Chapter 7.2
Sandali, si Jethro nagsalita? Bago yun ah. Syempre napatigil ako at nilingon siya kung saan siya nakasandal.
“Ga-galing kasi ako sa Water Cabin. Nakalimutan ko jacket ko doon,” nanginginig kong sagot.
“Bakit hindi mo balikan?” malamig niyang tanong.
“Ka-kasi mawawala ako saka masyadong abala si Prince Eaux,” sagot ko at patuloy pa ring nanginginig.
Hindi siya umimik. Hindi ko na pinansin yun at patuloy muling naglakad pero para akong pagong sa bagal dahil ramdam ko na ang pagmamanhid ng mga binti ko.
“Malayo pa ang Main Cabin dito,” sabi niya.
“Ka-kaya nga” sagot ko pero patuloy pa rin akong humahakbang. “Ka-kaya kailangan kong bilisan.”
“Paano mo nakayanan ang lamig?” tanong niya.
“Uhm a-ano… ka-kaya ko kasing painitin katawan ko— teka,” liningon ko siya. “Bakit pa kita kina…kausap…” unti-unti kong hindi natapos ang sasabihin ko dahil sa nakikita ko ngayon.
Sandali lang... namamalik mata ba ako? Si coldhearted guy...
...inaabot JACKET NIYA?! Niloloko niyo ata ako.
“Uhm...”
“O, kunin mo na at isuot,” malamig niyang sabi habang inaabot ang jacket niya sa akin.
“Sa-sandali, se-seryoso ka?” nanginginig kong tanong.
Hindi siya umimik at tinignan niya lang ako ng seryoso. Okay, nasa mukha na ang sagot. Kinuha ko nga ito at sinuot. In fairness, uminit ang pakiramdam ko pagkasuot ko nito.
“Teka, paano ka?” tanong ko sa kanya.
“Kaya ko ang lamig. Huwag mo akong alalahanin,” sagot niya.
Alam ko yun, kasi ice guy siya at sa tingin ko ang mga tulad niya kayang tumagal kahit gaano kalamig yan pero yung the fact na inabot niya ang jacket niya... shacks. So not Jethro.
“Anong meron?” nagtataka kong tanong.
“Bakit? Anong meron?” tanong niya pabalik habang nagtataka.
“Parang biglang nagbibigay ka na lang ng jacket eh.”
“Bakit? Ayaw mo?”
“Uhm hindi naman sa ganun. Well uhm... kasi...” Paano ko ba sasabihin? Saka, sandali nga lang, tama ba talaga ang pagkakaalam ko sa isang manhid? Define cold hearted. Baka kasi nagkakamali ako.
“Di-karaniwang ginagawa ng isang taong tulad ko ang ginawa ko ngayon, yun ba ang gusto mong sabihin?” sabi niya.
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. “Ganun na nga” Wow. Nabasa niya isip ko. Tumingin siya sa langit.
“Hindi ba ganun ang hindi manhid?”
Hah? Ano raw? “Ano ba ang gusto mong iparating?” Naguguluhan na talaga ako sa kanya.
Binalikan niya ako ng tingin at hindi umimik sabay tumayo din siya ng matuwid. “Wala. Umalis ka na lang. Hindi mo pala naintindihan” sobrang seryoso niyang saad at naglakad siya paalis. Iniwan niya lang ako rito na nagtataka at nag-iisip.
Loading… Hayst. Well kung ano man ang gusto niyang iparating,
“Jethro!” tawag ko at buti tumigil din siya.
“Uhm salamat sa jacket” simula ko. “Nagulat talaga ako kaya hindi ako nakapagpasalamat agad. Hindi nga talaga karaniwan sa isang tulad mo gawin ang ganitong bagay pero salamat talaga. Kahit ang liit ng bagay na ginawa mo, sa totoo lang ang laki ng tinulong mo.”
Hindi siya umimik pero sa katahimikan na yun, bigla na lang akong nagulat dahil… Loading complete.
“Ah na-gets ko na,” sabi ko na parang nalinawagan ako. “Mukhang ang sama ko na hinusgaan kita.”
Napalingon siya nang sabihin ko yun habang binigyan ko siya ng isang masinsinang ngiti. “Pinatunayan mo talaga ngayon na hindi ka pala talaga tulad ng iniisip ko. Saka totoo nga ang sabi ng iba, na lahat ng tao ay may kabaitan sa kaloob-looban nila”
May namagitang katahimikan pero mayamaya lang, nawala ang ngiti ko dahil napapisil siya sa dibdib niya bigla at kitang-kita sa mukha niya ang masakit.
“Uy Jethro—”
“Okay lang ako,” singit niya habang hawak-hawak pa rin ang dibdib niya.
“Sigurado ka?”
“Oo. Huwag mo akong sundan,” at tumalikod siya sabay naglakad siya paalis.
“Sandali—” hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang umihip ng malakas ang hangin kaya napatakip ako ng mata.
Nang tumigil din ito, wala na siya sa harapan ko. Saan na siya nagpunta? Ang bilis niya hah pero teka, ano naman nangyari sa dibdib niya? Bigla na lang sumakit eh.
Napabuntong hininga na lang ako at napangiti. Hay Jethro. Kakaiba nga talaga ang taong yun. Parang ngayon ko lang talaga narealize ang ibig sabihin ng kasabihan na “Don’t judge a book by its cover”. Hindi naman talaga siya manhid. Sadyang ganun lang talaga mukha niya at pakikitungo sa iba dahil alam kong may rason siya.
Hindi ko man alam yun pero hayaan mo Jethro. May paraan.