The Reason

3737 Words
Chapter 5 Nandito ako sa loob ng kwarto ko, nakahiga sa kama at nakapatong ang braso sa noo habang iniisip ang nangyari kanina. “Look whatever Jethro have done to you, please forget it,” sabi ni water prince sa akin. Forget it? Nakakatrauma kaya yung nangyari kanina. Ang hirap naman ng sinasabi niya. Eh kung siya kaya nasa sitwasyon ko, makakalimutan niya kaya? Hindi na lang ako umimik at nanatili pa ring nakaupo dahil hindi matanggal-tanggal ang takot sa sistema ko. “He’s not thinking straight back then.” Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. “What do you mean?” tanong ko. “I-I mean it’s...it’s something...uhm just...it’s a long story,” nautal niyang sagot. “Something hidden?” pabulong kong sabi sapat para marinig niya. “Yes. More like a secret that only a few must know.” Tumango na lang ako as a reply. Mukhang malalim na sikreto ito. “I know it’s traumatizing to witness that but please forget it. Fuego told him already that you were his victim so Jethro will do something about it so act normal in front of him,” sabi niya. Napabuntong hininga ako para lang ilabas ang takot. “I’ll try,” at ngumiti ako sa kanya pero medyo pilit. Hindi ako nakakasiguro eh pero sana nga makalimutan ko ang tungkol doon. “That’s good,” sabay tumayo siya at paalis na sana nang tumigil siya sa pinto. “Oh and by the way, please stop calling him a coldhearted guy. He hates it,” at tuluyan siyang lumabas ng kwarto ko.   Coldhearted? Manhid? Ayaw niyang tawagin siya ng ganun? Ang weirdo niya talaga. Hindi niya ba alam na kung paano siya magsalita at ang mga kilos niya ay napakamanhid? O baka naman hindi niya alam ang ibig sabihin ng manhid? Heh! Ang gulo. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari sa nasyong ito. Knock, knock. Oh sino na naman ito? “Uhm come in?” patanong kong sagot. Unti-unting bumukas ang pinto. “Am I disturbing?” sabi ni... uhh earth guy, earth prince... wait... basta letter ‘E’ din yun eh.  Bakit halos lahat ng pangalan nila nagsisimula sa E? Saka bakit siya nandito? “No. Uhm is there something wrong?” tanong ko. “Nothing. I’ll just deliver this to you,” at binuksan niya ang pinto na may malaking kahon sa harap niya. “Oh...” Okay. Ano yan? Kararating ko lang tapos may delivery agad? Huwaw. “Uhm sure,” tumayo ako at lumapit sa kanya. “Let me help you.” “No. It’s okay. I can do this,” at hinila niya ang cart papasok. Pagkapasok niya, “So what’s in there?” tanong ko. “Clothes for all seasons,” sagot niya. “Spring, summer, autumn, winter and I think 4 pairs for each season. There are also for different occasions such as parties, birthdays and other more. Also, you have pajamas too and I made some of them thicker because every winter, it’s really cold here. There are also some pairs of shoes designed perfectly for your clothes.” Oo nga pala noh. Sabi ni uhm… ni white haired dude… Oo na. Sabi ni Jethro na magdadala raw siya ng damit at dahil doon, naalala ko na ang pangalan niya. Thank you so much, Prince Edmondo. So unbelievable na isang guy ang gagawa nito. Ang mas malala, isa pa siyang prinsipe. Saan ka nakakita ng prinsipeng nagtatahi?! Ni kwento nga, wala pa akong nababasa na ganong character. Unless nga, bakla siya. Joke din yun. “Wait, I think that’s too much. Should I pay you or anything?” nahihiya kong tanong. “No it’s okay. That is what we do for first comers. But if ever you need to, do you have any money?” tanong niya naman. Oo nga pala. Ibang nasyon na pala ito tapos kinidnap lang ako papunta rito. Ano ka ba naman Yani. Isip-isip din kung may time. “Well then uhm maybe I’ll find a thing to make money to pay you,” pilit ko pa. “No please. I love doing this. You’re our new visitor here and you’re even special because you get to live here in the Main Cabin because you can control all elements” sabi niya at ngumiti pa. Ayan na naman mga killer smile nila. Oo na mga mahal na prinsipe. Kayo na ang gwapo at oo, alam ko special ako. Charot. “So I hope you’ll like the clothes,” sabi niya. “Of course,” nakangiti kong sagot. “That’s nice to hear. So I guess I should be going because you need to rest.” “Uhm yes. Bye,” sabi ko. Aalis na sana siya nang, “Oh wait...” sabay naglabas siya ng isang plastik na may damit na may kasamang sapatos.”...here,” at inabot sa akin. “What is this for?” kinuha ko ito. “Please wear that tomorrow once we eat breakfast.” “Oh” sagot ko. “Wait, what? Breakfast? ‘We’?” “Yes. You will eat with us since you’re new here and live here in the Main Cabin” Huwaw. Ang sosyal naman ng mga first timers. May ‘breakfast with them’ pang nalalaman. “Uhm okay,” sabi ko na lang. “So that’s all. I should be going. Addio! (“Goodbye!” in Italian)” at umalis na siya. Pagkasara niya ng pinto, napatingin muli ako sa bago kong kwarto at ang damit at sapatos na hawak-hawak ko. Grabe, parang iba yung pakiramdam ko ngayon. Hindi na ako kinakabahan at natatakot. Hindi na rin ako na-ho-home sick kasi hindi ko naman talaga ramdam na ‘home’ ko yun. Pakiramdam ko ang babait nila at ang friendly, well maliban na lang sa isa. Binuksan ko ang kahon at sinabit sa hanger ang iba, habang tinupi ko naman ang iba. Yung mga sapatos naman nilagay ko sa shoe rack.  Ang gaganda ng mga damit in fairness. Kasya kaya ang mga ito sa akin? Paano niya kaya ako nasukatan? Oh well. Basta may damit. Pagkatapos kong gawin yun, humiga ulit ako sa kama. Grabe. Ang dami talagang nangyari ngayon sa buhay ko. Parang panibagong buhay ang naghihintay sa akin pero sa ngayon, hindi ko pa alam kung anong darating. Baka mamaya akala mo friendly sila pero tulad pala sila ni white-haired dude. Magkakapatid pa naman sila. Napaupo ako bigla. Hala! Naalala ko bigla yung journal ko. Shacks, naiwan ko pala iyon sa Pilipinas. Naglabas na lang ako ng buntong hininga. Hayaan mo na. Gawa na lang tayo ng bago. Baka naman may lapis at papel na nakakalat dito. Naghanap ako bawat sulok pero wala akong nakita. Ano ba naman yan. Gusto kong isulat ang nangyayari sa akin ngayon. Hay, sana kahit man lang bago nila ako kinidnap, naisipan din nila kumuha ng gamit ko. Syempre, joke lang yun. Parang alam naman nila kung ano yung dapat nilang dalhin. Nababaliw lang ako dahil wala akong magawa ngayon. Napabuntong hininga na naman ako at humiga muli sa kama. Paano kaya pag muli… Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata. …isang panaginip lang ang lahat ng ito? Tuluyan kong pinikit ang aking mga mata at natulog. Kung ganun, ayaw ko nang magising.   ~~~ Pagkagising ko, napaupo ako sa aking malambot na kama at kinamot ang aking mata. Pinagmasdan ko muli ang aking paligid. Hindi nga talaga ako nananaginip. Talagang may kumidnap sa akin na walong prinsipe at nakatira ako ngayon sa isang palasyo. Kung ganun, totoo rin na may almusal pa akong kailangang puntahan. Bumangon ako sa kama at pumunta sa CR. Buti may libreng tuwalya, sabon at shampoo dito. Pati toothbrush at toothpaste din. Agad akong naligo dahil baka malate pa ako, kakahiya naman sa kanila. Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ang damit na binigay ni Prince Edmondo at inayos ko na rin ang maitim at straight na buhok ko gamit ang clip lang. Sinuot ko ang sapatos na isang doll shoes na may ribbon sa harap pero may heels na hindi masyadong mataas. Shacks may heels. First time ko magheels, pramis! Hindi pa naman ako sanay sa mga ganito. Knock, knock. Bahagya akong nagulat at napatingin sa pinto. Sandali, sino ito? Binuksan ko ang pinto at may nagpakitang isang maid. “Ma’am, are you ready?” tanong niya sa akin. “Uhm, who are you?” tanong ko naman. Naninigurado lang. Baka kasi kung sino siya na kahit nakasuot siya ng maid uniform mamaya isa pala siyang prinsesa. Sandali, imposible naman yun na may susundo sa akin na isang prinsesa di ba? Saka may mga prinsesa ba dito? “I’m a maid in this cabin. I will take you to the dining room said the king” magalang niyang sagot. O yan Yani. Maid daw siya okay? Hindi prinsesa. Pero huwaw hah. May susundo pa talaga sa akin. Ang haba naman ng hair ko. Eh hindi ko naman kasi talaga alam kung saan ang dining room sa lugar na ito. “Oh uhm right,” at lumabas ako at kasabay nun ay sinara ko ang pinto. “This way ma’am,” sabay naglakad siya para igabay ako habang sinusundan ko siya. Habang naglalakad kami… eish. Kainis naman itong sapatos na suot ko. Sabi ko sa inyo eh, hindi ako sanay sa heels. Napapatigil ako at susubukang ayusin tapos maglalakad ulit pero kahit ilang ulit kong gawin yun, ganun pa rin. Huhu. Hindi ako makalakad ng mabuti. Bakit kasi ganito pa yung naisipang katernong sapatos ni Prince Edmondo sa damit na ito? “Ma’am, are you okay?” tanong ng maid na tumigil at lumingon sa akin. “Ah yes, yes. I’m fine” sabi ko with a fake smile dahil ang totoo, hindi. “Are you sure Ma’am?” “Yes. Please don’t mind me,” paninigurado ko at nagpatuloy kaming maglakad.   Pagkarating namin sa harap ng isang malaking pinto, bubuksan na sana ng maid, “Wait!” sabi ko na ikinatigil niya. “Uhm…” Shacks. Kinabahan ako bigla. Sino bang nandyan sa loob? Tama ba ang narinig ko kahapon na nandyan ang walong prinsipe at ang hari? Ibig sabihin andyan din siya?! Shacks. Hindi pa ako nakaka-get-over kahapon. Waah! Ayaw ko na. I changed my mind. Gusto ko nang bumalik sa kwarto ko. Mamaya na lang ako kakain. “Ma’am, can I now open the door?” tanong niya. Doon lang ako bumalik sa katotohanan. Andito pa pala siya. Okay Yani. Hingang malalim…  “Yes,” at binuksan niya nga ito. Andoon nga silang pito kasama ang hari. “Oh Yani” ngiti ni King Gabi. Hindi ako nakaimik. Speechless. Dining room talaga siya dahil ang haba ng mesa sakto para sa sampung tao tapos lahat ng mata nakatingin sa kinakatayuan ko. Nakakahiya. Bakit ba ang tagal nilang tumingin sa akin? Anong bang meron sa mukha ko? May something ba? Pero may napansin ako, binilang ko ang mga prinsipe at… pito lang talaga sila. Di ba dapat walo sila? Sino kayang wala? Pinagmasdan ko ng mabuti at narealize ko kung sino. Ah… siya. Buti naman. “Come here. Your seat is opposite of mine” alok ni King Gabi. Kahit nakakagulat ang bumungad sa akin ngayon, naglakad ako para makaupo pero dahil nga sa magaling kong sapatos, walang duda na kahit anong oras ngayon matatapilok ako. Hindi. Hindi ko hahayaang mangyari yun dahil mapapahiya ako sa harap nila. Kaya mo yan Yani. Balance lang yan eh.   “Ay shacks!” At yun, instead na matapilok, nadulas ako. Napapikit na lang ako.   Sandali, nasaan na ang masakit na bagsak ng pwet sa sahig? Bakit hindi ako naglanding? Hindi naman makapal ang dress ko para hindi maramdaman ang pagbagsak ko. Binuksan ko ang mga mata ko at agad ding nanlaki ang mga ito. Oh no...   “Oh Jethro, you’re here,” sabi ni King Gabi. Si... Si...  Si Jethro nakakuha sa akin?! Agad niya akong tinayo. Oh shacks! Shacks, shacks! Bakit umaakyat lahat ng dugo sa mukha ko? “Brother, you are late but great moves,” sabi ni uhm fire guy… fire prince… well whoever the name is, na kakalabas lang sa kusina at may dala-dalang dalawang plato na may pagkain. Nakangisi siyang nakatingin sa amin. Nakatingin din ang mga prinsipe sa amin. Nagpatuloy lang si Jethro papunta sa upuan niya habang ako ay nanigas muna sa kinatatayuan ko bago ko napagpasyahan na pumunta na rin sa huling bakanteng upuan. Shacks. So nakakahiya. Sabihin niyong nanaginip lang ako?! Waahh! Gisingin niyo na ako ngayon! Akala ko ba sa kwento lang yan nangyayari? Di ba ito ang start ng bagong ‘love story’ ng main girl at boy? Hindi. Isang malaking HINDI! Imposibleng makatuluyan ko siya, isang coldhearted prince?! Masyadong malayo! Okay pa ang ibang prinsipe basta huwag lang siya! Charot. Ang choosy ko naman. Well, malay lang natin kasi minsan sa isang kwento, bigla na lang may kakaibang pangyayari na magiging dahilan sa—WAAAHH!! ANO BANG MGA PINAG-IISIP MO YANI?! Hindi ko alam kung bakit pero tinitignan ko siya habang kumakain siya at sa bawat minuto pa ng pagsubo niya. Siguro nga hindi siya normal nung mga oras na yun. Saka siya makakatuluyan ko?! ANO?! HINDI YUN MANGYAYARI! Mamatay muna ata ako bago ko siya magugustuhan. “Why Yani? Is there something wrong with Jethro?” sabi ni uhm... tinignan ko kung sino. Sandali air guy... air prince. Ah basta, kung sino ka man. Hindi nga ako napansin ni Jethro pero ang mga kapatid niya naman ang nakapansin. Nilunok ko muna ang kinakain ko. “Hah? I-I mean uhm… no. Nothing” nauutal kong sagot. “Then why are you staring at him for a long time?” tanong ni metal prince. Pasensyahan kung yan ang tawag ko sa kanila. Mahina ako magmemorize ng names. “Uhm well... just uhh...” tinignan ko silang lahat at ang nakatingin lang sa akin ay ang air prince, metal prince at fire prince. Yung iba busy sa kanilang pagkain. Shacks. Kahit silang tatlo lang, nararamdaman ko na ang pag-init ng pisngi ko sa hiya. “You’re blushing. Are you in love with him?” tanong naman ni fire prince na katabi ko lang. ...eh? Ano raw? IN LOVE AGAD?! Aba, nakangisi pa ang loko. Narinig ata niya ang usapan namin dahil tumigil siya bigla sa pagsubo at binaba niya ang kanyang kutsara sabay tumingin siya sa akin ng malamig. Waaahh! Pati SIYA nakuha na rin ang attention niya! “N-no, no. I’m not in love with him. It’s just... uhh...” nauutal pa rin ako. I paused at that time pero tumigil silang lahat bigla sa pagkain at tumingin sa akin na para bang naghihintay ng sagot. Oh my GASH! Naririnig nila ang usapan namin?! Pati rin kayo King Gabi?! Sobra na ang init na nararamdaman ko. Parang gusto ko nang sumabog sa hiya! “Wh-why are you all looking at me?” nahihiya kong tanong. “Just what is Jethro to you?” tanong ni Prince Eaux. Oo, alam ko na ang pangalan niya pero… WHAAAATT?!! What is Jethro to me?! Anong klaseng tanong yan?! SASABIHIN KO SA INYO KUNG SINO SI JETHRO SA AKIN... sandali, ano nga ba? “Boys, boys, let’s stop this and continue eating. We are making her nervous again,” Yes! Thank you King Gabi! “Sorry. We just want to hear the answer,” at nagpatuloy silang kumain. Napabuntong hininga ako ng malalim at kumain na rin. Parang ang big deal naman sa kanila na tinitigan ko lang siya... pero napapaisip din ako, bakit ko nga ba tinitigan ang bawat kilos niya? Bakit sa bawat tingin ko sa manhid niyang mukha, ang lungkot niya? Heh! Iniling ko ulo. Gahd! Ano ba itong iniisip ko? Mayamaya lang, biglang tumayo si Jethro at kasabay nun ay naglakad siya diretso sa pinto. “Jethro, you’re not done yet,” sabi ng kanyang tatay. “I’m not in the mood” malamig niyang sagot at lumabas siya ng dining room. Nakakapagtaka talaga yun pero here’s the thing guys. Nung naglalakad na siya palampas sa akin, napansin ko na for a split second, tumingin siya sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalabas, sinimulan akong kabahan. May nasabi na naman ba akong mali? Galit na naman ba siya sa akin? May balak na naman ba siyang gamitin ang itim na aura na yun sa akin mamaya?! “Just ignore him Yani. He’s always like that,” sabi ni fire prince kaya bumalik ako sa katotohanan. “Yeah. He must have something that is bothering him” sabi naman ni nature prince. Napatigil ako saglit. Bothering him? May bumabagabag sa kanya? “Like what would that possibly?” tanong ni metal prince kay nature prince. “I don’t know. A problem maybe” sagot ni nature prince. Problem... so may problema siya? Ano kaya yun? Just what is Jethro to you? Somehow, dahil nawawala ang pag-iisip ko, napatayo na lang ako bigla sa kinauupuan ko. Parang gusto kong umalis at sundan ang lalaking yun. “Yani, what’s wrong?” tanong ni King Gabi sa akin kaya muli, bumalik ako sa katotohanan. Lahat na pala ng mata na nasa kwarto ay nakatingin sa akin. Awkward. “Oh uhm... I-I...” Naghintay sila ng sagot ko. Napalunok ako para makapagsalita lang. “I uhh... uhm well I need to go—” “To the comfort room?” singit ni King Gabi. Napatigil ako saglit. “Ah yes, yes. Can I?” sabi ko na lang, kahit hindi naman. “Sure my dear. I’ll just call someone to escort you—” “No I’m fine. I know my way to my room” singit ko at naglakad ako agad palabas ng dining room. Pagkalabas, tinanggal ko muna ang sapatos ko at tumakbo. Pasensya na sa lahat pero sa totoo lang, hindi ako pupunta sa kwarto ko para mag CR kundi… Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ko, nakita ko siya doon. Nakasandal sa pader ang upper body niya at nakapikit ang kanyang mga mata. Humihingal ako habang nakatingin sa kanya na naging dahilan para bumukas ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero dahil sa pag-iglap niya sa akin kanina, parang malakas ang kutob ko na gusto niya akong kausapin ngayon kaya iniisip ko na maghihintay siya sa tapat ng kwarto ko. Pero naisip ko rin, kaya ko ba tinitigan ang malamig niyang mukha kanina dahil gusto kong malaman kung bakit ganito siya? Yung dahilan kung bakit manhid siya. “Uhm bakit ka nandiyan? May kailangan ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako pabalik. “Kailangan kitang makausap…” seryoso niyang sagot. “...tungkol sa nangyari kahapon.” Oo nga pala noh. Kakausapin niya raw ako tungkol doon balang araw. Ano ba naman yan. Kung anu-ano pang mga pinag-iisip ko ito lang pala ang gusto niyang pag-usapan. Teka, ano ulit nangyari kahapon? Ahh yung— Bigla akong nanginig sa takot. Naalala ko ang ibig niyang sabihin. Pagkatingin ko sa kanya, mas lalo akong natakot. Tinignan niya muna ako bago niya naisipang humakbang pero isang hakbang niya palang, napaatras ako agad ng di oras. Sa kakaatras, hindi ko namalayan na may pader pala sa likod ko kaya napasandal ako habang siya, lumapit pa rin hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin. Napalunok ako muli para makapagsalita. “Sa-sandali lang. Ka-kailangan ba talaga natin i-itong pag-u-usapan? Pwe-pwede bang kalimutan n-na lang natin?” puno ng takot na sabi ko habang nanginginig ang aking boses. Tinignan niya lang ako pabalik at inangat ang kamay niya kaya mas lalo akong natakot at napapikit na lang ng mga mata.   Tik! Napamulagat ako nang maramdaman ang pitik sa noo ko. Lumayo siya mula sa akin at tinignan lang ako ng malamig habang napapahid naman ako ng aking noo. “Makakalimutan mo rin lahat ng tungkol doon,” sabi niya ng malamig sabay tumalikod siya sa akin at naglakad paalis. Nakasandal lang ako sa pader at prinoseso ang mga sinabi niya at bumalik lang ako sa katotohanan nang ilang minuto ang nakalipas. “Sandali Jethro—” “At huli sa lahat…” singit niya at kasabay nun ay tumigil siya sa paglalakad na hindi lumilingon sa akin. “…sisiguraduhin kong ito na ang huli nating pag-uusap at susubukan kong lumayo sa iyo para hindi ka na matakot,” at nagpatuloy siyang maglakad paalis. Pinanuod ko lang siya habang naglalakad siya paalis. Yun na ata ang mga salitang nakakagulat sa lahat na para bang binura niya lahat ng takot ko sa kanya. “Hindi ko hahayaang mangyari yun,” sabi ko sapat para marinig niya kaya napatigil siya pero muli hindi siya lumingon sa akin. “Oo, nakakatakot ka pero ramdam ko na kailangan mo ng kausap. Sisiguraduhin ko na hindi ito ang huli nating pag-uusap kaya kung kailangan mo ng kausap, ikaw sana ang huwag matakot na kausapin ako” dagdag ko na alam kong narinig niya. Pumagitna muna ang katahimikan sa pagitan namin bago siya tuluyang naglakad at pinanuod ko lang siyang umalis.   Basta para sa akin gusto ko siyang tulungan. Yung oras na natapilok ako, napaisip ako bigla na kung talagang manhid siya, hinayaan niya lang ako matumba nung mga oras na iyon pero hindi eh. Kinuha niya pa rin ako. Simple man kung isipin pero totoo naman di ba? Hindi ko alam kung tama ba na lungkot nga ang salita pero naramdaman ko iyon tuwing nakikita ko ang malamig niyang mukha. Mukhang sa tingin ko may rason na ako kung bakit nandito ako ngayon. Sa tingin ko, hindi sa kadahilanang dahil sa taglay kong kapangyarihan...   Sariling opinyon ko lang naman ito pero tingin ko talaga... na baka matutulungan ko siyang mapawi ang lungkot na iyon na nararanasan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD