Chapter 7
Time flew so fast and today is our practical skill examination. Kahapon ay written exam namin. Isusumpa ko si Professor witch kapag hindi ako nakapasa doon. Hinubad ko na ang white inner blouse. Natigilan ako at napatingin sa mga girls na kasama ko dito sa dressing room. Bakit sila nakatingin sakin?
"Wow, ang ganda talaga ng figure mo." puri sakin ng isa sabay siko pa. Close ba tayo girl?
"Ano yung work out routine at diet mo, share mo naman." echuss pa ng isa.
"Mga Gaga! Halos maiyak na nga ako dahil puro tubig at tinapay na lang kinakain ko." singhal ko sa kanila. Naawa sila sa sinabi ko.
"Hindi ako nagbibiro, kaya pagsumikapan natin makapasa sa exam na'to! Fighting!" cheer ko with super high enthusiasm.
Nag-aalangan sila sumagot noong una pero nang makita nila ang charming smile ko, nag cheer din sila.
"Fighting!"
~*~
Ang fighting spirit ko kanina ay nag vanish na parang bola nang makita ko si Professor Gurran sa open field katabi si Professor Finn. Nagsimula agad ang bulong-bulongan sa tabi at likuran ko.
"Bakit andito si Prof Gurran?"
"Siya ba ang examiner natin?"
"Sh*t, we're all gonna fail this exam."
Negatibong komento agad ang namayani sa klase namin. Natural, iyan din ang magiging reaksyon ko, dahil andito ang tinaguriang the toughest wall. Ang halimaw na teacher na hindi magdadalawang isip na ibagsak ang grades mo kahit lumuha ka pa ng dugo o di kaya lumuhod ka pa ng isang taon sa harap niya hinding-hindi ka n'yan bibigyan ng chance. Ang source ko sa information na 'yon syempre mula sa chismis.
Mabilis pa sa alas kwarto ako umiwas ng tingin nang dumako sa direksyon ko ang walang kabuhay-buhay na tingin niya.
"Class come closer." sabi ni Prof. Finn.
Parang may nakakahawang sakit si Professor Gurran dahil walang sino man ang lumalapit sa kanya. Dito talaga kami sa tabi ng adviser namin lumapit. Mukhang ayos lang at sanay na si sir na makita ang takot sa pagmumukha ng mga estudyante niya.
"Professor Gurran will be your examiner for today's flight prowess examination,"
I heard the low grunt of my fellow class. Halata sa mukha nila ang pagkadismaya.
"What's with that gloomy face class? don't worry, I'll take easy on you..." He coldly said as in emotionless.
Feeling ko lahat kami parang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niya. Alam ko naman may natitira pang kabutihan sa puso ni Sir eh..
"I'm just kidding."
"PUTCHA! HINDI KA NAKAKATAWA SIR!" I protest without fvcking thinking. Lahat ng mga classmates ko including the two teachers in front of us, stared at me. Namutla pa nga yung iba dahil sa ginawa ko. Dahil wala akong hiya sa katawan, binalewala ko lang reaksyon nila.
"Ang reckless mo talaga." naka face palm na bulong ni Minari sa tabi ko.
Nanginig ako sa takot ng i-angat ni sir ang class record niya at saka sinulatan iyon. Bagsak na ba ako sa examination na'to?
"O...okay... Class let's begin the practical examination, Alores you're up!" pag babasag ng awkwardness ni Professor Finn.
The flight prowess examination is simple. We will just chase Professor Gurran in the air to test our speed and agility. Siya ang bahala mag grado gaano kami kasanay pagdating sa pag lipad. Simple pakinggan ngunit iyong anim sa nauna sa'kin ay na bigo mahabol siya, may nahimatay pa nga sa sobrang hilo.
Sa sobrang liksi niya lumipad nakakahilo siya tingnan. Hindi ba siya napapagod? May seventeen pang mga estudyante ang papahirapan niya.
"Gardenia you're next." sa pandinig ko parang sinabi ni Prof. Finn na ako na ang susunod na bibitayin. Jusko! Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan.
"Bilisan mo na lang ang lipad mo... Alam kong hindi mo mahuhuli si Professor." sabi ni Minari.
"Hahaha... Supportive friend ka talaga." I sarcastically replied. Umirap siya sakin hindi ako nagpatalo tinulak ko ulo niya, sabay irap.
Pumunta na ako open field, tumingala ako kay Sir. Gurran na kasalukuyang nakalutang sa ere. Hinintay ko ang hudyat ni Professor Finn.
"Go!"
Lumipad na ako. Magkaharap na kami ngayon tumalikod siya at lumipad nang mabilis... Humugot ako ng maraming lakas at mana energy para mahabol siya.
"Sir.... Ang gwapo niyo po!" pang chacharot ko to distract him. Wala eh, wa epek hindi seguro ako narinig dahil sa hampas ng hangin. Tumaas pa ang lipad niya, hinabol ko siya doon.
Nakaramdam na ako ng panghihina kaya nga mas pinili ng iba maglakad na lang imbis lumipad dahil nakaka-ubos ng enerhiya ang ganitong klaseng magic. Bigla akong nahilo at nawalan ulit ng kontrol. Tsk. Hinayaan ko na lang na hatakin ako ng gravity pabalik sa lupa. Lilipad na lang ako kapag malapit na akong bumagsak. Pumikit ako at dinama ang pag free fall ko sa alapaap.
Shook.
I felt a heart string.
Biglang lumitaw si Professor sa itaas ko. We're both free falling in the mid air. Tinatangay ng malakas na hampas ng hangin ang itim na buhok niya kaya kitang-kita ko ang mukha niya na naka poker face pa rin. Nakakatawa. He immediately went down to rescue me.
I smiled mischievously and grabbed him by hands. Hinapit ko siya sa leeg at niyakap para hindi siya makawala sakin.
"You fell into my trick, sir." bulong ko sa tenga niya.
"Bw*sit." bulong niya rin. Nagulat ako ng hinapit niya ang bewang ko at lumapag kami ng ligtas sa ground. Magkayakap pa rin kami. Agad niya ako tinulak ng marealize niya isang minuto na kami magkayakap.
"Did she passed?"
"Luh! Ang sweet nila."
Tumikhim si Sir. Ako naman nakatulaley doon sa nagulong buhok niya. "Next." aniya.
~*~
Nakaupo ako sa gilid ng fountain habang hinihintay ang magiging resulta ng aming preliminary exams. Hindi naman ako nahirapan sa written, sa practical exams Oo, may pagdududa ako na babagsak ako doon. Lalo na niyakap ko si Sir. Gurran waaaah! Nahulog yung scroll sa tubig ng fountain. Waterproof siya kaya oks lang. Pinulot ko iyon nagtaka ako kung bakit nagkulay black ang tubig ng ilagay ko ang kamay ko doon.
"Minari! Tingnan mo nagkukulay black ang tubig bakit kaya?"
"Kaya nga tinatawag 'yan na emotions fountain, nababasa niyan ang emotion mo katulad nalang ng black ibig sabihin kinakabahan o takot ka... Kapag red naman galit ka." sagot ni Minari.
"What if kapag in love ka?" I asked.
"Pink-"
Biglang tumalas ang paningin ko nang makitang paparating dito ang lalaking may kulay blonde na buhok, ang lalaking kumuha ng virginity ng kamay ko. Hinila ko si Minari at nagtago ako sa likuran niya.
"Oh? Paparating dito 'yong lalaking gusto ka pakasalan." Minari mocked. Aish!
"Itago mo na lang kasi ako."
Dumaan sa harap namin si Blondie kasama ang ibang elementalist ng matiyak ko na nakalayo na sila. Umupo ulit ako sa gilid ng fountain. Biglang kami nakarinig lahat ng estudyante ng chime sound mula sa scrolls namin. Agad namin tiningnan iyon. Pumaskil ang ngisi sa labi ko nang makita nakapasa ako sa written exam at sa first aid practicum. Domuble ang kaba ko ng dumapo ang tingin ko sa flight prowess examination. Sumigaw at tumalon ako sa sobrang saya! Binigyan lang naman ako ng perfect score ni Sir. Gurran.
"Rhein! Nakapasa tayo!"
"Rank C na tayo!" sigaw ko at nagyakapan kami na parang timang dito.
Hindi na kami nag sayang ng oras dumiretso kami sa SAO office para kunin ang white bowtie namin. Tumaas ang rank namin from D to C at lilipat na kami sa matinong dormitory.
~*~
Walang gaanong gamit si Rhein kaya kaunti lang inimpaki ko si Minari na nasa harap ko nag st-struggle dalhin ang tatlong baggage niya. Napalingon ako sa hunted building. Kahit tumaas ang rank ni Mimi. Nanatili siya sa creepy dorm na iyan bilang dorm President. Unfortunately, may iilan ang hindi nakapasa sa pagsusulit at nanatili sa dorm na iyan.
"Subukan mo kaya palutangin." suggest ko sa kanya.
"Okay." umatras siya kaunti at tinapat ang dalawang palad sa baggage niya. Enngk! Katulad ko rin siya mahina sa levitation magic.
"Tsk. Tutulungan na nga lang kita-"
"Eyow! Girls do you need a hand?" boses ni Airus. Nababanas talaga ako sa tapat na aso ni Shawn.
"Wag na noh! Baka may nakawin ka pa sa gamit namin." Alma ko sa kanya.
"Oh! Chill! Past is Past and never been discuss... Gray, tulungan mo ako ihatid sila."
Dumako ang tingin ko kay Minari. I tried myself not to laugh pero traydor ang bibig ko. Namutla bigla si Minari. Nagulat ako ng biglang hablutin ni Gray ang bag ko.
"Ano ba!" singhal ko habang nakikipag-agawan sa kanya ng bag.
"You idiot! Naka usli ang damit mo! Aayusin ko!" sumbat niya. Naagaw na nga niya ang bag ko. Malala nga talaga ang OCD niya. Tinupi at maayos niya inilagay pabalik ang mga damit ko. "Hoy! Wag ang bra ko!" awat ko sa kanya. Kinuha ko yung bra. Ang sira ulo nakipag-agawan pa sakin.
"Ummm.... Hello Gray, nice to see you again." nahihiya na bati ni Minari kay Gray. Tumigil kami sa pag-aagawan ng bra ko at napatingin sa kanya.
"Who are you?"
Boom!
~*~
"Bukas ng hapon, gusto ka makita ni President sa greehouse." wika ni Airus pagkatapos nila kami ihatid sa prestine dormitory. Alam ko na may sadya sakin ang engut na'to kaya niya kami tinulungan.
"Hindi ako pupunta!" i object.
Napakamot siya ng batok. "Pumunta ka na lang, pareho tayo malilintikan ni President eh."
"Pakialam ko ba!" lumalabas talaga sungay ko sa mga ganitong klaseng tao. "Umalis na si Gray oh." nalilito na siya kung susuyuin pa ba ako o susunod ba sa kaibigan niya.
"Basta bukas! Pumunta ka!" sabi niya sabay sunod kay Gray. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Minari. Luhaan pa rin siya dahil sa epic response ni Gray. Ito na naman ako natawa dahil sa hitsura niya.
"Wow! Supportive friend ka talaga! Tayo na nga."
Tumatawa pa rin ako nang makapasok na kami sa complex building. Pagkapasok ko agad sumalubong sa amin ang isang magandang babae. Ang lavish ng lobby yung wall ay gawa sa fish tank. Ang ganda tignan. Para akong nasa five star hotel.
"Good evening, I'm Layla the dorm president of prestine dormitory I presume the two of you are Gardenia and Leonal right?"
Dahil broken hearted ang katabi ako na ang sumagot sa magandang chicks na'to. Girl crush ko na siya ang elegante niya pa magsalita.
"Yes... Yes... Kami nga."
"Follow me then, ihahatid ko kayo sa Room niyo." She said then smile.
~*~
"Wow,"
Iyon agad reaksyon ko nang makapasok na kami sa magiging room namin. Unlike, sa dating room namin na medyo masikip, dito ang lawak ng espasyo. May sariling banyo at paliguan hindi na kami mahihirapan ni Minari gumising ng maaga para pumila sa public bathroom.
"We have our own snack area on the first floor, feel free to grab some snacks, Sige... alis na ako may mga ihahatid pa kasi ako." Layla said. Ningitian ko siya.
Nang makaalis na siya, binitiwan ko ang baggage ko at nag dive ako sa malambot na waterbed. Ang sarap matulog dito... Tumayo ako at pumunta sa banyo. Ang linis at may bathub pa! Binuksan ko ang sliding door at umapak ako sa terrace sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. Para tuloy akong naka jackpot sa lotto. Abot tanaw dito ang campus tower. Kumikinang sa gabi ang tower dahil gawa sa diamond ang ibang parte nito. I can't believe na dito na ako nakatira though na mimiss ko pa rin ang pamilya at mga kaibigan ko doon.
Pumasok na ulit ako sa loob dahil nakaramdam na rin ako ng sobrang lamig. Isinara ko na ang sliding door. Pagharap ko akala ko sinundan ako ng multo sa hunted building. Si Minari lang pala naglupasay sa sahig. Magulo ang buhok at umiiyak. Punyemas di pa rin siya naka move on.
"Paano mo ba nagustuhan ang baliw na 'yun?" tanong ko sa kanya.
"Ah? Snif... Kasi noong first day ng school muntik na ako mahuli sa entrance ceremony dahil naiwan ako ng train, mabuti na lang nakaabot ako... Haggard na haggard ako noong panahon na iyon. Nagulat ako noong biglang lumapit sakin si Gray... Mula sa bulsa niya kumuha siya ng suklay at sinuklay iyon sakin... Ang sweet niya sobra Hihihi..."
Pati rin pala 'to abnormal kanina nag d-drama ngayon parang kiti-kiti na kinikilig sa sahig. Tch. Hindi niya ba alam may sakit sa pag-iisip ang crush niya?
"Ang hot niya diba? Lalo na kapag inaayos niya yung salamin niya kyaaaaaa!"
Hindi ko na siya pinakinggan. Lumapit ako sa kakaibang switch, may button doon na may hugis snow flakes, araw, at hangin. Pinindot ko ang snow flakes button. Biglang lumamig yung paligid sunod na pinindot ko ang araw. Sh*t! Ang hot kasing hot ni Sir Gurran. I decided to push the windy button, alright that's perfect. Natulog kakaiyak si Minari kaya kinarga ko siya sa bed niya. Oh? May remote din pala dito na holographic. Pag pindot ko bigla akong nateleport sa kalawakan... Wait? Illusion magic ba'to. Parang totoong nasa kalawakan ako. Pinindot ko pa, ang next scenery ay nasa flower field ako. Tinabi ko na ang remote at pinagmasdan ang night sky sa loob ng kwarto namin.
"Goodnight to me." I mumbled then closed my eyes to sleep.
~*~
...Tobecontinued...