Chapter 6

2081 Words
Chapter 6 Ang sarap ng tulog ko kaso naistorbo ako sa tubig na tumutulo sa magandang mukha ko. Gumulong ako sa kabilang side punyemas, ang pwet ko naman ang natuluan. WTF?! Pikon ako bumangon at tumingala sa kesame. Asar! Umuulan pala, kahit saan ako tumingin pumapasok ang tubig sa kesame. Geez! Dahil nga rank D kami walang budget ang rank namin para ayusin ang hunted building na'to. Ugh! Gusto ko pa naman matulog dahil bugbog sarado ang katawan ko sa training. Bumaba ako sa common area. Nadatnan ko ang mga dormates ko nakaupo sa sahig habang pinapalibutan ang isang kandila. Are they playing spirit of the glass? "Rhein. Hali ka dito..." pabulong na tawag ni Mimi sakin. Lumapit ako sa kanila. Lahat sila ay nakapikit habang may binubulong ang weird nila. "Oh great spirit of the rain... Ituro mo ang may malaking tinatago na sekreto sa amin." sabi ng isang lalaki. Napalunok ako ng laway ng lumakas ang kulay asul na apoy. The the flame pointed my direction. Lahat ng mga dorm mates ko napatingin sakin. "Rhein. Anong sekretong tinatago mo?" seryosong tanong sakin ni Minari. "Wala." "Umamin ka! Umamin ka! Sino ang crush mo? " in unison na tanong nila, para tuloy silang kasapi ng kulto. "Wala nga sabi waaaaaah!" lumakas yung apoy! Totoo nga yung spirit of the rain. "Si.... Si... Superman..." sagot ko. Humina ang apoy. Nakahinga na ako ng maluwag. Totoo naman I'm a fan of superman. "Sino yun?" tanong ng isa "Ewan." - Pagkatapos nila maglaro ng spirit of the rain, kumain na kami dito sa common area. May pinadala na tinapay at gatas kaya nilamon na agad namin. Sabi nila tuwing umuulan nagpapakita ang spirit of the rain Alam nito ang tinatagong sekreto ng isang indibidwal at may instances daw na sumasagot ito sa mga tanong ng pabulong. Shuta! Ang creepy kaya nun. Iba ang paniniwala nila dito. They had what they call Deities at maraming spirits... Katulad ng spirit of the rain. Pagkatapos kumain ay lumabas ang iba samantala yung ilan pumasok sa kwarto nila. Hinila ako ni Mimi at Minari para maligo sa ulan. Waaaaaah! Ayaw ko baka mag kasakit ako. "Ang saya kaya maligo sa ulan! Maiinom mo pa yung tubig ulan." sabi ni Minari. Eh? Gamit ang mga palad ko nag ipon ako ng tubig at ininom iyon. Walang halong biro lasang cotton candy ang tubig. Hahaha! Ang saya dito. ~*~ Habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya hindi ko maiwasan marinig ang usapan ng dalawang babae sa tabi ko. "Really? Sana ayos lang si Prince Shawn sa mission niya." rinig ko sabi ng isa. "Just believe in him. He's strong enough to beat those enemies, Tara labas na tayo." Sinundan ko ng tingin yung dalawang babae na lumabas ng public bath. Dumako ang tingin ko kela Minari at Mimi. Sinubukan ni Minari palutangin ang sabon kaso mahina 'ata siya sa parte na iyon. "Hoy, may tanong ako ano ba mayroon sa Shawn na iyon at mahal na mahal siya ng mga students dito?" chismis ko sabay linga sa paligid mahirap na may makarinig, umabot pa sa mga prefect. Yataps na naman oks kapag ganun. "Simply because he's from the royal bloodline ang pinakamalakas na light mage sa buong angkan nila. Did you know half of the protective barrier was created by him, sabi ng iba Prince Shawn was granted with a powerful magic since birth... Kahit arrogante siya nirerespeto at minamahal pa rin siya ng karamihan." sagot ni Minari sa tanong ko. Tumango-tango ako. Make sense though. "Bakit kaya hindi pa nagkaka-girlfriend si Shawn?" tanong ni Mimi. Tumahimik ako para makapag-isip.. Maybe... Just maybe. "Baka bakla siya!" Tinakpan ni Minari ang bibig ko. "Shhhhhh! Baka may makarinig sa'yo, hindi ka talaga nadala ano? Ayaw ko na ulit hagisan ng itlog sa ulo." I nodded then apologize. Si Professor Gurran curios ako sa pagkatao niya. Kahit na puro panglalait at pagmumura lumalabas sa bibig niya tuwing magsasalita magaling siya in terms sa pagtuturo. "Si Professor Gurran ilang taon na siya?" Tila kinilabutan sila ng banggitin ko ang pangalan ng professor na iyon. "Wag na wag mo kami tanungin tungkol sa kanya Rhein, siya ang pinaka nakakatakot na teacher dito, hindi nga ako makatulog noong kweninto ko siya sayo, binangungot ako." wow ang exaggerated naman nitong si Minari mag explain. "Oo nga magpasalamat tayo dahil hindi siya ang head teacher ng mga department natin, sayang ang super pogi pa naman ni Professor Gurran... Wait? Bakit bigla ka nagka Interest sa kanya wag mo sabihin..." ani ni Mimi. Tumayo na ako at tinalikuran sila. Mga echusera. "Hindi noh..." "Wala pa kaming sinabi Rhein, so you mean totoo nga may crush ka sa kanya..." ani ni Mina. "HA! NEVER EVER!" "Denial. Wag ka na umasa, may asawa na yun." wika ni Mimi. Asawa? ~*~ Mabilis tumakbo ang oras at lunes na naman. The worst day of the whole week, we'll not today. Excited na kasi ako ipakita sa lahat na marunong na ako lumipad. Eksakto dahil may flight class kami ngayon. Magpapakitang gilas ako sa paglipad mamaya. "Ayos ka lang ba? Baka mawalan ka ng lakas at mahulog ka... Di kita masasalo-" "SHHHHH! I can handle this..." awat ko kay Minari. Inunat ko yung kamay ko. Nag stretching pa ako while nakatuon ang tingin ko sa fourth floor. Yeah... I'm ready. I focused and spread the warm force all over my body. Isinaisip ko na kasing gaan ako ng feather. As I open my eyes I'm floating in the air. Yes! Lumipad na ako patungo sa fourth floor. Ningitian ko ang mga schoolmates ko na nakakasabay ko sa pag lipad. May iba nag congrats sakin. Did I told you na medyo sikat na ako sa school. Charot. "MINARI NAKAKALIPAD NA AKO!" sigaw ko kahit malapit lang siya sakin. Ngumiti sakin si Minari at binati ako ng congratulations. Lalapag na sana ako sa sahig ng mawalan ako bigla ng kontrol sa aking paglipad. Damn it! Habang nahuhulog, nagtitili ako ng malakas. Blag! Buti na lang bumagsak ako sa malambot na bagay. May nadaganan seguro ako, Napatingin ako sa kamay ko. Napanganga ako dahil ibang klaseng malambot ang nahawakan ko. "AHHHHHHHHHHHH!" sigaw namin dalawa ng lalaking may blonde na buhok na isang elementalist base sa uniform na suot niya. N... Na... Nahawakan ko yung egg niya! Putcha! Hindi na virgin ang kamay ko. Agad kami lumayo sa isa't-isa. "You p*****t!" turo niya sakin. "Grabe ka! Aksidente lang iyon." "Hinawakan mo na'to kaya pakasalan mo ako!" Halos lahat nang nakarinig sa sinabi niya ay the same ng expression ko. Nakanganga at dilat na dilat ang mata. This guy is unbelievable. Hindi pa ba siya nahawakan ng babae? Hmmm? At least gwapo siya hekhekhek. Ayaw ko pa magpakasal noh. "RHEIN! ang tanga-tanga mo talaga, Tara na nga... Pasensya na po... Pasensya na." ani ni Mina. Matulin pa sa spaceship ako hinila ni Minari paitaas. Hindi pa rin ako naka get over sa sinabi niya. Nag-aalala ako sa kamay ko. ~*~ Oras na nang flight class namin. Itong si Minari tumaas ang altrapresyon dahil sa katangahan ko. Kasalanan ko ba na doon siya nakatayo kanina? Kung sana umiwas siya edi hindi ko nahawakan ang eggs niya. Kabanas. First time ko pumunta sa pinaka tuktok ng tower. Kung saan abot na ang langit. Pagbukas ng automatic glass double door. Humampas ang malakas na hangin nilipad nito ang aming mga buhok at skirt. Nakatayo kami ngayon sa semi circle platform. "Class lumapit kayo dito." Saad ni Professor Anika, so she's our flight instructor. "Let's test your flight skills, since malapit na ang prelim exams niyo kailangan niyo na maging dalubhasa sa paglipad... Are you ready for our activity today?" "Yes Prof!" we responded in unison. I felt the enticement from my head down to my toe. "Okay let's start!" She adorably said. Kasunod ni Professor Finn siya ang paborito ko. Ang cute niya kasi at approachable pa. "For our today's activity we're going to have a race relay... Ang unang team na makakalagay ng ribbon sa puno na nakatayo sa floating mini island ang makakuha ng mataas na points! Okay... Count to five tayo." Natapos na ang paghati-hati ng grupo. Group five ako at anim kami sa grupo. Lumipad na ako patungo sa waiting point kung saan hihintayin ko ang team ko na mag papasa ng ribbon sa'kin. May halong kaba at takot akong naramdaman nang kumapit ako sa floating ball. Sana mapanalo ko ang activity na'to para tumaas ang grades ko. Nagsasawa na ako maging rank Dog. Alam niyo yung feeling na may tumatambol sa loob ng dibdib niyo? Iyon ang nararamdaman ko ngayon habang papalapit dito ang team mate ko. "Rhein." Tawag niya sabay abot ng ribbon. Nauunahan na kami ng ibang team kaya binilisan ko ang paglipad. Abot tanaw ko na ang huling ka teammate ko na magtatali ng ribbon sa puno. I extended my hands tried to reach him. Ngumisi kami pareho ng makuha na niya iyon. "Ano ba mag-ingat kayo!" "Wag kayong mag-away-" Namilog ang mata ko ng mabangga ako ng dalawang classmates ko na nag-aaway sa ere. Tumama ang ulo ko sa likod ng isang lalaki. Medyo nag black out ako at nawalan ng kontrol sa aking paglipad. ~*~ Humahangos ako. Hindi ako mapakali habang hinahawakan ko ang ulo ko. I'm having an anxiety attack from that collusion. Good thing, a guy from my team quickly catches me before I crash on the ground. Wala naman akong natamong malalang injury bukod sa bukol sa ulo ko. Pinagalitan na ni Professor 'yung mga kaklase ko na nag-aaway. Dahil sa incidente na iyon sumariwa sakin ang alaala na sinalpuk ako ng van na nagdulot ng pagkasawi ko. I don't know if I'm still alive in that body... Kung humihinga pa ba ako or comatose pa ba? Hindi ko na alam. I just wanted to go home... Pagtingin ko sa pinto ng INFIRMARY, tyempo pumasok ang isang elementalist. The guy with a violet spiky hair approach me. "Tinanong ko si Professor Anika, She said you're here... Hey are you okay?" tanong niya ng mapansin ang hitsura ko. "She's not... Okay, what do you want from her?" sumbat ni Minari sa tabi ko. "Nothing important, pinatawag lang siya ni President Shawn para ibalik ang Student card niya." naiilang na sagot ng lalaki sa kanya. I heard Minari yelling at him pero pinili ko sumama sa kanya. Kailangan ko ang student card ko. I'll be fine. "Nagkaroon ba ng aksidente?" "Oo." Mahina na sagot ko "I'm sorry about last time... By the way I'm Airus Zolt..." Hindi ako umimik. I'm not yet okay... I'm still shaking from that incident. Hindi tumalab sakin ang pinainom na pampakalma ni Healer doctor Felipe. Pagkarating sa Greenhouse ay umalis na agad si Airus. Pumasok na ako sa loob. I found Shawn seated on a white couch. He immediately turn his gaze on me. Sumingkit ang kanyang tingin, napansin niya seguro ang pamumutla ko. "Your Student card is on the table, get it." sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sakin. Kinuha ko na yung student card ko at tumalikod na sa kanya. "Are you okay?" tanong niya. Is he sincere o nang aasar siya sa tanong niya? "Oo." sagot ko sabay harap ulit. He stood up akala ko sasaktan niya ako o whatsoever kaya napapikit ako ng mga mata. All my fear and worries miraculously faded away as I felt his warm hands laid on my cheeks. Pag tingin ko nagliwanag ang kanyang kamay. His gentle blue eyes staring in my eyes. "I can see the negative emotions within you... Does this make you less scared now?" Dahil dito sa ginagawa niya ngayon nakalimutan ko gaano siya ka plastic at arrogante. Bakit siya biglang bumait sakin. Tumango ako at may pag-iingat inalis ang kamay niya sa pisngi ko. That helps a lot. I was amused by his power. He has the ability to erase all negative emotions. "Hindi ka ba magpapasalamat." "Bakit ako magpapasalamat?" "Obviously because you had a chance to see my handsome face.." He said with a sweet freaking smile. Apakayabang! You know what I did? I raised my middle finger on him. Pak you! Matagal na akong hindi nakakahanap ng gulo. Wala akong pakialam kung siya ang prinsepi o ang hari ng buong mundo. "Do you want me to punish you again, beautiful lady?" He leaned and bend forward. This time a naughty smile plastered on his face. "Ewan ko sa'yo, makaalis na nga!" ~*~ ...tobecontinued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD