Chapter 8

2203 Words
Chapter 08 Puro mga dress ang damit ko. Wala akong nagawa kun'di suotin ang empire dress na above the knee at kulay blue. Pinarisan ko ng summer hat na may desinyong bulaklak sa itaas. I never felt so girly, noon kasi ayos na ako sa jean at plain t-shirt na pormahan. Nauna umalis sina Minari at Mimi, gusto kasi nila mamasyal sa kapitolyo dahil andoon ang iniidolo nilang singer. Hindi nalalayo ang Origon sa earth ang pinagkaiba nga lang ay lahat dito ay likha sa mahika. Gusto ko nga sumama kaso kailangan ko pumunta kay Shawn. Isang buwan na ako dito hindi pa rin ako nakakalabas sa academy. Wala akong vacant time dahil sa special training ko minsan naman pinapatawag ako ni Shawn para gawing alipin niya. "Hey? Rhein how's your night?" bungad sakin ni dorm President Layla dito sa entrance lobby. Agad ko siya pinasalubungan ng pamatay kong smile. "Ayos lang naman po." "Wag ka na mag po, second year pa lang ako... To be honest nagagandahan talaga ako sa'yo para kang dyosa.... Can i take a picture of you?" "Ah sure." awkward na sagot ko. Naka stiff lang ako habang kinukunan ako ng litrato. "Thanks by the way are you going to a date? Well that's not impossible ang ganda mo kasi." "Hindi... May pupuntahan lang." sagot ko. "Okay. Goodbye Rhein." Madaldal pala si Dorm President, kailangan ko na siya iwasan baka mapuno ng picture ko ang scroll niya. ~*~ Kailangan ko muna dumaan sa malawak na flower garden bago ako makapunta sa greenhouse ni Shawn. On the way ko doon nakita ako ni Head Master at Professor Finn, kumaway sila, kumaway din ako. "Good morning po." bati ko. "You look pretty today Gardenia," puri sakin ni Prof. Finn dapat na seguro ako masanay makarinig ng compliments. "Salamat." tumingin ako kay Head Master kanina pa siya nakangiti ng parang aso sa harap ko. "Ngayon lang tayo nagkita ulit, how's your stay here?" "A... Ayos lang po, Head Master ummm mukhang duda talaga ako na hindi ako ang itinakda na sinasabi sa propesiya." Saad ko sa kanya. Hindi ako malakas, madali akong manghina. I'm just a common mage na may kakayahan lang sa pangagagmot. "To see is to believe kiddo, I can see it within you... even if we rearly see each other, the news about your improvements reaches me... Plus the factor you came from another dimension, is a strong evidence that you are the chosen one, just believe in yourself like we do." napaka encouraging ng sinabi ni Head Master. Subali't hindi mawala sa isipan ko ang pagdududa tungkol sa bagay na iyon. Frankly speaking I'm not yet ready to burden that great responsibility on my shoulder. Ang saklap. ~*~ I arrived at the greenhouse. Nadatnan ko si Shawn hindi mapakali. He's pacing back and fort. Ako yung nahihilo sa pinaggagawa niya. "President, anong problema? -" nagitla ako ng bigla niya ako hawakan sa magkabilang braso. Sobrang seryoso ng mukha niya mukhang malaki nga ang problema na dinadala niya. "Did you see this?" Hinawi niya ang kanyang bangs at nakita ko ang maliit na tigyawat sa noo niya. "Pffft-" pagpipigil ko ng tawa. "How dare this pimple appeared on my handsome face huh? Do you have any ointment that I could use?" Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Humagalpak na ako ng tawa. Ang epic! Pimples lang pala pinoproblema ng ugok na'to. "Hahahaha!" "Stop laughing." Mabuti na lang dinala ko ang magic concealer ni Minari. Infairness sa katawan ko na'to hindi kailanman tinubuan ng blemishes ang pimples. "Lalagyan na lang po kita nito para itago ang pimples niyo." Tumingin si Shawn sa dala ko na cream. He's having a second thought pero agad siya nagtiwala sakin. Sayang sana hinaluan ko'to ng chemical na makakasira sa face niya. *evil smile* "Good. Quickly put it on." umupo siya sa kanyang puting upuan. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata sana palagi na lang siya nakapikit. Mas maamo siya tingnan. Naglagay na ako ng magic cream sa daliri ko at dinampi sa cute na pimples niya. "Baka stress lang kayo president kaya nagkaroon kayo ng tigyawat." "I've never been stress in my entire life... I'm perfect you know." Tsk. Oo na ikaw na ang may perpektong hitsura pero taliwas iyon sa ugali mo, arroganteng prinsipe. Sarili lang niya ang mahal niya period. "Anong masasabi mo sakin?" tanong niya. Natigilan ako at tumingin sa mala-anghel na mukha niya. Gusto niya ba makarinig ng flowery words o harsh reality, dahil kung ang second option pipiliin niya isasampal ko sa kanya ang katotohanan na isa siyang arroganteng narcissist prince na walang inatupag kundi matulog at mag tyaa buong araw. Kaso pinapahalagahan ko pa ang buhay ko kaya hindi ko iyon sinabi. "Kayo po ang pinakaaaa magandang nilalang sa buong Origon, wala na pong makakapantay sa galing niyo." Pagsisinungaling ko ng todo-todo. Ugh! Sarap ipahid ng cream na'to sa eyeballs niya. Kaasar. He smiled sweetly. "Well sanay na ako makarinig ng compliment." Angyabang!! Pagkatapos ko ipahid ang cream. Tumingin siya sa salamin. Dahil nga masyado siyang in love sa sarili niya hindi na ako magugulat, kung balang araw papakasalan niya ang kanyang sarili. Tsk. Sayang ang kapogian niya. Kung magiging ganyan lang naman din ang ugali niya edi sana nag donate na lang siya ng charisma sa mga less fortunate. "Let's go." I blink twice. "Saan po?" "At the capitol I have something to buy there..." ~*~ Sumakay kami sa papa ni Kaito, natakot nga ako sumakay noong una dahil sa sobrang laki at tangkad niya. pagkakaalam ko ang mga Noble at Royal Blood lang ang nakakapag may-ari ng mga dragons. Kakaunti na lang ang bilang nila dahil sa illegal na pagpatay sa mga ganitong nilalang. Sa kadahilanan na nagtataglay daw ng malakas na magic ang karne nila na kaya mag pagaling daw ng malalang sakit. "Hold tight." Sabi niya. Kumapit ako sa balikat niya. Amoy pa lang ng batok ni Shawn alam mo na agad pinanganak siyang may golden spoon sa labi. Tumaas pa ang lipad ng dragon. I giggled when we passed through the thick clouds. "Here... eat this." sabi niya sabay abot ng maliit na piraso ng ulap. Unbelievable! Pwede pala hawakan ang clouds dito? Kinuha ko na iyon at kinain. "Ang tamis!" sabi ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Shawn. Excuse me po hindi ako na inform pati ang tawa niya ang sarap pakinggan sa tenga. "Wala bang ganito sa mundo niyo?" tanong niya. Shawn already knew about my identity sila ni Gray ang pinagkakatiwalaan ni Head Master tungkol sa sekreto ko. Dahil sila ang tutulong sakin in case mapahamak ako. Magiging mainit ako sa mata ng mga Hayze kapag nalaman nila ang existence ko. "Nope. Malayong-malayo ang mundo na'to sa mundo na nakagisnan ko... This look like a paradise to me." Tugon ko sa kanya. Inabot ko ang blue na clouds at kinain iyon. "You're kinda wrong... This isn't a paradise but a big prison for us." nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Shawn. As the crown prince of Parados mas malaki ang responsibilidad niya kumpara sakin. Napagtanto ko bigla, nakakalungkot isipin na hindi sila maari maglakbay sa karagatan dahil sa banta ng panganib ng mga Hayze at Servetor. They been hiding under the protection of force shield for centuries now... Malamang ay nagnanais din si Shawn na makapunta sa malayong lugar. My question is how long will the force shield protect them? Kapag nawasak iyon handa na kaya sila sa pag atake ng kadiliman? Bumuntong hininga ako at inalis ang negative thoughts sa isipan ko. ~*~ Lumapag na kami sa kapitolyo. Buhay na buhay ang syudad na ito kahit saan ko idako ang tingin ko may interesadong bagay akong nakikita. Katulad ng kakaibang kasuotan dito. Iyon 'ata ang traditional dress nila fukatu sobrang kapal at pinag Patong-patong na tela. Dumako ang tingin ko sa isang stall na nagtitinda ng iba't-ibang uri ng charm item. Katulad na lang ng pakpak ng chimera at kaliskis ng sirena na sa tingin ko ginagamit sa pag gawa ng potion. "Do not separate from me lest you get lost in the crowd," nagulat ako ng hapitin ni Shawn ang baywang ko at naglakad na kami paalis. Sa totoo lang hindi pa ako sanay sa pagiging touchy niya. May suot siyang white cloak para itago ang kanyang mukha. Oo, mahirap nga mamukhaan pa siya dito. Nabusog ang mga mata ko sa kakaibang tanawin. Ibang-iba ang tradition nila sa nakikita ko sa dating mundo ko. May nakita pa nga akong pinapalutang niya ang kanyang ulo na siyang kinamangha ng mga manonood. Ang daming ganap sa kapitolyo. Hindi sapat ang tatlong araw para libutin ang kabuan ng kapitolyo, ang daming pwede puntahan at pag aliwan, take note hindi pa ito ang kabuuan ng buong parados. Ano kaya ang hitsura ng ibang tribe lands? Nakarating kami ni Shawn sa isang underground pathway. Pumasok na kami doon hindi katulad ng atmospera sa labas dito medyo gloomy at hindi gaano marami ang Murphs at Mage. "President, anong gagawin natin dito?" "Just follow me okay" Putcha! Pagsasamantalahan niya ba ako dito? Well okay lang hihihi. Ang harot ko talaga. Dumaan muna kami sa check point, ipinakita lang ni Shawn ang mukha niya. Ngumiti agad ang taga-bantay at binigyan kami daan. Mas lalo akong napanganga ng bumaba pa kami. Huminto ang paa ko sa paglalakad ng makita ang kabuuan ng underground district o kung tinatawag nila na Arcanimus. Dito makikita ang mga rare item at iba pang tradable item na bagsakan ang presyo. Sobrang laki ng sakop ng lugar na'to. Nagbibigay liwanag sa buong distrito ang mga magma stone na nakadikit sa pader. May nakita akong silver bird na lumilipad sa itaas. "Ang ganda dito!" komento ko. "I know you will like here, come may gusto ako ipatikim sa'yo." Nakangiti ko tinanggap ang kamay ni Shawn at lumipad na kami sa ibaba. Ang dami kong mythical creatures na nakikita dito. Dito ba sila naninirahan? Lumapag kami sa isang Food park. Ginutom ako bigla. Dinala ako ni Shawn sa isang upuan. "Stay right there, I'll get us some food." "Ayos." tugon ko. He smiled then walk away. Teka nga lang? Bakit ang super bait sakin ni Shawn lately? Nauntog ba ang ulo niya sa pader? Well, andoon pa rin ang kayabangan niya pero habang tumatagal nakikita ko mas nangingibabaw ang gentle side niya. Mhhh? Bakit kaya? O sadyang judgemental lang talaga ako. Ngayon andito kami sa labas ng Academy. Namamasyal at sabay kakain. D..... D.... Date ba ito? H... Hindi pa ako nakakapag-date noon. Nakabalik agad si Shawn. All of the sudden I was nervous in his presence. "What are you spacing out? Let me guess because you are mesmerized by my divine look, right." umaandar na naman ang kayabangan niya. Anyways sa saya ako. "Opo, president," tugon ko. Dapat maging good girl ako ngayon. Inilibre niya kasi ako eh! Anong date ang sinasabi ng utak ko? Hindi ito date, nagpapasama lang talaga siya kumain. "KYAAAAAAAA!" napasigaw ako sa mga weird na putahi na pinalutang at inilagay niya sa harap ng table namin. "Trust me masarap ang mga 'yan, may favorite is this krukop eyeball and this tereer feet." Tiningnan ko si Shawn habang kinakain niya ang eyeball. Kahit ang ganda niya tingnan kumakain para gusto ko maduwal dahil sa fact na mata ang kinain niya. "Tikman mo." pinalutang niya sa harap ko ang isang piraso ng tereer feet. Kasing hugis niya ang paa ng manok pero ang isang ito ay may kakaibang balat at kulay. Shuta naman oh! Balak 'ata ako lasunin ni Shawn. Nakatingin siya sakin kaya no choice ako kundi tikman ang paa na iyon. Pag tikim ko, natigilan ako... Ang sarap! Parang lasang karne sa mamahaling restawrant five times better pa nga. Nilantakan ko na iyon. Natawa si Shawn sakin. "Pwede ba kumuha?" tanong ko. "Help yourself." tugon niya sabay inom ng kulay blue na inumin. "Hahaha! Don't tell me galing ang juice na 'yan sa hayop?" "Yeah... This is the tears of flying whale-" Nabilaukan ako. Letsi! Pati pala luha iniinom nila dito. Sa isang pitik ng kamay niya lumitaw ang bote ng tubig sa harap ko. Good! Good! Dahil may normal na inumin dito. "You're so funny, I love seeing your reaction whenever something is peculiar to you hahaha." He said, inubos ko na ang tubig. Nawalan tuloy ako ng gana kumain dahil sa sinabi niya. Luha ng balyena? Anong lasa nun? Maalat? ~*~ Aaminin ko nag enjoy ako sa lakad namin ni Shawn. Next time sasama na ako kela Minari mamasyal dito. Nakatanggap ng tawag si Shawn sa scroll niya. Si Gray ang nakita ko sa holographic image. "YOU IDIOT! FIX YOUR HAIR!" singhal niya. "PAK YOU!" singhal ko rin sa kanya. Natawa na lang si Shawn sa bangayan namin. "Where are you prince Shawn? I called to report you that a Hayze escaped from the prison this morning..." bakas ang pag-aalala sa mukha ni Gray. "I'm at-" Lahat ay nagimbal sa malakas na pagsabog. Maliksi ang reaction time ni Shawn at nakagawa agad siya ng luminous force shield upang protektahan kami sa explosion. Niyakap ako ni Shawn ng mahigpit. Pagmulat ko nakita ko ang isang lalaking may itim na aura sa hindi kalayuan. Isang Hayze. ...Tobecontinued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD