SHHS 9

3222 Words
SHHS 9 Michael's Point of View Napa-lunok ako habang naka-tingin sa pababang si Chrisnah. Hindi ko alam kung bakit napako ang tingin ko sa kaniya. Basta isa lang ang masasabi ko, napaka-ganda ni bruha. Nakakainis man aminin pero mukha siyang anghel na bumaba sa langit. Mukha nga rin siyang diyosa eh. Bagay-bagay ang ginawang baby pink flowy gown ni Zoelle para sa kaniya. Bumagay din ang pagkaka-french braid ni Zoey sa buhok niya plus ang makikinang at magagandang mga palamuti sa kaniyang buhok. Kung ako ang judge sa patimpalak na sasalihan namin, walang duda, panalo na agad para sa'kin si Chrisnah. Napaka-inosente ng itsura niya sa suot niya. Talagang bagay na bagay sa kaniya. Napa-hawak ako bigla sa dibdib ko. Bigla ko kasing naramdaman ang mabilis na pag-tahip nito. Parang naninikip ang dibdib ko and it's not good. Hindi ko maipaliwanag pati ang nararamdaman ko. I was too mesmerized by her beauty that I forgot that I was gay. "You look so pretty." Wala sa sariling naisambit ko nang tuluyan nang makababa sa hagdan si Chrisnah. Parang bigla naman siyang nahiya dahil kita ko kung paano mamula ang kaniyang mag-kabilang pisngi at kung papaano siya umiwas ng tingin. Cute! "C-che! Huwag mo kong bolahin!" Asik niya bigla sa'kin. Napa-ngiwi naman ako. Kahit kailangan talaga 'tong tomboy na 'to, hindi mapipigilan ang hindi mag-sungit. "Pwede ba umasta ka naman ng naaayon sa pananamit mo, kahit ngayon lang ghorl." Saad ko sa kaniya habang naiiling. Kita ko naman kung paano siya sumimangot. Nakakainis kasi kahit naka-simangot siya, ang ganda pa rin. Wala bang ipapangit ang isang 'to? Natatalbugan ang beauty ko eh. "Eh sa ganito ako! Wala kang magagawa." She growled. Napa-irap naman ako. Tsk. Mukha lang palang anghel ang isang 'to. Pero ang ugali? Nevermind. Chos! "Picture'an ko kayo! Kyah bagay na bagay kayo!" Biglang saad ni Zoey. Pagka-tapos ay tuwang-tuwa niyang kinuha ang cellphone niya upang kuhaan kami ng litrato. Nagka-tinginan naman kami ni Chrisnah dahil sa sinabi ni Zoey. Nakaramdam kami ng pagka-ilang sa isa't isa kaya naman parehas kaming umiwas ng tingin. Eeh bakit ba ako nakakaramdam ng ilang ngayon? Shocks! Pull yourself together, Michael! "Mag-dikit naman kayo! Masyado kayong malayo sa isa't isa." Saad ni Zoey habang minumwestra niya ang kaniyang kamay na pag-tabihin kami. Naiilang na dumikit naman ako kay Chrisnah. Urg! Bakit kasi kailangan pang kuhaan ng picture? I'm so naiilang na! "Okay na ba 'to tilapia?" Tanong ko kay Zoey. Tumingin naman siya sa'min at napa-simangot. "You both looks stiffed! Loosen up, bitches!" Maarteng saad nito. Napa-buntong-hininga naman ako at para matapos na dahil nararamdaman ko na rin na naiilang na si Chrisnah kaya naman hinapit ko na sa bewang ang huli palapit sa'kin. Ramdam ko ang pagka-gulat niya dahil sa ginawa ko. "Ayan perfect!!!" Tuwang-tuwa na pahayag ni Zoey at sinimulan na kaming kuhaan ng litrato. "W-what the?" Narinig kong bulong ni Chrisnah. I looked at her and I saw her gazing at me with her eyes wide open. Damn! She looks so adorable! Huhu kapit lang baklang puso ko! Huwag kang bibigay sa tibo na 'to! "Stay still. Para matapos na ghorl! Juwing-juwi na ako." Saad ko habang isang pilit na ngiti naman ang ibinigay ko kay Zoey. Hindi naman umimik si Chrisnah pero hindi na rin siya pumalag pa. Naki-sakay na lang siya hanggang sa matapos na si Zoey sa pag-kuha ng litrato sa'min. "Goodluck bukas sa'tin mga bakla!" Naka-ngiting pahayag ni Zoelle nang ihatid nila kami ni Chrisnah sa labas ng gate ng bahay nila. "Yeah, goodluck! Sana magising ako ng maaga tomorrow because I'm so tired for today!" Maarteng pahayag ko naman. Grabe mga girlash! Pagod na pagod ang katawang lupa ko ngayong araw. Pakiramdam ko nabugbug ang katawan ko sa sobrang page-ensayo at pagha-handa sa lintek na Mr. and Ms. SCU bukas. "Mag-pahinga na agad pag-uwi! Nako Michael mag-beauty mask ka! You look stressed!" Saad naman ni Zoey. Agad naman akong napa-hawak sa mukha! Omg! Hindi pwedeng mag-mukha akong stressed for tomorrow!!! Kalerkey!!! "Shocks ang panget ko na ba?!" Natatarantang saad ko. Tumingin ako kay Chrisnah habang hawak-hawak ko ang mukha ko. "Matagal ka ng panget." Poker faced na sagot naman niya sa'kin. Napa-simangot ako. Kahit kailan talaga 'tong tomboy na 'to! Napaka-pasmado ng bibig! "Ohhh tama na yan! Baka mamaya mag-away pa kayo! Hala sige umuwi na kayong dalawa and take a beauty rest okay!" Pagtataboy ni Zoey sa'min. "Tomorrow is another day! Goodluck guys!" Masiglang pahayag naman ni Zoelle. Tumango lang kami ni Chrisnah at nag-paalam na sa mag-kapatid. Nag-simula na kaming mag-lakad pauwi. Actually, si Chrisnah taga-rito lang din sa kabilang kanto. Nasa iisang subdivision silang magka-kaibigan. Ako lang naman yung nasa dump area. Huhuhu. "Hatid na kita hanggang labasan." Saad ni Chrisnah sa'kin. As much as I want to dahil madilim dito sa village nila at nakaka-takot ang ilaw ng mga poste, siyempre ayoko namang umuwi si Chrisnah ng mag-isa. Kahit sisiga-siga 'tong tomboy na 'to, babae pa rin 'to at dapat hindi hinahayaan umuwi ng mag-isa. "Gaga! Ako na magha-hatid sayo! I can manage naman." Saad ko. Hindi naman nag-pumilit pa si Chrisnah at nag-lakad na kami patungo sa bahay nila. Wala na rin sigurong lakas makipag-talo ang gaga. Halatang pagoda na rin siya like me. Tahimik lang kami habang nagla-lakad patungo sa kanila, naka-tingin lang ako sa anino ko. Habang lumilipas ang araw na kasama ko si Chrisnah, nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago sa sarili ko. Hindi naman ako na-attract sa kahit sinong babae noon. Hindi rin ako nagagandahan. Pero pansin kong simula ng makilala ko si Chrisnah, nagsi-simula na akong ma-attract sa ganda niya. Ako pa nga ang unang lumapit at nakipag-kaibigan 'di ba? Hindi ko alam kung bakit nagkaka-ganito ako. Kung bakit iba ang epekto ng tomboy na 'to sa'kin. Pero isa lang ang malinaw, she's slowly turning my gay heart into a man's heart. And I know it will just do me no good. I can't because it will kill me. "Are you nervous?" Biglang basag ni Chrisnah sa katahimikan. Tumango-tango naman ako. Totoo naman eh. Kinakabahan naman talaga ako para bukas. This is my first. Natatakot ako na baka mamaya matalo ang class namin dahil sa kapalpakan ko. I am not confident enough to compete with this kind of competition. "Hindi ba't sabi ko sayo huwag kang kabahan? I-enjoy mo na lang yung mangyayari tomorrow." Sagot naman niya. Napa-tingin ako sa kaniya and for a split second, I admire her confidence. Kalmado lang ang kaniyang mukha at halatang hindi siya kinakabahan para sa patimpalak bukas. She's really something at isa ito sa mga bagay na hinahangaan ko sa kaniya. "Can't help it though." Kibit-balikat na sagot ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglalakad atsaka bumaling sa'kin. "Isipin mo na lang pare-parehas lang kayong tumatae at umiihi ng mga judges, there's nothing to be nervous about." She said while shrugging her shoulders. Natawa naman ako sa sinagot niya. Sinong matinong tao ang makaka-isip ng bagay na iyon? "Silly." I said in between chuckles. Napa-irap naman si tibo. "Kaya huwag ka ng kabahan para bukas. Edi kung matalo, matalo. Kung manalo, edi goods." Saad niya pa. Nangingiti na lamang ako habang napapa-iling. Kakaiba talaga siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. "O'siya dito na ako. Ikaw, mag-ingat ka palabas. May nanghahabol pa naman na multo diyan sa may kanto." Pananakot niya sa'kin. Napa-ngiwi naman ako. Gagita talaga 'tong tibo na 'to! Alam niyang matatakutin ako kaya naman nag-iimbento ang gaga! "Hoy huwag kang ganiyan! Gusto mo bang dito ako maki-tulog sa inyo?!" Angil ko sa kaniya. Ngumisi naman si Chrisnah. "Hindi kita papasukin. Bawal bakla dito." Saad niya. Napa-taas naman ang isang kilay ko. "Bakla bawal tapos tomboy pwede? Aba matindi!" Sarkastiko kong saad sa kaniya. Tumawa naman siya ng nakakaloko. "Siyempre bahay ko 'to! Sige na alis na, habang wala pa yung multo diyan sa kanto!" Pananaboy niya sa'kin habang may nakaka-lokong ngiti sa kaniyang mga labi. Napa-simangot naman ako. Buwisit na tomboy 'to! Kahit kailan talaga! "Ako nanggigil ako sayo ah! Nako kapag may lumabas talagang multo diyan, ituturo ko bahay niyo!" Asik ko sa kaniya. Hindi naman sumagot si gaga at sa halip ay tumawa lang. Nag-paalam na kami sa isa't isa at nag-simula na akong mag-lakad. Habang mag-isa akong lumalakad ay palinga-linga ako sa aking paligid. Bakit naman kasi ang tahimik sa loob ng village na 'to?! Nakaka-shokot! At kasalanan talaga ng tomboy na 'yon kung bakit natatakot ako ngayon! Sa takot na nararamdaman ko ay binilisan ko na ang lakad. Sana walang multo ang biglang tumambad sa harapan ko kung hindi tatakbo talaga ako pabalik sa bahay nila tibo! Huhu daddy help!!! Chrisnah's Point of View Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Mommy. Alam kasi niyang ngayon ang araw ng pageant namin at talaga naman supportive ang mommy ko dahil first time ko raw ito. "Rise and shine darling!" Bati ni Mommy sa'kin sabay hawi sa kurtina. Nasilaw naman ako kaya napa-takip ako ng unan sa mukha. "Mom maaga pa!" Reklamo ko. Naramdaman ko namang hinihila ni mommy ang kumot sa paanan ko maski ang unan na tumatakip sa aking mukha. "Kailangan mo pang mag-ayos darling! Ngayon ang unang araw ng pageant niyo." Saad niya sa'kin. "Get up na! Maagang pupunta rito sila Zoey at Zoelle para ayusan ka." Dagdag ni Mommy. Naka-simangot na umupo naman ako sa'king kama. Aish! I really hate waking up in the morning! It's like it's not my favorite time of the day! I'm really not a morning person. Urg! "Morning mom." I greeted her with my morning voice. Ngumiti naman si Mommy sa'kin at umupo sa harapan ko. Pagka-tapos ay sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri. "Good morning darling! You're so pretty talaga! Hindi nagkamali ang mga kaklaseng mong iboto ka as their muse. I'm so happy!" Masayang pahayag niya. "Sa wakas matutupad na yung pangarap kong makita kang rumampa sa stage." She said dreamingly. I frown. Matagal na kasing pangarap ni mommy ang makitang lumaban ako sa isang beauty contest. It's my mom's thing. Siyempre, siya ba naman ang tinaguriang Campus Princess ng SCU dati. My mom was popular in her teenage years. Maganda kasi si mommy at maraming nagkaka-gusto sa kaniya noon. But too bad, yung pangarap niya for me, ngayon lang mangyayari dahil unfortunately, I am not your typical girl in town. I'm their unica hija but too bad, naging tibo pa ako. But they accepted me for who I am. Wala namang problema sa kanila ang gender ko, as long as I am happy. Sila Kuya Crane at Kuya Clive ang madalas lumaban pag-dating sa mga beauty contest. Pero sabi ni mommy pangarap din daw niyang makita akong lumaban. So, finally, her dream was coming true. "Manonood kami ng daddy mo mamaya ah." Naka-ngiting saad niya sa'kin. Tumango na lang din ako kahit na nahihiya ako. Of course, I feel embarrassed. Knowing my mom, she will going to take a lot of pictures as souvenirs. Baka nga ipa-frame pa niya kapag nagustuhan siyang shot eh. Kung makikita niyo lang ang sala namin, maraming picture frames ang naka-lagay at puro picture iyon nila Kuya Crane at Kuya Clive tuwing lumalaban ng beauty contest. May iilang pictures ko pero lahat stolen shots dahil alam ni Mommy na ayaw niyang kinukuhaan ako ng litrato. Swerte na lang ni Zoey kahapon dahil sa sobrang pagod ko, hindi ko na nagawang umapila pa. Atsaka si Michael kasi. Urg! Naalala ko na naman tuloy kung paano niya hinapit ang bewang ko kagabi para lang sa picture taking. I don't know why, but I felt nervous that time. "O'siya kilos ka na, nak at bumaba para mag-almusal okay? Maya-maya andito na sila Zoey." Saad ni Mommy at hinalikan muna niya ang noo ko bago siya lumabas ng aking kwarto. Napa-buntong-hininga na lang ako at kumilos na. Opening ceremony ng intramurals ngayon kaya dapat andoon ang mga contestants for the Mr. and Ms. SCU. Naligo lang ako at nag-suot ng simpleng damit. Magpapalit pa naman ako mamaya dahil aayusan ako nila Zoey. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Pag-baba ako ay andoon na ang mga kakambal ko maging si Daddy. Si mommy naman ay nagha-handa sa hapag-kainan. "Morning." Bati ko sa kanila pag-pasok ko sa ng kusina. "Morning, sweety." Bati ni Daddy sa'kin. I just kissed him in the cheek at umupo na ako sa tabi ni Kuya Clive. Kaming dalawa ni Kuya Crane, nag-mana ng ugali kay Daddy. Tahimik at may pagka-masungit. Pero mabait naman si Daddy, siryoso lang talaga masyado sa buhay. Parang si Kuya Crane. Pero pag-dating kay mommy, super sweet. Unlike ni Kuya Clive na nag-mana kay Mommy. Gullible at laging high energy. "Let's eat." Aya ni mommy at nag-simula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay nagke-kwentuhan sila. Ganito kasi kami kapag kumakain, hindi mawawala ang kwentuhan. "Teka dito rin ba aayusan si Michael?" Biglang tanong ni Kuya Clive. Napa-ubo naman ako. Teka bakit biglang napasok sa usapan ang baklang iyon? "Who's Michael?" Takang tanong ni Mommy. Tumingin ako sa kanila at kita kong naka-tingin ang parents ko sa'kin. Aish nakalimutan kong sabihin sa kanila ang tungkol kay Michael. Hindi naman kasi ako pala-kwento eh. "Boyfriend mo, anak?" Nang-laki ang mga mata ko sa tanong ni Mommy. Si Daddy ay halata ring nagulat habang humahagikhik naman sila Kuya Clive at Kuya Crane sa tabi ko. Grabe hindi kami talo ng baklang iyon! "Of course not!" Agarang sagot ko. Narinig ko naman na parang napa-buga ng hangin si Daddy na animo'y nabunutan ng tinik. Seriously? "Oh I'm sorry. Ngayon lang kasi nag-banggit ang mga kapatid mo ng pangalan ng ibang lalaki." Natatawang pahayag ni Mommy. "Mom, Michael is gay. He's Chrisnah's friend." Naka-ngiting saad naman ni Kuya Clive. Nang-laki naman ang mga mata ni Mommy at Daddy. Hindi ata sila maka-paniwala. "Oh really?! Gosh I want to meet him!" Excited na sabi ni Mommy. Si daddy naman ay tahimik lang na kumakain pero alam kong nakikinig siya sa usapan. "So, dito na lang siya mag-ayos. Tutal sila Zoey din naman ang mag-aayos sa kaniya." Suhestiyon naman ni Kuya Clive. "Sure! Para ma-meet namin ni Daddy niyo itong gay friend ng kakambal niyo." Naka-ngiting pahayag ni Mommy. "Ako na susundo kay Michael. Chat ko na lang siya." At nag-okay sign pa si Kuya Clive. Wow. Kailan pa sila naging friends sa f*******:? Hindi naman ako umimik. Pinabayaan ko lang sila. Bahala sila gawin ang gusto nilang gawin. Pagka-tapos kong mag-almusal ay saktong dumating na rin sila Zoey at Zoelle. Inumpisahan na nila akong ayusan dahil si Michael ay susunduin pa lamang ni Kuya Clive. Si Mommy naman ay kumukha na agad ng mga litrato. Ni hindi pa nga ako tapos ayusan eh. Si Mommy talaga, tsk! "Ay sumasayaw na kalabaw!" Napa-tingin kami kay Zoey nang bigla naming narinig ang gulat na boses nito. Lumingon kami ni Zoelle sa kaniya at kita naming magka-harap sila ni Kuya Crane. "Ano ba Crane! Bakit ka ba nanggugulat!" Gulat na pahayag ni Zoey kay Kuya. Nagka-salubungan kasi sila sa may pintuan. Lalabas sana si Zoey upang kumuha ng tubig habang si Kuya naman ay papasok. "Do I look like a dancing carabao?" Tanong ni Kuya Crane sa kaniya. Saglit na tinignan ni Zoey ang kakambal ko pagka-tapos ay bahagyang tumawa. "Slight." Anito. Nakita ko namang napa-irap si Kuya. "Then you look like a dancing pig." Anito at nilagpasan na si Zoey. Natigil naman si Zoey sa pag-tawa at gulat na bumaling kay Kuya. "Hoy grabe ka! Ang taba ko na ba?" Tanong niya rito. Umiling naman si Kuya at kita kong may maliit na ngisi na naka-guhit sa mga labi nito. "Nope, but you look like one." "Grabe siya oh!" Nagka-tinginan kami ni Zoelle at palihim na natawa sa dalawa. Siyempre, ganiyan lang si Zoey pero alam naming deep inside her, kinikilig na yan dahil pinansin siya ni Kuya Crane. "Bakit ka nga pala andito, kuya?" Tanong ko kay Kuya Crane na tahimik na naupo sa aking kama. Medyo okay na ako. Konting finishing touches na lang at ready to go na. "Andiyan na sa baba si Michael. Nilalamog ni Mommy, go and save him." Kibit-balikat na pahayag ni Mommy. Napa-simangot naman ako. Kaya pala biglang nawala ang nanay ko, may pinagkaka-abalahan pala sa baba. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa'king dresser at lumabas ng kwarto ko. Sa taas pa lang ay rinig ko na ang matinis na boses ni Mommy, samahan pa ng baklang-bakla na boses ni Michael. "Ang gwapo-gwapo mo pala hijo!" Masayang saad ni Mommy. "Nako Tita maliit na bagay ho! Pero mas maganda kung sasabihin niyo pong maganda ako." Sagot naman ni Michael dahilan upang tumawa si Mommy. Bumabag ako at nadatnan ko silang masayang nagta-tawanan. "O'sige ang ganda-ganda mo, hija." "Love na agad kita Tita!" At muling nag-tawanan ang dalawa. I poker-faced. Nag-bolahan pa yung dalawa. "Oh Chrisnah, andito na si Michael. Nako nakakatuwa itong kaibigan mo!" Naka-ngiting pahayag ni Mommy. Lumapit naman ako sa kanila at agad ko nang hinila si Michael. Alam ko kasing kapag hindi ko pa ito ginawa, matatagalan ang chismisan nila ni Mommy. "Yeah, I know Mom. Pero mamaya na lang ho, need na po ayusan ang baklang 'to." Saad ko at hinila ko na si Michael paakyat. "Sure. Hihi I'll go with you guys." Napa-iling na lang ako nang sumama si Mommy sa'min. Pag-pasok ko sa aking kwarto ay sinimulan na rin ayusan si Michael. Feel na feel ni bakla dahil kinukuhaan siya ng litrato ni Mommy. Yung totoo, ako ba yung anak o si Michael? After ayusan ni Michael ay pinag-tabi kaming dalawa ni Mommy upang kuhaan ng litrato. Aayaw sana ako pero sinamaan ako ng tingin ni Mommy kaya no choice ako kung hindi magpa-kuha ng litrato. Pagka-tapos ng napaka-raming pictorial ay umalis na kami para pumunta sa school. Susunod na lang daw sila Mommy at Daddy mamaya, kaya nauna na kami. Habang nasa byahe ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni bakla. Kanina kasi sa bahay ang ingay nila ni Mommy. Ngayon, bigla siyang tumahimik. "Okay ka lang?" Tanong ko kay Michael. Parang nagulat naman si Michael nang bigla akong mag-salita. Ay tulala pala ang bakla. "Huh? O-oo naman." At alanganin siyang ngumiti sa'kin. Inobserbahan ko naman siya at pansin ko ang pamamawis niya kahit malamig naman sa loob ng sasakyan. Pansin ko rin ang bahagyang panginginig ng kamay niya. Kinakabahan si bakla. I exhales deeply at wala sa sariling hinawakan ko ang kamay niya. I don't know what's gotten on me, but I want to help him relax. Ramdam ko naman ang pagka-bigla ni Michael sa ginawa ko ngunit hindi niya inalis ang kamay niyang hawak-hawak ko. "I know you're nervous, but don't be." I said without looking at him. "Bakit? Isipin ko na lang ba pare-parehas lang kaming tumatae at umiihi ng mga judges?" He joked. Bumaling ako sa kaniya at bahagyang natawa. "Partly." I said chuckling. Tumawa naman si bakla at naramdaman ko ang bahagya niyang pag-pisil sa kamay ko. Bigla tuloy lumakas ang t***k ng puso ko. Aish! Need ko na ata magpa-tingin sa doctor. Napapa-dalas na kasi 'tong pag-t***k ng malakas ng puso ko. Baka mamaya may sakit na pala ako sa puso. "Then what is other reason?" Tanong niya. Tumingin muli ako sa kaniya at ngumiti. "Because I'm here, with you." I said as a sweet smile curved in my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD