Chapter 1

2301 Words
Bahagya ako napaatras nang lumapit sa'kin si Head Master. Kanina pa siya ngiti ng ngiti sa'kin. Nagmumukha na tuloy siyang aso, though may hitsura at dating si Head Master pero hindi ko siya type, masyado siyang old sa akin. What did he said? A girl with violet eyes will save them from darkness? Eh? What Darkness? sobrang tirik nga ng araw sa labas ng glass wall niya. Woah! Kita pala dito ang buong school. Ang lawak. Tumingin ulit ako sa kanya akala ko makakaiwas na ako sa awkward stare niya kanina. Sinuri ni Head Master ang mukha ko. "Malakas ang kutob ko ikaw na nga ang itinalaga ng mga deities na magliligtas sa buong Origon!" medyo nakakabasag ear drums ang boses niya. Ang creepy niya makatingin kaya umatras ako ng umatras hanggang sa matisud ako at nahulog ako sa fish pond. "Ah! Head Master you scared her!" reaction ni Mrs. Finn. "Apologize! Apologize!" inabot ni Head Master ang kamay niya. Basang-basa ako nang abutin ko ang kamay niya. Agad niya ako hinila paitaas. I'm soaking wet. Nakita ko ang pagkumpas ng kamay ni Head Master at ang tubig na bumabalot sakin kanina ay bumalik sa pond. "Luh? Paano niyo po nagawa 'yun? Water bender po ba kayo?" I said amusingly. "I don't have any idea what is water bender you're talking about, But no... I'm not an elementalist either, I used time magic to you, I can turn back something to previous state, Kaya ko rin patigilin ang galaw ng isang nilalang BUT I can't revive a dead person." Woah! Ang hanep ng ability ni Head Master. Pero teka, bakit ba nila pinu-push na ako ang tinakdang magliligtas sa buong mundo? Isa lang naman akong ordinaryong studyante sa earth, bakit naman ako magiging choosen one eh? Wala nga akong magic. "The word earth is new to me, What is it?" nagulat naman ako kay Professor Finn. Nababasa niya ba ang iniisip ko? "Yes, I can clearly hear your thoughts." She answered firmly. Napalunok ako ng laway isa pa 'to ang hanep ng ability. Inabangan nilang dalawa ang magiging sagot ko. Dapat ko ba sila pagkatiwalaan? Malay natin alien pala sila na kayang sakupin ang planetang earth. "Trust us Ms. Gardenia." ani ni Head Master, napansin niya seguro ang pag-aalangan ko. "Isang habitable planet sa solar system," "Professor Woolwick theory might be accurate that the Origon has a parallel world." Bakas sa reaction ni Prof. Finn ang pagkasurpresa. "Let's discuss that matter later Professor Finn, come with me, Ms. Gardenia and I will show you the nightmare outside the Kingdom's border." seryoso na wika ni Head Master. - Kumapit ako sa balikat ni Head Master nang mag take off na ang dragon na kulay blue. Kyaaa! Ayaw ko talaga sa heights. I heard Head Master chuckled. "Open your eyes young lady, maganda ang kaharian ng Parados, this kingdom was ruled by King Laxuz the third." Dahan-dahan ko iminulat ang aking talukap. Napawi ang lahat ng kaba ko sa katawan nang makita ang makapigil hiningang tanawin mula dito sa alapaap. May kakaibang gusali akong nasisilayan na gawa sa ginto, silver at kulay white na materyales. Naging makulay ang buong paligid dahil sa kulay pink at violet na dahon ng punong kahoy. Sa di kalayuan andoon ang mga gumalaw na burol na hugis Turtle. "Head Master ano po tawag nun." parang bata na turo ko doon sa turle na mabagal gumagalaw. "That is a titan turtle, isang maamong creature na alaga ng Parados... May mga Murphs na nakatira sa forest shell nila." paliwanag niya. Amazing! Gusto ko rin makapunta doon sa likod nila. "Murphs po?" "Yes, they're the non-mage people... Who doesn't possess mana in their body." Baka murphs ako? Hindi ko nga kaya ipalutang ang sarili ko for one second. Mana mukhang iyon ang magic energy na nagmumula kay Minari kanina. Ang dami kong madidiskubrehan dito. Napatingala ako nang mapadaan kami sa mga lumulutang na isla. "The Islands above us is called the Aither... D'yan nakatira ang mga Aero tribe..." "Ahhhh... Ang lawak ng sakop hindi ko makita 'yung dulo may iba pa po bang tribe?" He chuckled again. "There are four tribes in Parados, Aero, Aqua, Terra, and Pyro they are the pillars of the Kingdom they represents the four elements of this world... and Parados symbolizes the light," Paliwanag ni Head Master. Nakakamangha pala tumira dito. Akalain niyo totoo pala talaga 'yung mga mythical creatures. Naaliw ako sa mga kaalaman na binahagi sakin ni Head Master habang tinatanaw ko ang magandang tanawin. Ang sarap ng simoy ng hangin mula dito sa itaas. Tinatangay ng preskong hangin ang malambot at mahabang buhok ko. Huminto sa paglipad ang dragon. Napansin ko ang translucent forceshield barrier na humahati sa lupa at malawak na karagatan. Hindi nasisinagan ng araw ang parte na iyon ng karagatan, nababalutan ng makulimlim na langit sa banda doon at dumagundong din bawat minuto ang kulog at kidlat. Nakakatakot. Napapitlag ako dahil sa malaking uwak, as in isang dambuhalang uwak na bumabangga sa force shield. Nais niya seguro lumusot subalit makapal ang force shield na nakaharang. Nakakapangilabot ang hitsura nito may kulay pula siyang mata at pulang linya sa katawan. Sa kabilang dako may isang dambuhalang Black sea snake ang sumasakop sa malaking bahagi ng dagat. Katulad ng uwak, may red pattern din ito at pulang mga mata. This is indeed a nightmare outside the border. "Sila ang mga Servetor, o tinatawag na servants of darkness," Head Master explained. Hindi ko kaya tignan ng matagal ang mga servetor kinikilabutan ako sa mga hitsura nila. "I don't want to rush you Ms. Gardenia but we need you to restore vitality and light to the whole world." That sounded like a polite request, but for me that's an immense responsibility for a normal girl like me. Hindi ako nababagay sa mundo na ito, may buhay ako sa earth bakit ba ako andito? "I'm sorry, pero hindi po ako ang choosen one na magliligtas sa mundong ito, may pamilya ako na dapat balikan... malamang ay naghihintay na sila sa pagbalik ko-" natigilan ako nang maalala ko ang aksidente na nangyari. Namatay na ba talaga ako sa mundo na iyon? Sumikip ang dibdib ko. Namimiss ko na 'yung luto at sermon ni mama at ang cuteness ng kapatid ko na si Andrew at si esperen tiyak nag-aalala na sakin 'yun. "As what I've said I didn't intended to rush thing for you Gardenia, kailangan ka muna namin sanayin, in return for helping us we will help you go back to your family." Sumilay ang liwanag ng pag-asa sa akin nang marinig ko iyon mula kay Head Master. Hindi ko alam capable ba ako sa malaking responsibilidad na pinapatong niya sa balikat ko. Marami akong doubt sa sarili ko noon, paano na kaya ngayon? - Pag lapag namin sa school ground. May isang lalaking may gray hair ang nakaabang sa amin. Inalalayan ako ni Head Master Oxvin sa pagbaba mula sa dragon. Ngumiti ang lalaking may seryosong expression kanina kay Head Master. He placed his right arms on his chest and bowed down to head master. I guess yan ang gesture nila dito to gave respect. "Gray, ikaw na bahala kay Ms. Gardenia magpaliwanag sa kailangan niya malaman." "As you wish Head Master," magalang na tugon ng lalaking may kulay gray na buhok at may suot na eyeglasses. Head Master Oxvin glance and timidly smile at me bago siya maglakad paalis sa harap ko. Nalipat ang tingin ko sa lalaki, kanina ang amo ng expression niya noong kaharap si HM ngayon bumalik sa pagiging solemn ang expression niya. "Tie your shoes! Fix your hair!" maowtoridad na untag nito sakin. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nang matapos ko ayusin ang sintas at buhok ko. Tumingin ulit ako sa kanya, ngumiti ako ng awkward. He pushed his eyeglass upward after he turned his back on me. "Follow me." sabi niya. Hmmm? Nakaka detect ako ng mister perfectionist dito. The way kasi siya maglakad sobrang tuwid ng posture niya. "I heard from Professor Finn that you are the chosen one by the deities who will save the Origon ...Tsk I doubt that, in the way you look now." masungit na turan sakin ng lalaki. Aba't loko to ah baka maging friends kayo nitong kamao ko? Mainit talaga ang ulo ko sa mga taong nang-iinsulto, eh hindi ko naman sila pinapakialaman. "Tarantado." bulong ko sa hangin. Huminto siya sa paglalakad sa hallway. "What did you just say?" "Sabi ko Tarana..." alibi ko, at nauna ako maglakad. Wala segurong friends ang lalaking ito. Ang sungit. "By the way I'm Gray Lightwood second year class rank SS student... and you are Rhein Gardenia, first year... Class rank D student... Major in healing arts Seventeen years old, keep that in mind and don't make the people around you get suspicious to you... Naintindihan mo ba?" "Yes seeeeer!" gulat na response ko nang humarap siya. Tinaas niya ulit ang eyeglass niya gamit ang daliri. Mannerism niya 'ata yan. Pinaliwanag niya sakin ang ranking system ng Rune Academy. Every year may nagaganap na Magic Tournament kung saan magpapatagisan ng galing sa mahika ang bawat estudyante. Sa Tournament na iyon tataas ang rank ng mga estudyante na mananalo sa bawat competition, dapat din daw bumawi ako sa academics ko para tumaas ang rank ko. May anim na klase ng rank ang mga estudyante dito. Ang pinaka lowest ay class rank D which is rank ko... Sunod ay C... B... A... S... at ang class SS which is nabibilang si Mr. Perfectionist sungit. Dahil hindi ko pa raw alam ang ability ko hindi muna nila ako ililipat sa Elite section of Elementalist. Sila daw yung mga rare mages na ginantimpalaan ng abilidad komontrol sa apat na elemento. Astig! - Na drain ang energy ko kaya hinayaan ko na lang si Minari na kaladakarin ako patungo sa Dorm. Kapagod ang araw na'to. Dahil nga foreigner ako sa mundong ito kailangan ko pag-aralan ang history nila dito, pati math. Alam niyo nahihilo talaga ako kapag nakakakita ako ng (+-×÷) na katabi ng numbers. "Hay naku, napapagod na ako hatakin ka." nakapamewang na reklamo ni Mina sabay bitaw sakin. Dahan-dahan ko inangat ang ulo ko. We're standing in front of a gloomy and kinda abandoned building. Tinuro ko ang building at tumingin kay Minari. Nakadagdag sa creepy effects yung mga uwak na lumilipad sa itaas. "Hunted building ba yan?" Napahawak sa sentido si Minari sabay iling. "That's our dorm, remember? we are at the lowest ranking.. The Academy priorities those students who's on top." "Ang unfair!" angal ko sabay tadyak. "So yung mga rank SS nakatira sa mansion?" "Nope, sa Rune Palace sila nakatira ang Mansion ay para sa mga rank A and S Students!" nakangiti na sagot niya. Bumagsak ang panga ko, sana all. Dapat pala talaga ako mag strive hard para umangat at guminhawa ang buhay ko dito. Nauna pumasok si Mina sa creepy building na iyon. Pagpasok pa lang ang dilim na, may mga spider webs pa. Hindi ba sila naglilinis dito sobrang alikabok kasi. "AHHHHHHHHHHHHHHH!" wala akong pakialam mabasag ang eardrums ni Minari basta makasigaw lang ako dahil sa takot. May isang white lady kasing biglang lumitaw sa tabi ko may dala siyang kandila na kulay asul ang apoy. "Rhein, na untog ba ang ulo mo? Si Mimi yan ang president ng dorm na'to." paliwanag ni Minari. Pinakalma ko na sarili ko, tiningnan ko yung si Mimi. Hinawi ko yung itim na itim na buhok niya. I blushed, damn she's a cutie. "Good evening Minari, Rhein... Ito pala ang candles niyo." binigyan kami ni Mimi ng tig-iisang kandila. "Para saan 'to?" tanong ko. "Obvious naman walang ilaw dito diba? Walang kuryente dito sa dorm, at iisa lang ang paliguan natin kaya dapat maaga tayo magising-" "WA... Wala ding electric fan...?" tulalely na tanong ko. Hindi ako nakakatulong kapag walang hangin na nakatapat sakin. "Yep! Wala, inaantok na ako tara na." sabi ni Minari. Mabuti naman at may hagdanan dito. Pag-apak ko palang lumusot na yung paa ko. Putek! Ang rupok pala nitong hagdanan kasing rupok ko. "Be careful! May mga butas pa sa unahan oh." sabi ni Minari at tinapat doon sa itaas ang ilaw. Lagot na. - Sa wakas nakarating na rin kami sa room. Na struggle ako sa pag akyat sa hagdanan nila. Kanina pa tumataas ang balahibo ko, dahil feeling ko may multong nakasunod sa amin. Pumasok na kami sa kwarto namin... Hmm? Decent naman yung kwarto, malinis, minimalist... May dalawang bed mga cabinets at study table. Sinubukan ko hipan yung blue na apoy hindi kasi namamatay. "That's an everlasting fire, hindi yan namamatay sa simpleng pag ihip lang, ermmm alam mo ang weird ng mga kinikilos mo ngayon araw," naka cross arm na sabi niya. She scanned me from head to toe, halatang pinagdududahan na niya ang kilos ko. "Ah... Eh, nakakain kasi ako ng panis kaninang umaga hehe kaya ganito ako kumilos." excuse ko sabay himas ng t'yan ko. Umupo si Minari sa bed niya hindi tinatanggal ang titig sakin. Ang awkward at ang lame ng excuses ko. "You know... I like you better now." "Ha?" Ngumiti siya sakin. "Hindi katulad ng Rhein last month na walang imik at walang pakialam sa mundo, para kang naglalakad na empty doll noon, masaya ako at kinakausap mo na ako." malumanay na sabi ni Minari. Naiimagine ko na ang dating Rhein bago pa ako pumasok sa katawan na'to. Kung baga si Rhein noon ay parang empty vessel na kailangan ng kaluluwa. Biglang nag flash image ng mukha ni Rhein sa isipan ko. Kulay abo ang kanyang mata at walang kabuhay-buhay ang expression niya. "May problema ba?" tanong ni Minari habang nagpapalit ng damit sa harap ko. "Wala. Sige tulog na tayo." sabi ko sa kanya. - ----------------------- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD