Meet the Princes 2

710 Words
Chapter 3.2 Next ay ang blonde haired guy. Ay ito, kuryente. Yellow kasi eh. Parang sa mga napanuod ko lang. “Good morning. I’m Zoltar,” sabay abot ng kamay. Ay buti naman normal English lang. Nakishake hands ako. Medyo kinilabot ako pagkahawak ko sa kamay niya pero hindi ko tinanggal ang kamay ko. “Wow. Uhm your hand is uhh... ‘electrifying’ mine,” sabay tanggal ng kamay. Uhm sandali. Tama ba? Electrifying yung word di ba? Medyo mahina ako sa vocabulary kaya hindi ko sure kung tama. “Oh sorry about that. Good thing you’re not hurt,” sabi niya. Naintindihan niya naman kaya okay lang. “Uhm actually, I’m used to it. You see back at my house, I always touch the electric sockets when it got broken,” sagot ko naman. “Oh you fix them? Nice” sabay ngiti. Uy mga pre. Tigil-tigilan niyo yang killer smile niyo. Oo na. Kayo na ang gwapo. “Yeah, it is” sabi ko na lang at umalis siya. Next, green-haired guy. Mukhang masyadong masayahin. Sobrang saya ng aura tapos may patalon-talon effect pa papunta sa akin. Ano bang meron na pwedeng ikasaya? “To ónomá mou eínai Feesy. Chárika gia ti gnorimía,” bati niya ng masaya. “Uhh...” “My name is Feesy. Nice to meet you.” Buti na-gets niya. “Ahh Feesy. Nice to meet you too. So uhm you can control the plants?” “Yes. I came from Greece so I’m a Greek guy. I love nature so much that I always paint them back at my cabin.” Tinatanong ko ba? Joke lang. Ang taray ko. “Ahh I see. So you like arts and anything related to it?” tanong ko na lang. “Yup. You can can come by so that I can show you some artworks I made.” “Uhm maybe next time.” “Okay,” sabay alis. Ang friendly naman ng nature prince na iyon. Next, normal guy. Black hair and onyx eyes kaya ano naman sa kanya? Tapos yung balat niya... guni-guni ko lang ba? “Salve. Aes est nomen meum” bati niya. “Okay. So uhm your name is?” “Aes and I control metal. I speak Latin,” sabay abot ng kamay. Nakishake hands ako. Ah metal yung nakokontrol niya so ibig sabihin... “Uhm do you mind if I ask? Are you a robot?” tanong ko. “Oh you noticed. Yes I am. My whole body is made of metal” So hindi pala yun guni-guni pero pagnormal na tao ang makakakita sa kanya, sigurado akong hindi nila mapapansin yung pintura sa katawan niya. Nandoon yung itsura at kung paano siya magsalita, parang normal na tao lang. “So uhm nice to meet you Prince Aes,” sabay lakad paalis. Inikot ko muna ang tingin ko para malaman kung sino nga ang susunod pero nagulat ako nang bigla siyang lumalapit. Shacks, ayan na. Ayan na talaga. Last but not the least… lumalapit na sa akin si white-haired dude. Siya pala ang last pero kailangan niya pa bang magpakilala? Although hindi ko matandaan ulit ang pangalan niya dahil ang daming nagpakilala sa akin kaya hayaan na lang natin. Paano kaya bumati ito? Pagkalapit niya binigyan muna ako ng tinging malamig sabay na pinikit ang kanyang mga mata. “Ang pangalan ko ay Jethro,” malamig niyang bati. Tinignan ko lang siya pabalik at naghintay na baka may susunod pa siyang sasabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na translate kasi naiintindihan ko naman pero pagkatapos niyang sabihin yun… …naglakad na siya paalis. Yun na yun?! Hindi ko pa nga natatanong yung element na nakokontrol niya pero siguro sa tingin niya common sense na yun dahil nalaman ko na simula nung nagkita kami. Pero ayan guys, the best example of a coldhearted greeting. Bago yun di ba? Nice talking talaga pre. Masyadong manhid. Bagay sa kanya ang title na ‘Prinsipe ng Yelo’. Mas maganda kung englishin natin –‘Coldhearted Prince’ o di ba? “So, since the introduction is over, Yani, you must be wondering right now why you are here?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD