/7/

1819 Words
Chapter seven ELLIE'S POV'S [FIELD] Nasa pangatlong klase na ako, nagsasanay kami dito sa field habang tirik ang araw, pawis na pawis ako habang tinuturuan kami ng mga basic moves. Kahit papaano ay nakakasunod naman ako sa tinuturo nila Madali rin akong makatanda ng mga sinasabi nila, lalo na sa sel defense, habang tumatagal, parang nawawala ang kaba ko sa paghawak ng espada ko. Kung dati parang nabibigatan ako, ngayon paranjg ang gaan gaan na niyang dalhin at gamitin. Habang nageensayo kami dito sa field napansin ko yung dalawang lalakeng nakatayo sa malayo, tinitigan kong mabuti kung sino sila, dahil kanina pa sila, nakatingin dito sa amin. Si Jin at si Captain ba yun? Ako kaya ang tinitignan nila? Parang ako nga dahil siguro sa paggamot ko sa sugat ni Jin, nako naman oh! Hindi ko na sila pinansin pa, hanggang sa natapos na yung klase ko, hindi ko na sila nakita pa, siguradong pinag uusapan ako ng dalawang yun dahil sa ginawa ko. Kagaya nga ng sabi ni doktor Mariko, hindi nagpapagamot si Jin. "ELLIE!!!" sigaw ni Albie na patakbo ngayon papunta sa akin Inakbayan niya agad ako nang makita akong naglalakad dito sa gitna ng field "bakit?" tanong ko "nakita kase kitang naglalakad kaya hinabol kita..." Nakaakbay parin sya sa akin, nakakailang, ginagalaw ko na nga balikat ko para tanggalin niya pero hindi ata niya mapansin na naiilang ako sa ginagawa niya Babae parin ako noh, kaya ko nararamdaman to. "knock knock.." bigla syang nagsalita "huh?" "sabihin mo who's there.." "bakit?" "hay! Ellie naman makiride ka naman, pag sinabi kong knock knock, sagutin mo ng who's there?" "oo na.." "knock knock!" "who's there?" "Albie..." "Albie?" "sabihin mo Albie who?" "fine, Albie who?" "eheem.. ehem... ALBIE YOUR CRYING SHOULDER~~~ AAALLBIEEE THE GREATEST FAN OF YOUR LIFEEE~~~~" bigla syang kumanta Alam ko naman yung ginawa niya, hay nako laging ginagawa yun ng kakambal ko sa akin, kaso hindi ko agad na gets na yun pala ang gusto niyang gawin hahaha, na slow ako. "oh diba?! gusto mo pa ng isang knock knock?" "tama na.." "pero marami pa...." "uy Ellie—teka? Bakit nandito ka?"sabi ni Justine kay Albie, bigla namang sumulpot din si Justine sa harapan namin habang naglalakad kami ni Albie Hindi namin sya napansin kaagad. "ikaw? Bakit nandito ka?" tanong naman ni Albie sa kanya "pinuntahan ko si Ellie, at ikaw?" "pinuntahan ko rin si Ellie..." sagot naman ni Albie "wag nga kayong mag away..." awat ko "Ellie, tara sa canteen sabay tayo kumain.." aya ni Justine "sama ako.." sabat naman ni Albie "hindi pwede.." –Justine "at bakit?"-Albie "kase ayoko" –Justine "hep!hep!" awat ko nanaman sa kanilang dalawa "isama na lang kaya natin sya Justine?" suggest ko "oo na sige na.." [CANTEEN] [HABANG KUMAKAIN] "wala naman bang ginagawang masama sayo yung karoommate mo?" si Justine ang bumasag sa katahimikan naming tatlo habang kumakain "wala naman.." "sino ba karoommate mo?" tanong ni Albie Nagtinginan kami ni Justine, kailangan ko bang sabihin kung sino?, pero malalaman at malalaman sin naman nila na si Jin ang karoommate ko kaya mas mabuting sabihin ko na lang "si Jin.." sagot ko "YUNG VICE CAPTAIN NG FIRST SQUAD!?" binatukan naman kaagad ni Justine si Albie dahil sa ingay niya "pasensya naman, grabe ka Justine..." reklamo niya "oo sya nga.." sagot ko "hindi bat, lahat ng nakakasama niya sa dorm ay namamatay? Buti at wala pa syang ginagawang masama sayo? Kung ako sayo Ellie, umalis ka na sa dorm nay un, lumipat ka ng kwarto.." sabat ni Albie "sa tingin mo pwede niyang gawin yun? Engot ka talaga!" sabi ni Justine Ano bang pwede kong sabihin sa kanila? Hindi ako pwedeng magkwento tungkol kay Jin at kay Captain, lalo na sa sinabi sa akin ni Captain noon na gagawa sya ng special training para sa akin kung malaman ko ang sikreto ni Jin at makatagal ako ng isang linggo kasama sya. Hindi na ulit ako nagsalita, kumain na lang ulit ako habang pinakikinggan ang bangayan nung dalawa sa harapan ko, kung alam lang siguro ni Albie na babae si Justine baka magkagustuhan pa sila ******** [Building 1 room 8] Bumalik ako sa dorm para kumuha ng extra na damit, naka uniform ako, may green collar ang uniform ko, dahil nasa fifth squad ako, basa ng pawis kase ang uniform ko. Pagkabukas ko palang ng pintuan ng kwarto, nakita ko agad si Jin na katayo sa harapan ng pinto at naka cross arm habang nakatingin sa akin ng masama. nakakagulat naman sya "ikaw ba gumamot saken?" I nodded "sinabi ko bang gawin mo yun?" "eh kase—" "shut up! ako lang ang pwedeng magsalita.." "wow ah.." bulong ko "I don't need your help, specially your pity..." "ginawa ko lang naman yun kase—" "sinabi ko na bang magsalita ka?" Umalis sya sa harapan ko, grabe na sya malala na sya talaga, ano bang meron sa kanya at napaka allergic niya sa tao? Taga ibang planeta ba sya at ganyan sya kung umasta? ******** [KINABUKASAN] [8:00 pm] Pagdating ko kanina sa kwarto nakaidlip kaagad ako, napagod ako sa buong araw na to, na panay espada ang hawak ko, nakakangalay at nakakasakit sa braso. Tinignan ko yung oras, 8 pm na pala? Napakamot ako ng ulo ko habang bumabangon sa kama ko, wala pa pala si Mr. allergic sa tao Nagutom ako bigla kaya lumabas ako ng kwarto, umuulan at kumikidlat pala sa labas, wala ng payong payong tinatamad na akong bumalik sa kwarto ko dadaan na lang ako sa mga may silong para hindi ako gaanong mabasa Lumabas na ako ng dorm at papunta na ako ng canteen,dala ko espada ko, kahit late naman na bukas parin ang canteen namin. Kahit noodles lang sapat na, kumukulo na talaga tiyan ko Habang naglalakad ako papuntang canteen nakahawak pa ako sa tiyan ko, muka akong kawawa gutom na gutom, natulog lang ako sandali, nagwawala na bigla yung mga internal organs ko Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong ingay ng nag aaway malapit sa kinatatayuan ko ngayon, parang tumatawa ng mala demonyong tawa yung isa. Hindi ko pinansin nung una pero nang. "magiging sikat ako ngayon sa eskwelahang ito dahil ako ang makakapatay sayo Jin!" Narinig ko ang pangalang Jin, rinig ko yung sinabi niya kay Jin, napahanap ako kung saan ba nanggagaling yung nagsalita, imbes na pumunta akong canteen umiba ng direksyon ang mga paa ko. Parang kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa naririnig kong ingay. Habang papalapit ako ng papalapit, nakakarinig ako ng parang ungol ng nasasaktan, pakiramdam ko may pinapahirapang tao sa pupuntahan ko ngayon. Dinala ako ng paa ko sa likod ng classroom building, madilim, pero kitang kita ko yung dalawang taong naroon na basang basa na sa ulan. Yung isa nakahiga, habang yung isa, may hawak na espada at nakatayo ngayon sa harapan nung lalakeng nakahiga habang tinatadyakan ito. "tumayo ka Jin! HAHAHA!" sigaw nung lalakeng nakatayo Si Jin? Sya ba yun? Napatakbo na lang ako nang iniangat na nung lalake yung espada niya para kay Jin, malapit lang naman ako sa kanila kaya kaagad kong naharang yung lalakeng mananakit sana kay Jin Halos mapaatras ako nang tumama ang espada niya sa espada ko "AT SINO KA!?" sigaw niya sa gitna ng madilim na lugar na ito Basa na rin ako, nilingon ko si Jin, parang wala na syang malay, akala ko ba magaling sya sa pakikipaglaban? Pero bakit ganito? Natalo sya ng isang kagaya nitong nasa harapan ko? Mas malaki naman ang katawan ni Jin kesa dito sa lalakeng to, parang pagdumating ang signal number two na bagyo wala na tong lalakeng to. "UMALIS KA DYAN KUNG AYAW MONG MADAMAY!" sigaw niya sa akin Kahit medyo magkasingkatawan lang kami, nakakatakot parin sya, para kase syang praying mantis, payat pero mukang may laban. Hindi ko sya sinagot, dahil na rin sa umaagos na tubig na nanggagaling sa ulan na bumubuhos ngayon sa mukha ko, ang lamig pa, nakakaasar, ano ba kaseng ginagawa ni Jin bakit hindi pa sya tumatayo? "AYAW MONG UMALIS?" Hinampas hampas niya yung espada niya, mabuti na lang at nahaharang ko, pero nabitiwan ko ang espada ko, patay na! natamaan niya ang pisngi ko, nasugatan pa ako sa pisngi Ang hapdi. "DALAWA NA KAYONG PAPATAYIN KO!" sigaw ng lalake sa akin Kinakabahan ako, nakatutok ang espada niya sa akin, ano mang oras pwede akong matamaan nun, tumayo ka dyan Jin! Ano ka ba! Sa sobrang bilis ng pangyayare, bigla na lang natumba yung lalakeng nasa harapan ko, parang may tumamang kung ano sa likuran niya. "shuriken?" shuriken yung nakita kong nakadikit sa likuran nung lalake kanina na ngayon, wala na atang buhay. May lumapit na lalake sa amin, agad niyang pinuntahan si Jin. "Captain?" "dalhin natin sya sa kwarto niyo.." Tinulungan ko syang alalayan si Jin, grabe ang bigat pala niya, ilang kilo kaya tong lalakeng to, bakit ba kase hindi sya lumaban? Engot ba sya? Magpapakamatay ba sya? [BUILDING 1 ROOM 8] Pinahiga namin sya sa kama niya kahit basang basa sya, humihinga pa naman sya, pero ang dami niyang pasa sa braso, yung praying mantis na yun siguro ang may kagagawan neto. Parang nabali ata mga buto ko, ang sakit ng balikat ko "Captain ikaw ba yung gumamit ng shuriken?" tanong ko habang nakaupo sya sa kama ni Jin "ako nga, at ako lang ang gumagamit niyan dito, trademark yan ng Captain ng first squad.." Para akong bata na namangha sa kanya, ngayon lang ako nakakita sa personal nun, alam ko hinahagis yun at halos wala namang gumagamit nun sa labas ng Memphis. Mabalik nga kay Jin "bakit hindi sya lumaban?" Ngumiti lang si Captain at tumitig sa akin, isa pa tong wirdong to. "edi alamin mo kung bakit" "sabi niya hindi ko sya pwedeng kausapin, edi mas lalong hindi ko sya pwedeng tanungin, ikaw ang nakakakilala sa kanya kya alam mo lahat at alam mo rin kung bakit hindi sya lumaban kanina.." "alam ko naman talaga ang dahilan, pero, hindi ko sasabihin sayo, its for you to find out Ellie, malapit mo na magawa yung una mong assignment sa akin, nakakailang araw ka na dito..." Oo nga noh? Ilang araw na rin akong nandito sa Memphis, malapit na akong magi sang linggo! Tumayo sya para umalis, pero bago umalis sinagi pa niya yung sugat ko sa pisngi "aray!" "magiging peklat yan, gamutin mo agad..." "alam ko.." "bantayan mo si Jin, Nangangagat yan kahit tulog hahahahaha!" at tuluyan na syang lumabas ng kwarto namin. Tinignan ko si Jin "utang mo nanaman buhay mo saken, pero pati salamat pinagdadamot mo sa akin, sabagay magsalita nga pinagdadamot mo sa akin salamat pa kaya? Psh!" Kinakausap ko yung walang malay Haaaayyy ELIIE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD