Chapter 2

1945 Words
Pagkatapos namin gawin ni Drynt ang kaniyang assignment ay pinatulog ko na siya. Pinapanood ko siya habang humihimbing na ang kaniyang tulog. Hinahaplos ko ang kaniyang buhok. Hindi ko mapigilang tumulo ang butil ng luha dahil naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Nawalan ako ng trabaho. Kahit mahirap pa ang trabaho ko na 'yon, mas mahirap kung wala akong trabaho, maliban sa paglalaba. Hindi sapat ang perang kinikita ko sa paglalaba para matustos namin ang pangangailangan naming mag-ina. Pinunasan ko ang aking luha at maingat akong umalis sa papag para magawa ko naman ang trabaho ko ngayong gabi dahil bukas ay kukunin na ng kapitbahay na nagpapalaba sa akin. Mabuti nalang ay binigyan niya ako ng pera pambili ng mga sabon at fabric conditioner. Iniisip ko ay maswerte pa rin ako dahil mababait naman ang mga nagpapalaba sa akin. May konsiderasyon pa rin sila. Sa kalagayan ko ngayon, wala akong panahon para ifrustrate ang sarili ko. Nawalan man ako ng trabaho ngayon, bukas na bukas din ay pupunta ako sa bayan para maghanap ng bagong trabaho. Ang turo sa akin ni papa, ganito talaga ang buhay. Sa umpisa ay magagawa akong tangayin ng alon upang maibalik ako sa dalampasigan upang magsimula sa una. Pero kapag kaya ko na daw, magagawa ko na daw makipagsabayan sa agos ng buhay. Magagawa ko daw dalhin ang sarili ko kung saan ang tatahakin nito. Pagkatapos kong maglaba ay mahina kong pinagsusuntok ang iba't ibang parte ng aking katawan. Sinilip ko si Drynt sa papag. Mahimbing na ang kaniyang tulog. Lihim ako napangiti sa aking sarili. Masasabi ko na mababaw talaga ang aking kaligayahan. Kahit kaming dalawa lang ni Drynt ay masaya na din ako. Sa hirap man o ginhawa. Binawi ko din ang aking tingin. Maghihinaw naman ako ng aking sarili bago man ako tumabi sa kaniya sa pagtulog. ** Tulad ng kinagawian ay hinatid ko ang anak ko sa paaralan. Medyo nagmamadali kami dahil baka maleyt na ito sa klase. Kulang man ako sa tulog ay hindi ibig sabihin n'on ay hindi ko itutuloy ang plano ko na makapaghanap ng bagong trabaho. May mga nakakasabayan din kaming mga kaklase ni Drynt. Diretso silang pupunta sa Day Care School. May dumaan pa na itim na kotse sa gilid namin. Sinundan ko 'yon ng tingin hanggang sa tumigil iyon sa harap ng paaralan. Dahil ilang hakbang nalang ay mararating na namin ang silid. Tumigil ang sasakyan. Nagbukas ang isa sa mga pinto n'on hanggang sa lumabas mula doon ang teacher ni Drynt, kung hindi ako nagkakamali ay tinatawag nila itong teacher Raghnall. Tulad kahapon ay ganoon pa rin ang tindig niya. Pampropesyonal din ang kaniyang kasuotan. O sadyang mahilig lang siyang magsuot ng long sleeves polo shirt at slacks? Napansin ko din na tanging accessory lang niya ay relo na yari sa ginto. Kusang tumigil ako sa paglalakad nang nahagip niya kami ng tingin. Hindi ko lang maitindihan kung bakit kinakailangan kong lumunok nang grabehan nang nagsimula na siyang maglakad patungo pa sa direksyon namin. Tumigil lang siya nang mismong nasa harap na namin siya. "Good morning, teacher Raghnall!" masiglang bati ni Drynt sa kaniyang guro. Tumingin ito sa kaniya. Ginawaran niya ito ng ngiti. "Good morning din, Drynt. How are you?" malumanay niyang tanong. "Mabuti po, teacher!" bulalas pa ng aking anak. Tumingala siya sa akin. "Mama, papasok na po ako. Baka naghihintay na po ang mga kaibigan ko." paalam pa niya. "S-sige." Bumitaw siya mula sa pagkahawak niya sa aking kamay. Mabilis siyang naglalakad patungo sa silid-aralan. Tanging naiwan ako dito, kasama ang kaniyang guro. Nagkatinginan kami ni Sir Raghnall. Ngumiti siya sa akin. "Good morning." bati niya sa akin. Bahagya akong yumuko. Dumapo ang tingin ko sa sementadong daan. Hindi ko siya kayang tingnan nang mata sa mata. "Magandang araw din po, Sir Raghnall..." balik-bati ko. "Salamat po pala sa pagtuturo ninyo sa anak ko." "It's my job, anyway." sagot niya. "Drynt is a bright pupil. Madali para sa kaniya na mapick up ang mga lessons. Ang nakakatuwa lang sa kaniya, kapag hindi niya naiitindihan ang lesson, hindi siya nag-aalangan na magtanong. Marunong makisama sa mga kaklase niya." Lihim ako napangiti. "Kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, si Drynt nalang ang pag-asa ko para matupad niya ang mga pangarap niya na hindi ko nakuha noon. Ayokong maranasan niya ang buhay ng mahirap." wika ko pa. "I understand. Lahat naman ng in ay gagawin para sa anak." segunda pa niya. "S-sige po, Sir Drynt. Kailangan ko na po umalis. Maraming salamat po ulit." hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin. Tinalikuran ko siya't binilisan ko ang paglalakad ko. ** Kahit mataas ang tirik ng araw ay sige pa rin ang paglalako ko ng mga damit. Ang sabi kasi ng bago kong amo, makabenta lang ako ngayong araw, ayos na. Maswerte pa rin ako dahil nakahanap ako ng trabaho. Isang tindera naman dito sa Palengke. Hindi bale, ayos na din ito. Ang importante, may trabaho ulit kahit wala akong alam sa pagbebenta. May mga tumitingin ng mga damit na inilalako ko, ang iba ay tumitingin pero hindi bibili. Meron naman dinadaanan lang. Ang iba naman ay nagtatanong lang. Hindi bale, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Mamaya, pagkasundo ko mamaya kay Drynt, dadaan kami ng Simbahan para magpasalamat dahil hindi kami pinabayaan ng Panginoon. "Ate, ano pong hanap?" tanong ko sa mga babaeng tumitingin ng mga floral dress na nakadisplay lang sa labas ng tindahan. Hindi ako nito sinagot. Hindi ko alam kung nakakatakot ba ang approach ko sa kaniya eh bigla siyang lumayo. Binalewala ko nalang pero hindi ibig sabihin n'on ay naputol ang pisi ko o ano. Kumawala ako ng marahas na buntong-hininga at pinaypayan ko ang sarili ko. Hindi ko ininda ang init dito sa labas. Kailangan kong makabenta ng isa hanggang tatlo ngayong araw. 'Yon lang naman ang bilin sa akin ng amo ko. Pero hindi pala ganoon kadali kapag nagbebenta ka. May isa pang babae na lumapit sa mga damit. Medyo natigilan ako nang makita ko ang kaniyang postura. Isang mestiza at maganda siya sa paningin ko. Base sa kasuotan niya, masasabi mong pormal at may pinag-aralan ang isang ito kahit napakasimple ng kaniyang damit. Ang kinis pa niya, animo'y nakakatakot dumikit sa kaniya dahil baka masugatan o madumihan. Tumikhim ako saka dinaluhan siya. "A-ano pong hanap ninyo, ate?" lakas-loob kong tanong sa babae. Tinanggal niya ang kaniyang tingin sa mga damit. Bumaling siya sa akin. Nagtama ang mga paningin namin. Pamilyar sa akin ang mga mata niya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Matamis siyang ngumiti. "Naghahanap ako ng mga damit pambata." kahit boses niya, masyadong malumanay! "Naku! Meron po kaming damit pambata. Gusto ninyo po bang makita?" bulalas ko. Tumango siya pero hindi mawala ang kaniyang ngiti. Nilahad ko kung nasaan ang daan para maipakita ko sa kaniya ang mga damit pambata. Pinaupo siya sa isang upuan. Ipinakita ko sa kaniya ang mga damit pambata na meron kami. May lumapit pa na dalawang lalaki. Hindi naman sila mukhang masamang tao, naka-business suit ang mga ito! "Papakyawin ko na lahat ng damit pambata ninyo dito." nakangiting sabi niya sa akin. Umawang ang bibig ko. "H-ha?" binigyan ko siya na hindi makapaniwalang tingin. "Bibilhin ko lahat ng mga damit pambata ninyo dito." ulit pa niya. "S-seryoso po kayo?" bulalas ko. Tumango siya nang mas malapad pa ang kaniyang ngiti. "Yes. Idodonate ko kasi ang mga ito sa mga bata na nasa Orphanage." tugon pa niya. Tinawag ko ang amo ko para kwentahin niya ang mga damit na binili ng babae na nakausap ko. Kahit siya ay hindi makapaniwala na papakayawin ang mga damit. Ang mas nakakagulat pa ay on cash pa ang bayad niya sa amin! Pareho kaming tuwang-tuwa sa grasya na natanggap namin. Tumulong kami sa pagbabalot ng mga damit at ang dalawang kasama niyang lalaki ang nagbuhat ng mga iyon para ipasok sa sasakyan na dala nila. "Maraming salamat po talaga!" masayang pasasalamat ko sa babaeng bumili sa akin. "Don't mention it. Alam kong nangangailangan ka din." sabi niya. "And I destroy a building you to used to work before." Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin niya doon? Marahan siyang tumawa sabay iwinagawayway ang mga daliri niya sa ere. "Oh, don't mind me. By the way, may I know what's your name?" "Nevie. Nevie Ochoa." Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "Rutilia Castellanos. Glad to meet you, Nevie." nakangiti niyang sambit. ** Napasapo ako sa aking dibdib. Hapong hapo akong nakarating sa paaralan ni Drynt. Aminado akong nalate ako dahil sa trabaho ko. Kung hindi ko pala nasabi sa amo ko na may anak ako na naghihintay sa akin, hindi niya ako mapapayagan. Masyado lang siyang nacarried away dahil sa nangyari kanina. Ubos na kasi ang paninda naming mga damit pambata. Ilang beses niyang sinasabi sa akin na ako daw ang lucky charm ng kaniyang negosyo. Kung hindi daw dahil sa akin, wala kaming maibenta ngayong araw. Dahil d'yan ay nadagdagan ang sweldo ko ngayon. Hulog ng langit sa akin si Miss Rutilia Castellanos kaya ganoon. Tumayo ako ng tuwid para puntahan ang paaralan. Wala na kasi akong nakikitang mga magulang at ibang bata dito. Pero nakabukas ang pinto. May naririnig akong tawanan mula sa loob. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto hanggang sa tumambad sa akin sina Drynt at ang guro nitong si Sir Raghnall. Mukhang nagkakatuwaan silang dalawa. May kinakain pa sila. Ibig sabihin nagpadeliver sila ng pagkain na fast food? "Kapag may oras ako, dadalhin kita doon para makilala mo si Mickey Mouse." rinig ko mula kay Sir Raghnall nang nakangiti. "Talaga po, teacher?!" namimilog ang mga mata ni Drynt nang sambitin niya ang mga bagay na 'yan. "Oo naman, basta sasamahan kitang magpaalam sa mama mo. Sana mapayagan ka niya—" napatingin siya sa aking gawi. "Oh, speaking!" tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. "Narito na ang mama mo, Drynt." Lumingon sa direksyon ko si Drynt. Gumuhit ang kasiyahan sa kaniyang mukha nang makita niya ako. Umalis din siya sa kaniyang kinauupuan. "Mama!" tumakbo siya palapit sa akin upang gawaran niya ako ng mahigpit na yakap. "Bakit po ngayon lang kayo?" Dumapo ang isang tuhod ko sa sahig. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. "Pasensya na, anak. Naging busy sa trabaho si mama. Hayaan mo, babawi din ako. Maganda din naman ang kinita ko ngayong araw." dispensa ko pa. "Talaga po, mama?" mas lalo siya nasiyahan sa naging balita ko. "Mabuti nalang po, hindi po ako iniwan ni teacher Raghnall. Nagkwentuhan po kami, naikwento niya sa akin na nakarating na siya sa Disneyland Hong Kong! Nakilala niya daw po sina Mickey Mouse, si Minnie Mouse, at marami pa pong iba na cartoon character!" Napatingin ako kay Sir Raghnall na ngayon ay nakapamulsa. Nakangiti siya sa akin. "Pasensya na, iyon lang kasi ang maikwento ko sa kaniya. Tungkol sa childhood ko." Tumayo ako at umiling. "Ayos lang po 'yon. Pasensya na din po sa abala na tingin ko ay may pupuntahan dapat kayo—" "No, it's okay. Kung hindi nangyari ito, hindi ko malalaman kay Drynt kung anong kalagayan ninyong mag-ina. He told me how wonderful mother are you." "Sir Raghnall..." "Tomorrow is Saturday. I wanna invite you for a coffee. Wait, should I call you Mrs. Or Miss...?" "Nevie nalang po, Sir." "Alright. I wanna invite you for a coffee tomorrow, Nevie. I don't mind if you take Drynt to get along with us. I hope you're available tomorrow." "Titingnan ko pa po, sir. Pasensya na talaga... At salamat sa pagbabantay ninyo sa anak ko." "It's amazing how strong you are, Nevie. You're really brave to raise and love your son more than yourself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD