Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang init sa kwarto, ang dilim pa. Tumingin ako sa mirror wall. Kahit walang tulog pak! Ang pretty ko pa rin. Napapansin ko ang ibang male students napapatulala sakin sa tuwing nakikita ako, may iba pa ngang nahuhulog sa paglipad nila. Nakaka-star struck talaga ang katawan na'to. Ang pretty ko na.
"Mas lalong gumanda si Rhein noh?"
"Oo nga, ang ganda pa ng smile niya."
"Her eyes is dazzling."
Bihara ako makatanggap ng compliment noon, kaya bubusogin ko na ang ears ko ngayon hehehe. Nakasunod lang ako kay Minari papasok sa Cafeteria. Dahil huminto ako sa paglakad, nabangga sa likuran ko ang isang lalaki.
"Sorry." sabi ng guy.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, shooo!" taboy ko sa kanya. Namutla ang mukha niyang umalis sa harap ko. Ugh! Umiinit talaga ang ulo ko lalo na kapag gutom ako at kulang ako sa tulog.
Huminto ulit ako para pagmasdan ang buong cafeteria wow! Ang laki! Ang taas ng ceiling, may mga magnificent painting pa na nakaguhit sa itaas. Hindi lang iyon, ang mga fairies pa mismo naglalagay ng pagkain sa bawat table. Ang ganda nila tingnan lumilipad sa itaas may pixie dust kasi sa pakpak nila, Sumunod na ako kay Minari doon sa gray table. Since Rank D ako kulay gray din bow tie ko.
Napalunok ako ng laway ng makita ko ang nilapag na pagkain sa white table which is sa mga rank C. Ham, fried egg, toasted bread, pink grapes?!, at red juice ang hinain sa kanila. Ano kaya yung samin?
Bakas ang dissapointment namin lahat na nasa rank D table ng ilapag ng mga fairies ang isang piraso ng tinapay, cheese, at plain water.
"WALANG HIYA BAKIT ITO LANG ANG PAGKAIN KOOOOO!" sigaw ko. Dahil sa sigaw na iyon nawindang ang student body at napatingin sa direksyon ko. May isa pa ngang nahulog ang pagkain mula sa bibig dahil sa sobrang pagkagulat.
Hinila ni Minari ang sleeves ko at sinalampak niya sa bibig ko ang tinapay.
"Sorry...sorry... Balik na kayo sa pagkain niyo sorry." pag hihingi ni Minari ng pasensya sa mga schoolmates namin.
Aatakehin ako ng highblood dahil sa tinapay na ito, iluluwa ko sana kaso sayang ito lang yung pagkain ko eh. Tinaliman ako ng tingin ni Minari, nag peace sign ako sa kanya.
Tumawa yung co-rank D ko na lalaki.
"Nakakatawa ka Rhein, ngayon ka lang namin nakitang sumigaw." ani niya. Nag agree yung ibang co-rank ko.
"Hindi ka na nasanay? Tayo kaya ang pinaka kawawa sa lahat ng rank, para tayong inaalipusta kaya nga kailangan natin mapasa ang prelim exam para umangat ang rank natin at malipat tayo sa matinong dorm." sabi pa ng isang babae. Not bad, friendly ang mga co-rankers ko. Hindi katulad ng mga rank A and B. Mapagmataas porket nakaangat sila ng kaunti.
"Okay. Okay, gutom kasi ako kaya na high blood ako pasensya na." sabi ko, then flip my hair. Ang init kasi sa leeg ng mataas kong buhok... Noon kasi bob cut ang gupit ko.
Biglang tumayo ang mga Boys at inabot sakin ang tinapay nila.
"Sa'yo na lang 'to busog na kasi ako." guy one said.
"Ito sayo na rin yung sakin pati itong cheese... ang ganda mo Rhein hihi." guy two said.
Hanggang nga sa mapuno yung table ko. Na shock ako para akong hinagisan ng granada. Ang lakas pala ng appeal ko sa mga boys, pati yung ibang girls ibinigay sakin ang cheese nila.
"Teeeeenk youuuu." umiiyak na sabi ko sabay lamon ng tinapay. Wala akong paki kung ano na hitsura ko kumakain, hindi kasi ako nakapag dinner kahapon, dahil kay Mr. Perfectionist.
~*~
Naglalakad na kami sa mahabang hallway ngayon patungo sa first subject namin. Nabusog ako, kahit plain bread lang iyon masarap siya at malambot kainin. I heard Minari chuckled.
"Anong nakakatawa?"
"Natawa lang ako dahil famous ka na agad sa mga boys, hindi ka talaga namamansin noon kahit na gagandahan sila sa'yo, umiiwas sila dahil sobrang cold and dull mo daw." kwento niya.
Ganun ba? Nakasanayan ko na kasi ang pagiging maingay sa classroom. Na miss ko tuloy yung mga kalog na classmates ko.
"Ah matanong ko kapag ba first year automatic rank D ka na agad?" curios na tanong ko kay Minari. Gusto ko na kasi mapabilis ang pag angat ko, para makatulog na ako ng maayos at makakain ng masarap.
"Nope. Kapag mataas ang marka na nakuha mo sa Entrance exam, automatic ilalagay ka sa Rank B and A kapag average score naman rank C... Alam mo na seguro ang rank D mga pasang awa, nakita mo nga akong umiyak pagtapos ng Entrance exam... Tinitigan mo lang ako noon at saka ka umalis. Ang bad mo! Hindi mo'ko dinamayan,"
Eh? Hindi ko maalala kasi hindi naman ako yun hahaha.
-
Nabwesit ako sa healing class namin. Hindi ko maipalabas ang mana energy sa katawan ko, kaya nakiusap si Professor Finn sa isang teacher na turuan ako ng basic magic skill. Bakit kaya Healing arts major ang kinuha ni Rhein? Pwede naman ako sa Warrior Major o di kaya sa Support Major. Kaumay naman kasi. Gusto ko sumabak sa bakbakan.
May limang course ang academy na'to. Una ang Warrior major sila ang mga estudyante na nagsasanay mapalakas ang attack magic nila more on physical lesson sila. Second is the Support Major sila ang mga mage na mababa ang attack skills sila ang support ng mga warrior, pangatlo ang Magic Tech Major more on sa pagtuklas sila ng bagong potion, spells, and technology na makakatulong sa support and warrior major sabi ni Minari kadalasan na andoon ay mga nerd and geek at nasa pang apat ang Healing arts Major. In other words kami yung mga nurse. Kaasar talaga. Ta's may isa pa na special course andoon ang mga elemental mage.
Dahil sa lalim ng iniisip ko napadpad ako sa isang greenhouse na hugis bird cage. Maganda kaya sa loob? Nasagot na yung curiosity ko ng makapasok na ako. Wow, ang ganda ang sarap mag unwind dito. May mga magagandang bulaklak dito na panibago sa paningin ko. Hindi ko iyon inamoy at hinawakan baka poisonous ang mga 'yan. Tumigil ako sa paghakbang at inalis ko yung kamay ko na nakasiksik sa bulsa ko.
I was spellbounded for a moment when I saw a guy sleeping on a hommock. Kusang kumilos ang mga paa ko, Tila hinihila ako ng presensya niya para ako'y lumapit. I held my breath when I look at him closely. Kahit nakanganga hindi itatanggi na gwapo ang lalaking ito... Well gwapo is an understatement for him. He has a face of an angel. Sobrang amo ng mukha niya. Maganda kaya seguro ang panaginip niya. Kasing puti ng nyebe ang buhok at kutis niya, bumabagay sa perpektong hugis ng mukha niya ang kanyang matangos na ilong. 'yung lips besh! Natural red. Mapupungay ang kulay itim na pilikmata niya, at makapal ang kanyang eyebrows. May lumilipad na kulay rainbow na langgaw malapit sa bibig niya. Binugaw ko ito hanggang sa PAK!
Napatakip ako ng bibig nang masampal ko si kuya angel. His face winced, inatake ako ng kaba nang imulat na niya ang mga talukap. Oh my! Nasa langit na ba ako? Sumalubong kasi sakin ang kulay asul na mga mata niya. He look so perfect lalo na kapag nagising na siya.
"Why did you slap me?"
Okay pwede na ako mamatay. Pati yung boses niya nakakabighani pakinggan masyadong malumanay.
"May langaw kasi."
Then he smiled at me. Parang nagbukas ang gate ng langit dahil sa puti at pantay na ngipin niya. Ngayon lang ako nakakita ng flawless na lalaki.
"Oh Thanks, What's your name?"
Hindi agad ako nakasagot dahil tulaley ako sa facelak ni Angel boy.
"Lara... I mean Rhein Gardenia." sagot ko sabay awkward ngumiti.
"Nice to meet you Rhein, what's your rank?"
"D." nahihiya na sagot ko. Hitsura palang nito halatang nasa Rank SS. Ito ba yung sinasabi nilang langit ka lupa ako? I don't care basta ultimate crush ko na siya.
"First year?" Ano ba kuya angel! Malulusaw ako sa smile moooh~ pa cute ako tumango sa kanya. "I have to go now, bye."
Nang tumayo siya parang mahuhulog ang puso ko. Ang tangkad niya! Isang ideal trait ko sa mga lalaki. Nang makalayo na siya para akong kiti-kiti, kinikilig dito. Putek! Dito ko lang pala makikita ang destiny ko.
Hala! Yung name niya?! Nakalimutan ko itanong!
"Kuya angel! Ano pala name moooo!" sigaw ko kaso nakalipad na siya ng malayo malas! Tch. Ang laki pa naman ng Rune Academy mahihirapan ako hanapin siya.
-
"Rhein! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba pumunta? Magsisimula na ang afternoon class natin, oh? Bakit namumula yang pisngi mo." bungad sakin ni Minari.
"Ha?" kinapa ko ang pisngi ko. "Sa greenhouse, nag usap nga kami ni Crush doon." kinikilig na kwento ko. She blink twice.
"Seryoso ka? Sa greenhouse?"
"Yep!"
"Baliw! Nakita mo si Narci doon?"
"Ha? Sinong Narci yung lalaki ba na may angelic face?"
Napa face palm siya, may mali ba sa ginawa ko?
"I like your attitude now Rhein pero ang tangga mo rin minsan noh? Siya lang naman ang isa sa mga prefect sa school. Isang rank SS elementalist," exaggerated na sabi ni Minari with hand gestures pa.
Umangat ang kilay ko. "Eh anong masama doon."
"Ang masama doon nagkita kayo ni Shawn! SHAWN! gets mo ba ang pinakamalakas na Light Mage sa buong academy. Don't be deceived by his angelic look cause he's a demon in disguise... Isa siyang narcissist, mataas ang turing niya sa kanyang sarili." ewan ko ba dito kay Minari ang over acting.
"Hindi naman, grabe ka maka judge... Ngumiti nga siya sakin at tinanong pa yung name at rank ko hehehehe..."
Sumandal si Minari sa pader at napaupo sa sahig. Natulala siya saglit. "Did you know that the greenhouses is a restricted place? Ngayon nakapasok ka doon expect a hellish school life starting tomorrow kaya niya tinanong ang name at rank mo dahil ipapa-bully ka niya sa mga fans niya dito, kaya ako sa'yo iwasan mo sila."
"Hahahahahahahahaha!" tumawa ako sabay hawak sa tiyan ko ang funny pala nitong si Minari.
"Bahala ka basta ako binalaan na kita."
~*~
Maaga ako nagising at naligo. Well at least I have slept for three hours. Ayos na 'yun. Sinuot ko na yung red coat and mini black skirt ko. Umupo ako sa bed para isuot ang hanggang tuhod na white socks. Si Minari ang nagsuklay ng mahabang buhok ko, gusto ko sana pagupitan kaso ayaw niya bagay daw sakin yung long ass caramel hair ko.
Paglabas namin sa dormitory. Napasingap kami sa gulat ni Minari ng batuhin kami ng putik mula sa itaas. Pagtingin ko nakita ko yung tatlong babae.
"Oh there they are, ang mga fans ni Shawn." nanginginig sa takot na sabi ni Minari.
"MGA HAYOP! BUMABA KAYO DITO!" angas ko sa kanila. Kapag ako binully makikita nila ang hinahanap nila!
"Tsk. We will not go stoop to your level.... Dogs!" pangungutya ng isang class A.
Anong tawag nila sa'min DOGS?!
"Gagawin naming miserable ang school year mo dahil sinampal mo si Prince Shawn." maarte na sabi niya isa.
What si Shawn ang nag utos sa kanila? Tama nga ang sinabi ni Minari. Na masama ang lalaking iyon. Humahalakhak sila lumipad paalis.
"Minari Ayos ka lang? Sorry sana pinakinggan kita."
"I'm fine, Tara magpalit na lang ulit tayo."
Sa Cafeteria nag sorry sakin ang fairy na naglapag sakin ng pagkain. Isang raw fish na may nakasasak na kutsilyo at dumudugo pa ang ibinigay sakin for breakfast. Sunod na narinig ko ang nakakainis na tawa ng mga fans ni Shawn. Seryoso nga silang ibullyhin ako. Umiwas sakin ang co-ranks ko dahil ayaw nila masali sa gulo.
"Minari mabuti pa lumayo ka na sa-" nagulat ako ng tamaan ng itlog si Minari sa ulo. Nasagad na ang pasensya ko sa mga babaeng bully.
Hinampas ko ang dalawang kamay ko sa lamesa, lahat ng kumakain na students sa cafeteria napatingin sakin. Nakadunggo ako humarap sa tatlong bullies.
The girl in the middle crossed her arms and raised her brows para mag mukha kuno siyang intimidating . Humanda kayo dahil gagamitin ko ang special technique ko sa pagpapatumba ng bullies.
~*~
------------------- To be continued.