/4/

2051 Words
Chapter four ELLIE'S POV'S Ilang minuto na rin akong nakaupo dito, akala ko babalik pa sila Albie pero mukang hindi na, muka ring nagtatago sya sa mga lalakeng naghahanap sa kanya kanina. Kinuha ko yung susi ng room ko Makapunta na nga lang sa kwarto ko. Naglakad na ako palayo sa stadium at papunta na ako ngayon sa dorm ng school, building 1 room number 8 ako, medyo malayo, ang bigat pa ng dala kong bag. May gate bago makarating sa dorm, pagpasok ko ng gate ang lalaking building ng dorms ang bumungad sa akin, sa harapan may mga lounge kung saan maraming tao ngayon. Dumaan lang ako na parang hangin. May nakalagay namang building number kaya hindi ako nahirapan maghanap ng building kung saan ako pupunta. Madali ko rin lang nahanap yung room number 8, nasa first floor lang din. *tok* *tok* *tok* Tatlong beses akong kumatok, inopen ko kase yung doorknob nakalock eh, teka nga lang may susi nga pala ako! Engot lang Ellie  Kinuha ko yung susi at binuksan kaagad yung pinto ng room ko, dahan dahan akong sumilip sa loob, maluwang sa loob, black and white ang design ng kwarto. Pumasok ako. May nakita akong lalake, nakaupo habang nakapatong ang mga paa sa study table, nagbabasa ng libro, hindi ko kaagad nakita ang mukha niya, kahit nakaharap sya sa may pinto. Lumapit ako sa lalakeng nagbabasa, parang walang pakealam, kahit may pumasok nang ibang tao Sya siguro ang roommate ko. "hello, ako nga pala si Elliezer, Ellie ang tawag sa akin.." Ellie talaga ang palayaw ko, kahit medyo magkatunog ang pangalan namin ng kakambal ko, Elliezer naman ang palaging tinatawag sa kanya para hindi magkalituhan. Pero minsan kapag trip nila kaming asarin, pareho nila kaming tinatawag na Ellie. Mabalik sa kasama ko dito sa kwarto, hindi parin sya umiimik, nakatingin parin sya sa libro kaya hindi ko pa gaanong nakikita yung mukha niya. "ako ang roommate mo, dito rin ang kwarto ko.." Nasa harapan niya ako, sa harap ng study table na pinagpapatungan ng paa niya. Nilapag niya yung librong binabasa niya, mukang horror story ata yung binabasa niya, pagkasara niya ng libro tinignan niya ako sandali. At kumuha ulit sya ng libro sa gilid niya, bumalik ulit sya sa ginagawa niya kanina. Nagbabasa ulit sya. Teka lang, Parang namumukhaan ko sya? Tinitigan ko ang suot niya. Tama! Sya yung lalakeng nakahood kanina, ngayon kase hindi nakalagay yung hood ng jacket niya kaya hindi ko kaagad sya naalala. Sya yung lalakeng nagligtas? Ah hindi! Tumulak sa akin kanina. Pero kung wala sila, siguradong mabubugbog ako ng di oras, so it means? Niligtas nila ako, may utang na loob parin ako sa kanya. "salamat pala kanina.." salita ako ng salita dito pero para akong hangin na hindi napapansin Ang tahimik niya masyado, pero kahit na ganun, kailangan ko syang kaibiganin, kase sa iisang kwarto lang kami matutulog, at araw araw ko syang makikita dito. Kumuha ako ng upuan at umupo ako sa harapan ng study table kung saan nakapatong yung paa niya, nilapag ko yung bag ko sa sahig, ang bigat kase, nangangalay na yung balikat ko. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, may CR naman na, at ang higaan namin double deck na maluwag, may malalaking drawer pa dito sa loob, may lagayan ng sapatos, at may study table din, complete package kumbaga. Napakalinis ng kwartong to. Hindi mo aakalain na lalake ang natutulog dito. Nabaling ang atensyon ko sa espadang nakapatong sa ibabaw ng kama, yung ibabang bahagi ng double deck, sa kanya siguro yun. "matagal ka na ba dito?" "............" "ikaw lang ang nag ayos ng kwartong to? Ang linis at ang ganda ng pagkakaayos, black and white siguro favorite color mo?" "..........." Hindi parin niya ako iniimikan, haaaaaayy Ellie para kang nakikipagusap sa mannequin. "pasensya na kanina, nasigawan kita, nabigla ako kase natama yung tuhod ko sa bato, may first aid ka ba dyan?" "..........." Paano ko ba to makakausap ng matibo, ang hirap naman! Ang hirap ng ganito ah! Karoommate mo tapos ganito? Ni hindi mo makausap?, gusto ko lang naman makipagkilala, dahil roommate ko sya, hindi ako komportable kung magtuturingan kami na parang hangin  "galit ka ba sa akin dahil sinigawan kita kanina? Hindi ko talaga sinadya yun..." "................." Hindi parin sya nagsasalita, naglilipat lang sya ng page ng librong binabasa niya, nanahimik ako sandali, wala akong maikwento, wala rin naman akong makausap eh. Ah! Alam ko na! "kilala mo ba yung Vice Captain ng first squad?" Pagkatanong ko nun, tumingin sya sa akin bigla, sa wakas, mukang curious sya dun "sabi kase nila, nakakatakot daw sya, halimaw daw yun, at ayaw niyang may nakakasama sa kwarto niya, pinapatay niya daw kase yung mga nagiging roommates niya,kaya mag ingat ka rin sa kanya.." ngayon naman nakatitig lang sya sa akin. "ano bang pangalan ng Vice Captain ng first squad? At anong room number niya? Magkakilala ba kayo? Malapit lang ba dito yung kwart---" "can shut your mouth? para kang babae" bigla syang nagsalita at yung word na babae pa talaga ang nasabi niya EH????????? Natameme naman ako dun at hindi na ako nakapagsalita pa. Maya maya pa ay bumukas yung pinto, nako! Nakalimutan kong ilock yung pinto, yun kase ang nakalagay sa policy nang dorm na to, dapat daw laging nakalock yung pinto ng room, nabasa ko lang nung papasok na ako dito "hey yow! Vice Captain bakit bukas ang--- ooooowwww..... ano yan bisita? Bagong roommate? Teka!? Ikaw yung bagong tuli diba?" yung word na bagong tuli, meaning niya dun lampa  At teka nga. a-anong sabi niya???? Vice Captain? Sino daw? "aba! kita mo nga naman, etong patpatin palang to ang bago mong roommate hahaha!" sabi nung kararating lang na lalake, mukang eto yung naka half mask kanina kase kulot din ang buhok, eto yung tinawag nilang Captain kanina. Lumapit sa amin yung sinasbai nilang Captain, ibig sabihin, hindi talaga ako nagkamali sa narinig ko, Vice Captain ang tinawag niya sa lalakeng nasa harapan ko ngayon Ellie, ano ba tong pinasok mo  Binaba niya yung paa niya na nasa study table, habang yung isa naman nasa gilid namin "anong pinag uusapan niyo ha? Sali naman ako.." "ask him..." sabi nung lalakeng nasa harapan ko ngayon. Mabuti at hindi nila ako nahahalata na nagpapanggap lang na lalake, kinakabahan tuloy ako lalo nat kaharap ko ang Captain at Vice Captain ng first squad. Napapikit ako ng madiin, gusto kong batukan ang sarili ko pero nakakahiya, hindi ako makaimik ngayon, nahihiya ako sa nasabi ko kanina, nasa harapan ko na pala ang Vice Captain ng first squad tapos nasabi ko pa sa kanya ang mga ganung bagay. "hoy Jin, may bago ka nanamang roommate, goodluck.." Jin? Nagload ang utak ko sandali, Tama! Yun ang narinig kong pangalan niya kanina! Vice Cpatain Jin? Ang pangalan ng roommate ko.  "iwan mo muna kami.." sabi ni Jin kay Captain Umalis naman kaagad si Captain. Captain na rin ang itatawag ko sa kanya kase hindi ko naman alam ang totoo niyang pangalan. Tumayo si Jin at naglakad papunta sa double deck, tumayo rin ako para sundan sya at magpaliwanag sa nasabi ko kanina "hindi ko sinasadyang masabi yun sa---" Bigla niyang itinutok yung espadang nakalapag kanina sa bandang leeg ko, napahinto ako sa pagsasalita maski sa paggalaw ko, ang lapit ng espada sa akin, isang galaw ko lang mahihiwa ang leeg ko "mamili ka, papatayin kita o magpapakamatay ka?" "te-teka lang anong—" napahinto ulit ako sa pagsasalita dahil mas lalo niyang nilalapit yung espada sa leeg ko "bakit mo ko papatayin? Wala naman akong kasalanan sayo..." hindi parin ako makagalaw, dahil pakiramdam ko isang galaw ko lang mapupugutan na ako "tell me, anong binabalak mo saken?" "huh? wala akong binabalak sayong masama, please naman ibaba mo na yu---" pakiramdam ko magkadikit na yung espada niya at leeg ko "gusto mo kong patayin diba?" "wala akong balak na ganun, pumunta ako dito dahil—" napahinto ako dahil ang hapdi na ng leeg ko, ang talim ng espada niya, mukang may sugat na ako sa leeg. Mangiyak ngiyak akong tumingin sa mga mata niya, ngayong alam ko na ang patakaran dito, naiintindihan ko sya kung bakit sya ganyan, paano ko ba sya makukumbinsi na wala akong balak na masama sa kanya? Siguro, napakarami nang nagtangka sa buhay niya kaya sobra syang nag iingat. "you have no idea what I can do..." "pero wala talaga akong masamang balak sayo, maniwala ka naman.." Ang seryoso ng mukha niya, habang ako, nangingilid na ang mga luha ko dahil ano mang oras pwede niya akong saktan, kahit wala akong kalaban laban sa kanya. "marami nang nagsabi sa akin niyan..." "pero ibahin mo ko sa kanila..." tumulo bigla ang luha ko, naalala ko ang pinanggalingan kong lugar, ano na kaya ang nangyayare sa kanila? Parang mawawalan na kase ako ng pag asa dito na mabuhay "nandito ako para mabuhay..." Pakiramdam ko inilayo niya ng kaunti ang espada niya sa leeg ko, ramdam ko na may tumutulo nang dugo sa bandang leeg ko. "kailangan kong mabuhay, kailangan kong makabalik sa amin ng buhay, kailangan nila ako, kaya nakikiusap ako hwag mo kong papatayin..." nagmakaawa ako sa kanya Umiba naman ang ekspresyon ng mukha niya, sabi nga nila, mararamdama mo ang isang tao kung nagsasabi ito ng totoo o hindi, totoo lahat ng sinasabi ko sa kanya. Sabay sabay na tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kanya, maya maya pa ay binaba na niya ang espada niya, at dinala ito palabas ng kwarto. Pagkadaan niya sa akin may nahulog na kung ano, tinignan ko kung ano, isang lucky charm bracelet na pangbabae, bakit meron syang ganito? Sinundan ko sya palabas, hinanap ko sya kung saan. Nakita ko lang sya na papunta sa gilid ng building, may mga lounge din doon, pinuntahan niya yung Captain ng first squad, na mag isa lang na nakaupo ngayon sa lounge. Rinig ko sila habang nasa gilid ako ng building, ibibigay ko ba tong nahulog niya? "anong problema Jin?" "tss, ang galing niya magpaawa.." hindi ako nagpapaawa "anong balak mo?" "hindi yan makakatagal saken, magpapakamatay din sya kagaya ng mga dati kong roommate.." Magpapakamatay? "haaaayyy, I told you Jin! wag mo silang takutin, ikaw lang din ang magmumukhang masama sa tingin ng mga tao dito.." "I don't care, im tired of being nice to people who don't deserve it" "akala kase nila pinapatay mo mga karoommates mo, pero nagkataon lang naman talaga..." "naninigurado lang ako sa mga taong nakakasama ko..." "pero itong roommate mo ngayon? Hahaha! tatlong ubo na lang ata sya hahaha!" Ganun ba ako kapayat? Sexy ang tawag dun, babae po kase ako! Babae! Kung pwede ko lang isigaw yan nang hindi nila laiitin ang katawan ko, tsk! Aalis nasana ako sa lugar ko nang may nakadumbo akong lalake "halla! Pasensya na.." nalakasan ko ang boses ko Patay! Mukang nakalingon sa akin yung dalawang iniistalk ko! Umalis na yung nabunggo ko "ayan pala yung roommate mo oh!" sabi ko na nga ba napansin ako, ibabalik ko lang naman tong nahulog niya, baka kase importante. Lumapit si Jin at yung Captain ng first squad sa akin "sinusundan mo ko?" tanong sa akin ni Jin "ibabalik ko sana sayo to kaso—" pinakita ko yung bracelet, agad naman niyang hinablot na kamay ko yun at tsaka umalis "bakit ba ganun yun" bulong ko sa sarili ko "nag iingat lang kami, bago ka lang dito diba?" nandito pa pala yung Captain ng first squad "Conan.." inabot niya yung kamay niya "ako ang Captain ng first squad, at yun si Jin, boyfriend ko hahaha! joke lang, sya ang Vice Captain ko..." "Elliezer.." inabot ko ang kamay niya "Ellie na lang itawag mo sa akin.." "ganyan talaga si Jin, silent but deadly hahaha!" "wala naman akong balak na masama sa kanya.." "halos lahat ng tao dito ganyan ang sinasabi, mahirap magtiwala, lalo na sa baguhan na kagaya mo.." "hindi ako masamang tao.." "let see Ellie..." "pumasok ako dito para matutong lumaban, at makabalik ng buhay, yun lang ang dahilan ko, alam ko mahirap magtiwala sa lugar na to, kaso, wala na talaga akong mapuntahan na ibang lugar, ayokong mamatay sa labas ng walang kalaban laban, atleast dito matututo akong lumaban..." Tinitigan lang ako ni Captain ng matagal, at ngumiti sa akin "gusto mong matutong lumaban?" "oo.." "pwes, tutulungan kita,kung makakatagal ka kasama si Jin..." "hindi naman niya talaga pinapatay yung mga roommates niya diba?" "narinig mo pala usapan namin.." "pasensya na, hindi ko sinasadya.." "tama ka dyan, lahat naman kami dito, close namin mga karoommates namin, maliban lang sa kanya.." ang tinutukoy niya ay si Jin "pero bakit?" "yan ang pangalawang assignment mo sa akin.." "pangalawa?" "ang una, kailangan mo munang makatagal sa kwarto kasama ni Jin ng isang linggo, at pangalawa, kailangan mo malaman kung bakit ayaw niya ng may kasama sya.." "pero—" "wala nang pero pero, tuturuan kita ng kahit anong moves sa pakikipaglaban, magkakaroon ka ng special training sa akin, kapag nagawa mo lahat yan, ako ang Captain ng first squad, tandaan mo yan" "naniniwala ka na ba sa akin na wala akong balak na masama sa kanya?" "hindi pa, dahil oras na magawa mo lahat ng pinapagawa ko sayo, tsaka palang ako magtitiwala sayo.." pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko "goodluck Ellie.." sabay alis sa harapan ko Tumagal kasama si Jin? At malaman kung bakit ayaw niya ng may kasama sya? Nacurious tuloy ako sa pagkatao ni Jin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD