Chapter eight ELLIE'S POV'S [KINABUKASAN] Nakatulog parin yung lalakeng allergic sa tao. Maaga akong nagising at maaga ring pumunta dito sa room namin si Captain, inutusan niya akong lagyan ng ointment yung mga pasa ni Jin sa mukha. Hindi naman ako tumanggi tutal tulog pa sya. Nakaupo ako sa gilid niya habang nilalagyan sya ng ointment na bigay ni Captain. Nagtataka parin ako kung bakit hindi lumaban si Jin sa lalakeng pinagkaitan ng taba sa katawan, kung kasing galing ko si Jin, siguradong matatalo ko sya, pero bakit hindi man lang sya lumaban? Nakakacurious ka talaga Jin, halatang napakadami mong tinatagong sikreto sa pagkatao mo. Kung hindi lang kita roommate malamang wala akong pakealam sayo, napakasungit mo kase masyado, ang dali dali ko kaseng maawa, lalo na sa mga taong nan