/6/

1996 Words
Chapter six ELLIE'S POV'S Unang araw ng pasok ko, nandito ako sa room 05, may written class kami ngayon, parang orientation palang ang ginagawa namin ngayon, sabi after 30 minute pupunta kaming field Maaga akong nagising kanina, pero mas maagang nagising yung roommate ko "kayo ang nasa fifth squad, kailangan niyong galingan para makarating sa pinakamataas na rank.." sabi ng professor namin 30 na members ng fifth squad ang nasa room na ito. [AFTER 30 MINUTES] Nasa field na kami, nakapila kaming lahat dito, nasa harapan namin yung professor namin kanina, at sa tabi niya, nakapatong sa isang malaking table ang mga espadang ibibigay sa bawat isa sa amin. Isa isa kaming binigyan ng espada, at pagkuha ko ng sa akin, nanginig bigla ang mga kamay ko, natatakot akong gamitin ito, lalo na sa tao. "yan ang magiging proteksyon niyo dito, ingatan niyo yang mabuti.." paalala ng professor namin "OPO!" sigaw ng lahat Tinuruan niya kami ng mga basic moves, lalo na sa self defense, medyo magaan naman ang hawak kong espada, pero hindi ko maiwasang manginig ang mga kamay ko tuwing igagalaw ko ito. [PAGKATAPOS NG KLASE] Nakaupo ako sa gilid ng room namin, katabi ko rin ang espada ko habang umiinom ng tubig, may case naman ang lahatng ibinigay na espada, at may nakalagay na pangalan ko dito. "HI ELLIE!" sigaw sa akin ng kung sino Paglingon ko si Albie pala "bakit ka nandito?" "sa building na to ang susunod na klase ko.." "ganun ba.." "Ellie galit ka ba sa akin?" "hindi.." "ibig bang sabihin nun, ay magkaibigan na tayo?" "hindi.." "wala ka paring tiwala saken noh?" "........." "Ellie nagbago na talaga ako..." "oo na sige na.." ang kulit niya "may tanong ako sayo," "ano yun?" "sa dami ng tao dito bakit ako ang lagi mong nilalapitan?" "kase may tiwala ako sayo.."  "huh?diba—" "hindi mo kase ako sinumbong nung una tayong nagusap, remember?" Yun ba yung ikwinento niya sa akin yung tungkol sa lugar na to, pagkatapos ay may naghanap sa kanyang mga lalake? "ah oo! Natatandaan ko na, maliit na bagay lang yun ah.." "para sa akin mahalaga yun, walang pakealam ang mga tao dito, pero ikaw, kakikilala mo lang sa akin noon, pero hindi ka nagdalawnag isip na itago ako sa mga naghahanap sa akin.." *sigh* "kaya simula ngayon, kaibigan na kita!" sabi niya  Napaka highper niyang lalake ******** [5pm] Papunta na ako sa clinic, siguro naman gindi na busy yung kapatid ni yaya Melda ngayon. "ELLIE!" sigaw sa akin ng isang pamilyar na boses "oh bakit?" tanong ko kay Justine na tumatakbo palapit sa akin "saan ka pupunta?" "sa clinic.." "may sakit ka ba? may sugat ka ba? anong nangyare sayo?" "wala, may itatanong lang ako.." "aaaahhh..." Sabay kaming naglakad ng mabagal para makapagkwentuhan, medyo malayo pa naman yung clinic kaya mahaba habang kwentuhan pa ito. "kamusta naman ang araw mo ngayon? " tanong sa akin ni Justine "ayos naman, eto oh.." pinakita ko yung espada ko "may proteksyon na ako.." "aba.... Alam mo na bang gamitin yan?" "hindi pa, natatakot akong gamitin ito sa iba.." Huminto sya sa paglalakad at pumunta sa harapan ko, hinawakan niya ang dalawang balikat ko na para bang chinicheer up ako "Ellie, kung gusto mong mabuhay dito, kailangan mong pumatay, kailangan mo maging matatag hanggang huli.." "tama ka, kailangan ko talagang mabuhay, kaya nga ako pumunta dito para mabuhay..." Naglakad ulit kami "bakit ka nga ba pumunta dito?" Napahinto ako ulit sa paglalakad at tinignan ko sya "sige okay lang kung hindi mo sasagutin, alam ko naman na mahirap magbanggit ng tungkol sa sarili dito sa lugar na to.." "pumunta ako dito para magtago, at para mabuhay.." sagot ko sa kanya "yan lang siguro ang masasabi ko sayo ngayon.." Kahit pakiramdam ko walang gagawing masama sa akin si Justine, kailangan ko parin mag ingat, nasa paligid lang ang mga taong may masasamang balak. "may nangyare ba sayo?" tanong ni Justine "oo, at ayoko muna isipin yun dahil malulungkot lang ako, at kapag nalungkot ako, siguradong manghihina ako, kailangan ko maging matatag dito diba?" Ngumiti sya sa akin "tama ka.." "eh ikaw? Bakit ka nandito?" Ang tagal niyang sumagot sa tanong ko "pasensya na Ellie, pero hindi ko pwedeng sabihin kung bakit ako nandito.." "ayos lang sa akin Justine, may kanya kanya tayong dahilan kaya tayo nandito sa lugar na to, hindi kita pipilitin..." "sige na, kailangan ko na bumalik sa dorm.." "okay sige.." Napahinto sya sa pagtakbo para umalis na sana "teka lang, sino palang karoommate mo? Okay naman ba sya sayo?" Pero bago ko masagot ang tanong niya, may tumawag sa pangalan ko "hoy Ellie!" sigaw ni Dr. Mariko sa malayo "si Jin ang karoommate ko, kailangan ko na pumunta doon.." paalam ko rin kay Justine, tinatawag na kase ako ng kapatid ni yaya Hindi ko na nilingon pa si Justine, tumakbo ako papunta sa doctor ng clinic, hingal na hingal pa akong nakalapit sa kanya "hindi mo naman kailangan tumakbo, wala namang humahabol sayong aso..." Oo nga naman Inaya niya ako papasok sa loob ng clinic Saktong walang pasyente si doktor, makakapag usap kami ng maayos, umupo ako sa sofa sa gilid ng table niya "wala ka pa bang nakakaaway dito?" "wala naman, pero marami na akong kilala.." "talaga? Mapagkakatiwalaan naman ba yang mga sinasabi mong kakilala?" Hindi ako umimik, hindi pa ako sigurado sa sagot na oo at hindi dahil hindi ko pa naman sila gaanong kilala,kung prutas sila Albie at Justine, para silang mga prutas na hindi ko kilala pero mukang masarap, hindi ko alam kung malalason ako kapag kinain ko. Ganun palang sila sa akin. "alam ko na ang tungkol sa eskwelahan na to, alam ko rin na mahirap magtiwala sa mga tao dito" "buti alam mo na, kaya ka pinunta dito ng ate ko ay para mailayo sa mga taong nagtatangka sa trono ng East Empire, napakahalaga na mabuhay ka Ellie, dahil oras na makuha ng iba ang East, siguradong magkakagulo hanggang sa ibang imperyo.." "hindi na rin ako nagsisisi na pumasok dito, dahil dito walang nakakakilala sa akin maliban sayo, maitatago ko ng matagal ang seal ng East Empire, at matututo akong ipagtanggol ang sarili ko, sisiguraduhin ko na pagbalik ko sa imperyo, hindi na ako ang dating Ellie..." Ngumiti si Dr. Mariko sa akin "nagkita kami nung isang araw ni ate, pinapasabi niya na hwag kang mag alala sa Reyna, nasa mabuti syang kalagayan ngayon.." ang tinutukoy niyang reyna ay si mama "mabuti naman kung ganun.." mas lalo akong nakampante "teka lang, sino palang kasama mo sa dorm? Kailangan mong mag doble ingat sa kasama mo, dahil oras na malaman niyang babae ka, baka hindi ka pa nakakalabas ng kwarto patay ka na.." "si Jin ang kasama ko.." "WHAT!? Si JIN?.." "oo alam ko napakamalas ko.." "WAAAAAAAAAHHH! ANG SWERTE SWERTE MO SIS! WAAAHHH KAINGGIT! .."  EH? Yung itsura niya parang may crush sya kay Jin, kung sabagay, gwapo naman si Jin, kapag sa unang tingin, ideal guy talaga, kaso ubod ng sungit,siguro kapag dumaan sa grupo ng mga babae ang Vice Captain na si Jin siguradong mababali ang leeg nila kakahabol ng tingin. Ganun ang nakikita ko kay Jin kung idedescribe ko sya. "may gusto ka ba sa kanya?" Inayos niya ang upo niya at tsaka niya inayos ang buhok niya "hindi ko sya gusto, type ko lang sya bwahahaha..." "......" "ang ibig kong sabihin Ellie, bilang bakla, talagang matatypan ko sya, kaso sa ugali? Mas type ko si Conan.." "you mean, si Captain?" "yup, at least yun namamansin si Jin hindi masyado.." "gaano ka na ba katagal dito?" "hindi ko na matandaan, bago lang ako dito, namatay na kase yung dating doktor dito, ako ang pinalit, sa totoo lang magkapareho tayong walang kaalam alam nang pumasok dito, nung una natakot ako pero nung tumagal nag enjoy naman ako hahahaha!" Dahil yun sa mga lalake Haaaaaaaaaaaysss.. Naputol ang usapan namin nang may pumasok na mga lalake, yung isa may sugat yung isa mukang nabugbog "sige na, bumalik ka na lang ulit..." sabi ni Dr. Mariko sa akin. Umalis kaagad ako, ganun sya kabusy araw araw, dahil ang daming nasusugatan at nabubugbog dito, mga walang magawa, mga mapangtrip ng kapwa, yan ang gusto kong iwasan. ******** [BUILDING 1 ROOM 8] Pagdating ko sa room ko ako lang ang tao, wala si roommate, mabuti naman dahil makakapag half bath ako, walang lalakeng basta basta na lang na pumapasok sa CR kahit may tao. Feeling talaga niya sya lang ang tao dito sa kwartong ito. Pagkatapos ko magshower deretso ako sa higaan ko, hanggang ngayon wala parin si Jin, tinignan ko yung oras sa phone ko 9"30 na ng gabi. Phone ni kuya ang ginagamit ko, ibang sim din ang gamit ko, number lang ni yaya ang nandito, kaso madalang syang magreply sa akin, dahil hindi naman pwedeng gumamit ng cellphone ang mga maids kapag nasa loob ng palasyo. Kaya parang wala ring silbi ang cellphone na ito. Sa sobrang pagod ko kanina at katatapos ko lang magshower, nakaidlip kaagad ako. 15 minutes 30 minutes 1 hour 2 hours Naalimpungatan ako nang marinig kong nagswitch off yung ilaw, oo nga pala, nakalimutan ko yung patayin, yung sinag lang ng buwan ang maliwanag na nanggagaling sa bintanang nakatapat sa higaan namin. Naramdaman kong umuga yung double deck, malamang kararating lang ni Jin, anong oras na ngayon lang sya umuwi? Pumikit ulit ako at hinintay ang antok ko, pero dahil may naririnig akong parang umuungol, at naghahabol ng paghinga, hindi ako makatulog. Pinaringgan kong mabuti kung saan nanggagling yun, nalaman ko na si Jin ang gumagawa ng ingay nay un "huy.."gising ko sa kanya. Naghihintay ako ng sigaw niya pero wala, hindi ko rin makita ang reaksyon ng mukha niya dahil medyo madilim, hindi parin sya tumitigil sa paghahabol ng paghinga. Dahan dahan akong bumaba, at binuksan yung ilaw "ano to? Dugo?" tanong ko sa sarili ko nang may makita akong dugo sa sahig Pinagmasdan ko si Jin, nakapikit sya at nakakunot ang noo, parang nagtitiis sya ng sakit, pinagmasdan ko syang mabuti, nakablack kase sya na jacket at nakakumot hanggang sa bewang niya Napansin ko na parang basa yung jacket niya sa may bandang balikat niya, tinitigan kong mabuti "dugo?" Nataranta ako, halos mamuti na ang mukha niya, mukang nauubusan na sya ng dugo dahil may sugat sya bandang balikat niya "Jin, pumunta ka sa clinic.." sabi ko Pero nakapikit parin sya at nagtitiis lang ng sakit "Jin mauubusan ka ng dugo kapag hindi mo ginamot yan.." Pero mukang wala sya sa sarili niya dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon, tumakbo ako palabas, gabing gabi na, pero kailangan kong pumuntang clinic. Nakarating naman ako agad sa clinic "doktor Mariko kailngan mong gamutin si Jin!" sigaw ko kaagad nang makarating ako sa clinic niya Naabutan ko syang kumakain ng mansanas habang nanunuod ng TV. "si Jin?" tanong niya na para bang walang pakealam "oo, may sugat sya sa balikat niya, baka kung mapano sya..." Maya maya pa ay tumayo sya pero may kinuha lang sa may cabinet, inilapag niya sa table niya yung kinuha niya, parang first aid kit ata yun "oh ito, gamutin mo sya.." "huh? bakit ako?" "hindi nagpapagamot si Jin, mild lang yun para sa kanya, at isa pa, ayokong masigawan noh! Siguradong magagalit yun kapag nakealam ako sa kanya..." "ano? Pero namumuti na sya baka maubusan sya ng dugo?" "ganito ang gawin mo.." tinuruan niya ako kung anong gagawin " sinasabi ko sayo Ellie, hindi nagpapagamot si Jin dahil wala lang sa kanya yung mga ganung sugat..." "pero---" "oh go na! napaka caring mo talaga your majesty, prinsesa ka nga talaga.." "kesa naman wala akong gawin.." "Ingat ka..." "kung magalit sya ayos---." "I mean, ingat ka baka ma-inlove ka sa kanya hahahaha!" Hindi na ako nakasagot pa, bakit naman ganun yung sinabi niya? Tss. Na goose bump ako sa sinabi niya sa akin, lumabas na lang ako sa clinic niya at nagmadaling bumalik sa dorm, pagbalik ko dun ganun parin si Jin, hindi naman sya robot para hindi maramdaman ang sakit gaya ng sinasbai ng doktor na yun. Ganun na ba kapride tong lalakeng to? Para hindi magpagamot kahit may sugat? Hahawakan ko palang sana sya pero naisip ko yung sinabi niyang bawal ko syang hawakan, bawal ko syang kausapin at bawal lapitan, haayy bahala na, kesa naman wala akong gawin Makonsensya pa ako  Tinangggal ko yung jacket niya, medyo malaki ang sugat niya pero malim, hindi naman sya nagreklamo sa ginawa ko, nakapikit parin sya, tulog na kaya to? Makakatulog kaya sya ng maayos kahit may ganito syang sugat? Naiilang akong hawakan at gamutin sya, dahil lalake sya at babae ako. Naka sando lang kase sya ngayon tapos pawis na pawis, baka isipin niya minamanyak ko sya,o kaya baka isipin njiyang bakla ako? pero di bale na, kailangan niyang magamot dahil baka lumala pa yung sugat niya ******** JIN'S POV'S Its already 7 am Babangon na sana ako pero masakit parin ang balikat ko. Napahawak ako bigla sa sugat ko pero "what the heck? Ano to?" may benda? May gumamot? Sino naman may gawa neto? Pag bangon ko sa kama may nakita akong sticky note sa may pader "LINISAN MO YAN PAGKATAPOS MONG MALIGO -CONCERN ROOMMATE" "Ulol, bakla ba sya?" tss. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD