Chapter 1

2207 Words
Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi saka inangat ang aking tingin kay Drynt na kasalukuyan ay pinapanood ako hanggang sa matapos kong sintasin ang pinaglumaan niyang sapatos. Tumayo siya't inayos ko naman ang suot niyang uniporme para sa gayon ay maging presentable naman siya tingnan sa oras na makaharap na niya ang kaniyang mga kaklase at ang guro niya. Kinder na siya ngayon at ipinasok ko siya sa paaralan na pagmamay-ari ni Ma'm Fatima Alonzo. Napag-alaman ko kasing libre lang ang matrikula, may mga binibigay din naman silang mga gamit-pang eskuwela. Hindi ako nagdalawang-isip na ipasok ang nag-iisa akong anak dito. Kahit na medyo malayo ang paaralan na ito mula sa amin, walang kaso sa akin 'yon. Pilit ko pa rin siyang ihatid-sundo. Pilit ko din na hindi mahuli sa oras ng trabaho. "Ang galing mo talaga, mama." puri sa akin ng anak ko sabay ginawaran niya ako ng matamis na ngiti, may pahabol pa siyang mahigpit na yakap. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata saka niyakap ko din siya pabalik. Ramdam na unti-unti din siya kumalas mula sa pagkayakap. "Baka ma-late na po ako, mama." Mahina kong itinampal ang aking noo. "Oo nga pala." tumayo na din ako. Nilahad ko sa kaniya ang isa kong palad. "Kailangan mo nang pumasok. Tara't ihatid na kita." Hindi siya nagdalawang-isip na hawakan niya ang isang kamay ko. Isinabit ko naman ang kaniyang bag sa aking balikat. Sabay na kami lumabas sa maliit na bahay. Tinungo namin ang terminal ng tricycle para madali para sa amin na marating ang paaralan. Hindi ako ipinanganak na mayaman. Nag-iisang anak lang ako kaya sagana ako sa pagmamahal ng mga magulang ko. Pero dahil sa hirap ng buhay ay grade 10 lang ang natapos ko. Doon din ako nagpasya na luluwas ng Maynila para mamasukan bilang katulong. Doon ay nakilala ko ang ama ni Drynt, si Kayden. Anak siya ng amo ko. Guwapo, elegante niyang tingnan kahit sabihin natin na nagsusuot siya ng pinakasimpleng damit. Mataas ang pinag-aralan. Kolehiyo pa siya noong nakilala ko siya. Hindi ko lang din inaasahan na mabubuo ang pag-ibig sa pagitan naming dalawa hanggang sa ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya. Dala na din ng bugso ng damdamin at nabuo nga si Drynt. Nang nasabi ko sa kaniya na nagdadalang-tao na ako, iniwan niya ako sa ere na walang pakundangan. Nalaman din ng kaniyang ina tungkol sa aming dalawa kaya pinalayas niya ako. Binalaan pa ako na kung hindi daw ako aalis, ipapakulong niya ako. Kaya pinili kong umuwi nalang ng probinsiya. Hinarap ko nang mag-isa ang mga magulang ko at sinabi ko sa kanila tungkol sa kalagayan ko. Noong una, umiiyak si mama habang si papa naman ay galit na galit dahil sa ginawa sa akin ni Kayden. Pero hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin ako pati ng anak na nasa sinapupunan ko. Ang buong akala ko ay hanggang doon nalang ang magiging kalbaryo ko. Hindi pa pala tapos. Isa si papa sa mga namatay na inanod ng dagat habang nasa kalagitnaan sila ng pangingisda. Si mama naman ay inatake sa puso nang nalaman namin tungkol sa nangyari sa aking ama. Kaming dalawa ni Drynt ang naiwan nila. Sa akin nalang umaasa ang anak ko. Ako ang magiging sandingan niya hanggang sa paglaki niya. Wala na akong ibang maasahan, bukod sa sarili ko. Kaya ipinangako ko na gagawin ko ang lahat para kay Drynt. Susuportahan ko ang lahat ng bagay na kailangan niya. Kahit magdodoble pa ako ng kayod para maibigay ko lang sa kaniya ang buhay na hindi ko nalasap noon. Ayokong lumaki siya na mararanasan din niya ang hirap ng buhay na tulad nang nararanasan ko. Tila natauhan ako nang bumitaw mula sa pagkahawak sa akin si Drynt. Napasinghap ako nang makita ko siyang umaribas ng takbo patungo sa paaralan. May tinawag siya ang pangalan ng batang lalaki na tila hinabaol niya ito. Tumigil ang tinawag niya at lumingon ito sa kaniya. Umawang ang bibig ko nang makita ko na masayang nakikipag-usap ang anak ko sa bata. Nakasunod lang ako sa kanila. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tila nakahinga ako ng maluwag dahil napansin ko ay magiging maayos lang ang anak ko. Na may kaibigan siya na masasandalan habang wala ako't nasa trabaho. Nabawasan ang pag-aalala sa aking puso. Nang marating namin ang Daycare ay ipinagtataka ko kung bakit tila may mga kababaihan na nagkukumpulan doon. Hindi naman ganito ang nadadatnan ko sa tuwing hinahatid-sundo ko si Drynt. Tila ngayon lang nangyari ang ganito. Kahit ang mga nanay ay para bang nakikipagtalo sa mga dalaga "Ang guwapo talaga niya!" rinig kong bulalas ng isang babae sa hindi kalayuan. "Sino bang mag-aakala na kakilala din pala ito ni Ma'm Fatima? Nakakatuwa naman, may lalaking teacher na dito!" Pinili ko nalang na huwag pansinin ang mga pinag-uusapan nila. Dinaluhan ko si Drynt saka tinawag ko siya. Humarap siya sa akin na malapad ang ngiti. Yumuko ako nang bahagya. "Anak, galingan mo, ha? Aalis na muna si mama para maghanap-buhay. Magpakabait ka dito." paalala ko sa kaniya. Tumango siya na may kasamang matatamis na ngiti. "Opo, mama. Mag-iingat ka po sa trabaho. Galingan mo din po!" masigla niyang sambit. Ginawaran niya ako ng mahigpit na yakap ng ilang saglit. Niyakap ko din siya pabalik. Hinalikan ko ang kaniyang buhok saka kumalas na kami sa isa't isa. Nauna na siyang pumasok sa loob, hinatid ko lang siya ng tingin. Dumapo ang tingin ko sa bulto ng isang lalaki. Hindi ko lang masilayan ang kaniyang mukha dahil nakatalikod ito sa akin. Abala ito sa pagsusulat sa blackboard. Nakasuot ito ng kulay sky blue na long sleeves polo shirt, kulay beige na slacks at leather shoes. Kahit na nakatalikod ito ay masasabi kong matangkad ito. Sa palagay ko ay hanggang balikat lang niya ako. Itim ang kaniyang buhok at matipuno ang kaniyang pangangatawan. Huminga ako ng malalim saka binawi ko na ang aking tingin. Nagpasya na akong umalis dahil baka malate na ako sa aking trabaho. Sayang naman ang kikitain ko para sa araw na ito. ** Pinunasan ko ang aking pawis pagkalapag ko ang planggana na may mga pinanggamitan na plato, mga baso at mga kurbyertos. Sunod ko naman gagawin ay huhugasan ko ang mga ito. Balewala sa akin ang ingay sa labas ng Kusina dahil natural lang at sanay na ang mga tainga ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho dito sa isang malaking kainan sa bayan bilang dishwasher. Mahirap man pero kailangan kong magsumikap. Si Drynt lang ang tanging inspirasyon ko sa pang-araw-araw. Siya ang dahilan kung bakit pinagsisikapan ko pa lalo. Kahit na sumasakit na ang ilang parte ng aking katawan, lalo na ang mga kamay ko ay wala akong karapatan na magreklamo kung para lang din naman sa kinabukasan ng anak ko. "May mga susunod ka pang huhugasan, Nevie." wika sa akin ni Gitana, katrabaho ko. Mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon. Ang pinagkaiba lang ay dalaga pa rin ang isang ito. Wala naman siyang binanggit sa akin na may nobyo siya o manliligaw man lang. Pero hindi na ako nagtataka dahil sa kilos palang niya, daig pa niya ay lalaki. "Tutulungan na kita, ha?" "Naku, kahit huwag na, Tana. Ayos lang naman ako." pagtatanggi ko. "Oo nga naman, Gitana. Ayos lang siya. Huwag mo nang tulungan. Marami pang costumer sa labas, kunin mo nalang ang mga order nila." Sabay kaming napatingin ni Gitana sa nagsalita. Si Janie, ang anak ng amo namin. Nakahalukipkip siya at halos kita na ang kaluluwa niya dahil sa suot niyang spaghetti strap. Nakasuot pa siya nang sobrang iksi na shorts. Sa totoo lang ay hindi talaga namin makasundo ang isang ito dahil sobrnag maldita niya. Hindi ko alam pero naiinis din ako sa minsan sa kaniya dahil kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya ay ako palagi ang pinagbubuntungan ng inis niya, lalo na't ako ang kinakausap ni Ervin, ang lalaking nagugustuhan niya. Ang akala kasi niya ay nililigaw ako nito. Ang hindi niya alam ay ako ang kusang lumalayo kay Ervin para mabawasan ang inis niya sa akin. Pero habang tumatagal ay mas lalo nagagalit sa akin si Janie. Hindi lang din ako nakakuha ng pagkakataon upang magpaliwanag. Kumawala ng buntong-hininga si Gitana. Wala na siyang magawa kungdi sundin ang utos ni Janie. Naiwan kami ni Janie dito sa Kusina. Ipagpapatuloy ko pa sana ang paghuhugas ko nang bigla ako nakarinig ng mga nabasag. Nang tingnan ko ang pinanggalingan ng malakas na tunog na iyon ay napasinghap ako nang makita ko si Janie na nakasapo sa kaniyang bibig ngunit nanatili siya sa kaniyang kinakatayuan. Lalapitan ko sana siya upang tanungin kung ayos lang siya ngunit aligagang pumasok ang kaniyang ina, si Aling Dulce. Tumambad sa kaniya ang basag-basag na mga plato, nakakalat din ang mga kurbyertos sa sahig. Kahit ang mga baso ay nakakakalat na. "Anong nangyari dito?" bulalas ng aking amo. Tumingin siya sa amin na tila humihingi siya ng kasagutan. Magsasalita sana ako nang inunahan ako ni Janie. "Kagagawan 'yan ni Nevie!" malakas niyang sambit. Napaawang ang ibig ko sa kaniyang sinabi. A-anong... "May galit kasi siya sa akin kaya nagwala siya!" dagdag pa niya. "Mabuti nalang, hindi ako masyadong natamaan!" Laglag pa ang aking panga sa kaniyang sinabi. Tumingin ako kay Aling Dulce upang magpaliwanag at depensahan ang aking sarili, ngunit hindi umayon sa akin ang pagkakataon. Lumapit sa akin ang aking amo at bigla niyang hinila ang aking buhok. Napadaing ako sa sakit! Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa gilid ng kalsada. Nakakuha pa kami ng atensyon ng ibang dumadaan at costumer. "Hindi ko kailangan ng tauhan na mananakit sa anak ko!" sigaw ni Aling Dulce. Suminghap ako nang hindi makapaniwala. Dali-dali akong tumayo para maabutan ko ang aking amo. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Umiling-iling ako dahil hindi ako sumang-ayon sa kaniyang pasya. "H-huwag ninyo naman gawin sa akin 'to, Aling Dulce. H-hindi ko po ginawa 'yon... Maniwala po kayo sa akin..." hindi ko na rin mapigilang mapahikbi sa harap nila. "Kahit bawasan ninyo po ang sweldo ko sa mga nasira, a-ayos lang po sa akin... Huwag ninyo lang ako tanggalin sa trabaho..." Hindi niya ako pinakinggan. Nagpumiglas siya mula sa pagkahawak ko sa kaniya at itinulak pa niya ako papalayo. Muli ako natumba sa sementadong daan. "H-hindi! Tanggal ka na sa trabaho! At wala akong ibibigay sa iyo ngayong araw dahil sa kagagahan mo!" galit siyang pumasok sa loob ng Kantina. Si Janie naman ay nakahalukipkip habang nakatngin sa akin. Ngumisi siya na ipinakita pa niya sa akin na nagtagumpay siya sa kaniyang plano. Binawi din niya ang kaniyang tingin at sumunod na sa loob. Naiwan ako dito sa labas ng Kantina. Pilit kong tumayo. Pinunasan ko ang aking mga luha at pinili ko nalang umalis a harap ng Kantina kahit nanlulumo ako. Kahit na pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. ** "Mama!" Napatingin ako sa direksyon ni Drynt. Napatayo ako mula sa kinauupuan kong wooden bench. Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti, sa gayon ay maitago ko sa kaniya kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Ayokong ipakita sa kaniya na nawalan ako ng trabaho. Yumakap at tumingala siya sa akin. Malapad ang kaniyang ngiti. Ipinakita niya ang likod ng kaniyang palad. "Tingnan mo po, mama. Marami po akong stars ngayon, kasi ang sabi mo po, galingan ko." Hinaplos ko ang kaniyang buhok. "Wow, ang galing naman ng anak ko." kahit sa boses ko ay kailangan kong maging masigla. "Ang galing po kasi magturo ni Teacher Raghnall!" bulalas pa niya. Kusang kumunot ang noo ko. "Teacher Raghnall?" ulit ko pa. "Opo. Manganganak na po kasi si Teacher Fatima kaya po si Teacher Raghnall na po muna ang magtuturo sa amin. Mabait po siya, mama. Hayon po siya, oh!" sabay lingon niya sa Day Care at itinuro niya kung nasaan ang tinutukoy niya na bagong teacher. Natigilan ako nang makita ang lalaking nakita ko kanina. Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga 'yon! Dahil ngayon ko lang nakita ang kaniyang mukha ay hindi na ako nagtaka kung bakit nagkukumpulan ang mga kababaihan dito kanina hanggang ngayon. Maputi, matangkad at singkit na madalas kong napapanood sa mga Asianovelas. At saka, sa tindig palang nito, bakas ang pagiging propesyonal niya. Binawi ko ang aking tingin. Inilipat ko 'yon kay Drynt. "Ang mabuti pa, umuwi na tayo. Titingnan ni mama kung may magpapalaba." sambit ko. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Aalis sana kami nang biglang may tumawag kay Drynt. Pareho kaming tumgil at lumingon. Bumungad sa amin ang sinasabing bagong teacher. Si Sir Raghnall. "Teacher Raghnall!" bulalas ng anak ko sa pangalan ng kaniyang guro. "S-Sir..." yumuko ako ng bahagya para bumati sa lalaking nasa harap namin. "Kayo pala ang nanay ni Drynt." nakangiting sabi niya habang nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata. "It's finally glad to meet you." sabay lahad niya ang kaniyang palad sa akin. Kahit alangan pa ako, sa huli ay nagawa kong tanggapin ang kaniyang palad. "Sabi ko po sa inyo, Sir Raghnall! Maganda ang nanay ko, ano?" masiglang bulalas ni Drynt. Namilog ang mga mata ko sa rebelasyon ng aking anak. Wala sa isip ko na agad kong binitawan ang kamay ng guro. Anong... "Yeah, you're right. She's pretty more than I thought."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD