Main Cabin 2

2932 Words
Chapter 6.2 Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin at sobrang awkward talaga dahil doon. “Uuhh can I ask why?” tanong ko kaya nabasag ang katahimikan. Nababasa ko naman ang hangin ngayon sa pagitan namin pero mabilis talaga akong atakihin ng curiosity pero huhu sana sa padalos-dalos kong pagtanong ng mga bagay-bagay, sana naman ngayon walang masamang mangyari. “I’m sorry dear but it’s a long story,” simple niyang sagot. “Oh okay. Uhm I understand.” Okay. Tahimik ka na Yani. Zip your mouth. “So…” sabi niya pero para akong kinilabot nun. Lumingon siya sa akin at nginitian ako. “…do you want to know what’s behind those eight doors?” Nagulat ako sa suddenly change of mood niya. Ngumiti na lang ako pabalik. “Yes please,” sagot ko.   Pagkarating namin, may malaking pinto na tumambad sa harap namin at pagkabukas, may walong pinto na nakahilera. Bawat isa ay may simbolo sa taas ng pintuan. “So first, let’s go to Eaux’s room,” at pumunta sa pinto na may ‘water drop’ symbol sa taas ng pintuan. “Wait, wait, wait…” sabi ko kaya napatingin sa akin si King Gabi. “Eaux’s room? You mean the water prince?” tanong ko. “Yes dear” sagot ni King Gabi. “So that means, these are their rooms? The eight princes’ rooms?” “Nice observation. Surprise” masayang saad ni King Gabi. Ah. Yun pala yung sorpresa na sinasabi niya kanina. Mukhang nasurprise talaga ako doon. Ano kayang meron sa bawat kwarto nila? Binuksan ni King Gabi ang pintuan sa kwarto ni Prince Eaux at pagkabukas, ay… “So just a pool,” sabi ko. Para akong nanlumo kasi may ineexpect akong something na sobrang ‘sosyalin’. Prince siya eh. “It’s not just a pool dear. Come” sabay pumunta kami sa isang elevator. Ay wow. At least may elevator pa siyang nalalaman. Pagkababa namin at pagkabukas ng pinto ng elevator... shems, awesome. So hindi lang pala talaga siya pool. May clear glass sa harap namin at kitang-kita namin kung anong nasa loob ng pool. May jukebox sa loob at salamin na sobrang laki sa kabilang dulo kaya kita reflection namin. “So, any idea what does he do down here?” tanong ni King Gabi sa akin. “Uhm wait...” Nag-isip ako. Sandali lang talaga. Nakita ko na yan. Hmm hindi ako sigurado pero okay lang ba manghula? “He dances?” patanong kong sagot. “Correct. He dance underwater.” Tama ako? Akala ko nga tatawa siya kasi sasayaw sa ilalim ng tubig? Pero sandali... “How can he dance underwater?” tanong ko. “He’s a water guy, Yani. He can hear the beat of the jukebox even though he is underwater. The jukebox is waterproof specially made for this pool so it works. Also, water guys can think clearly if they are underwater.” “Ooh awesome,” ang galing nung gumawa ng jukebox. “So now you know Eaux’s thing, let’s proceed to the next room.” Oh yan Yani. ‘Sosyalin’ ang kanyang special room di ba? May ‘dancing underwater’ pa siyang nalalaman. Ang sumunod ay may maliit na simbolo ng hangin sa taas ng pintuan. Ibig sabihin kay air prince. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maalala ang pangalan niya. “Uhm who’s room is this?” tanong ko. Alam ko air prince pero gusto kong malaman ang pangalan niya. “Turuki’s, the air prince” sagot ni King Gabi. Ah, Turuki pala pangalan niya. Gusto ko sanang isulat pero ayun na nga wala akong lapis at papel. Sana hindi na lang mabura sa utak ko ang mga ito. Pagkabukas, may simoy na hangin na sumalubong sa amin sabay pumasok kami at maraming picture frames na nakasabit. Sandali lang, manghuhula ako ulit. “Photography?” tanong ko. “Yes” Boom. Tama ako ulit. “He has a lot of cameras and he is the best photographer that I ever met here in this nation because he always get the exact angles of every view perfectly. He was able to take the entire cabin at perfect angles. I think he has a photo album of it but I don’t know where he kept it.” “Ah…” so kung dancer si Prince Eaux, ang water prince, ito namang air prince na si Prince Turuki ay isang photographer. Siguro mas maalala ko ang pangalan nila ngayong alam ko kung anong nasa loob ng bawat kwarto rito. “So what’s with the air in here even though there are no windows?” tanong ko habang tumitingin sa paligid. “It’s a special wind that only circulates in this room. He can relax with this kind of air.” Okay. Para siyang breeze tapos ang sarap ng kanyang simoy. Lumabas din kami agad at pumunta sa susunod na kwarto. May simbolo na maliit na bato sa taas ng pintuan. Earth, so ibig sabihin si Prince Edmondo. Hay, alam na this. Ano pa nga ba kundi may sewing machine at maraming damit. Pagkabukas... ops. Mali ako. “So this is Edmondo’s fun time.” Puno ng picture frames ng mga cross stitches ang kwarto. Tapos marami ring iba’t ibang bagay na crinochet at knitted. Ang daming sinulid at crochet hooks na nasa ibabaw ng mesa. “...he not only sews dresses but he can also cross stitch, crochet and knit wonderful things.” Okay, hindi na ako mag-ju-judge. “But because of his busy schedules of different deliveries of clothes, he seldom comes here.” Ah ganun pala yun. Talagang totoo yung example ni King Gabi kanina na lagi siyang may delivery. Lumabas din kami agad ng kwarto. Ang sumunod naman ay may maliit na apoy na simbolo sa taas ng pintuan. Ah, walang iba kundi ang magaling na fire prince. Ano kayang talent niya? Pagkabukas palang ng pinto, ramdam mo ang init galing sa loob pero hindi ganun kainit na parang masusunog na ang balat niyo. Parang sa Pilipinas lang ang init. May stove at mga iba’t ibang kasangkapan na pangluto na nakasabit at nakahilerang mga cabinet sa taas. Ah gets ko na kung ano. “So what else Fuego wants to do is none other than to cook. This is where he experiment his recipe before he let others taste it.” Pumasok talaga kami at binuksan ni King Gabi bawat cabinet na meron. “Wow, so many ingredients,” komento ko. “Yes. Every ingredient and utensil is here. One fact about him is he don’t bring cooking books in here. He cooks whatever that pops out his mind and he always experiment different kinds of food.” “Really? What a guy,” sabi ko. “Indeed he is,” at lumabas din kami. Grabe, pinawisan ako doon ah. Okay. So apat na yun at may apat pa. Sa sumunod, may maliit na kidlat na simbolo sa taas ng pintuan. Okay so ang fire prince ay si Prince Fuego at ito naman si electric prince, at hindi ko pa alam ang pangalan niya. Pagkatapak namin sa harap ng pinto, “Please scan your eye,” sabi ng isang boses. Agad namang tinapat ni King Gabi ang mata niya sa tapat ng pinto. O di siya na. Eye scanner pang gusto. “King Gabi, you may come in,” sabay bumukas ang pinto at pumasok si King Gabi. Nung ako na, sumara muna ang pinto at, “Please scan your eye,” kaya ayun, tinapat ko ang mata ko. “Different eye. Not allowed to come in.” Sabi na nga ba. Ano ba naman yan. Hindi ko na nga maalala yung pangalan niya, pati pa naman ang talent niya hindi ko malalaman. Mayamaya lang biglang bumukas yung pinto mag-isa dahilan para magulat ako. “Sorry about that dear. This is his security but I pressed something in order for you to come in.” Yes! Thank you, King Gabi. Pagkapasok ko, puno ng mga beakers, chemicals at iba’t ibang mga gamit para sa experiments ang kwarto. Amoy na amoy nga ang mga chemicals eh. “So he’s a scientist,” sabi ko. “Yup. That’s Zoltar’s thing. He loves science very much that he owns a lot of laboratories and this is one of them.” Ah okay, Zoltar pala pangalan niya at wow. Parang ang bata niya pa para magkaroon ng maraming laboratories kaya siya na. Siya na ang genius. Lumabas din kami dahil nakakahilo ang amoy. O eto na po eye scanner, lalabas na. Ang sumunod ay may maliit na dahong simbolo. Nature prince. At kung tama ang pagkakaalala ko… Pagkabukas ng pinto, may dingding na kulay puti. May mga malalaking canvas sa gilid na walang mga lamang painting at may nakatambak din na mga timba ng iba’t ibang kulay ng pintura at mga paintbrushes. Tama nga ako, painting ang gusto niya. Naalala ko na rin pangalan niya dahil doon. “Well, looks like Feesy didn’t paint right now” sabi ni King Gabi. “Yeah,” pag-agree ko. Halata sa mga nakatambak na malalaking canvas. “Actually, he always repaint these walls. You might think he’s painting on canvases but most of the time if he’s here, he paints the wall.” Bahagya akong nagulat sabay napatingin sa pader. Ah okay. Sa wall siya nag-pa-paint. “So that means these are thick walls made of different paintings?” “Yes, he would paint it white again if he won’t like it.” Ganun. Akala ko talaga sa mga nakatambak na canvas siya nag-pa-paint. Ang sumunod naman ay may maliit na ‘screw’ na simbolo sa taas ng pintuan. Si metal prince, isa siyang robot so ano kaya? Pagkarating namin sa harap ng pinto, biglang may red light. Tulad kanina, nag-scan din siya pero this time, buong katawan namin ang na-scan niya. “King Gabi, you may come in but the intruder is not allowed.” Wow. Nalaman niya agad na si King Gabi ang isa pero sandali, ano raw ako? Intruder? Like hello po, talking machine. Hindi po ako masamang tao. “Just let here in. She’s a visitor here,” sabi ni King Gabi. “I have no permission from Prince Aes.” Ah Prince Aes pala ang pangalan. O di siya na ang loyal. “We’ll just look inside. We won’t touch a thing,” paninigurado ni King Gabi. Mayamaya, nag-scan siya ulit. “The intruder has no malicious intent. She may come in,” at bumukas ang pinto. Sandali nga lang, ano raw? Malicious intent? Wow. Deep word. Nosebleed ako nun. So dito, simpleng kwarto siya na puro metal ang pader. “Simple you may say while looking around but behind those walls are different tools and materials for a machine. He always makes a machine here.” Ah, ganun pala ang fun time niya. Dahil nga sa robot siya, madali lang yun. Siguro matalino si Prince Aes. Saan kaya siya magaling, sa math o science? O both? Lumabas din kami. O ayan talking machine, wala akong ginawang masama. Tumingin nga lang ako eh. “Okay, so last but not the least...” sabi ni King Gabi. Sa totoo lang, ito ang pinakahinihintay ko at ito na nga. Ito na talaga. Tignan natin kung anong meron sa coldhearted prince na ito. Tumayo kami sa harap ng pintuan na may maliit na snowflake na simbolo sa taas ng pintuan. “So let’s see…” sabi ni King Gabi sabay hinawakan niya ang door knob ng pinto. Nag-pause muna siya. Anong meron? Don’t tell me may security din siya? Inikot niya ito at... nabuksan. Wala namang nakakagulat. O baka naman mamaya-maya biglang may aatake sa amin?! “Wow, that’s rare,” sabi niya. “Hah? Why?” tanong ko. Ibig sabihin talagang may security siya?! “You see, this room is always locked. He won’t let anyone come in. I don’t know why he wouldn’t put a security in it but anyways, we have to make a quick look before he comes.” Ay ganun. Ganun lang ang security niya pero parang ang scary naman kung pumasok tayo. Para kasing nagpapanik si King Gabi. Pagkakita ko sa loob... Nagulat ako at nanlaki mga mata ko. You’ve got to be kidding me. Ang fun time ng white-haired dude na yun ay... “As you can see, the room is full of different instruments made of ice,” sabi ni King Gabi. Music? Hindi ako makapaniwala. Paano nakakatugtog ng musika ang isang manhid na tulad niya? Oops. Sinabi ko na nga na hindi na ako mag-ju-judge pero eto ako ngayon. Ang sama ko talaga. Sorry. “It is unbelievable for a guy like him but he plays the best music of all may it be rock, jazz, pop, country and other genre.” “Really?” hindi ko talaga makapaniwalang sagot. “Yes. Since he can control ice, he made sure his instruments are made of ice so he can control them. He can make a piano play by itself while he is playing the guitar.” “Woah. That’s awesome I should say” komento ko. Hindi po yun sarcastic. “Indeed but the fact is, we never heard him sang before. He plays the melody only.” “Oh. So you mean, he plays the instruments without singing?” “Yes.” Ahh okay. That’s… understandable? “There are a lot of hidden things about Jethro that few of us only know about” halata sa boses ni King Gabi na malungkot niyang sinabi yun. “But what if you heard him sing?” Bahagyang nagulat si King Gabi sa tanong ko at napatingin sa akin. Sabay binigyan niya ako ng ngiti. “Then I’ll be the happiest father if that happens. To hear my son sing, will be the greatest gift that I will ever receive…” sagot niya. Hindi ako nakaimik. “…that’s my only wish before I die,” dagdag niya. Aww. Nakakaiyak naman yun. Geh drama lang ang peg. “Don’t worry, King Gabi. He’ll sing to you someday,” sabi ko para kahit papaano ma-cheer up siya. “Yeah” sagot niya, pero malungkot pa rin siya. So awkward pala pagkausap mo si King Gabi tapos tungkol kay Jethro pa. Hay that guy. “Okay. Let’s end here. We better get going before—” lumingon siya at hindi natapos ang kanyang sasabihin. Lumingon ako para tignan kung bakit.   “Jethro, you’re here,” sabi ni King Gabi. Uh-oh. White-haired dude alert. Hindi siya umimik at nakayuko lang ang ulo niya. “Look Jethro—” “What are you doing?” singit niya at seryoso niya itong tinanong. “Jethro, let me explain—” “Don’t you know...” sabat niya ulit sabay inangat niya ang kanyang ulo at binigyan kami ng sobrang seryosong tingin. Ayan na naman ang masamang aura na pumapaligid sa kanya. “...barging at someone’s place is a grave thing?” “Jethro, please understand.” Biglang umihip ang malamig na hangin na hindi ko alam kung saan galing (sa kanya ata) at mayamaya nagulat ako dahil biglang may mga ice spikes na umaangat papunta kay King Gabi. Agad naman akong pumunta sa harap ni King Gabi para harangan siya at gumawa ng bakod na gawa sa apoy. Dahil dito, may namuong pagkakapal na usok. “Sandali lang,” sabat ko naman. “Hindi ko alam kung anong rason kaya ka nagagalit at balak mo pang saktan ang sarili mong ama pero walang kasalanan si King Gabi rito. Kung gusto mong maglabas ng galit, sa akin na lang pwede?” Unti-unting nawala ang usok na pumagitan sa amin at nakita namin siya na seryoso pa rin ang mga tingin sa amin sabay napayuko muli siya ng kanyang ulo. Unti-unting naglaho ang yelo na ginawa niya hanggang sa tuluyan itong nawala. I sighed in relief. Whew. Buti na lang pero huwaw. Mukha akong heroine dito. Akala ko kasi hindi siya titigil kahit sabihin ko yun kasi hamak na babae lang ako samantalang isa siyang prinsipe kaya kung titignan natin, mas may karapatan siyang gawin kahit anong gusto niya pero sinunod niya pa rin ako. “Jethro, I mean Prince Jethro,” pagsisimula ko. “Ako na mismo ang hihingi ng tawad—” “Get out!” sabat niya kaya napatigil ako. Ay ganun. Hihingi na nga ng pasensya eh. “Yani come on,” sabay hinila ako ni King Gabi palabas ng kwarto papunta sa hallway. Grabe. Parang mas mataas pa siya kaysa sa tatay niya. Sabagay, manhid naman kasi siya eh. Paano kaya kung hindi ako humarang? Baka may nangyari pa kay King Gabi. Kung dati takot na takot ako, ngayon hindi na masyado pero aaminin ko talagang natakot ako sa nangyari kanina dahil kahit sarili niyang ama kaya niyang saktan. Naalala ko tuloy yung nagawa ko rin dati. Para talaga kaming may pagkakahawig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD