Hindi ko na alam kung anong oras na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nasa likuran lang si Drynt at mukhang mahimbing na ang kaniyang tulog. Hindi mawala sa isipan ko ang rebelasyon ni Raghnall. Hindi ko inaasahan na kilala na niya pala ako noong una palang. Pero hindi ko man lang natatandaan na bumibisita siya sa bahay nina Kayden noon? O sadyang naging bulag lang ako at si Kayden lang tanging tinitingnan ko ng mga panahon na 'yon? Dahil ba sa sobrang mahal ko ito noon kung kaya wala na akong pakialam sa paligid ko?
Dahan-dahan akong bumangon. Lumingon ako kay Drynt. Tinitingnan ko kung nagising ko ba siya, pero mabuti nalang ay hindi. Nilapitan ko ang bakanteng upuan, kinuha ko mula doon ang nakasabit na jacket. Isinuot ko 'yon saka napagpasyahan kong lumabas muna ng bahay. Umupo ako sa hagdan kahit yakap-yakap ko ang aking sarili. Tumingala ako sa kalangitan. Wala man ako makitang mga bituin ay ayos lang din naman sa akin, hindi ako nadismaya. Nagbuntong-hininga ako.
Siguro kung buhay pa ang mga magulang ko, tiyak mapapagalitan nila ako sa desisyon kong ito. Na tanggapin ang inaalok na kasal kahit walang pag-ibig na namamagitan sa aming dalawa ni Raghnall. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Drynt na magiging ama na niya si Raghnall. Wala akong ideya kung matatanggap niya ito kung sakali.
Inangat ko ang isang kamay ko, pinagmasdan kong mabuti ang singsing sa aking daliri. Ngayong kasal na ako kay Raghnall, pipilitin kong kumilos nang normal sa harap niya. Na walang ilangan sa aming dalawa. Mabuti siguro kung ituturing ko siya na parang kaibigan. Tama, kaibigan. Iyon naman din ang daan para mas lalo ko siya makikilala pa. Lalo na't magkakasama na kami sa iisang bubong.
Muli kong niyakap ang aking sarili. Tumingala ako sa kalangitan. "Alam kong magtatampo kayo sa naging desisyon ko, mama, papa. Pero sana gabayan ninyo pa rin kami ni Drynt." mahina kong sambit.
"Mama?"
Halos matalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Drynt mula sa likuran ko. Lumingon ako. Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga! Nakatayo siya sa gilid ng pintuan. Magulo ang kaniyang buhok at mukhang nagpupungas-pungas pa siya sa lagay na 'yan.
"A-anak..."
Lumapit siya sa akin na namumungay ang kaniyang mga mata. Tumabi siya sa akin. "Ano pong ginagawa ninyo dito sa labas, mama?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Ibinuka ko ang aking bibig, pasimpleng lumanghap ng hangin. "M-may iniisip lang si mama..." saka ngumiti ako. "Eh ikaw? Bakit nagising ka?"
"Nanaginip po kasi ako... Ikinasal na daw po kayo."
Doon ako natigilan. Ilang segundo pa akong nakatitig sa anak ko. Pagkatapos ay binawi ko din ang aking tingin. Lumapat 'yon sa lupa. "Ganoon ba...?"
"Opo, mama."
Lumunok ako. "Anak... Papaano kung... Nagpakasal si mama? Matatanggap mo ba siya kahit hindi naman talaga ang tatay mo?" kusang lumabas ang tanong na 'yon mula sa aking bibig. "Kasi, gusto mong magkaroon ng tatay...?"
"Pero mahal mo po ba siya?"
Dahan-dahan akong bumaling sa aking anak kahit na yakap ko pa ang aking sarili. "D-Drynt..."
"Kung mahal ka po niya at hindi ka niya sasaktan tulad ng ginawa ng totoo ko pong tatay, ayos lang po sa akin. Ang importante lang po eh masaya po tayo, hindi po ba?" ngumiti siya sa akin. "Si teacher Raghnall po ba ang pinakasalan ninyo?"
Natigilan ako. Wala akong makapang salita upang sagutin ang kaniyang tanong.
"Siya lang po kasi ang napagsabihan ko tungkol sa atin, mama. At saka po, mas masaya po ako kung sa kaniya po kayo magpapakasal. Dahil mukhang aalagaan ka po niya, mama."
Ngumiti ako saka hinaplos ko ang kaniyang buhok. Dahil sa wala akong masabi pa ay ang tanging magagawa ko lang ay yakapin ang anak ko. Niyakap niya ako pabalik. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Sa puntong ito ay wala na akong poproblemahin pa. Mukhang tanggap naman niya na pinakasalan ko ang kaniyang guro.
**
Tulad ng napag-usapan namin ni Raghnall ay sinundo niya kami sa labasan. Ayaw ko siyang makarating sa mismong bahay namin dahil paniguradong magiging balita kami ng mga kapitbahay. Iniingatan ko lang ang dapat kong protektahan, lalo na si Drynt. Nagpaalam din ako kina Gitana at sa amo ko. Nasabi ko kasi sa kanila na lilipat na kami ng Maynila at doon na maninirahan. Hindi ko man nasabi sa kanila ang tunay na dahilan na mukhang naiitindihan naman nila ako.
Sayang lang dahil hindi ko nakita si Ma'm Rutillia para magpaalam. Sana ay magkikita kami o makasalubong ko man lang siya. Hindi bale, kapag babalik ako dito sa Probinsiya, mabibigyan na ako ng pagkakataon na makita o makausap man lang siya.
Ang magpipinsan na Chua ang naghatid sa amin sa Ariport. Ang iba kasi sa kanila ay maiiwan dito dahil may aasikasuhin daw sila. Bale sina Sir Rafael at ang asawa niya na si Ma'm Angela ang naghatid sa amin na gamit ang kanilang sasakyan.
"Mag-iingat kayo sa byahe. Tatawagan ko nalang ang driver mo para maihatid niya kayo sa Penthouse mo." bilin ni Sir Rafael habang isa-isa nilang ibinaba ang mga bagahe namin. "Kapag nakita mo ang mga Hochengco, ikamusta mo ako sa kanila."
"Sure, cous." nakangiting sabi ni Raghnall sa kaniya. Bumaling sa aming mag-ina. Nilapitan niya kami. "Let's go? Baka maiwan na tayo ng flight."
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Humawak ako kay Drynt para hindi siya mawala dahil pareho naming first time ito. Habang si Raghnall naman ang nagdala ng mga gamit namin. Nasabi din pala sa akin ni Ma'm Fatima na siya ang bahalang magproseso ng mga papeles ni Drynt para mailipat namin siya ng eksuwelahan sa Maynila.
"Nevie, are you alright? You looked so nervous." nag-aalalang tanong niya sa akin habang nakaupo na kami dito sa loob ng eroplano, kulang nalang ay aalis na. Nasa first class kami nakapwesto.
Ngumiwi akong bumaling sa kaniya. "Ayos lang ako. Sorry, first time ko." nahihiya kong sagot.
Natigilan ako nang bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay. Marahan niyang pinisil 'yon. Napalunok ako kahit titig na tiitg ako sa mga kamay namin. Kung kanina ay kinakabahan ako, subalit sa ginawa ni Raghnall, unti-unti nababawasan 'yon dahil lang sa simpleng paghawak niya sa aking kamay. Kahit ganoon ay pilit ko pa rin kumilos nang normal sa harap niya.
"Hindi naman matagal ang byahe, makakarating din tayo ng Manila, soon." nakangiting sabi niya, tila pinapagaan niya ang kalooban ko. "Why don't you get some nap now? Mahaba din ang byahe natin kanina? Gigising na lang kita pagka-landing."
Imbis magsalita, pinili kong tumango nang tahimik. Sinubukang gawin ang suhesyon niya.
**
Tulad ng sinabi ni Raghnall, wala pang isang oras ay dumating na kami sa NAIA. Nakasunod lang kami habang papalabas na kami ng Arrival Area. Tumambad sa amin ang isang mamahalin at mukhang bago na sasakyan sa harap namin. May nakatayong lalaki na nakaitim na business suit sa tabi nito. Pareho kaming nagtataka ni Drynt sa nakikita, samantala si Raghnall ay lumapad ang ngiti. Mahina niyang binanggit na isa din niyang sekretarya niya ito.
Lumapit ang lalaki sa amin na tila tuwang-tuwa sa pag-uwi ng kaniyang amo. "Sir Raghnall, maligayang pagdating po." magalang niyang bati. Bumaling siya sa amin. "Sa inyo din po, Ma'm Nevie, young master."
Pakurap-kurap kami ng anak ko sa tawag niya sa amin. Wait, tinawag niyang young master ang anak ko? Teka, papaano niyang nalaman...
Naputol ang pag-iisip ko nang bigla ko naramdaman ang pag-akbay sa akin ni Raghnall. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. "Ang mabuti pa, umuwi na muna tayo sa Penthouse para makapagpahinga na kayong dalawa ni Drynt."
Hindi ko na magawang tumanggi pa. Kusang sumunod ang katawan ko sa anumang inuutos niya. Hanggang sa pinagbuksan na kami ng pinto at nakapasok na kami sa loob ng kotse.
"Wow, ang ganda po ng sasakyan ninyo, teacher Raghnall!" bulalas ni Drynt, sabay iginala niya ang kaniyang paningin sa loob ng kotse.
Ginulo ni Raghnall ang buhok ng anak ko. "Thank you, Drynt. At ito din ang sasakyan na ito ang maghahatid-sundo sa iyo sa school. Ayos lang ba sa iyo, 'yon?"
Gumuhit ang pagkamangha sa mukha ni Drynt nang marinig niya 'yon. "Talaga po, teacher Raghnall? Eh papaano naman po kayo?"
"May isa pa naman akong sasakyan, pwedeng 'yon na muna ang gagamitin ko." tugon niya.
"Wow, ang galing!" mas lalo siya namamangha sa narinig.
Inilipat ni Raghnall ang kaniyang tingin sa akin. "Dahil nasa poder na kita, masanay ka nang tawaging Mrs. Chua. Huwag kang mahiya kung ano ang kailangan mo dahil ibibigay ko din agad 'yon." masuyo niyang sabi sa akin. "And my secretary already prepared everthing."
**
Hindi mabura ang pagkamangha sa mukha ko nang narating na namin ang sinasabing Penthouse ni Raghnall. Kaunti man ang mga kagamitan ang naririto pero mahahalata na mamahalin ang mga ito. Kahit ang sahig, nakakahiya tumapak dahil mukhang mamahalin din dahil sa sobrang kintab! Basta, nakakahiyang hawakan o anuman!
"Nevie, don't be shy. Bahay mo na din ito." malumanay na sabi niya na mukhang napagtanto niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
"A-ano kasi..." naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Hinila niya ako at wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin.
"Drynt, manood ka muna ng cartoons kung gusto mo." bilin niya sa anak ko na patuloy parin ang paghila niya sa akin.
"S-saan mo ako dadalhin?"
Hindi niya ako sinagot hanggang sa binuksan niya ang pinto ng isang kuwarto. Isang malawak na kuwarto! "And this is Master's bedroom. Ito ang magiging kuwarto natin." sa huli ay nasabi niya.
Agad akong lumingon sa kaniya. Ibinuka ko ang aking bibig. "A-ayos lang kung sa maid's quarters kami—"
Humakbang palapit sa akin si Raghnall sabay dumapo ang mga palad niya sa magkabilang bewang ko na dahilan upang matahimik ako dahil sa gulat. "Nevie, asawa kita. Legal na kitang asawa at sa iyo na ako. Wala sa plano ko na patulugin ka sa maid's quarters dahil hindi kita inasawa para maging kasambahay." masuyo niyang sabi. "Gusto kitang pakasalan para makasama kita, para wakasan ang paghihirap mo, sasamahan kita habang pinapalaki mo si Drynt. Lalo na't ikaw ang gusto kong makasama para mabuo ang pamilyang matagal ko nang pinapangarap."
"R-Raghnall..." halos kapusin na ako ng hininga nang tawagin ko ang pangalan niya.
"Yes, my lucky charm?" namamaos niyang sambit. Mas inilapit pa niya ang kaniyang katawan sa akin, maski ang kaniyang mukha, na plano yata siyang halikan ako! "You want something...?"
Ibinuka ko ang aking bibig pero wala akong masabi.
"What is it, lucky charm...?"
Hindi ko pa rin magawang magsalita. Mas lalo inilapit ang mukha niya sa akin. Kaunting kaunti nalang talaga, mahahalikan na niya ako! Gustuhin ko man siyang itulak, ay hindi ko magawa dahil nagiging taksil ang aking katawan!
Tumigil lang siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sa tagpong 'yon, hindi ko malaman kung magpapasalamat ba ako o madidismaya. Bahagyang inilayo niya ang kaniyang sarili sabay narinig ko sa kaniya ang mahinang pagmumura niya. Nagsorry siya sa akin bago niya sagutin ang tawag. Pinapanood ko lang siya.
"What it is? Oh, yes. Bukas na ang balik ko sa kumpanya. Please send the documents on my email. Let me check the details. Yes, please. Thank you." ibinaba niya ang tawag saka bumaling siya sa akin.
Naalarma naman ako. "Mukhang may aasikasuhin ka... Sandali at ipagtitimpla kita ng kape."
"I don't need a coffee, Nevie."
"A-ahm... Ano ba ang madalas mong iniinom habang... Nagtatrabaho ka...?"
"Leave it for a while, let's discuss about our honeymoon since we were newly weds."
Para akong nanigas sa kinakatayuan ko. Hindi agad maproseso sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya. "H-ha?!" bulalas ko pa sa huli.
Nagkibit-balikat siya. Binigyan niya ako ng isang inosenteng tingin pero natatanaw ko pa rin ang pagpigil ng tawa niya. "Why? Hindi ba, ganoon ang ginagawa ng mag-asawa? Pagkatapos ng kasal, may honeymoon muna?"
"Ang akala ko ba, kaya ka uuwi dito sa Maynila para sa trabaho mo?"
"But I want to have a child with you. Very soon, my lucky charm."