamot na ulo na tanong niya. "Eh kasi babaero ka." Sabay-sabay nilang sagot. Natawa naman ako. Nang-laki kasi bigla ang mga mata ni Quaid sa pag-sagot ng mga kaibigan niya. Babaero pala 'tong si Quaid? Ngayon ko lang nalaman. Hindi ko naman kasi siya nakikitaan na may kasamang ibang babae eh. "Nag-bago na ako noh. Siryoso ako kay Zoelle." Siryosong pahayag ni Quaid. Napa-tigil naman kami at napa-tingin sa kaniya. Halatang siryoso siya dahil ni wala man lang emosyon ang kaniyang mukha. "Patunayan mo yan kay Kuya Zethus lalo kay Zoelle. Huwag sa'min." Kibit-balikat na saad ni Zoey. "Hoy bakla, lika na rito." At hinila na niya ako para ako naman ang ayusan. Tumahimik naman kami lahat dahil mukhang siryoso si Zoey sa sinabi niya. Bunso kasi si Zoelle kaya ingat na ingat nila ni Zethus. "Talagang papatunayan ko yan. Pero sa tamang panahon." Siryosong sagot ni Quaid. "Yun oh!" "Kaya sayo ako pre eh." At inakbayan nila Quentin at Chad ang siryosong si Quaid. "Galingan mo ah! Huwag mo kaming ipapahiya." Saad ni Quentin sa kapatid niya. "Gago." Naiiling na sagot naman ni Quaid. Nagka-tawanan naman kami. Eto yung maganda sa grupo nila eh. Kahit gaano ka-siryoso ang sitwasyon, nagagawa pa rin nilang lusutan ng tawanan at biruan. "Ikaw ba boto ka sa'kin Zoey?" Tanong ni Quiad kay Zoey. Tumigil naman si Zoey sa paga-ayos sa'kin at tumingin kay Quaid. "Oo, basta huwag mong sasaktan ang kapatid ko kung hindi ipapalapa kita sa mga buwaya." Banta ni Zoey dito. Nagka-tawanan naman muli kami dahil napa-kamot ulit sa ulo si Quaid. At least alam niyang boto sa kaniya si Zoey. Si Zethus na lang ang problema dahil masyadong siryoso sa buhay ang isang 'yon. Hindi kami masyadong close ni Zethus. Mailap siya pag-dating sa'kin sa hindi ko malamang dahilan. Pinababayaan ko na lang. Baka hindi lang siya komportable sa presensiya ko. Nakaka-lungkot lang din dahil gusto ko rin siyang maka-close. Ang gwapo niya kaya, lalo na yung mga mata niyang kasing lamig ng yelo kung tumingin. Joke!! Pero gwapo talaga siya hihi! Natapos na mag-ayos si Zoey sa'mim at sakto naman dahil tinawag na rin kami ng coordinator. "Galingan niyo! Goodluck!!" Naka-ngiting pahayag ng mga kaibigan namin sa'min. Ngumiti naman kami sa kanila at nag-paalam na. Hoooo! Mas lalo akong kinakabahan habang papunta kami sa backstage. Introduction pa lang naman pero kyah! Kinakabahan talaga ako mga mare. "Calm down." Napa-tingin ako kay Chrisnah nang maramdaman kong hinawakan niyang muli ang kamay ko. Siryoso lang siyang nagla-lakad habang naka-tingin sa likod ng coordinator namin. Parang magic naman na biglang nawala ang kaba ko at kumalma ako sa sinabi at ginawa ni Chrisnah. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya sa'kin. Parang sumusunod ang utak at katawan ko sa kung ano mang sasabihin niya. Siya lang ang tanging tao na nakaka-gawa nito sa'kin and I really don't have the slightest idea on how. God. Huwag naman sana mangyari yung iniisip ko... Hindi kasi pwede....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD