/3/

2448 Words
Chapter three ELLIE'S POV'S [CONTINUATION...] [MEMPHIS HIGH] Parang bumalik ang kaluluwa ko nang masalo ako ng isang lalakeng nakahood, medyo mahaba ang buhok, halos matakpan na ang mga mata niya, matangos ang ilong at katamtaman ang pangangatawan Hindi kagaya ng mga nasa harapan ko na mukhang gorilla ang katawan. "hey idiots.." sabi ng kasama niya na may katangkaran din kagaya ng lalakeng nakasalo sa akin, medyo kulot ang buhok na may kahabaan din, mata lang ang nakikita ko sa kanya dahil naka half black mask sya. "patawarin niyo kami Captain!" biglang lumuhod yung apat na lalake kanina na mayayabang, at tinawag nilang Captain yung naka half mask. "saang squad kayo galing?" tanong nung naka half mask "ga-galing kami sa fifth squad Captain.." pahina ng pahina ang boses nila habang kinakausap nila ang tinatawag nilang Captain "mga ulol.." bulong naman ng nasa likuran ko, hindi pa niya ako binibitiwan, hawak parin niya ang magkabilang balikat ko, kung hindi niya yun ginawa malamang nabagok na ang ulo ko Siguro patay na rin ako ngayon  "kayo ba yung mag aapat na buwan na dito sa Memphis pero hindi tumataas ang rank? Nasa fifth squad parin kayo? Tapos ang yayabang niyo? Gusto niyo na ba mamatay?" "pasensya na Captain, hindi na kami manggugulo!! Aalis na po kami!" nagsitakbuhan sila, na para bang hinahabol ng maraming aso. Bigla kong naramdam ang malakas na pagtulak sa akin nang lalake sa likuran ko, buti at naiharang ko ang tuhod ko kung hindi mukha ko naman ngayon ang mapupuruhan. Napalingon kaagad ako sa nagtulak sa akin, paalis na sila. "KUNG ITUTULAK MO RIN LANG PALA AKO HINDI MO NA SANA AKO SINALO!" sa sobrang sakit ng tuhod ko nasigawan ko sya Napahinto silang dalawa sa paglalakad. Patay ako neto! Ano ba tong nasabi ko?  Tumayo ako, ang sakit ng pagkakabagsak ng tuhod ko naitama sa bato, kaya dahan dahan ako sa pagtayo ko, ang sakit sobra  Siniko nung naka half mask yung nakahood na kasama niya na para bang inaasar sya. Ang sama ngayon ng tingin sa akin nung nakahood, pasensya naman hindi ko naman sinasadyang masigawan sya kase nabigla ako sa sobrang sakit ng tuhod ko. Dahan dahang lumapit sa akin yung naka hood, habang dahan dahan din akong umaatras, kinakabahan ako, sya naman kase ang may kasalanan bakit niya ako itututlak ng ganun, pwede naman niya ako bitiwan ng maayos. "you have no rights to complain, and to instruct me what to do.." "ha?" natulala ako dahil medyo malapit ang mukha niya sa akin "Ulol ka ba?.."bigla niyang sinabi Lumapit din yung kasama niyang naka half mask sa akin " ikaw.." sabi nung naka half mask, tinignan ko sa likuran ko kung sinong kinakausap niya, wala namang tao "ikaw ang tinutukoy ko, ang yabang mo rin, sa payat mong yan kaya mong kalabanin yung apat na yun?" "hindi ko naman sila kinakalaban.." dahilan ko Tinitigan ako nung naka half mask mula ulo hanggang paa "muka kang bagong tuli, ganyan ka na ba since birth? Ang payat payat mo, para kang babae..." pagkasabi niya ng word na babae kinabahan nanaman ako. "la-lalake ako, ako nga pala si—" "don't mind him, lets go.." sabi nung nakahood. Inakbayan nung nakahalf mask yung nakahood at sabay silang naglakad palayo. "napaka mainipin mo talaga Jin, sana linggo na ulit para makita ko na ulit yung mga babes ko.." narinig kong sabi nung naka half mask Jin ang pangalan ng nakasalo sa akin, at yung nakahalf mask, Captain naman ang tawag sa kanya. Yun ba talaga pangalan nila? Hay ewan. ****** [AFTER 30 minutes] May announcement kanina habang naglalakad lakad ako,hindi ko pa nalilibot ang kabuuan ng lugar na to, napakalawak, hindi pa rin ako nakarating dun sa dulo neto, doon kase yung mga rooms na tutuluyan namin. Sabi kanina pumunta kami sa stadium ng school para mamili at kumuha ng room number, at susi na rin nito, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking arena sa loob ng eskwelahan. Naabutan ko doon ang mga kasama ko kanina na nagmamadaling pumunta sa harapan Anong meron? Bakit nag uunahan sila? "HWAG KAYONG MAGUNAHAN!!!! HINDI KAYO MAUUBUSAN!!!" sigaw nung lalakeng nagbibigay ata ng susi ng room. Tumakbo na rin ako palapit sa pinagkukumpulan nila, halos hindi ko na makita yung lamesang pinagpapatungan ng mga susing ipamimigay nila sa dami ng kalalakihang naguunahan. "anong room number ba ni Vice Captain?" "hindi ko rin alam!" "room number 8 sya sa building 1!" "akin na yan! Palitan mo to ayoko ng room number 8!" "akin to!" "p*tang in* akin na sabi!" Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila, ang dami kaseng tao at sabay sabay silang nagsasalita, yung iba halos magpatayan na para lang makuha ang gusto nilang room number. Ang iba naman nakikipag agawan at nakikipagpalita. Lumayo ako ng kaunti, sabi naman kanina hindi naman magkakaubusan ng number kaya hihintayin ko na lang umalis ang iba sa kanila. "malas ang makakasama ng Vice Captain ng first squad sa kwarto.." "sigurado yun.." "balita ko walang nagtatagal na kasama yun dahil pinapatay niya.." "oo nga, buti na lang hindi ko sya makakasama." "ang halimaw ng first squad, siguradong maghahasik nanaman ng lagim yun oras na may makasama sya sa kwarto niya, nakakakilabot.." "mag iingat kayo sa kanya, pati na rin sa Captain ng first squad.." Kahit lalake napakachismoso, paunti na ng paunti ang mga taong kasama ko dito, kaya pumunta na rin ako sa harapan, dadalawa na lang yung natirang susi na nakalapag sa lamesa. Nakalagay ang building at room number sa itaas ng susi. Pumili ako ng isa at nagpalista ako ng pangalan at kung anong building ako mapupunta. Nilagay ko sa bulsa ko yung napili kong susi, napakadali naman palang kumuha ng room number pero bakit kailangan pa nilang mag away para lang dito? tsk! Umupo muna ako sa gilid ng stadium. Grabe ang lawak ng lugar na to, sa harapan ang registration office at opisina ng mga namamahala dito, pagkatapos, sa gitna malalaking building nanaman sa loob nun ay may mga whiteboards at upuan, marami ring rooms, sa likod naman nun malawak na grand stand, katabi ng stadium, at sa pinakadulo, may mga buildings din, doon kami tutuloy, doon ang dormitory ng eskwelahang ito. Tinatamad pa akong maglakad para puntahan kung saang building ba ako tutuloy. Habang nakaupo ako, may tumabi sa aking lalake, maputi at matangkad, pasulyap sulyap sa akin, lumayo ako ng kaunti sa kanya, kase parang may masamang balak sya sa ginagawa niyang pagsulyap sulyap sa akin. "bago ka lang dito diba?" "oo.." "sigurado ka dyan?" "oo nga, bakit ba?" "okay! Hindi ka kasama sa mga kaaway ko!" Anong pinagsasabi niya? "by the way ako nga pala si Albie, ang pinakamagaling at pinakamatapang sa fourth squad!" Tinitigan ko lang sya habang inaabot niya ang kamay niya para makipagkilala sa akin "ano ba yan! Pinapahiya mo naman ako!" kinuha niya ang kamay ko at sapilitan niya akong pinagshake hands. "sabi ko naman sayo kanina, hindi kita kaaway, nasa fourt squad na ako kaya hindi ikaw ang puntirya ko.." "huh?" "hindi ka ba naniniwala sa akin? Nakapatay na ako ng singkwetang tao dito kaya nasa fourth squad na ako, oh diba? ang galing ko!" Mas lalo akong lumayo sa kanya " teka bakit ganyan ang reaksyon mo?" "anong nakapatay?" "huh?nagmamaang maangan ka ba o talagang wala kang alam sa sinasabi ko?" "wa-wala akong alam sa sinasabi mo.." "sigurado ka?!" tumango ako sa kanya "oo, kakaenroll ko lang kanina..." "kung sabagay, required naman kaseng pumasok dito lahat ng mga lalakeng edad labing walo, pero sa sitwasyon mong yan baka mapahamak ka.." "bakit mo naman nasabi?" "wala ka man lang alam sa pinasok mo, dapat nagtanong tanong ka na bago ka pumasok dito, kailangan mong maging handa lagi.." Pakiramdam ko ang dami niyang alam sa lugar na ito, naalala ko yung sinabi ni yaya Melda na delikado nang pumasok dito, hindi ko man lang inalam kung bakit niya nasabi yun. Ang balak ko naman talaga ay magtanong sa kapatid ni yaya Melda "hindi na gaya ng dati ang Memphis, iba na kase ang Head Master dito, yung dating ordinaryong eskwelahan ginawang parang slaughter house ng mga tao..." "anong ibig mong sabihin?" "lumulobo na kase ang papulasyon ng mga kalalakihan sa East, West, South at North Empire, hindi bat required ang mga kalalakihan edad labing walo ang mag aral dito ng isang taon, para mabawasan ang papulasyon ng kalalakihan, pinalitan ng bagong Head Master ang ibang rules and regulation ng eskwelahan." "anong rules and regulation?" "hindi bat, nahati sa lima ang estado ng mga estudyante dito? ang fifth squad, sila ang green collars,ito ang pinakamababang rank sa Memphis High, mga freshmen sila kagaya mo, kailangan nila makapatay ng limampung estudyante sa kahit anong rank para malipat sila sa fourth squad, sa fourth squad naman sila naman ang yello collar, kailngan nilang makapatay ng tatlompung myembro ng third squad at sampung myembro ng first squad para makarating sila sa susunod na rank, ang third squad. Sa third squad naman sila ang red collars, kailangan mong makapatay ng dalawamputlimang myembro ng second squad at labinlimang myembro ng first squad para makarating sa susunod na rank, ang second squad. Sa rank naman na second squad, ang blue collar, kailangan mo makapatay ng dalawampung myembro ng first squad para makarating sa pinakamataas na rank, ang first squad. Kapag nakarating ka na sa first squad o ang mga black collars, at kapag naging myembro ka na nila, siguradong katatakutan ka na rin dito. kailangan mo lang ma maintain ang rank mo sa first squad hanggang sa makalabas ka pagkatapos ng isang taon, pahirapan ang makarating sa rank na yan, at pahirapan ding mabuhay sa lugar na to, ginawa ang kabaliwang yan para mabawasan ang papulasyon ng mga kalalakihan, napaka unfair diba?" Totoo ba tong mga nalaman ko? Alam ng lahat ng imperyo ang tungkol dito? maging sila mama alam din ito? Pero hindi sulusyon ang pagpatay kung lumulobo na ang papulasyon ng mga kalalakihan. Totoong dumadami na ang mga lalake kesa sa mga babae, ang batas na ang babae ang dapat mas mataas kesa sa lalake, ay kinatatakutan nilang masira kaya siguro, ginawan nila ng paraan para mabawasan ang mga lalake sa apat na imperyo. Ang South Empire, sila ang may sakop ng lugar na ito, kaya siguradong may kinalaman sila sa pagbago ng eskwelahan na to. "huy!! Nakikinig ka ba? kanina pa ako salita ng salita nakatulala ka lang..." "nakikinig ako sayo, sabihin mo lahat sa akin ang nalalaman mo tungkol sa lugar na to.." "makipag deal ka muna sa akin" "anong deal naman?" "hwag mo kong papatayin.." "huh? bakit naman kita papatayin?" "myembro ka na ng fifth squad, pwede kang pumatay ng estudyante kahit saang rank or squad man sila galing para makarating ka sa susunod na rank.." "hindi ko gagawin yun sayo lalo nat wala ka namang ginagawang masama.." "ayun na nga ang problema dito, required ang pumatay sa lugar na to kahit wala silang ginagawang masama.." "pero bakit? pwede naman sigurong imaintain ang rank hanggang sa matapos ang isang taon?" "baliw ka ba? ikaw lang ang kilala kong ayaw umangat ang rank, lahat sila nangangarap na maging myembro ng first squad, kung imaimaintain mo ang rank mo na fifth squad hanggang sa makalabas ka dito siguradong mahihirapan ka, ang mga mas mataas na rank sayo, gagawin ka lang utusan o alipin, gusto mo ba yun? Sa loob ng isang taon magiging utusan ka lang?" "pero—" "at isa pa, hindi ka makakaligtas sa pagpatay, alam mo kung bakit?" "bakit?" "nagaganap ang TEN dalawang beses sa isang buwan minsan pa nga tatlong beses sa isang buwan.." "anong TEN?" "tinawag nilang TEN yun dahil kada sampung araw, nagkakaroon ng p*****n dyan mismo, sa stadium na yan, ang mga teachers dito, sila ang pumipili ng mga estudyanteng paglalabanin nila, ang mamatay, talo, ang mabuhay syempre yun ang panalo, mahalagang mabuhay ka dahil dagdag points yun, para umangat ang rank mo.." "se-seryoso ka ba dyan?" "oo, lahat tayo mararanasan yun, kaya dapat, kapag oras nang klase makinig ka, lalo nat kapag tinuturuan tayo sa self defense o sa paggamit ng espada.." " hindi ba pwedeng sumuko na lang kapag ikaw na ang lalaban?" "engot! Ipapapatay ka ng Head Master kapag ginawa mo yun, mag ingat ka lang kapag myembro na ng first squad ang kakalabanin mo..." "dahil sila ang may pinakamaraming napatay na? ganun ba?" "oo ganun na nga, at ang ibig sabihin lang nun, sila ang pinakamagagaling, iwasan mo ang mga nasa first squad, lalo na ang Vice Captain at Captain nila.." "Vice Captain at Captain?" "ang first squad lang ang may Captain at Vice Captain, yung dalawang yun, sila talaga ang kinatatakutan dito, kaya mag iingat ka sa kanila, lalong lalo na yung Vice Captain, halimaw ang tingin sa kanya dito, balita kase dito na lahat ng nagiging roommates niya namamatay, nakikita na lang sa kung saan saan na wala nang buhay, sabi nila, pinapatay sila ni Vice Captain.." Vice Captain? Halimaw? At teka? Parang narinig ko na yung salitang Captain kanina?, kaso hindi ko na maalala dahil sa mga naiisip ko ngayon. "teka nga?! kanina pa ako kwento ng kwento sayo, hindi pa kita kilala.." Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala "ako si Ellire— Elliezer, Ellie na lang itawag mo sa akin, galing ako sa---" "HEP!!" tinakpan niya ang bibig ko, kaya napatigil ako sa pagsasalita " alam mo bang bawal dito ang sabihin kung saan ka nagmula? At kung anong apelyedo mo?" "huh?" "tinawag ang Memphis High na School of Secrets and Lies dahil pinagbabawal dito ang magsabi ng katotohanan tungkol sa pagkatao mo, dahil oras na malaman nila kung saang angkan ka galing, siguradong papatayin ka nila, alam mo naman siguro na ang mga estudyante dito ay galing sa ibat ibang imperyo, kaya hindi mo alam kung kaaway ba o kakampi ng angkan mo ang mga masasalubong mo dito." Kaya siguro ito ang unang naisip ni yaya Melda na puntahan ko kahit delikado, dahil hindi nila ako makikilala dito at maitatago ko ang seal ng East Empire. "pero magkakilala na tayo diba?" "kahit na.." napabuntong hininga sya "pati sa sarili ko nga wala akong tiwala.." "bakit naman?" "may kaibigan ako dati dito, karoommate ko sya, pinatay sya dahil sa akin, nasa second squad na sya, at dahil may tiwala kami sa isat isa alam din namin ang kahinaan ng bawat isa sa amin, hanggang sa isang araw, pinilit akong paaminin ng mga myembro ng third squad kung anong nalalaman ko tungkol sa kaibigan ko, muntik na akong mamatay kaya nasabi ko lahat tungkol sa kanya, pati ang kahinaan niya, kaya kahit sa sarili ko wala akong tiwala.." "ganun ba kasama ang mga tao dito..." Nabuhayan ulit sya ng loob, parang napaka jolly niyang tao,pero pakiramdam ko, tinatago lang niya ang kalungkutan niya sa ngiting pinapakita niya ngayon sa akin "kaya ikaw, kung magkakaroon ka ng kakilala dito, o kaibigan, dapat, pangalan lang ang alam mo tungkol sa kanya.." "tatandaan ko yan.." nginitian ko sya "teka, sino ba yung vie cap----" "nandyan na sila, patay! Kailangan ko magtago!" bigla syang nataranta nang may nakitang limang lalake na palapit sa kinauupuan namin "Ellie, sabihin mo, hindi mo ko kilala, o kaya sabihin mo hindi mo ako nakita, ikaw na bahala magtago sa akin, kailangan ko na umalis..." kumaripas sya ng takbo papasok sa loob ng stadium. Para syang takot na takot dahil pinagpapawisan sya kanina ng makita yung limang lalake. Maya maya lumapit sila sa akin "hoy ikaw! Nakita mo ba tong lalakeng to?!" pinakita niya yung picture sa cellphone niya, si Albie nga ang hinahanap nila "hindi.." "gago yung mandurugas na yun! Tara dun!" Mukang hinahanap nila si Albie, pero sabi niya sa akin kanina, sya ang pinakamagaling at pinakamatapang sa fourth squad? Bakit sya nagtatago? Malamang kabaliktaran yung sinabi niya sa akin kanina 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD