Water Cabin

4845 Words
Chapter 7 Hay, ito na naman ako, nasa loob muli ng kwarto ko, nagpapahinga. Grabe talaga yung kanina. Katatapos lang ng tour ko sa Main Cabin at sobrang ganda na nangyayari pero dahil lang sa kanya na naman. Naglalakad kaming dalawa ni King Gabi sa hallway at sa sobrang tahimik, ang tanging maririnig lang ay ang yapak ng mga sapatos namin. Paano ba, magsalita ba ako o hindi? Ano naman sasabihin ko? “Sorry for a while back,” sabi ni King Gabi na kinabasag ng katahimikan. “I never thought he will come” “Oh uhm it’s fine,” sagot ko. “I wasn’t scared at all even though he has that uhm dark side of his,” well, yun na nga. Natakot ako sa totoo lang pero medyo lang. Napabuntong hininga naman siya ng sobrang lalim. “I wish I could have done something,” sabi niya. “You’ve done enough, King Gabi. He’s just not aware of it, I think,” sabi ko dahil yun naman ang totoo. Bigla siyang tumigil sa paglalakad na ikinatigil ko rin. “So, the tour ends here.” “Oh okay. Yeah. Sure,” sagot ko naman. “I’m just in my office in case you need anything. I have a lot of things to do.” “Uhm yes. Right,” at tuluyan siyang naglakad paalis. “Oh by the way, thanks for the tour, King Gabi,” pasasalamat ko ngunit tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Kawawa naman si King Gabi. Yang Jethro na yan, walang matinong gawin. Bakit kasi may mga taong tulad niya na nabubuhay pa sa mundong ito? Ngayon lang talaga ako nakakilala ng tulad niya na sobrang manhid na as in, hindi mo masukat kung gaano siya kamanhid. Bwiset. Hay buhay, ang dami kong nalamang magagandang bagay tungkol sa nasyong ito at sobrang... uhm paano ko ba sasabihin, one word: AWESOME. Bawat detalye talaga nakakamangha kahit Main Cabin pa lang yan. Excited na ako sa mga susunod na cabin. Grabe nangangati na kamay ko. Gusto kong magsulat kasi sayang itong mga pangyayari na ito. Kung may papel at lapis lang diyan eh. Ang nagagawa ko na lang matulog kahit medyo maaga pa kaya nagpalit agad ako ng pantulog at humiga. Hindi rin nagtagal, nakatulog din ako.   Kinabukasan, medyo nalalamigan ako kaya nagising ako pero hindi lang dahil doon eh. “Hmm...mmmm” Sandali ano yan? Bakit parang may naririnig akong humuhuni? Imposibleng mga ibon naman yun dahil winter dito saka halata na hindi ibon ang gumagawa ng tunog. Binuksan ko ang mga mata ko dahan-dahan para makita kung sino. “Hmmmm...mmm” Kahit medyo malabo pa ang paningin ko alam ko kung sino dahil sa kulay ng buhok niya. Si water prince lang pala. Ano ulit pangalan niya? Prince Eaux ba yun? Ah basta nasa loob lang siya ng kwarto ko ngayon. Loading... Napamulagat ako ng mga mata ko ng di oras at kasabay nun ay napaupo ako dahil nagising ang kaluluwa ko. Hindi nga, si Prince Eaux nasa loob ng kwarto ko?! “Oh Yani, you’re awake” sabi niya. Hindi nga ako nananaginip! “KYAAAHH!!” sigaw ko. Nagulat siya at tinakpan ang mga tainga niya ng kanyang mga kamay dahil sa lakas ng sigaw ko. “Wait! Why are you shouting?!” sigaw niya pabalik. “KYAAAHH!” sigaw ko pa rin sabay kumuha ako ng unan at tinapon ito sa kanya. “Wait...*dodge*...wait...*dodge*...Yani wait!” “BAKIT KA NANDITO?! HINDI MO BA ALAM KUMATOK?!” sigaw ko sa kanya habang nagtatapon pa rin ako ng unan. “What?! I can’t...*dodge*...understand you!” “Just GET OUT!!” sabay tinapon ko ang huling unan. “Okay, okay. Sheesh. What a girl” at lumabas nga siya at kasabay nun ay sinara ko ang pinto ng padabog gamit ang malakas na hangin. Grabe. Umagang-umaga nambubulabog! Hindi niya ba kayang maghintay sa labas?! Ang aga pa kaya! Eish. Badtrip. Hindi niya naman talaga ako binulabog. Nagulat lang talaga ako na nandito siya sa loob kaya consider it na bulabog pero ang OE (over exagerated) ko pala. “Oh by the way, wear something not too warm” sabi niya mula sa pinto. Hindi ko siya sinagot. Oo na po, mahal na prinsipe! Badtrip talaga. First time ko yun kaya hindi ako sanay. Tulad nga ng sinabi niya, not too warm daw. Nagsuot ako ng available na damit na pang summer. Halos lahat mga sando at shorts kaya ayun na lang ang sinuot ko at tinapalan ng makapal na jacket na hanggang tuhod ang haba dahil nga malamig pa rito. Tinali ko rin ang aking buhok. Pagkabukas ko ng pinto, andoon siya nakasandal sa pader at bahagyang gulat nang makita ako. Binalikan ko naman siya ng tinging seryoso. “What?” mataray kong saad. “Hah? Uhm nothing,” nautal niyang sagot. Nagtitigan lang kami sa isa’t isa. “So, are we just gonna stand here or what?” Shems. Ang taray ko pala. “Oh, just...” sabay napakamot siya sa ulo niya. “Let’s go” ako na ang nag-alok at naglakad. Naglakad na rin siya at syempre pinauna ko siya kasi siya ang may alam ng daan. Wala ni isa sa amin ang umimik habang naglalakad kami. Badtrip pa rin ako. “Look Yani, I’m sorry for a while back” paghingi niya ng pasensya na kinabasag ng katahimikan. “I didn’t know that you are not used to people coming in your room—” “Now you know” singit ko. “Next time, if you want to come in, please knock okay?” “But I was knocking a while ago and not a single reply I got—” “Isn’t it you saw me sleeping?” singit ko ulit. “Well, yes—” “Then why didn’t you wait outside? What if I’m doing something privately?” at isa pang sabat ko. Sorry. Wala na po akong galang. “Don’t you know that barging at someone’s place is—” Napatigil ako. Sandali, kung tama ako, naalala kong sinabi yun ni Jethro di ba? Okay, so what? “Is what?” tanong niya. “...is a grave thing,” pagtatapos ko. Napabuntong hininga naman siya. “Okay, I’m really, really sorry. Please forgive me for my rudeness,” paghingi niya ng paumanhin. “Uuhh, uhm sure. I forgive you,” nahihiya kong sagot. Shacks, humingi siya ng patawad sa akin? Oh my gash! Ngayon ko lang narealize ang pinaggagawa ko. Grabe, nakakahiya naman yun. Ang simple lang ng bagay na ginawa niya tapos kung ano-ano nang sinabi ko sa kanya tapos take note hah Yani, PRINSIPE siya hindi ikaw ang prinsesa! Mahiya ka nga! Dumiretso kami palabas ng Main Cabin at pagkatapos ng ilang minuto ng paglalakad, unti-unti kong naramdamang uminit ang temperatura ng paligid ko. Mayamaya, may nasilayan akong sinag ng araw. Pagkarating, ramdam ko ang init ng buhangin sa aking mga paa. Simpleng dagat lang siya. “Take off your coat. It’s already warm,” sabi niya. Tinanggal ko nga tapos binigay ito sa kanya. Pati siya nagtanggal din. Naka asul siya na shirt at pulang shorts. Wow. In fairness girls, hot siya. “So can you breath underwater?” tanong niya sa akin. “Hah? Uhm well I can but I have a limit,” sagot ko. “How many hours?” “An hour only.” “Oh,” tapos bigla siyang tumingin sa kanyang paligid sabay naglakad papunta sa isang lugar sa buhangin. “Come here. Stand next to me.” Nagtaka ako sa una pero ginawa ko nga ang sinabi niya at biglang nawala ang buhangin sa tinatapakan ko at bumaba ang isang platform na sinasakyan ko. Para akong nakasakay sa isang elevator, yun nga lang, pang isang tao lang siya. Nagulat ako sa nangyari. Tumigil din ito at bumukas ang pinto sa harap ko. “So, welcome to the underwater path...” Nagningning ang mga mata ko dahil sa mga nakita ko. Alam niyo ba yung mga gawa sa clear glass ang mga dingding tapos kitang-kita mo ang ilalim ng dagat? Parang nasa ilalim ka ng tubig na hindi nababasa. Astig. “Wow” komento ko. “So shall we proceed?” “Yes” nakangiti kong saad at naglakad kami. Lingon sa kanan, sa kaliwa, paiikot-ikot lang ang ulo ko habang pinagmamasdan ang paligid. Oh shems may mga tao sa ilalim ng tubig. Syempre water people nga naman sila. Yung iba naglalaro, yung iba kumaway sa amin at ako naman itong kakaway pabalik. Grabe, underwater path palang ito paano pa kaya kung yung mismong cabin nila? Nung nasa dulo na kami ng underwater path, biglang bumukas ang isang malaking glass na mukhang gate ata ng cabin nila. “So this is the Water Cabin,” sabi ng prinsipe. Mas lalong nagningning ang aking mga mata sa nakikita ko. Isa siyang siyudad na napapaligiran ng mga pader na gawa sa clear glass kaya ang mismong city ay nasa ilalim ng tubig pero hindi kami nababasa. “There are a lot of things to show you. Where do you want to start?” tanong niya. “Anywhere!” excited kong sagot. “I see,” ngiti niya. “Well, how about we walk to my place and just ask any question while we’re walking if something came to your mind.” “Okay,” so naglakad kami. “Hmm, maybe you can start by naming some common and famous places here,” sabi ko. “Right. Well, we have here the Water Academy, the only school for us water people…” sabay tinuro niya ang isang malaking gusali na mukhang isang paaralan. “Then we have the Water Hospital. By the name itself it means it is where injured and sick water people go. We also have a water hospital in the Main Cabin for emergencies because water people also go there…” “We also have different restaurants and stores for necessary things and last but not the least; we have the park located outside these clear walls. Water people like us likes to relax underwater. We can think better if we dive deep in the water,” pagtatapos niya. Tulad nga ng sinabi ni King Gabi kaya ganun ang special room niya. “So I think that’s all I have in mind” sabi niya. “Do you still have any questions?” “Well, how about you guys? I mean what’s special about water people? Do they have something in common?” “Oh good thing you asked about that. Well, water people can breathe underwater as long as they can...” O sige. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya pero naasar ako. At least nga nakakahinga pa ako sa ilalim ng tubig na hindi kaya ng isang normal na tao. “We hate solid foods so we prefer beverages and soups only. And one more thing, we can walk on the surface of the water.” “Really?” “Yup. And also, our body easily dries once we got out from the water because we absorb large amount of it.” “Ooohh. I see.” “Oh and by the way, I would like you to see what’s common inside each of the houses here in our cabin” sabay lumapit kami sa harap ng isang bahay na mukhang gawa sa corals at buhangin ito. “Are you sure nobody lives here?” paninigurado ko. “Yes. These are houses reserved for the next water person,” sabay binuksan niya ang pinto ng bahay. Okay. Normal na bahay lang siya na maganda at pang isang tao lang pero... “An aquarium?” tanong ko. “Yup. That’s our bed. Obviously, we sleep in the water.” “Oh no wonder it’s that big. That’s cool,” komento ko. “Indeed,” sabi niya. “So, shall we proceed to my place?” “Sure” at lumabas kami ng bahay. Naglakad kami papunta sa harap ng isang palace at tulad ng bahay kanina, mukhang gawa rin sa mga corals at buhangin ang isang to. Grabe. Labas palang, sobrang ganda na promise. Umakyat muna kami sa isang hagdan bago niya binuksan ang isang malaking pinto at shems ang ganda. Yun nga, palace talaga siya na underwater lang ang theme. Ang bubong niya ay gawa sa clear glass kaya parang... ay hindi UNDERWATER PALACE nga siya. “Good morning Prince Eaux,” bati ng isang water girl pag kadaan ni Prince Eaux sabay nagbow siya sa harap niya. “Good morning Ann. So any new reports?” sabay may kinuha siya na papel na binigay ng water girl. “Nothing to report, your highness. Everything is quite in order,” sagot ng babae. “That’s good. Oh and by the way Ann, this is Yani, our newest visitor,” humarap siya sa akin sabay nagbow sa harap ko na kinagulat ko. “Yani, Ann my secretary.” “Ah hehe. Hi. Uhm you don’t really need to bow” nahihiya kong sagot. Tumayo siya ng matuwid. “You’re a respected visitor here for having our very own water prince to be your tour guide and most especially you’re not even a water person,” sabi niya. “Uuhhh…” Wow ang deep naman ng sinabi mo ateng. Paano niya nalaman na hindi ako water girl? “She may not be Ann but she has the ability to control water so she’s allowed to be here,” sabi naman ni Prince Eaux. Nagbow siya ulit kay Prince Eaux. “As you say so, your highness.” “Well then, let’s go to my office Yani so we will have our break.” Tumango ako at sinundan siya sa paglakad. Dumating kami sa harap ng isang malaking pinto sabay binuksan niya ito. “Woah,” komento ko sa pagkamangha. Para siyang opisina ng principal pero mas doble pa ang laki at luwang nito. May lamesa siya na may seashell sa gitna nito dahil syempre underwater pa rin ang theme at marami ring nakadikit na seashells at sea creature designs sa mga pader pero puno ng mga nakapatong-patong na papel ang lamesa niya. Hmm, so totoo nga na kahit prinsipe o prinsesa ka man o reyna at hari ka pa, marami ka talagang responsibilidad dahil syempre ibibigay sa iyo lahat ng gawain sa pinamumunuan mong lugar. “Have a seat” alok niya. Umupo ako sa malaking sofa. Wow. Ang lambot ah. Ang upuan ko lang kasi sa bahay nung nakatira pa ako sa Pilipinas ay isang monoblock lang tapos kama na gawa sa kahoy na walang kutsyon. Masaya na ako sa isang unan at kumot. Nakakapanibago rin ang bagong kwarto ko. “So, would you like something to drink?” tanong niya. “Uhm no. I’m fine,” sagot ko. “Okay,” sabay umupo naman siya sa upuan ng kanyang lamesa. “Uhm, so this is my office obviously. Big right?” sabi niya habang nakatingin siya sa akin. “Obviously, yes,” sagot ko naman. Binigyan niya lang ako ng ngiti sabay kumuha siya ng papel at nagsimulang magsulat. Inikot ko naman ang tingin ko sa buong paligid kaya may namuong katahimikan sa pagitan namin. “Uhm what are we doing here?” tanong ko. “To rest” sagot niya habang nagsusulat. Ah okay. Sa tingin ko, this is getting awkward. “So do you like the place?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. “Uuhm yes. It’s awesome” sagot ko na lang. Hindi siya umimik pabalik at pinanuod ko lang siyang magsulat. So, yun na yun? Hihintay lang ako ng mga tanong niya at sasagutin ko? Boring. Hmm, ako naman ang magtanong. “Uhm, can I help you with your work?” tanong ko. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang sabihin ko yun sabay tinignan niya ako at nginitian. “That’s very kind of you but this work can only be done by me,” sagot niya sabay bumalik siya sa pagsusulat. “Oh right. So uhm, is there anything I can do?” “Hmm...” muli tinignan niya ako. “How about this, you can ask me any question you like and I’ll try my best to answer it. But, it depends on the question actually.” “Oh okay. Uhm…” Ano kayang magandang itanong sa kanya? Friends, pet, favorite color, favorite food, talent… wait. Speaking of talent… “Uhm I heard you love to dance.” Pagkasabi ko nun, napatigil siya sa pagsulat at hindi umimik. Okay uhm siguro nag-iisip siya? “Prince Eaux?” Inangat niya ang kanyang mukha at binalikan ako ng seryoso niyang tingin kaya bahagya akong nagulat. “What about it?” seryoso niyang saad sa akin. Napatigil ako saglit bago nakaimik. “Uuuhhh…Uhm… nothing. Well…” sabay napakamot ako sa ulo ko. Ayan na naman tayo eh. Bakit parati na lang pag nagtatanong ako, nakakatakot lagi ang mga mukha nila na para ba nila akong pinapatay? Isa na naman ba ito sa mga tanong na dapat hindi tanungin?! “Well?” sabi niya na naghihintay ng katuloy sa sasabihin ko. “Uhm well... I’m just wondering that uhh… you dance in here?” nauutal kong tanong. Napatahimik siya. Okay Yani, just drop the subject dahil halata na dapat hindi ko nga tinanong yun at dapat hindi na ako magtatanong kailan pa! “Look you don’t need to answer if you don’t want to and maybe let’s just go—” “You have seen my room?” singit niya. I paused. “Uuhh you mean the special room? Well, yes. King Gabi let me. Am I not allowed to see it?” tanong ko pabalik. Tumayo siya bigla na ikinagulat ko. Waaahh! Natatakot na ako. “Wait look, I’m really sorry. It was just a tour. I didn’t mean to see that,” pagpapanic ko. Please huwag mo akong parusahan. Bigla siyang tumalikod sa akin at tumingin sa labas ng katabi niyang bintana. “I kept it as a secret. Only few must know because I don’t dance in public,” sagot niya. “Ah okay,” kaya pala ganun siya makareact pero grabe hah kuya. Maka-react ka para akong aatakihin sa puso rito. “But your brothers knew it?” Ayan na naman ako sa mga tanong pero siguro naman hindi na grabe ang reaction niya rito. “Yes. All of them” sagot niya. “Oh okay.” Ito na talaga. Hindi na ako magtatanong ulit. Hayaan mo nang awkward. Basta, nakakatrauma na magtanong sa mga taong ito. Mayamaya humarap siya sa akin at nginitian ako. “Sorry to scare you. I never saw that coming,” sabi niya bigla. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napatango na lang ako. “Please don’t be afraid to ask again. I’ll try not to be scary anymore.” Okay. Mukhang pinipilit niya ako ah. Bahala na nga. “Uhm have you heard Jethro I mean Prince Jethro sang?”  tanong ko. Bahagya siyang nagulat sa tanong ko. “Why’d you ask?” tanong niya pabalik. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit. “Uhm well, King Gabi said he’s good at playing different kinds of melodies but never sang. I thought that maybe you heard him.” Lumipas ang ilang minuto bago siya sumagot. “You see, if dad never heard him sang, then even the seven of us his brothers didn’t hear it too. But his music are good even though it is purely instrumental. I can feel that almost all his songs are… sad.” Ah okay. Sabi nila that some people express their emotions in music so kung ganun pala, malungkot na siya… matagal na. Masyado talagang mysterious yang guy na yan. Wala tayong magagawa. Manhid eh. “So anymore?” dagdag niya. “Uuhhm—” “Maybe save that for some other time…” singit niya. “…I really like to talk with you but I need to take you back to the Main Cabin because I still have a lot of work to do.” “Wait, the tour ends here?” tanong ko. “Oui. Is that okay with you?” “Oh yeah. Sure,” sabay tumayo ako at tumayo na rin siya. Naglakad kami palabas ng underwater palace niya at sa totoo lang, kanina pa ako na-cu-curious kasi kanina pa nakatingin ang mga tao sa akin. Ano bang problema nila? Dahil ba sa itim ang buhok ko at lahat sila asul? O baka naman dahil kasama ko ang pinakamamahal nilang prinsipe buong umaga? “Prince Eaux!” sigaw ng isang boses na mula sa aming likod na kinagulat namin pareho. Lumingon kaming dalawa at nakita ang secretary niya na hindi ko ulit maalala ang pangalan na tumatakbo palapit sa kanya. “What is it?” puno ng awtoridad na tanong ni Prince Eaux. “Your highness, it’s an emergency. There’s a problem back at the Academy and they need you there. Sorry for the disturbance” sabay nagbow siya sa harap niya habang humihingal. “Is it urgent?” “Yes, your highness.” “It can’t really wait—” “You can go” singit ko kaya sabay silang napatingin sa akin. “Just go. I’m fine” paninigurado ko. “Are you sure you can go back?” puno ng pagkabalisa na tanong sa akin ni Prince Eaux. “Well uhm not quite sure but—” “You see” singit ni Prince Eaux. “I have to bring you back safe and sound.” “But what about your—” “Ma’am! Ma’am! Ma’am Ann!” singit muli ng isang boses sabay may tumatakbong water girl din papalapit sa secretary ni Prince Eaux. Tulad ng iba, may kulay asul siyang mata at nakatirintas ang medyo mahaba niyang asul na buhok. “Femme!” gulat na saad ng secretary. “Mam, we really need the prince there!” sabi niya at napatigil saglit nang makita si Prince Eaux. “Uuhh I-I mean, your highness…” sabay nagbow siya sa harap niya. “…sorry for being rude.” “It’s fine,” sagot ni Prince Eaux. “I see now that it’s really urgent. Well then, Ann please escort Yani all the way to the exit. Make sure she’s safe and sound to return to the Main Cabin. Report to me at once.” Tinignan muna ako ng secretary niya. “I really liked to help, your highness but—” “I volunteer Prince Eaux!” singit ng babaeng nakatirintas na hindi ko sigurado ang pangalan sabay nagtaas pa siya ng kamay. Napatingin kaming lahat sa kanya. “Volunteer for what?” tanong ni Prince Eaux sa kanya. “Volunteer to help this girl to find her way to the Main Cabin,” taas noo niyang sabi. Nagtinginan si Prince Eaux at ang kanyang secretary. “Well, that’s very nice of you but I asked Ann—” “She needs to be there Prince Eaux because she’s your assistant” sagot ng braided water girl. “Actually secretary” saad ni Ann. “I mean your secretary,” the braided girl said. Nagtaka na lang si Prince Eaux at naglabas ng buntong hininga. “Okay then. I’ll leave her to you. Make sure she got back safe. Report to me at once,” puno ng awtoridad na saad ni Prince Eaux. “YES Sir!” sabay nag-salute pa siya. Tumingin si Prince Eaux sa akin. “Be safe” sabi niya na puno ng pagkukumbaba ang mukha at ngumiti. Shems. Ayan na naman killer smile niya. “Uhh uhm yes. Of course,” imik ko at sabay na umalis sila. Ang naiwan na lang ay ako at si braided water girl. Okay. Ano na? “Uhm your name—” “Okay, first things first, I have a question to you young lady!” sabat niya sa akin sabay turo. Wow. Nakakagulat yun ah. “Yes?” “You came from the Main Cabin right?” tanong niya. “Oh uhm yes. I’m just a visitor here,” sagot ko. “Then what element do you control?” tanong naman niya. “Hah? Uhm well...” Sasabihin ko kaya? Hindi. Baka kung anong gawin niya sa akin. “Well you see it’s a bit complicated to explain.” “Oh really…” sabay tumingin siya sa akin puno ng suspicion ang mga mata. Please Lord. Sana hindi niya na ako pilitin. “Okay then, let’s go to the Main Cabin. Tara!” alok niya ng sobrang saya at nagsimula siyang maglakad. Whew. I was relieved pero nagulat din ako sa biglang pagbabago ng expression niya. “Wait, uhm actually—” sabi ko at nagsimula na ring maglakad pero napatigil siya sabay hinarap niya ako kaya napatigil din ako. “Oh sorry. I spoke filipino again hehe,” sabi niya na ikinatahimik ko. “By the way, my name is Femme. I’m actually a Filipina. Nice to meet you,” bati niya sabay ngiti. Nagulat ako sa sinabi niya. “Pilipino ka?” tanong ko. Nagulat siya. “Ikaw din?!” pabalik niyang tanong. “Di nga? May Pilipino din pala dito?” di ko makapaniwalang sabi. “Oo naman. Ang saya naman nito,” ngiti niya pa ng napakasaya. “Ay dito pala ang palabas sa cabin namin. Bilisan na natin dahil di ba nga may emergency,” dagdag niya kaya mabilis kaming naglakad papunta sa gate nila. Pagkarating namin sa pinto ng underwater path... “So ito na yun. Tara” sabi niya pero pinatong ko rin agad ang kamay ko sa balikat niya kaya napatigil siya at napalingon sa akin. “Bakit?” “Kaya ko na rito,” paninigurado ko. “Pwede ka nang bumalik. Sabihin mo lang kay Prince Eaux na nakarating na ako sa Main Cabin ng maayos” “Sigurado ka?” “Oo naman” “Eh, pero gusto pa kitang makausap. Wala kayang masyadong Pilipino dito na pwedeng kausapin. Puro sila englishero at englishera,” and she pouted. Aww ang cute niya. Para siyang bata. “Oo nga eh pero di ba may emergency ka pa?” “Ah oo nga pala. Sayang” “Okay lang yan. Sa susunod na lang ulit. Susubukan kong bisitahin ka rito kung may oras ako,” at nginitian ko siya. “Promise yan?” “Promise” at tinaas ang aking kamay na nangangako. “Okay sige. Bye Yani. Ingat ka hah?” at kumaway siya sa akin. “Oo naman. Ikaw din Femme. Bye”  kumaway ako pabalik at tuluyan na akong umalis. Naglakad ako hanggang sa elevator. Hay buti naman. Akala ko ako at si Jethro lang ang Pilipino sa nasyong ito. Pagka-akyat ko, may bigla akong na-realize. Shacks. Malamig pala sa Main Cabin tapos nakalimutan ko ang jacket ko kay Prince Eaux! Hindi naman pwedeng bumalik ako roon dahil mawawala lang ako at sigurado akong sobrang abala sila. Bakit ngayon ko lang naisip ito?! Ah alam ko na! Kaya ko palang i-stabilize body temperature ko kaya walang problema. Nagpatuloy akong maglakad pabalik sa Main Cabin at buti naalala ko rin ang daan pabalik. Unti-unting lumamig ang paligid kaya sinubukan ko ring pinainit ang aking katawan. Buti gumagana. Mayamaya lang, may snow na sa dinadaanan ko kaya mas lalong lumamig. Grabe. Alam ko malayo pa ang kwarto ko mula rito. Hindi rin tatagal mahihimatay ako sa lamig. Syempre may hangganan din ako sa ginagawa ko kaya naisipan kong tumakbo. Napatigil ako saglit dahil hindi lang sa pagod, kundi sa nakita ko ngayon. Sa di kalayuan, nakasandal sa puno ang prinsipe ng yelo habang nakayuko ang kanyang ulo at nakapikit ang kanyang mga mata sabay nakapamulsa pa ang dalawang kamay sa jacket niya. Agad niya ring binuksan ang mga mata niya nang narinig niya akong humihingal. Bakit ba ako tumigil? Manhid naman siya kaya hindi niya ako papansinin. Nagpatuloy akong maglakad habang yakap-yakap ang sarili ko.   “Kakaiba ka magsuot ng damit. Summer clothes sa winter” sabi niya pagkalampas ko sa kanya na ikinagulat ko. Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD