/2/

1753 Words
Chapter two [KINABUKASAN] Hating gabi na nang maitakas ako ng mga maids namin dito sa East Empire, sinamahan ako ni yaya Melda hanggang sa lugar kung saan malapit ang Memphis. "kailangan mo baguhin ang itsura mo, hindi ka pwedeng pumasok doon ng ganyan, dinala ko ang mga gamit ng kapatid mo.." binigay niya saken yung malaking bag na bitbit niya kanina Mga damit at mga gamit pala yun ng kakambal ko, mas naunang pinanganak si kuya Elliezer kesa sa akin, minuto lang ang pagitan naming dalawa Sinamahan ako ni yaya Melda hanggang sa pagpapagupit ng buhok, magkamukha kami ng kakambal ko kaya ipinagaya namin yung buhok niya, mas payat nga lang ako kesa kay kuya Nang matapos na "naaalala ko tuloy ang kakambal mo, kahit sobrang kulit at pasaway niya..." sabi ni yaya " hanapin mo ang kapatid ko doon, nakababata kong kapatid ang naroon, sya ang tinutukoy kong kakilala ko, matutulungan ka niya.." "anong pangalan niya?" "pabago bago sya ng pangalan, pero nasabi ko na sa kanya lahat ng tungkol sayo.." "hindi ba delekado kung sasabihin sa kanya na nagpapanggap ako bilang lalake?" "mapagkakatiwalaan mo sya.." Nagkahiwalay kami ni yaya nang nasa harap na ako ng Memphis High, mag isa ko na lang, nanginginig ang mga tuhod ko, kinakabahan ako, parang gusto ko nang bumalik pero hindi pwede, mas mapanganib sa East Empire Pero itong lugar nga bang to, ligtas ba ako dito? Kailangan kong itago ang seal ng East Empire Kailangan kong lumayo sa lugar na yun. Kailangan ko ring matutong protektahan ang sarili ko, at ang mga taong mahalaga sa akin. Kailangan kong bumalik ng buhay. [Memphis High] Pumasok ako sa loob, nakahawak ako sa bag ko, may sumalubong sa akin na lalake, nakapolo at naka eyeglass "mage enroll?" tanong niya sa akin "oo.." "pumunta ka dun.." turo niya sa opisinang malapit sa gate, maraming kalalakihan ang nakapila doon, mukang doon dumadaan lahat ng bagong estudyante. Sinara na nung sumalubong sa akin kanina yung gate Mukang sya yung gwardya pero hindi halata, bantay lang siguro para sa mga naliligaw na kagaya ko. Nakipila ako sa kanila, nasa pinaka dulo ako ng pila, kitang kita ko ang mga likod ng mga lalakeng nandito, ilang segundo palang akong nakapila may mga sumunod na sa akin Napakarami palang nag eenroll dito araw araw. "hoy ano ba! pila ko yan!" "ako nauna!" "pila ko yan kaya ako ang nauna!" "kanina pa ako nandito, kaya imposibleng nauna ka!" "gago ka ah!" Nagkagulo sa harapang pila, may rambol na naganap, at nagkadamay damay na dahil nagkakasakitan na silang lahat, umiwas ako, at lumayo, dahil natatakot ako nab aka madamay ako Halos panay dugo na ang mga mukha ng mga nakigulo. May mga dumating na aayos sa gulo nila "mga gago kayo ah, bago palang kayo dito nagkakagulo na kayo!" hindi sila mukang teacher, yung mga dumating para tignan yung gulo, mukang kaedad din lang namin "sumama lahat ng mga nanggulo ..." Sumunod naman yung mga nag away kanina dun sa mga dumating na kalalakihan "mga myembro ng first squad ang mga yun.." "lagot na, siguradong papatayin na sila.." "tama ka dyan, balita ko pa nga, mayayabang lahat ng nasa first squad kaya kailangan mag ingat.." "dadating din tayo sa first squad..." "oo nga.." Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, wala akong gaanong alam tungkol dito sa lugar na ito, napahawak ako ng mahigpit sa bag ko, bumalik ulit sa dati yung pila, pero ngayon, malapit na ako sa unahan Marami kaseng nabawas. "next!" Lumapit kaagad ako "dun ka na magsulat, okay next!" Binigyan niya ako ng form, naghanap ako ng lugar kung saan mapagpapatungan ko para magsulat, binasa ko muna yung form bago ko sinulatan. Kagaya to ng form na pinakita kay kuya noon. Tinignan ko ang likod [RULES] [GIRLS ARE STRICLY PROHIBITED IN THIS SCHOOL] [YOU ONLY HAVE ONE YEAR IN MEMPHIS HIGH] 1. Killing is allowed 2. Weak students is prohibited 3. Guns are disallowed 4. Saving your life is a must 5. And you have the permission to protect yourself in many ways ONCE YOU READ THIS FORM, YOU ARE NOT ALLOWED TO LEAVE THIS PLACE! Nailapag ko kaagad yung form, bakit ganito? Bigla akong natakot Lumaki kase ako sa pagmamahal at protektadong pamilya, at ngayon nandito ako sa lugar kung saan ang kalahati ng buhay ko ay na kay kamatayan, para lang maitago ang seal ng East Empire. At para na rin, matutong lumaban. Mabuti at hindi pinapahintulutan dito ang paggamit ng baril, dahil ang baril, ginagamit lang ng mga nasa matataas kagaya ng reyna at hari, prinsipe at prinsesa. "NAPAKABAGAL NIYONG LAHAT! BILISAN NIYO GUMALAW AT IBALIK NIYO YANG FORM SA AKIN!!" Sigaw nung nagbigay ng form Halos ayaw ko pa sanang sulatan yung form, bahala na, nandito na ako, wala nang atrasan to, ginamit ko ang identity ng kakambal kong si Elliezer. Lahat ginaya ko sa kanya. Pinasa ko kaagad yung form "teka, sandali lang.." aalis na sana ako nang tawagin ako "lumapit ka nga.." utos niya sa akin "ba-bakit?" tanong ko Tinititigan niya ang mukha ko, hanggang sa nilibot niya ang tingin niya sa buong katawan ko, kinakabahan ako sa mga tingin niya, lumalabas na ang mga pawis ko sa noo. Tumayo bigla yung nagbibigay ng form "muka kang babae.." bigla niyang sinabi, pero yung mga kasama ko sa pila kanina at pag fill up ng form parang walang narinig. "lalake ako.." "ang payat mo kase masyado, para kang babae.." "lalake talaga ako.." sa sobrang kaba ko hindi na nag iisip ng matino ang utak ko, hinila ko ang kamay nung kausap ko at pinahawak sa dibdib ko "tingin mo pa rin ba saken babae?" tanong ko sa kanya Inalis naman niya agad yung kamay niya, buti na lang at may nilagay ako sa dibdib ko, at buti na lang din flat ang dibdib ko. "oo na sige na..." Nawala ang kaba ko bigla, grabe lang ang pintig ng puso ko habang nakalapat ang kamay niya sa dibdib ko "sa mga tapos na pumunta kayo sa clinic, para makita kung wala ba talagang babaeng nakapasok dito.." ayan nanaman "anong gagawin namin dun?" tanong ko "maghuhubad.." "hu-hubad?" sabi ko sa sarili ko Jusko po! "sigurado naman mamamatay kung may babaeng makapasok dito.." "oo nga.." "wala naman sigurong makakapasok na babae dito.." Reklamo ng mga kasama ko "magsipunta na lang kayo sa clinic! Mga punyeta!!!!" Sabay sabay kaming pumuntang clinic, sumunod din yung lalakeng nagbibigay ng form sa amin, nagpahuli ako para ako, sa pinakadulong pila ako pumunta. Ano ba tong napasok ko? may mga ganito pala sa eskwelahang ito. Oras ang hinintay ko sa sobrang dami ng estudyante, at ngayon malapit na ako, sobrang lapit ko na. "next!" Pumasok ako sa clinic, nakaupo yung lalakeng nagbibigay ng form kanina dun sa tabi nung doctor " Doctor Mariko, ikaw na muna bahala dito, tinatawag ako sa labas.." Nakampante na ako nang lumabas na yung lalakeng nagbibigay ng form, eto na lang doctor ang problema ko ngayon, nakatayo ako sa harapan niya habang nakaupo sya sa tapat ng table niya. "oh ano pang hinihintay mo? Hubad na.." Hindi ko ginawa yung sinasabi niya, nakatayo parin ako sa harapan niya at sobrang pawis na pawis, natakot ako sa sinabi nung mga kasama ko kanina na papatayin nila kung may babae silang makita na pumasok dito. "ano na? magtititigan lang ba tayo?" Hindi sya babae, mukhang babae lang sya pero ang boses niya lalake, siguradong bakla tong kaharap ko. No choice na ako Kailangan kong gawin to. "nakikiusap po ako, hwag niyo po akong isusumbong, nakikiusap po ako.." lumuhod ako sa harapan niya "patawarin niyo po ako, kailangan ko lang talagang lumayo sa amin, nakikiusap ako hwag niyo kong papatayin..." Hindi ako nakarinig ng ano mang salita, nakaluhod lang ako habang nakayuko sa kanya. Hanggang sa. "got you Ellie..." kilala niya ako? Napatayo ako bigla "ikaw si Ellie diba? kase kamukha mo tong pinasang picture ng ate ko sa akin.." "paanong—" "Elliereen Melan Sarutobi, ang babaeng anak ni Jade Sarutobi na Reyna ng East Empire, Am I right? Your majesty?" Napaupo ako sa sahig dahil sa nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kanina, sobrang kaba ko na kanina, sya ang kapatid ni yaya Melda, sya yun! "grabe kinabahan talaga ako kanina..." napahawak ako sa bandang dibdib ko "nanigurado lang ako kung ikaw nga yan, anyway, alam ko na lahat, hindi mo na kailangan gawin yung pinapagawa ko sayo, dahil ayokong makakita ng katawan ng babae..." natawa ako sa sinabi niya "kailangan mo magdoble ingat dito, nakaligtas ka ngayon, pero hindi ko masisigurado ang kaligtasan mo sa labas ng clinic ko.." "pero tutulungan mo naman ako diba?" "kung hanggang saan ang makakaya ko, matutulungan kita, sinabi na sa akin ng losyang kong ate ang lahat tungkol sayo, hindi mo na kailngan magpaliwanag.." "salamat.." "hwag ka muna magpasalamat, wala pa akong nagagawa sayo noh!" "HOY DOKTOR TAPOS KA NA BA?" sigaw nung lalake kanina na umalis, tumayo kaagad ako "yep, im done, clear lahat.." may inabot syang folder dun sa lalake at sabay kumindat sa akin. "oh ikaw, lumabas ka na dito.." utos nung lalake sa akin. Lumabas na rin ako, medyo nawala ang konting kaba ko dahil may nakakakilala na sa akin dito na pwede kog pagkatiwalaan. Naglakad lakad ako, ang daming estudyante ngayon ang pakalat kalat dito, gusto ko pa sanang magtanong sa doctor na yun kaso may kasama naman sya ngayon sa clinic. Next time na lang Habang naglalakd ako, nakikita ko ang ibat ibang ginagawa ng mga estudyante dito, may nambubully, may nanunutok ng kutsilyo, may nag aaway sa bandang likod ng building At may----- "ANO BA! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO! GAGO KA AH!" Nakadumbo ako, apat sila, at ang lalaki ng katawan nila "pasensya na.." "sa susunod ha?! Tumingin ka sa daan! Nang hindi mo kami nasasagi!" hinawakan niya ang damit ko na para bang nanghahamon ng away sabay tulak sa akin bigla Kaya na out of balance ako. Napapikit ako kase alam ko babagsak na ako sa lupa Pero hindi. May naramdaman akong kamay na sumalo sa akin, may humawak sa dalawang balikat ko, dahilan para hindi na ako tuluyang mahulog pa sa lupa,nilingon ko agad kung sino, dalawang lalake ngayon ang nasa likuran ko, yung isa nakatayo sa gilid ko, naka half mask sya ng black, habang itong lalakeng nakahawak sa akin, nakahood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD