Chapter 4
“So Yani, you must be wondering right now why you are here?” tanong ni King Gabi sa akin.
Actually, kanina ko pa tinatanong yan sa utak ko. Well, may nakilala akong isang manhid at nakakatakot na lalaki na may mga kasama na kinidnap ako tapos mga prinsipe pala sila, tapos nagpakilala sila sa akin kasama ang hari na ama nila tapos... ano nga ba? Bakit ako nandito?
“I was just forced to come here in the first place,” sagot ko na lang.
“I see. Having a hard time to convince her, my sons?” tanong ni King Gabi sa kanila.
“Yeah. She’s hardheaded I should say” sagot ni water guy... water prince… ano ulit pangalan niya? French siya di ba? Mahirap pronunciation niyan eh, tapos iba pa ang spelling.
Sorry naman ah. Eh hindi rin kasi ipaliwanag ng prinsipe niyong yelo na tinatamad at manhid magsalita o di sana mas naintindihan ko pa at malay niyo sumama na ako agad ng di oras at hindi magtangkang tumakas pa.
“Anyways, right now you already observed these past few years of your life something strange,” sabi ni King Gabi sa akin.
“Uhm uhh…” I paused. “I can control elements?” patanong kong sagot.
“That’s right. The answer is already clear. You are here because of your gift…”
Gift? More like a curse. Araw-araw sinusundan ka ng malas.
“...our kinds are too many in that world. We are spread from country to country and so our mission is to take them here with us where we created a world that is meant for us. We have our own world here. We don’t belong out there.”
Nagulat ako sa sinabi niya dahil parang naintindihan niya ang nararamdaman ko. Pero sa hindi talaga ako makapaniwala,
“Wait does that mean that our kinds are not just hundreds, but thousands?” tanong ko.
“Yes. And each person has their own element to control…” sagot niya. Ah, kaya pala iba’t iba yung kulay ng buhok nila. Ang galing.
“...but there are some more than special than us.”
“Like?”
“Like you, dear,” sagot niya.
Nagulat ako. “Hah? Special? Me? What’s with me?” nagtataka kong mga tanong.
“Can I ask then, what element can you control?” tanong niya sa akin.
“Uhm actually...” nagsimula akong magbilang. “…eight. 8 elements, I think” sagot ko.
Lahat ng prinsipe biglang tumingin sa akin. May nasabi ba akong mali? Ang alam ko nakita naman na nila di ba? Nung naglalaban pa kami ni white haired dude? Sandali bilangin ko nga ulit…
“She can control all?” tanong ni metal guy... uhh metal prince... yung robot. Pangalan niya ulit?
Pero teka, ano raw sinabi niya? Walo lang naman yung kaya kong controlin kaya bakit niya nasabing— teka. Binilang ko ang mga prinsipe. Walo sila… o tapos?
“Yes she can control all eight elements,” sagot ni King Gabi. Ah okay. Walo lang pala kasi ang elements kaya walo lang sila.
“Wow. You must be really special, I mean just like what father said, more than special than us” sabi ni nature guy. Hmm... friendly, masayahin, mahilig sa art, ano ulit yun? F ba yung simula ng pangalan niya?
Hay malay ko. Kahit kailan, hindi ko ginusto magkaroon ng ganitong kapangyarihan pero dahil sa sabi nila, sige. Special na kung special.
“Don’t you know Yani that of all the people coming here, you are the only one who is able to control all?” sabi ni King Gabi.
Bahagya akong nagulat sa sinabi ng hari. “Really? Like I’m the only one who had this ability?” tanong ko pabalik.
“Yes” sagot niya. Wow. Okay. Special na talaga ako.
“Well then, since you can control all elements, you get to sleep here in the Main Cabin” sabi ni King Gabi. “And since you will be living here, we will tour you around the nation for you to know this place better.”
“Okay,” tipid kong sagot.
“I will be your tour guide here in this cabin and my sons...” sabay tinuro ang mga prinsipe. “…will tour you in the other cabins. This is a big nation and you will get lost easily unless you’re not familiar with it” dagdag ni King Gabi.
“Uhm okay. That’s great” sagot ko habang nakangiti.
“Aren’t you excited?” tanong ni King Gabi.
“Oh uhh…” Medj. “I don’t know. Maybe.”
“Don’t worry, dear. Sooner or later, everything will be clear to you,” sagot naman ni King Gabi at binigyan ako ng ngiti na naninigurado. Binalikan ko lang din siya ng ngiti as a reply.
“Okay so everything is in order. Thank you all for your time. Everyone is dismissed.” At nagsimula na silang maglabasan sa kwarto while I watch them go.
“Uhm so, I will sleep here?” tanong ko kay King Gabi.
“Oh right,” he replied. “Anyone would like to take Yani to her room?”
…okay, kausap niya ang hangin. Nagsialisan na kasi silang lahat... well pwera na lang kay—
“Jethro, do you mind?” tanong ni King Gabi sa sitting pretty na prinsipe.
Waahh! No King Gabi! Kayo na lang please! Ayaw ko na siyang makasama! Baka matuluyan na ako mamaya.
Tinignan niya yung tatay niya pabalik habang nakaupo tapos bigla siyang tumingin sa akin. Bawat tingin niya talaga ang lamig. What do you expect sa isang ice prince?
Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto at tumigil sa harap ko na katabi ko rin ang pinto. Tinitigan niya ako sa mukha.
“Uhm oo ba o hindi?” tanong ko sa kanya. Cross fingers. Please mag ‘hindi’ ka. Pinikit niya mata niya.
“Sundan mo ako” sabay lumabas siya.
Nanlumo ako sa sagot niya. Hindi gumana ang cross fingers. Mukhang may bago siyang iniisip kung paano ako papakalmahin. Hayaan mo pre, I mean kamahalan. Hindi na po ako magiging makulit dahil naintindihan ko na po. Sinundan ko siya.
Oo nga pala. Hindi ko maalala yung pangalan nung pitong prinsipe. Ang natatandaan ko lang ay yung kay white haired dude na sinusundan ko ngayon at si King Gabi. Mukhang ang daming mangyayari ngayong nandito na ako sa lugar na ito. Anong tawag pala dito?
Kung tatanungin ko itong lalaking ito, baka basagin niya lang ako ulit. Tumigil siya sa harap ng isang pinto kaya napatigil na rin ako.
“So uhm ito na ba?” tanong ko habang tinuturo ang pinto kung saan siya nakatayo.
“Hindi ba halata?” malamig niyang saad.
Ay sorry po, mahal na prinsipe. Hindi ka rin kasi nagsasalita. Binuksan ko na lang ang pinto at pagkabukas palang ng pinto, nagningning ang mga mata ko.
Oh Em Gee! Ang ganda ng kwarto! Mas malaki pa siya sa bahay na tinitirhan ko dati!
Agad akong napatalon sa kama at nagpagulong-gulong. Ang laki ng kama tapos ang lambot pa. Tumayo din ako at tinignan yung CR. Wow. Ang ganda ng CR. May cabinet sa bandang kaliwa ng kwarto pero wala itong lamang damit tapos may lampshade pa. Oh my gash! Dito talaga ako titira? Feeling ko ang yaman ko na.
“Magdadala ng damit si Edmondo dito mayamaya lang” sabi niya habang tinitignan ko ang cabinet kaya napatingin ako sa kanya.
“Uhm, may bayad?” tanong ko.
“Hindi ko alam sa kanya,” malamig niyang sagot.
“Ah. Okay” sabay ngiti sa kanya.
Hindi niya yun pinansin at binalikan lang ako ng malamig na tingin. Hindi rin nagtagal at naglakad na siya paalis.
“Uhm, sandali lang Jethro, I mean Prince Jethro...” tawag ko sabay lumabas ako ng kwarto. “...tanong lang talaga.”
Tumigil siya nang hindi lumilingon sa akin.
“Huwag mong masamain pero bakit ang manhid mo? Ay sandali mukhang hindi lang manhid, sobrang manhid actually. Bawat sitwasyon kasi parang halata sa mukha na wala kang pakialam sa paligid mo tapos lagi kang poker face, hindi man lang ngumingiti na parang bawat minuto may problema ka. Ano bang meron sa iyo?”
Curious lang talaga. Wala namang masama kung magtanong di ba? Hindi siya umimik at may katahimikan na namagitan sa amin.
Oo nga pala. Bakit hindi pa ako sanay na ang laging sagot nito ay hindi iimik? Nagtanong pa ako.
Pero bahagya akong nagulat nung lumingon siya na ang kanang bahagi lang ng kanyang mukha ang nakikita ko na mukhang nagalit ata. Ay hindi, sa totoo lang, makamandag yung mga tingin niya, tulad nun kanina sa kwarto kung saan ako nagising.
Sinimulan akong matakot. Sa-sandali, mali ba na nagtanong ako?
Humarap siya sa akin at ngumiti ng masama. Shacks. Para siyang nag-transform. Biglang nagbukas yung bintana sa tabi niya na kinagulat ko sabay pumasok ang sobrang lamig na hangin.
Waaahh! Anong nangyayari?! MALI NGA ATA NA NAGTANONG PA AKO! Umatras ako pero may nabangga ako. Grabe. Ang bilis niya. Nasa likod ko na siya agad! Tinapik niya ang aking balikat ng kanyang sobrang lamig na kamay at nilapit ang bunganga niya sa tainga ko.
“Bakit hindi ka na lang mamatay?” bulong niya.
OH SHETE! Parang bumulong si kamatayan! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko na parang may yelong bumalot sa mga paa ko. Napapikit na lang ako at kasabay naring nanginig ang katawan ko hindi lang dahil sa lamig kundi dahil sa takot.
Gusto kong sumigaw pero mukhang nanigas ang labi ko. Mukhang tama nga ako kanina. Ngayon na ako matutuluyan pero waah! Lord, please huwag muna ngayon. May rason na ako para mabuhay dahil nahanap ko na ang lugar na matagal ko nang hinahanap. Kung sino man nandyan...
TULUNGAN NIYO AKO!
Thug! May narinig akong bumagsak kaya napabukas ako ng mata at dahan-dahang lumingon. Nakahiga na si Jethro sa sahig.
“Bull’s eye,” sabi ng isang boses mula sa likod ko.
Biglang lumapit si water prince sa akin. “Etes-vous d’accord?” tanong niya.
“Ha-hah?” nauutal kong tanong.
“Are you ok?” tanong niya muli.
“U-uhm...” at tinignan yung nakahigang lalaki sa sahig at napalunok makakuha lang ng lakas magsalita. “U-u-um... Je-Jethro...” napapikit ako. “...h-he’s sc-scary...”
“Eaux, just take her inside her room. Would you think what Jethro had done to her was okay?” sabi ni electric prince.
“Right. Come in Yani. Have a seat first,” at pumasok kami sa kwarto ko. Ano bang nangyari sa kanya?
~~~
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at umupo sabay hinawakan ang aking ulo.
“Hoy Jethro, gusto mong maglaro?”
Nagulat ako sa tumawag sa akin kaya napatingin ako sa kanila. May mga batang nakatayo na nakatingin sa akin pero biglang naningkit ang mga mata ko sa mukha nila dahil pamilyar ang mga mukha nila.
“Sige,” sagot ng isang bata. Tinignan ko kung sino at nagulat dahil nakita ko ang batang ako na nakaupo at akmang tatayo nang...
“Piling ka naman. Sino ba ang gustong makipaglaro sa isang tulad mo?” sabi ng isa.
“Oo nga. Lampa at mukhang bulag.”
“Tapos ang puti pa ng buhok mo. Bakit hindi ka na lang umalis? Hindi ka nabibilang rito,” at tuluyang umalis ang mga bata.
Nanatiling nakatayo lang ang batang ako at napayuko. Tumayo ako at sinubukang lapitan siya nang,
“Gusto kong maghiganti” bulong ng batang ako.
Nagulat ako sa sinabi niya at naglakad ako papalapit sa kanya pero,
“Oo, tama Jethro. Maghiganti ka. Pumatay ka” bulong ng isang nakakatakot na boses sa akin. Napalingon ako sa paligid at sinubukang hanapin ang may-ari ng boses na yun pero wala akong nakitang tao.
“Si-sino ka?” nanginig kong tanong sa kawalan.
“Jethro, sinaktan ka nila kaya saktan mo din sila. Dapat maghiganti ka” patuloy na bulong ng kawalan.
“Sige.” Napalingon ako sa nagsalita at unti-unting inangat ng batang ako ang kanyang ulo at ngumiti ng masama.
“Maghiganti...” paulit-ulit na sinabi ng bata at tila napapaligiran na ako ng boses na sinasabihan ako na maghiganti. Tinakpan ko agad ang aking mga tainga.
“Pumatay ka.”
Napaupo ako sa sobrang gulat habang humihingal sabay napahawak ako sa aking dibdib. Humihingal ako pero wala akong maramdaman, wala akong maramdamang t***k na puso. Napatingin ako sa aking paligid. Anong nangyari? Bakit ako nandito sa loob ng hospital?
Bumukas ang pinto at nagpakita sina Zoltar, Feesy at Fuego kaya huminahon ako.
“He’s awake,” sabi ni Fuego kaya agad nila akong nilapitan.
“Brother, how are you feeling?” tanong agad ni Feesy at kasabay nun ay umupo siya sa kama sa tabi ko.
“I’m fine,” tipid kong sagot.
“Are you sure?” paninigurado ni Feesy.
“I don’t need to repeat myself,” malamig kong sagot.
“Oh right. Uhm that’s good. Here, drink this” sabay nag-abot siya ng baso ng tubig. Kinuha ko ito at pinalamig bago ko ininom. Nung naubos, binalik ko ang baso sa kanya.
“So, do you remember anything?” tanong ni Zoltar.
Sinubukan kong alalahanin pero… “Nothing” tipid kong sagot.
“It awakened,” sabi bigla ni Fuego.
“Fuego.”
“I know,” sabi ko.
“And do you know who’s the victim?” tanong ni Fuego.
Tinignan ko muna sila. “...who?” tanong ko pabalik.
Nagtinginan sila sa isa’t isa dahilan kaya nagtaka ako at mas lalo na nung biglang lumabas ng kwarto si Fuego.
“Who’s the victim?” tanong ko muli sa mga natira sa kwarto.
“Well uhm you see Jethro, now is not the time to talk about that,” sagot ni Feesy.
“Yeah. He’s right. You should head back to your cabin so you can rest,” pag-agree naman ni Zoltar.
“Why?”
“It’s... it’s a long story. Maybe you’ll soon remember,” sagot ni Feesy na medyo nag-aalinlangan.
Hindi na ako muling umimik at hindi na nagbalak na pilitin sila. Tinanggal ko ang kumot ko at tumayo. Naglakad ako papunta sa pinto pero napatigil din ako.
“By the way, where’s Yani?” tanong ko habang nakatingin lang sa pinto at hindi lumingon sa kanila.
Walang nagsalita kaya napalingon ako at nakita ang mga gulat nilang mukha.
“Oh Yani… uhm well...”
“She’s okay... you know,” pareho silang nauutal.
Tinignan ko muna silang dalawa ng seryosong tingin bago ako lumabas at napatigil din pagkabukas ng pinto dahil nasa harap ko ngayon si Fuego.
“What are you doing here?” seryoso kong tanong sa kanya. Akala ko umalis na siya.
“To lead you to the main entrance,” sagot niya.
“I’m not dumb to not know that. I know where—”
“The other way” singit niya.
Napatigil akong magsalita at may namuong katahimikan sa pagitan namin.
“Why?” tanong ko.
Tumalikod siya. “I’ll tell you on the way,” sabay naglakad siya.
Labag man sa kalooban ko pero sinundan ko pa rin siya. Walang umimik sa amin habang naglalakad kami.
“So any idea?” tanong niya na naging rason para mabasag ang katahimikan. Tuloy-tuloy pa rin kaming naglakad at hindi ako umimik.
Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita. “The victim is none other than our new visitor”
Pagkasabi niya nun napaisip ako saglit bago ko nalaman kung sino. Si Yani…
“What happened?” tanong ko.
“How can I tell. I was not there in the first place. If you want to know, you should go and ask her,” sagot niya. “But now is not the right time.”
“Is she hurt?” malamig kong tanong.
Tumigil siya kaya tumigil din ako sabay lumingon pa siya sa akin. “Come again?”
“Is she hurt?” tanong ko muli.
Naglakihan ang kanyang mga mata at hindi ko alam kung bakit siya magugulat. Ano bang ikakagulat niya?
“You are asking if she is hurt?” tanong niya pabalik na may halong pagtataka.
“Why, is she?” tanong ko muli pabalik.
“No. Not really. Not a strand,” humarap ulit siya sa daan at tumuloy sa lakad. “So not you Jethro,” dagdag niya. Napatingin na lang ako sa sahig habang naglalakad.
Pansin ko rin.
Nung nasa pinto na kami palabas, nakasalubong namin si Edmondo na may dala-dalang isang cart na may malaking kahon na nakapatong doon. Tumigil siya at lumingon sa amin.
“Oh there you are guys. I just like to ask if anyone of you had any idea where is Yani right now?” tanong niya sa amin.
Nagtinginan lang kami ni Fuego at naghihintay kung sino ang sasagot nang…
“She’s in her room,” sagot ng isang boses kaya napatingin kami sa nagsalita at nakita si Eaux na naglalakad papunta sa amin.
“Oh great. Got to deliver this quick so she could change” sabi ni Edmondo sabay tulak ng cart.
Nang tuluyan nang nawala si Edmondo sa paningin namin, lumapit si Eaux sa amin.
“So you told him?” tanong ni Eaux kay Fuego.
“A bit of information only” sagot ni Fuego.
“Oh. Well brother, are you doing fine?” tanong naman ni Eaux sa akin.
“You talked to her?” tanong ko sa kanya.
“Uhm you mean Yani, well yes. Why?” tanong ni Eaux.
“Can I talk to her right now?” tanong ko sa kanya.
“NO!” sabay nilang sinabi.
“Wait, wait, hold your horses, I thought you told him Fuego,” sabi ni Eaux sabay tingin kay Fuego.
“Yes, I told him—”
“I just want to know,” singit ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.
Napabuntong hininga naman si Eaux. “Look Jethro, she’s not in the condition to talk to you now. You know that right?” sabi niya.
“Why? Is it really that bad?” manhid kong sagot.
“That bad? Bro, it’s her first time to see that. What do you think?” sagot naman ni Fuego.
Napaisip ako saglit dahil sa mga sagot nila. Napabuntong hininga na lang ako.
“When?” simple kong tanong.
“Maybe tomorrow or the other day, I don’t know. As long as she is okay?” sagot ni Eaux.
Hindi na ako muling umimik at lumabas sa katabi namin pinto.
Lagi na lang ganito. May nabibiktima na ako araw-araw at hindi ko siya makontrol. Hanggang ngayon, wala pa ring gamot pero…
…umaasa pa rin ako. Sana magpakita ka na.