Chapter 3

2393 Words
"Ayos lang ba talaga kung dumito muna si Drynt?" may halong alangan at paniniguro nang tanungin ko si Gitana. Narito kami ngayon sa kaniyang tahanan. Nagsabi kasi sa akin si Drynt na huwag nalang daw siya sumama. Mas maiging dumito nalang daw siya atleast mapagkakatiwalaan naman naming mag-ina ang kaibigan kong ito. Wala ako masyadong poproblemahin. "Oo naman! Kayo pa ba?" nakangiting sabi niya sa akin. Inalok niya ako ng kape pero tumanggi ako ngunit nagawa ko pa rin magpasalamat sa kaniya. Nilapitan niya si Drynt habang nakaupo ito sa sofa na yari sa kawayan. Kinurot-kurot niya nang marahan ang magkabilang pisngi ng aking anak. "Namimiss ko na din kasi ang batang ito." Nabanggit kasi niya sa akin na biglang pinademolish ang Kantina nang araw na pinaalis ako ni Aling Dulce. Nalaman nalang daw nila na binebenta ang lupa na tinitirikan ng naturang Kantina na wala man lang daw ipinaalam. Pero sa huli ay wala din sila magawa dahil unang una ay wala silang karapatan sa lupa na 'yon, nirerentahan lang daw nila ito. Nang araw ding 'yon ay kusa nang umalis si Gitana dahil hindi niya talaga gusto ang ugali ng mga dati naming amo, lalo na si Janie. Pero tawang-tawa siya habang ikinuwento niya sa akin kung ano ang hitsura ng mag-ina habang sinisira ng Kantina. Umiiyak daw ang mga ito at ilang beses na nakikiusap. Kanina din ay binanggit niyang masyadong mabilis daw ang karma dahil nabalitaan din niya kung ano ang ginawa sa akin ng mag-inang Aling Dulce at Janie. Ngayon ay pinoproblema na daw ng mga ito ay kung saan sila pupwesto dahil matagal-tagal na din sila sa lupain na 'yon. "Huwag mo na sila kaawaan pa, Nevie. Hindi nila deserved 'yon. At saka, sinong maaawa sa mga tulad nila kung pahirapan ka akala mo sila ang Diyos mo." wika pa niya. Dinala niya ang anak ko sa mesa para pakainin niya ito. "Oh siya, ako na ang bahala kay Drynt. Hindi ba, may lakad ka?" "Oo nga pala." bulalas ko. Nilapitan ko si Drynt. "Anak, aalis muna si mama, ha? Huwag kang makulit kay tita Gitana, ha? Babalik din ako agad." paalam ko. Matamis ngumiti si Drynt sa akin. "Opo, mama. Mag-enjoy ka po sa lakad ninyo." Bago ko man siya tuluyang iwan ay hinalikan ko ang kaniyang noo pati ang kaniyang buhok. Nagpaalam na din ako kay Gitana bago man ako lumabas ng kaniyang bahay. Simpleng t-shirt, mahabang palda, at tsinelas ang aking suot. Nakapusod din ang aking buhok. May suot din akong body bag. Ang plano ko kasi, papasok muna ako sa trabaho bago ko man paunlakan ang paanyaya ni Sir Raghnall na makipagkita sa kaniya. Mas importante pa rin sa akin na may kikitain ako ngayong araw dahil balak kong bumili ng pasalubong para sa anak ko pagkauwi. Ang sobra naman ay itatabi ko para may magamit kami sa oras na pangangailangan. Doble ang higpit ko sa aking sinturon. Lalo na't mas tumataas ang bilihin. Napadpad ako sa tindahan ng aking amo na mukhang hanggang ngayon good mood pa rin mula kahapon. Nang makita niya ako ay agad niya ako dinaluhan. "Oh, mabuti nakarating ka na, Nevie." salubong niya sa akin, mas ikinagulat ko ay hinawakan niya ang mga kamay ko. "Today is the lucky day." "P-po?" "Sana may pumakyaw ulit ng mga damit para makaorder na ako sa supplier ko. Alam kong magiging maganda ulit ang takbo ng negosyo ko sa pamamagitan mo. Halika na." sabay hila niya ako patungo sa pwesto kung nasaan ang mga paninda niya. Nagsimula na din ako sa aking trabaho. May mga bumibili naman sa amin, hindi nga lang tulad kahapon. Pero atleast, may naibenta pa rin naman. May mga bumibili din sa akin na mga sapatos na galing pang Marikina. Hindi ko namamalayan na paunti-unti ay lumalakas ang boses ko. Nagiging motivated ako sa pagbebenta, hindi tulad kahapon na nahihiya pa ako inaapproach ang mga dumadaan at mga bibili. Pero nang nakilala ko lang si Ma'm Rutilia, nagiging maayos na ang lahat. Sobra nang ang naitulong niya sa akin kahit sa maiksing panahon ko lang siya nakilala. Lumipas na ng tanghalian ay nakakausad pa kami. Kapag walang nabili ay natulong ako sa pagtutupi ng mga bagong stocks na mga damit na galing pa sa supplier ng amo ko para maidisplay na din. Nagkukwentuhan na din kami ng bago kong amo tungkol sa buhay niya. Hindi ko aakalain na tulad ko ay single mother din siya. Sa makatuwid ay isa siyang byuda. Namatay ang asawa niya nitong nakaraang taon lang. Naiwan sa kaniya ang tatlo niyang anak na puros mga bata pa. Ang panganay niya ay nasa Grade 7, ang pangalawa niyang anak ay grade 5 at ang bunso niya ay nasa elementarya din. Kaya todo din ang paghahanapbuhay niya para makaraos silang mag-iina sa pang-araw-araw. Kaya nang dumating daw ako, sobra ang pasasalamat niya sa akin. Pero ako nga dapat ang magpasalamat sa kaniya, dahil tinanggap niya ako sa trabaho na ito kahit na wala naman talaga akong karanasan sa pagtitinda. "Magandang araw po." Isang pamilyar na boses ang pumukaw ng aming atensyon. Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa aming harapan si Ma'm Rutilia! Napatayo kami ng amo ko dahil sa gulat. Hindi namin inaasahan na makikita ulit namin siya dito sa Merkado! "Ma'm Rutilia! Napadaan po kayo?" bulalas ko na medyo nanlalaki pa ang mga mata ko. "Ah, oo. Nakalimutan ko kasing bumili sa inyo ng iilang damit pambabae pati na din ng mga damit pambaby. Meron kayo?" "Naku po! Opo! Meron po!" ang amo ko ang sumagot. "Tuloy po kayo, mamili po kayo kung ano po ang nagugustuhan ninyo. Marami po kaming iba't ibang klase na damit pambaby at mga damit pambabae po." dagdag pa niya habang inilalabas niya ang mga damit na kailangan ni Ma'm Rutilia. Hindi lang damit pambaby at pambabae ang binili niya. Bumili din siya ng mga punda at bedsheet sa amin. Pang donate niya daw sa pinupuntahan niyang Orphanage. Lihim ako napapangiti habang pinagmamasdan ko si Ma'm Rutilia mula sa kinakatayuan ko. Base sa kaniyang tindig, kahit na nakaupo lang siya ay malalaman ko na mayaman siya at edukada. Masasabi ko din na mukha siyang mayaman dahil sa kutis niya na tila alagang-alaga 'yon. Kahit na mainit dito ay natural na namumula ang kaniyang balat. Para siyang manika sa paningin ko. Tulad ng nangyari kahapon ay pinakyaw niya ang mga paninda namin. Todo ang pasasalamat namin sa kaniya nang nakaalis na siya. Halos magtatalon-talon sa tuwa ang amo ko dahil sa tuwa. Sa pangalawnag pagkakataon ay sinuwerte na naman kami. Aayos ko sana ang mga natirang paninda ay may tumigil na itim na kotse sa harap ng pwesto namin. Pamilya na sasakayan na 'yon. Pero imposibleng siya 'yon. Nagbukas ang pinto ng driver's seat. Natigilan ako nang makita ko kung sino ang lumabas mula sa itim na kotse. Si Sir Raghnall! Nakaputing long sleeves polo shirt siya, na nakatupi ang mga mangas na 'yon hanggang siko niya. Nakapantalon siya at itim na leather shoes. Hinubad niya ang suot niyang aviator. Tulad ng inaasahan ko ay head turner ang isang tulad niya. Napapatingin ang mga kababaihan sa kaniyang pagdating, at talagang sinundan pa siya ng tingin. Napalunok ako nang makita ko na matamis siyang ngumiti sa akin hanggang nasa mismong harap ko na siya. "Hi, Nevie." malumanay niyang bati sa akin. "S-Sir Raghnall." halos mapiyok ako nang sambitin ko ang pangalan niya. Mahina akong siniko ng amo ko sa aking tagiliran. "Kilala mo ang pogi na 'yan, Nevie?" matigas na bulong sa akin nito. Ngumiwi akong sumulyap sa kaniya. "Teacher siya ng anak ko po." tugon ko pa. Namilog ang mga mata niya sa aking isinagot. "Teacher? Sa guwapong 'yan? Totoo?" mukhang ayaw niyang maniwala na teacher ito. Pinili ko nalang na huwag sagutin ito. Inilipat ko ang tingin ko kay Sir Raghnall. "A-ano pong sadya ninyo, Sir... Raghnall?" hindi ko na naman magawang tumingin sa kaniya nang diretso sa kaniyang mga mata. Sa halip ay dumapo ang mga tingin ko sa sementadong daan. "May bibilhin sana ako, tapos susunduin kita. Like what I mentioned yesterday, I'm inviting you out for coffee." Inilapat ko ang mga labi ko. "Tatapusin ko muna sana ang trabaho ko ngayong araw—" "Kailangan ba makaubos ka ng paninda bago ka papayagan ng amo mong makaalis?" nagtataka niyang tanong. "Ano kasi..." "Bibilhin ko na lahat ng mga ito." bigla niyang sabi. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya sa kaniyang sinabi. "H-ha?" Binigyan niya ako ng inosenteng tingin. "Bibilhin ko lahat ng mga ito. Mas madaling paraan para makasama na kita." bumaling siya sa amo ko. May dinukot niya sa kaniyang bulsa. Isang cellphone. Tinipa niya ito saka idinikit niya 'yon sa isa niyang tainga. "Please come here, I'll send you the address. You know what to do." pinutol din niya ang tawag at muli siyang tumingin sa amin. "Papunta na po dito ang sekretarya ko, siya na po ang bahala kung magkano ang aabutin ng lahat ng mga ito. Okay lang po ba kung maagang mag-out si Nevie?" nakangiting tanong niya. "O-oo. Walang problema! Hala siya, Nevie. Ako na bahalang kumausap sa tinutukoy ni pogi na paparating. Enjoy!" kumaway pa siya sa akin. Aapila pa sana ako nang bigla akong hinigit ni Sir Raghnall sa pamamagitan ng pagdapo ng palad niya sa aking bewang ko. Ewan ko ba, pero tumindig ang balahibo ko sa ginawa niyang 'yon. Hindi naman delikado ang nararamdaman ko pero iba. Parang may kuryente na ewan! Basta, hindi ko masyado maitindihan! Pero iisa lang ang naiisip ko, nagawa niya ako pasunurin sa bawat kilos na pinapakawalan niya! Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng kaniyang sasakyan. Tumingin ako sa kaniya. Tahimik lang siya pero kitang kita ko kung papano siya nasiyahan. Dahil sa sumama ako sa kaniya nang ganoon kadali? Dahil ba nagawa niya ang gusto niya? Ano? Alin doon? Halos isiksik ko ang sarili ko sa pinto ng sasakyan nang bigla niyang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. Sandali, ano 'to? Hahalikan ba niya ako? Anong gagawin niya?! Pero takte, nangingibabaw sa akin ang pabango niya. Lalaking lalaki pero amoy-mayaman talaga! "Seat belts." malumanay niyang sabi. Halos manigas ako sa pwesto ko nang napagtanto ko na kaya niya inilapit ang kaniyang sarili sa akin upang abutin niya ang seat belt na nasa likuran ko lang. Siya mismo ang nagkabit nito sa akin. Unti-unti ko nararamdaman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil sa aking inakto sa harap niya! Kaya naniniwala talaga ako sa kasabihan na maraming namamatay sa maling akala! "Nevie, are you alright?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi pa niyang binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan. "Masama ba ang pakiramdam mo? You're blushing." "A-ayos lang ako, Sir Raghnall. H-huwag ninyo nalang ako itindihin." mabilis akong tumingin sa labas para hindi niya mahalata ang mukha ko na sobra nang namumula dahil sa kahihiyan. "Are you sure?" "O-opo." Nanatili akong tahimik habang nasa byahe kami. Gustuhin ko man siya tanungin kung saan ba kami pupunta ay hindi ako nabibigyan ng lakas ng loob dahil sumasagi sa isipan ko ang katangahan ko kanina. Hindi ko lang alam kung nahalata niya ba 'yon o hindi. Tinitiis ko na hindi siya tingnan. Ilang beses pa akong pumikit ng mariin at marahas na umiling para maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Tumigil lang ang sasakyan sa tapat ng isang Coffee Shop. Ipinagtataka ko lang ay wala ako nakikita na ibang tao mula sa loob. Sarado ba ito o ano? Naunang lumabas si Sir Raghnall. Dumaan pa siya sa harap hanggang sa pagbuksan niya ako ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Tumingala ako sa kaniya ng ilang saglit bago ko tanggapin ang kaniyang palad. Una kong napansin ay hindi niya magawang bitawan ang kamay ko kahit sa pagpasok namin sa loob ng Coffee Shop. Tama nga ako, wala akong makitang iba, maliban sa aming dalawa. "Walang costumer..." mahina kong saad habang iginala ko ang aking paningin sa loob. Maganda ang lugar na ito. "Yeah, talagang ipinasara ko muna ito. Para naman makausap kita ng maayos." Tumingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. "I-ikaw ba ang may-ari nito?" direstahan kong tanong. Matamis siyang ngumiti saka tumango. "Yeah." "P-pero... Kung nagtuturo ka, papaano mo pa rin namamanage ito kung ganoon?" sunod kong tanong. "Well, I have my secretary. He can manage this place while I'm away. He probably knows what to do. Then, ibibigay niya lang sa akin ang report ng sales, expenses, etc." marahan niya akong hinatak. Hinila niya ang isang upuan at pinaupo niya ako doon. Sumunod naman ako. Ang akala ko ay aalis na siya sa harap ko pero nagkamali ako. Lumuhod pa siya sa harap ko, samantala ipinatong niya ang isa niyang braso sa mesa. Nakatingin siya ng diretso sa akin. "Tell me, Nevie. What do you want for your son aside his education and his future?" biglang sumeryoso ang kaniyang boses. Natigilan ako sa naging tanong niya. Ang tanging magagawa ko lang ay makipagtitigan sa kaniya. Hindi ko aakalain na magagawa niyang maging seryoso. Dahil nasanay ako na palagi siyang nakangiti sa tuwing babatiin namin siya. May ganitong side pala siya... "S-Sir Raghnall..." "Drop the formality, Nevie." malumanay niyang sabi. Hindi matanggal ang tingin niya sa akin. "Pero..." "Nasabi ko sa iyo kahapon, napahanga mo ako sa pagiging ina mo kay Drynt, Nevie." segunda pa niya. "He already told me he wants a father." Tila nabato ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang bagay na 'yon mula sa kaniya. Mas lalong hindi ko inaasahan na iyon ang gusto ng anak ko. Ang buong akala ko kasi, masaya na siya na kaming dalawa lang. Ang akala ko, hinding hindi siya maghahanap ng ama. Nasabi ko man sa kaniya ang dahilan kung bakit wala ang kaniyang ama. Sa puntong ito, daig ko pang nabuhusan ng malamig na tubig nang wala sa oras. "Hindi man niya sinasabi pero naghahanap pa rin siya ng kalinga ng isang ama," mataimtim siyang tumingin sa akin. "And I am willing to step up as his father and take care of your child. I will give both of you a security and assurance. I will give him my surname and a bright future. Aariin ko siya na parang tunay na anak, kung papayag ka, Nevie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD