/5/

2455 Words
Chapter five ELLIE'S POV'S Hindi na muna ako dumiretso sa kwarto ko, baka kung ano lang gawin nanaman sa akin ni Jin, mabuking pa ako. Lumabas ako, naglakad lakad hanggang sa makarating ako sa mga classrooms, pakalat kalat din ang mga estudyante dito, hindi maiwasan na may nag aaway dito. "TABI!TABI!" "TUMABI KAYO!" Lumingon kaagad ako sa likuran, may mga kalalakihan ang nagbubuhat sa isang duguang lalake, napaatras na lang ako dahil nagmamadali silang pumunta sa clinic. Balak ko pa naman sanang puntahan yung doctor dun kaso mukang busy na sya dahil may dadalhin sa kanyang pasyente. Patuloy parin ako sa paglalakad, nakarating na ako sa malawak na field ng school na to. Bukas pa ang umpisa ng klase ko, siguro, dito sa malawak na field na to, dito kami magsasanay, may written and oral class kami at may training class din sa paghawak ng sandata, maliban sa baril. Sana sa isang taon ko dito, marami akong matutunan. At makabalik sana ako ng buhay sa East Empire, dahil pagbalik ko, sisiguraduhin kong mamamatay ang sakim na si Aren, hindi ko gagalangin ang taong yun at ituturing na kamag anak. Naglakad ulit ako, papunta sa kung saan ako dalhin ng paa ko, hwag lang muna sa dorm. Pero habang naglalakad ako, may napansin akong isang lalake na nagtatago sa malalaking damo at may hawak na baril, nakatutok sa isang estudyanteng nakasandal sa malaking puno Bawal ang paggamit ng baril, nakalagay yun sa rules and regulation ng eskwelahan, ganun din sa apat na imperyo, pinagbabawal ang paggamit nun ng mga taong mas mababa sa Reyna, Hari, Prinsesa at Prinsipe. Siguradong kapag nalaman nilang may gumagamit ng baril dito, papatayin nila ang lalakeng to. Tinignan ko kung sino ang target niya, mukang nagreready na sya na iputok ang baril sa target niya, napansin ko na natutulog yung target niya sa malaking puno habang nakasandal. Walang kalaban laban, papatayin niya na lang basta basta, at isa pa, labag sa batas ang gagawin niya. Malapit lang yung target niya sa akin, napatakbo ako bigla papunta dun sa target niya nang makita kong ikinasa na niya yung baril "alis dyan!" sigaw ko dun sa target niya Naitulak ko yung target niya, pareho kaming nagpagulong gulong sa damuhan sa lakas ng impact ng pagkakatulak ko, pagkahinto namin, ramdam ko ang hapdi sa may binti ko. Pagtingin ko rito, dumudugo na "anong nangyare?" tanong sa akin ng estudyanteng niligtas ko Mahapdi man pero tiniis ko na lang, hindi naman malala ang tama, nasagi lang siguro ng bala yung binti ko, hindi ako nakasagot sa kanya, lumapit sya sa akin "sinong may gawa niyan?" "nandun sya.." tinuro ko yung lugar kung saan nagtatago yung may hawak ng baril. Tumakbo papunta sa tinuro ko yung niligtas ko, wala naman talaga akong balak magpakabayani, kaso, ayokong makakita ng taong namamatay ng walang kalaban laban Kagaya ng ginawa sa kakambal ko at sa papa ko. Agad namang lumitaw yung may baril at itinutok sa iniligtas ko ang baril na hawak niya, naglabas ng espada yung iniligtas ko at itinutok sa may hawak na baril "alam mong bawal yan, kahit makaligtas ka sa akin, papatayin ka rin lang nila..." "wala akong pakealam!" sabi nung may hawak ng baril habang nanginginig ang mga kamay niya "papatayin mo ko? pwes mauuna ka!" Sa sobrang bilis ng ginawa nung iniligtas ko, nakita ko na natumba na lang yung may hawak nang baril, namangha ako sa kanya, sa isang iglap lang, napatay niya yung nasa harapan niya kahit baril na ang dala. Matapos niyang patayin yung may hawak ng baril lumapit ito sa akin. Natakot ako sa kanya, dahil mukang bihasa sya sa pagpatay, ang damit niya maraming talsik ng dugo pati na rin ang espada niya "pumunta ka sa clinic.." utos niya sa akin at tsaka tumalikod na sya para umalis Tumayo ako, kahit ang hapdi ng binti ko "hindi man lang nagpasalamat.." bulong ko "wala akong sinabing gawin mo yun.." narinig niya ata yung sinabi ko  Nakatalikod parin sya sa akin, mukang masungit din sya kagaya ng roommate ko, pupunta n asana akong clinic pero napansin ko bakit ang daming dugo ng suot niyang pantaloon, bandang pwetan. "teka lang.." napahinto naman agad sya "hindi ka ba pupuntang clinic? Ang daming dugo ng pantaloon mo.." napalingon sya bigla sa akin, at para bang nagulat sya sa sinabi ko Bigla niyang itinutok yung espada niya sa akin, at ang mukha niya para bang natataranta at namumutla "subukan mong ipagkalat yung nakita mo, papatayin kita.." banta niya sa akin "huh? concern lang naman ako, kase naman, may dugo ka sa---" napahinto ako sa sasabihin ko Tinitigan ko sya ng mabuti, maiksi man ang buhok niya pero parang may mali sa kanya, parang may pakiramdam ako na may itinatago sya. Paano sya nagkaroon ng dugo banda sa pwetan eh nakaharap sya kanina nung patayin niya yung lalakeng may hawak ng baril? Hwag mong sabihing! "ba-babae ka?" mas lalo niyang inilapit yung espada niya sa akin. Nagpapawis ang kanyang mukha at namumutla pa lalo, at nanginginig din ang kamay niya na may hawak ng espada, ebig bang sabihin neto, totoo ang hinala ko? "banggitin mo pa yan papatayin kita.." "teka lang, wala akong gagawin sayong masama..." "how can I make sure? ngayong alam mo na ang sikreto ko.." bulls eye! Babae nga sya Ngayong nalaman ko na hindi lang pala ako ang nakapuslit na babae dito, isa ring babae tong nasa harapan ko. bakit kaya sya nandito? "wala akong pagsasabihan ng sikreto mo.." "tsk! Wala na ngayong tao dito sa eskwelahang ito ang pwedeng pagkatiwalaan.." "pwes! Ibahin mo ko, dahil---" "dahil ano?" "dahil.... Dahil babae rin ako.." Halata sa mukha niya ang pagtataka, at mukang hindi sya makapaniwala, dahan dahan niyang ibinaba ang nakatutok na espada sa akin, at pinagmasdan niya ako ng mabuti mula ulo hanggang paa "totoo ba yang sinasabi mo?" "oo.." "bakit naman ako maniniwala sayo, niloloko mo lang ako at tratraydurin!" Tumingin ako sa paligid, wala namang tao, itinaas ko yung damit ko para ipakita sa kanya yung nilalagay ko sa dibdib ko para hindi mahalatang may dibdib ako. Kahit flat ang dibdib ko,mapapansin parin yun, kaya may nilalagay ako dito. "te-teka, paanong---" "sabi ko naman sayo babae din ako.." mukang naniwala na sya sa sinabi ko "gusto mo pumunta pa tayong CR para makita mo? Ha?" "wag na.."  "may tagos ka diba?" bulong ko sa kanya, namula ang mukha niya na parang kamatis, nakakatuwa naman sya, nagblublush sya dahil sa sinabi ko "hi-hindi ko kase namalayan yung araw ng menstruation ko..." sagot niya sa akin Ngumiti ako sa kanya, pero parang nakikiramdam pa sya sa akin "Ellie na lang itawag mo sa akin..." inabot ko ang kamay ko sa kanya pero hindi niya agad ito inabot para makipagkilala " ang sikreto mo at sikreto ko, asahan mong sa ating dalawa lang..." Gusto ko lang iparamdam sa kanya na hindi ako masama at walang balak sa kanyang masama, hindi kagaya ng nagtangka sa buhay niya kanina, kaya sinabi ko na ang sikreto ko. Tutal alam ko rin ang sikreto niya, pareho kaming babae, kaya gusto ko syang makasundo. "Justine.." abot niya sa kamay ko "third squad member..." dagdag niya "wow! Ang taas na ng rank mo..." "madali lang naman matuto.." "kaeenrool ko palang dito kaya nasa mababa pa akong rank.." "im sure, tataas din ang rank mo.." "kaya pala parang bihasa ka na sa pakikipaglaban, nasa third squad ka na.." "pinaghirapan ko naman makapunta sa rank na yan, sobrang hirap ng pinagdaanan ko.." Habang nakatayo kami sa ilalim ng puno, napansin ko si Albie na dumaan "Hoyyy!!" sigaw ko sa kanya pero hindi ata niya ako narinig "kilala mo yun?" tanong ni Justine sa akin "oo, sya si Albie.." "kaibigan mo ba sya?" "kakilala ko palang, pero kaibigan? Parang hindi pa, kakikilala ko palang kase sa kanya.." "hwag kang lalapit sa kanya.." "bakit naman?" "alam mo bang manloloko yan ng mga baguhan dito, traydor ang taong yan kaya mag ingat ka.." "pero muka naman syang mabait.." "muka lang Ellie, makikipagkilala sya pagkatapos kukunin niya ang loob mo, at pag nakuha na niya ang loob mo, lalasunin ka na niya.." "lason?" "oo, kaya mag ingat ka sa kanya.." Napakalala pala ng mga tao dito, yung akala mong pwede mo nang kaibiganin iba pala ang balak sayo, bakit kaya sya ganun? totoo kaya ang sinasabi ni Justine sa akin? ******** Sinamahan ko si Justine hanggang sa makarating sya sa dorm niya, sabi niya ako lang ang nakakaalam dito na babae sya, maski ang roommate niya hindi pa sya nabubuko, hindi na kami nakapagkwentuhan ng matagal. Itinali niya yung jacket niya sa bewang niya kaya hindi napansin yung dugo sa bandang pwetan niya. Pagpasok niya sa room niya umalis na kaagad ako, naglakad ulit ako at saktong nasalubong ko si Albie. "uy Ellie!" bati niya sa akin, lumapit sya sa akin pero lumayo ako "bakit?" "wag kang lalapit.." "pero Ellie—" "sabi ko wag kang lalapit.." kumuha ako ng malaking bato, wala pa kase akong espada, bukas pa ako bibigyan sa oras na magsimula ang klase ko, lahat ng tao dito, may ganung armas, pangproteksyon ba sa mga magtatangka ng masama. "anong nangyayare sayo Ellie? Magkakilala naman tayo ah.." Nalilito ako, hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko, pero pakiramdam ko, napakaraming misunderstanding sa lugar na to kaya ang daming nagpapatayan. lalapit nanaman sana syang muli pero, may tumabi sa akin at may hawak na espada "hwag mo syang lalapitan, manloloko ka.." si Justine pala ang nasa gilid ko. "te-teka lang, wala akong gagawin kay Ellie, wala akong espada o kahit anong armas, maniwala naman kayo.." paliwanag sa amin ni Albie "okay na.." hinawakan ko ang kamay ni Justine para ibaba ang nakatutok na espada kay Albie "pero manloloko ang taong yan, traydor yan Ellie, wag kang maniwala sa kanya.." sabi ni Justine Pero nakakaramdam ako ng sincerity sa kanya "dati yun.." biglang naging malungkot ang muhka ni Albie "kinakaibigan ko bago ko lasunin ang mga taong, pakiramdam ko ay may masamang balak sa akin, pero nagbago na ako, hindi ko balak gawin yun kay Ellie, o maging sayo .." ang tinutukoy niya ay si Justine "Ellie, alam mo naman ang nangyare sa kaibigan ko diba? sariwa pa sa akin yung nangyare, maniwala naman kayo sana saken, please..." "wala parin akong tiwala sa kanya Ellie.." bulong sa akin ni Justine "subukan mo lang may gawin sa kanya, papatayin kita, gigilitan kita ng leeg at ipapakain ko yang katawan mo sa aso.." ang brutal naman ni Justine Nakakaiyak naman, concern saken si Justine, siguro dahil pareho kaming babae. "pangako yan.." sabi naman ni Albie Aalis na sana sya pero pinigilan ko "may sasabihin lang ako sa kanya.." sabi ko kay Justine at hinila palayo si Albie, pero sinundan parin kami ni Justine Gusto ko syang kausapin, dahil mali ang ginagawa niyang yun "seryoso ka bang nagbago ka na?" tanong ko "oo, ginagawa ko lang naman yun kase---" "HOY! TRAYDOR AT MANLOLOKO!" sigaw ng isang mala halimaw na boses na lalake mula sa likuran ko Nagtago si Albie sa likuran ko, naman oh! T^T bakit sa likuran ko pa, bakla ba to o ano? Bakit takot na takot sya ngayon? "sino kayo?" lumapit kaagad si Justine sa amin "hindi kayo ang kailangan namin, yang manlolokong yan.." "yun naman pala eh, madali akong kausap.." sabi ni Justine at hinihila si Albie na umalis sa likuran ko, pero ang higpit ng kapit sa akin ni Albie na para bang nagpapahiwatig na hwag syang ibigay sa lalakeng yun. "Justine tama na.." pagpipigil ko, natigilan naman kaagad si Justine sa pagnhihila kay Albie "ako bahala sa kanya, third squad member ako, and i will kill him anytime, kapag may ginawa nanaman syang kalokohan sa mga mabababang rank.." banta ni Justine kay Albie Mukang mas mababa sa rank ni Justine yung malahiganteng lalakeng yun kaya pinabayaan na niya si Albie at nagtiwala na lang sa sinabi ni Justine. "may gagawin pa ako.." paalam niya sa akin sabay kindat sa akin at ngumiti sya, kapag ngumingiti sya ang ganda ganda niya, pero kapag seryoso ang mukha niya nakakatakot sya "duwag yan, hwga kang matakot.." bulong sa akin ni Justine bago sya umalis ng tuluyan Kaya pala  Kanina pa sya nakakapit sa akin, na akala mo ako ang nanay niya, kaya ba nanloloko at nanlalason dahil duwag sya? Kalalakeng tao oh  ******** [BUILDING 1 ROOM 8] Gabi na kaya kailangan ko na bumalik sa dorm. Naabutan ko si Jin na nasa study table ulit na malapit sa double deck, mukang ang pwesto ko ay sa itaa na talaga dahil nakakalat yung mga gamit niya sa baba ng double deck. Nakakailang naman tong katahimikan na to. Sana si Justine na lang ang nakasama ko sa kwarto bakit itong taong to pa? Ang gaan gaan ng loob ko kay Justine dahil pareho kaming babae. "ehheeemm.. ehheeemm.." para lang ba may mag ingay sa amin, nagaayos kase ako ng mga gamit ko dito sa drawer na bakante "ah eh..." bakit hindi ko matuloy ang sasabihin ko, palingon lingon ako kay Jin na busy magbasa ng horror book "pasensya na pala kanina kung sinundan kita.." ano ba tong sinasabi ko? sinundan ko sya para ibalik yung nahulog niya pero bakit humihingi ako ng pasensya? "ah eh—" magsasalita pa sana ako but he glared at me na para bang lalamunin niya ako ng buhay. "wag mo kong kakausapin, wag mo kong lalapitan at wag mo kong hahawakan...." "pero---" kung nakakamatay lang ang tingin niya kanina pa ako namatay, tinignan nanaman niya ako ng masama Sabi ko nga wag kakausapin, wag lalapitan at wag hahawakan, ano ba tingin niya sa akin? Germs? Tsk! Umakyat na lang ako sa kama ko pagkatapos ko maglagay ng gamit sa drawer ko, pinikit ko ang mata ko pero hindi ako dinadalaw ng antok, nakahiga na ako at humarap ako sa right side ko. Nakatitig lang ako sa likuran ng isang weird na lalake na nagbabasa ng horror story, nakakacurious ang isang Vice Captain Jin, lalo nat, may nalaman ako na hindi alam ng ibang tao dito. Yung tungkol sa pagpatay sa mga roommates niya dati, hindi naman talaga sya ang may gawa. Sa katititig ko at sa kaiisip ko , hindi ko namalayan na nakaharap na pala sya sa akin at tinititigan din niya ako ng masama "sabi ko nga hindi ako titingin sayo.." sabi ko sa kanya, tumalikod ako sa kanya. [AFTER 30 MINUTES] Hindi parin ako makatulog. Lumingon ulit ako sa right side ko, sakto namang nagliligpit na sya ng librong binasa niya kanina, muakng matutulog na sya, makababa nga dahil naiihi na ako. Umupo ako pero "did I gave you permission to sit?" itinutok niya yung espada niya sa akin, eto nanaman tayo naiihi na ako. "bababa kase ak—" "shut up.."  "pero—" "shut the f**k up!" "iihi ak—" "I said shut your f*****g mouth!" "OO NA HINDI KITA KAKAUSAPIN IIHI LANG AKO!" Napalakas ang boses ko dahil urg! Naiinis na ako at naiihi na ako, napatalon na lang ako bigla mula sa kama ko, medyo mababa naman, ihing ihi na kase ako. Bahala sya sa buhay niya kung sasaksakin niya ako eh ang kasalanan ko lang naman ay umihi  Agad akong pumunta sa CR, wala naman na akong narinig na ingay nung pumasok na ako, iniwas pa nga niya yung espada niya nang bumaba ako sa kama eh, at nagulat sya nung tumalon ako, HAHAHA! nakakatuwa yung muka niya kanina. HAAAAAAAAAAAAAAAAYYY Success! *bumukas yung pinto ng CR* "AAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko "F*ck!!! don't shout!..." reklamo naman ni Jin Buti na lang at nakataas na yung pang ibaba ko, bigla ba naman syang pumasok sa loob, buti na lang talaga tapos an ako umihi. "alam mong may tao pumasok ka agad.."sabi ko Wala syang narinig, dinedma lang ang sinabi ko, tumapat na sya sa may ihihan ng lalake at nagbukas ng zipper, kainis naman oh, natrap ako dito sa loob ng Cr, hindi ako makagalaw "whats wrong?" Tanong niya saken habang umiihi sya, hindi ko nakikita yung kanya hindi ako sumisilip "wag kang mag alala, may ganyan din ako.." Ano daw? Ganyan? You mean ba Jin, t****t ng babae? Meron ka talagang ganito?? bwahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD