Lacey white dress at puting stilettos ang pinili kong suotin para sa araw na ito. Above the knee ang haba nito tutal naman ay civil wedding ang ganap namin ngayon. Natatakpan din ng puting belo ang aking mukha. Humigpit ang pagkahawak ko sa pink roses wedding bouquet na pinasadya pa ni Raghnall. Talagang nag-effort pa kami pumunta kung saan para lang dito. Kahit na hindi pa ako handa ay pilit kong sinisink in ang lahat. Na simula sa araw na ito, magiging asawa ko na si Sir Raghnall, na ibibigay niya sa akin ang kaniyang apelyido, pati na din sa aking anak na si Drynt.
Nagbukas ang pinto ng courtroom kung saan gaganapin ang kasal namin. Tumambad sa akin si Sir Raghnall na nakapormal ang kaniyang kasuotan. Hinihintay niya ang aking pagdating. Nasa likuran niya ang sinasabi niyang mga pinsan niya. Ipinakilala man niya sa akin ang mga ito ay hindi ko maiwasang hindi mahiya. Sino ba naman kasi ako? Isang hamak na mahirap na babae, isang dalagang-ina na handang gawin ang lahat para mailagay lang sa tamang landas ang anak. Na magin maayos ang kinabukasan ng aking anak. Kaya pumayag ako sa set up na ito. Para lang kay Drynt. At wala nang iba pa. Kung ito ang magiging daan para maging masaya ang anak ko at para sa kinabukasan niya, gagawin ko. Isiniksik ko sa aking isipan na simula palang ito, kapag tumatagal-tagal, masasanay din ako sa presensya ni Sir Raghnall.
Tumigil ako sa mismong harap ni Sir Raghnall. Malapad at matamis siyang nakangiti sa akin. Hindi maalis ang tingin niya sa akin. Hilaw na ngiti lang ang tanging maibigay ko sa kaniya pero sa loob-loob ko, abot-langit ang aking kaba. Ito na, Nevie. Huwag na huwag kang magkakamali na umatras. Isipin mo, para kay Drynt ito!
Bumaba ang tingin ko nang maramdaman kong masuyong inabot ni Sir Raghnall ang isa kong kamay. Ibinuka ko nang bahagya ang aking bibig upang makalanghap ako ng hangin. Lumunok ako saka ibinalik ko ang aking tingin sa kaniya. Hinding hindi mabura ang kaniyang mga ngiti. Bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa sa anong kaganapan ngayon. Bakit ganoon? Bakit natural lang ang ipinapakita niya? Bakit wala akong maramdaman na ilang o ano pa man?
Hanggang sa nasa harap na namin mismo ang Judge na magkakasal sa amin. Ngumiti saka tumango ito.
"Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Raghnall at Nevie." anunsyo niya sa amin. Naging mas tahimik ang paligid. Nagkaharap kami ni Sir Raghnall. Mataimtim siyang tumingin sa akin. Gustuhin ko man bawiin ang aking tingin ay hindi ko magawa. Binalewala ko na nanatili ang paghawak niya sa aking kamay. "Raghnall, tinatanaggap mo bang maging kaisang dibdib si Nevie na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
"Opo." mabilis at walang alinlangan na tugon ni Raghnall sa judge.
Bumili ang pintig ng aking puso. Isang salit lang pero punong-puno ng emosyo nang sambitin niya 'yon.
"Nevie, tinatanggap mo bang maging kaisang dibidb si Raghnall na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Bago ko man sagutin ang tanong at nanatili ang tingin ko kay Sir Raghnall. Ilang beses na akong kumawala ng hininga para maibsan ang kaba sa aking sistema. Naputol lang ang tingin niya't dumapo iyon sa aming mga kamay. Pinisil ko kasi ang pagkahawak ko sa kaniyang mga kamay. "Opo... Tinatanggap ko po." halos manginig na ang boses ko sa aking sagot.
Ibinalik niya sa aking ang kaniyang tingin, umukit sa kaniyang mukha ang pagkamangha. Isang maliit na ngiti ang ipinakita ko sa kanila.
"May gusto ba kayong sabihin para sa isa't isa?" sunod na tanong ng Judge sa amin.
Tumikhim ako. "Maraming salamat... Dahil ako ang pinili mong makasama habang buhay. Gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa para sa iyo. Na aalagaan kita, susuportahan at hahanapin ko ang mga dahilan para mas lalo kang mahalin." marahan akong pumikit. "M-mahal kita, Raghnall..." dumilat ako't bumungad sa akin ang mukha ni Raghnall na pinipigilang umiyak na ipinagtataka ko. "A-ayos ka lang ba...?" nag-aalalang tanong ko. Hala, may nasabi ba akong mali?
Ngumiti siya saka tumango. "I'm alright. I'm just happy, Nevie. Because of you, I laugh, I smile and I dare to dream more than I ever have." humigpit ang pagkahawak niya sa akin, para bang ayaw niya akong pakawalan. "I promise to love you without conditions, to honor you every each day. You were a miracle and always be. And I love you with every beat of my heart."
Sa mga sinabi niya. Dama ko ang paninikip ng aking dibdib. Napayuko ako't hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha sa harap nila. Siguro sa haba ng panahon na si Drynt ang nakakasama ko, may isa pang tao na kayang akong samahan kahit hirap na hirap na ako. Ang mga linya na sinabi niya, siya palang ang nakakapagsabi ng mga bagay na 'yon sa akin. Kahit kay Kayden. Bukod tanging siya lang.
"Please don't cry..." alo sa akin ni Sir Raghnall. Inabotan niya ako ng panyo. Tinanggap ko iyon saka pinunas ko 'yon sa aking mga luha.
"Ipinapakilala ko na sa inyong lahat, sina Mr. & Mrs. Raghnall Theoddore Chua!"
Nagpalakpakan ang nasa bisita sa paligid.
Dahan-dahang hinawi ni Raghnall ang belo hanggang sa makita ko na siya nang maayos. Nagtama ang mga tingin namin. Humakbang pa siya palapit sa akin. Dumapo ang mga palad niya sa magkabilang bewang ko.Dahan-dahan din niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niya sa aking noo. Napadilat ko dahil sa gulat at pagtataka.
"Nirerespeto pa rin kita, Nevie." mahina at masuyo niyang sabi sa akin.
**
Isa sa mga mamahaling restaurant ginanap ang reception. Ang banggit sa akin si Sir Raghnall, pagmamay-ari daw ito ng isa sa mga kaibigan nila. Actually, pinsan daw ito ni Sir Mikhail na pinsan din niya na hindi lang daw ito umattend ng kasal dahil abala ito pati ang asawa nito para maghanda para ayos na daw sa oras na dumating na kami dito. Kinailagan din bumalik ang mga ito sa Maynila pagkatapos.
"Congratulations, pare!" bulalas ng mag-asawa sa amin. Nagkayakap sila saka nagtapikan pa sila ng likod. "Mabuti nalang at narito kami ni Laraya sa branch na ito at nasabi sa amin ng sekretarya mo kung anong magaganap."
"Yeah, malaman ko lang din kay Mikhail na narito kayong mag-asawa at masyadong espesyal ang araw na ito." nakangiting sagot ni Sir Raghnall sa kaniyang kausap. Bumaling sila sa akin. "Nevie, this is Suther Ho and his wife, Laraya Ho. They are both chef."
Gumuhit ang matamis na ngiti. "Ikinagagalak ko po kayong makilala..."
"Oh please, huwag kang maging formal, Nevie. Asawa ka naman ni Raghnall kaya ayos lang." nakangiting sabi ni Ma'm Laraya. Pero ikinagulat ko pa ay yumakap pa siya sa akin na ikinagulat ko. "Nice to meet you too, Nevie."
"Nakahanda na ang VIP room, tara na?" nakangiting paanyaya ni Sir Suther sa amin.
Dumapo ang isang palad ni Sir Raghnall sa bewang ko. Inaalalayan niya akong umakyat kami sa second floor kung nasaan ang sinasabi nilang VIP Room. Nakasunod lang sa amin ang iba pa niyang pinsan pati ang mga asawa nito.
Hindi ko aakalain na medyo marami ang inihandang pagkain ng mag-asawang Suther at Laraya Ho. Ang alam ko lang kasi, simpleng kainan lang ang ganap dito. Nagkakamali pa yata ako.
Kahit sa pag-upo ay nagawa pa rin ako alalayan ni Sir Raghnall. Nanatili pa rin akong nakatikom. Pinapanood ko lang sila. Napatingin lang ako sa gilid ko nang naroon si Ma'm Laraya at nakatingin sa akin. Tumingala ako sa kaniya. "B-bakit po...?"
Ngumisi siya sa akin. "Wala lang, nagagandahan ako sa iyo. Naalala ko lang sina Jelly, Inez, Naya pati na din ang iba ko pang kaibigan. Mga in-laws din sila ng pamilyang Hochengco. Nasa Manila at Cavite sila ngayon." pagkukwento niya sa akin. "Kapag nakasama mo ang mga iyon, mahahawaan ka na din ng kabaliwan at kaingayan nila. Lalo na si Tarrah."
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Talaga...?"
"Oo naman. Kaya kapag dadayo man kayo ni Raghnall sa Manila o sa Cavite, sabihin mo agad sa amin, ha? Para naman makabonding ka pa namin. Tiyak, matutuwa ang mga 'yon kapag nakilala ka nila."
"Kitty, let's go. Marami pa tayong iluluto sa ibaba." rinig naming sabi ni Sir Suther sa hindi kalayuan.
"Sige, Nevie. Congrats ulit, ha?" saka tumayo na siya ng tuwid at sumunod na siya sa kaniyang asawa hanggang sa sabay na silang nakaalis dito sa VIP Room. Nakangiti lang akong nanonood sa mag-asawa na ito. Ang sweet nilang tingnan.
"Congrats, love birds!" sabay-sabay na bati sa amin ng magpipinsang Chua pati ang mga asawa nito sa amin.
Nagpasalamat kami at pinagsaluhan namin ang mga pagkain na nasa hapag. Dinig ko na nagkukwentuhan ang magpipinsan pagdating sa business. Dahil wala naman akong alam pagdating d'yan ay pinili kong manahimik. Pero kahit na abalang nakikipag-usap si Sir Raghnall sa mga pinsan niya ay nanatili pa rin siyang nakahawak sa isang kamay ko.
"Maiba nga ako, Raghnall." biglang nagsalita si Ma'm Angela. Napatingin kami sa kaniya. "Ano palang plano ninyo? Mananatili pa rin ba kayo dito sa Iloilo?"
Bumaling ako kay Raghnall. Inaabangan ko ang kaniyang sasabihin.
"Siguro ay kailangan na naming umalis dito dahil may mga naiwan pa akong trabaho sa Manila. Vacation leave lang naman ang ginawa ko dito. At saka, nasabi na din sa akin ni Fatima, may nahired na siyang dalawang teacher na magtuturo sa Daycare. Nagvolunteer lang ako habang naghahanap siya ng magtuturo." paliwanag niya. Bumaling siya sa akin. "Isasama ko kayo sa Maynila. Titira kayo sa bahay ko. Ako na palang magproseso ng mga papel ni Drynt dahil ililipat natin siya ng eskuwelahan."
Inilapat ko ang mga labi ko saka tumango bilang pagsang-ayon sa anumang magiging plano at pasya niya. Pero may parte sa akin na naguguluhan buhat kaninang kasal. Kung bakit natural lang ang ipinapakita niyang emosyon niya sa akin? Bakit parang may dapat akong malaman mula sa kaniya?
"Kung ano ang magiging desisyon mo, Raghnall. Susuportahan ka namin." biglang nagsalita si Sir PJ. Seryoso ang kaniyang mukha.
"Thank you, cous."
"Kahit si Nevie, susuportahan namin." dagdag pa ni Sir Gervais na katabi ni Ma'm Fatima.
"Maraming salamat po."
**
Pagkatapos ng reception ay nagpaalam na ang mga pinsan ni Sir Raghnall na kinakailangan na nilang umalis dahil may kani-kanilang lakad na sila sa mga susunod na araw at maghahanda pa daw sila. More on business trip ang ipinunta nila. Sabay kaming naglalakad ni Sir Raghnall patungo sa bahay. Sinabi ko kasi sa kaniya na uuwi muna ako ngayong gabi at sasabihin ko kay Drynt sa kalagayan naming mag-ina. Pumayag naman siya't maghihintay daw siya hanggang sa magiging maayos na daw at sana daw ay matanggap siya ni Drynt bilang ama niya. Nakapamulsa lang siya habang nasa likod ko naman ang mga kamay ko.
"Ayos ka lang ba?" pagbubuksan niya ng usapan.
"Hmmm, medyo may gumagambala lang sa akin, Sir—"
"Nevie, asawa mo na ako. Huwag mo na akong tawaging sir."
"So-sorry... Nasanay lang." inilapat ko ang mga labi ko. Inihahanda ko ang aking sarili sa magiging tanong ko. Kusa akong tumigil sa paglalakad na dahilan upang mapukaw ko ang kaniyang atensyon.
Lumingon siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. Dinaluhan niya ako. "Nevie?"
Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. Ibinuka ko ang aking bibig. "Habang sinasabi mo sa akin ang wedding vow mo, biglang may bumabagabag sa akin... Bakit pakiramdam ko, totoo ang ipinapakita mo para sa akin? B-bakit pakiramdam ko... Matagal mo na akong kilala? Kasi... Hindi mo agad ako aalukin ng ganito kung walang dahilan."
Natigilan siya sa naging tanong ko. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, kasabay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Humakbang siya ng isa palapit sa akin. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya. Nagtama ang mga tingin namin. "Kung binigyan lang ako ng pagkakataon noon, siguro ako na ang nasa tabi mo, Nevie." panimula niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Inaabangan ko ang susunod niyang sasabihin. "Kaibigan ko si Kayden, pero naunahan niya ako. Hanggang tingin lang ang magagawa ko, kahit masakit na makita kung gaano ka kasaya habang kasama mo siya, makita lang kitang nakangiti ayos lang sa akin. Kuntento na ako."
"R-Raghnall.."
"Kaya nang nalaman kong iniwan ka't nagdadalang-tao ka, ipinapangako ko sa sarili ko na ako ang papalit sa posisyon na dapat ay sa kaniya. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya ko kayong dalawa ni Drynt. Ako ang mabubura ng sakit at pait na idinulot niya sa iyo." marahan niya akong niyakap. "Simulang nakita kita at nakilala, hanggang ngayon, walang nagbago, Nevie."