Chapter 0

2422 Words
PROLOGUE Ano nga ba ang silbi natin sa mundong ito? Gumising para pumasok sa paaralan, kumain ng budget meal mag ipon ng pera at sumali sa kakuletan ng mga kaibigan niya. Iyon ang pang araw-araw na buhay ni Lara. All she can think about is living the life of a higher-school commoner. Tanggap na niya ang kapalaran niya maging saleslady, cashier, at gasoline girl. Wala sa isipan niya ang maging mayaman. She's a free spirited girl na go with the flow lang sa buhay, but what if naisipan ni tadhana baliktarin ang buhay niya? Ang simpleng pangarap na iyon ng dalaga ay naudlot dahil sa isang aksidenteng nagpabago ng tuluyan sa buhay niya. She was reincarnated as a mage with a great responsibility on her shoulder. A magical event of her life she never wish for. Nakasalalay sa kamay niya ang kapalaran ng isang mundo. A world divided by magic To be the chosen one, she must have great strength, power and courage to fight against darkness and evil. How can she be the chosen one if she chooses to remain ordinary? Anong mundo ang mas pipiliin niya? ------------------ CHAPTER 00 "Aray! Wag mo idiin," daing ko nang idiniin ni Shirley ang pagkakalagay ng betadine sa pasa ko. Pinandilatan niya ako ng mata. "Ang pangit mo na nga nakikipag basag ulo ka pa, eh sana ako na lang sumira d'yan sa pagmumukha mo." sermon niya. Umirap ako sa hangin, walang habas niya diniin ulit ang cotton sa sugat ko. Sadista! Isang siga sa kabilang section ang may gawa nito sakin. Pumagitna kasi ako sa pang bu-bully niya kay boy weakling. Iniligpit na ni Espren ang first aid kit niya. Dumungaw ako sa bintana ng classroom namin dito sa third floor. Mula dito kitang-kita ko na magkahawak kamay ang dalawang asungot sa buhay ko. Wow, ang sweet... sarap nila ipakain sa dinasour. "Hoy. Nagkatuluyan na pala 'yung dalawang crush mo?" ani ni Shirley. "Nakita mo naman diba? Sweet na sweet, Hay naku!" I took my notebook out of the bag and I erase their freaking name. Dylan Chu, and Melanie Diaz Burado na kayo sa life ko, marami pa akong list of crushes why should I be sad? Yep, nagkakagusto ako sa both gender. Ako raw kasi ang boyish sa classroom namin, dahil sa bagsik ko kumilos at pagiging basag ulo ko. "Bakit kaya hindi ako kina-crush back ng mga crush ko?" tanong ko kay Espren. Ngumuso ako sa harap ng notebook ko. Nasa third year highschool na ako dapat bago ako gumraduate may jowa na ako. "Hello Girl! May salamin ka naman sa bahay diba? Hindi ka pangit, sadyang hindi ka lang talaga maalaga sa facelak mo... Look at your face, mukha ka ng pinipig ice cream sa dami ng tigyawat mo, ang freezy pa ng hair mo! Ginamit mo ba yung ibinigay ko na skin care product?" Tumitig lang ako kay Esperan habang dadak siya ng dadak d'yan. "Tsk, wala ka rin namang love life Espren wag kang ano d'yan..." Napailing ako tsaka ngumisi nang makita ang dissapoinment sa mukha niya. Katamad naman kasi ipahid 'yung mga cream chuchu. "Alam mo Shirley, kung mahal ako ng tao tatanggapin niya kahit anong hitsura ko, sabi nga ng iba mas importante ang panloob na ganda." "Ampuch ka girl? Hindi na nga mahitsura yang face mo, hindi pa makain ng aso ang ugali mo." Tinaliman ko ng tingin si Shirley. Namumuro na siya sakin huh?! Hinablot ko ang buhok niya at nagharutan kami sa desk. "Ayeeee~ kayo na lang kaya dalawa magkatuluyan." kantyaw ng mga classmates namin. Nakatinginan kami ni Espren at sabay kami nag acting na parang naduduwal. Eww. - After school. Sabay na kami ni Espren lumabas ng gate, biglang nag ring yung flip phone ko. Alam ko na agad sino yung tumatawag. [Ate! Ate! Bili mo ako chowowet.] sabi ng bunsong kapatid ko sa kabilang linya. "Anong chowowet? Ayusin mo," nakangiti na sabi ko. Lumakad na ako. [Chokoyet?] Natawa ako. Ang cute talaga ng baby brother ko. Dalawa lang kaming magkakapatid. Wala na kaming papa sumakabilang bahay na, kaya mag-isa kami pinalaki at tinaguyod ni mama. Makokompleto na sana ang life ko kapag nagkajowa na ako. Lol. Pumasok na ako sa seven eleven. Wew, gwapo ang cashier pwede ko siya idagdag sa crush list ko. Pumunta ako sa mga chocolates. Kinuha ko yung wallet ko para Icheck magkano na lang natitirang pera ko. Hay naku, gusto ko sana bilhan si Andrew ng imported chocolates kaso short si ate kaya itong local branded chocolates na lang- Napukaw ang atensyon ko sa malakas na busina ng sasakyan. Pag lingon ko sa glass wall, pabulusok na tumungo sa direksyon ko ang isang itim na van. Nanigas ang katawan ko, hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nasilaw ako sa headlight ng sasakyan. Hanggang sa sumalpok ang unahan ng kotse sa katawan ko. Sa sobrang lakas ng impact, tumilapon ako kasama ng ibang paninda sa loob. Nakakarinig ako ng audible voices na humihingi ng saklolo para sakin. Nanglalabo ang paningin ko... Kitang-kita ko ang pagdanak ng presko at matingkad na dugo mula sa katawan ko. Am I going to die? . . . . . . . . . "Welcome back to your world." Boses ng isang babae ang narinig ko, pagmulat ko bumalandra sa paningin ko ang mukha ng mga estranghero. Ngayon ko lang namalayan nakahiga pala ako sa matigas na semento. "Ayos ka lang?" "May masakit ba sayo?" Tanong ng mga tao sa paligid na nakasuot ng pula at itim na uniporme. Mabilis ako nakatayo. I nodded at them as a response. Nasaan ba ako? Nanlaki ang mata ko sa sobrang pagkagitla. Nasa harap lang naman ako ng isang matayog na tower na gawa sa matibay na metal at crystal. Pagtingin ko sa kalangitan kulay purple and pink yung langit... may lumilipad pa na creature. Hayop ah! Dragon ba 'yun. Ganda ng panaginip na'to. Naging malikot ang paningin ko. Nasa gitna ako ng mga estudyante na naglalakad papasok sa naturang tower. Pagtingin ko sa aking kasuotan nakadamit din ako ng uniporme na kagaya nila. "Woah!" Tumabi ako nang dumaan ang mga lumilipad na estudyante. Napanganga ako dahil sa pagkamangha nang makita silang lumilipad mala-superman. Panaginip ba talaga 'to? This place is like straight out from a fantasy movie or book. I felt goosebumps everywhere. "Rhein, pasok na tayo baka mahuli tayo sa healing class natin." Natigilan ako nang lumapit sakin ang babaeng may kulay orange at bob cut na buhok. Napansin ko sa mga tao dito kakaiba ang kulay ng buhok nila. May nakita pa nga akong kulay green ang balat. Panaginip lang ito kaya nga weird ang mga nakikita ko. "Ako ba kinakausap mo?" tanong ko sabay turo sa sarili ko. Bahagya kumunot ang noo niya. May mali ba sa tinanong ko? "Oo." She simply answered. Unti-unti nandilat ang mga mata ko nang maalala ko sinalpok ako ng van at nag-aagaw buhay ako. Putcha! Kailangan ko na magising. Mariin ako pumikit... Para magising ako, ganito ang ginagawa ko kapag binabangungot ako. "Rhein, ayos ka lang? Hoy." Nagulat ako dahil naramdaman ko 'yung malakas na tulak sakin ng babaeng kausap ko. H... Hindi ba ito panaginip? Parang totoo eh? Sinampal ko ang sarili ko. Left and right para sure. "I'm not dreamin', am I?" balisa na tanong ko kay orange headed girl. "No...?" medyo nag aalangan na sagot niya. Napahawak ako sa ulo ko. Ano ito? Anong lugar 'to? Bakit ako nandito? "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sumigaw ako sa sobrang pagkabigla. Napatakip ng tenga yung babae dahil sa malakas na sigaw ko. "Hahaha." "Baliw." "Sinapian." Puna ng mga dumadaan na estudyante. Natuyo ang utak brain ko sa mga nangyayari. Napunta ba ako sa ibang mundo? Sa isang magical world. Waaaaaah! Gusto ko na umuwi. Miss ko na si mama at Andrew. Biglang tumunog ang bell sa sobrang lakas nito humayo lahat ng mga students dito sa open ground. "Naku! Hali ka na mahuhuli na tayo sa klase natin." kinadlakad ako ng babae papasok sa Tower. Dahil nga nasa state of shock pa ako, hindi na ako pumalag. Kulang na lang dumikit sa sahig 'yung panga ko sa sobrang pagkamangha ko sa lugar. Bumungad sakin ang spacious na lobby ng tower. Nahiya ang sapatos ko apakan ang sahig sa sobrang kintab at linis nakikita ko nga ang reflection ko dito. May malaking circle na may logo sa gitna ng sahig. May hugis na anyong liwanag at sa gitna nito'y espada at sa gilid may hugis ng apoy, tubig, dahon, at hmm? Hangin? Four elements. Woah! Tumingala pa ako. I think the very high ceiling is made of pure diamond, so the light from sun that enters the whole tower cause brilliance hue. Sparkle gray and white. This place is astonishing. "Nasaan 'yung hagdanan?" tanong ko sa kanya. "Ha? Nasa emergency exit lang ang hagdanan, wala kang makikita dito dahil lilipad tayo patungo sa fourth floor." di makapaniwala na sagot sakin ni girl. "HA?! ANO?! Hindi ako marunong wala akong wings!" napakapa ako sa dibdib dahil sa sinabi niya. Binitiwan niya ang kamay ko. Nakapamewang siya humarap sakin. Patay, malamang sa malamang nagdududa na'to sa kinikilos ko. I can't help it, sino ba ang hindi mag papanic sa sitwasyon ko? Hindi naman seguro ito after life diba? "Ano ba pinagsasabi mo? Ikaw nga 'yung top one sa flight class natin last week, lahat ng students dito marunong lumipad isa iyon sa General skill na kailangan ng isang mage." "M...mage?" totoo? As in yung mga fictional character na may super powers... Di nga? "Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Did you sleep on the wrong side of the bed? Don't make me mad Rhein! Lagot tayo kapag na late tayo..." I choose to keep my mouth shut. Hinila na ako ni Girl at lumipad na kami. Halatang nabibigatan siya sakin. Napalunok ako sa kaba dahil umaangat na kami mula sa sahig. May slight na acrophobia pa naman ako. Nang makalapag kami sa fourth floor. Nakahinga ako ng maluwag. Lahat ng mga students ay nagkukumahog na pumasok sa classrooms nila. The walls are made of mirros. "KYAAAAAAA!" exaggerated na sigaw ko. Napatili ako sa gulat at tinuro ang magandang babae na nakikita ko sa salamin. She has long wavy caramel hair, a clear complexion, a slender and tall body. I got closer to take a closer look. Kulay violet ang mata niya. Ang ganda ng hugis ng kulay brown na eyebrows niya. Mapilantik at mahaba ang kanyang pilik mata. Ang lips niya, ang pinkish. Ang gandang babae parang dyosa sa ganda. Crush ko na siya. "Ang weird mo ngayon, bigla-bigla ka na lang nagugulat sa mga nakikita at naririnig mo... Natakot ka ba sa mukha mo?" "Mukha ko?" ito na naman ako gulat na gulat. Sinubukan ko naman pigilan ang sarili ko pero napaka mind blowing lang talaga ng nangyayari. Tumango siya sa'kin at tumingin ulit ako sa salamin. Ang ganda ko na ngayon. Malayong-malayo sa hitsura ko noon na mukhang paa lang nitong katawan ko ngayon. "Tsk. Tara na baka pagalitan tayo ni Professor." - "Gardenia, Leonel.... Minus ten points for the two of you." bungad na sabi ng isang babae matangkad at may mahabang silver hair. Siya na seguro yung professor dito. "Damn it." mahina na usal ni orange hair girl. Hala! hindi ko pa pala alam ang name niya. Ang weird naman kung tatanungin ko yun sa kanya diba? Eh Mukhang magkakilala kami. Mag palusot kaya ako na may amnesia ako? Ang lame. "Rhein! Minari! Dito kayo umupo." sabi ng isang cute na babae. Lumapit kami doon, so Minari pala name niya. Umupo na kami sa futon. I was amused again by the interior of the classroom. Para lang siyang typical na set up ng classroom pero may mga weird na bagay naka-display doon sa shelf na hindi ko nakikita sa earth. Wait? Napatanong tuloy ako... Nasa earth pa ba kaya ako? "For our activity today you will treat a wounded dummy. Group yourself into three." Instruct ni professor sa amin. Sa isang pitik ng kanyang daliri biglang lumitaw ang mga dummy sa harap namin. "Wow." react ko. Napatingin si Minari at ang isang babae sakin. Iyong dummy parang totoong tao na may sugat. Kami ni Minari at nung isang girl ang group mates. I was silently amazed to see their hands glow. Tinapat nila ang kanilang mga palad sa sugat ng dummy. "Uy, Rhein tumulong ka nanonood si professor..." pabulong na sabi ni Minari. Hahaha! Hindi nga ako takot sa terror teacher ko sa senior high kaya wa epek yung professor nila sakin. "Psst... Napansin ko nagbago yung Color ng eyes mo Rhein, Napansin mo ba Mina?" ani ni Girl. Eh ano ba yung color ng mata ko noon? "Maybe you discovered your special ability kaya nagbago ang kulay ng iris mo... It's very unusual color for a common mage to have bright violet eyes." ani ni Mina habang sinusuri ang mata ko. "Girls! Stop chattering. Gardenia Why aren't you-" As soon as turned my head around, natigilan si Professor ng mag tama ang mga tingin namin. Napakapa pa siya sa dibdib niya na para akong isang multo sa kanyang paningin. Bakit nag o-over reacting siya? "G... Gardenia, come with me to the Head Master's office." "Ngayon na po?" "Yes! Right away." - I don't have the ability to fly kaya pinalutang ako ni Professor sa pinakamataas na palapag ng tower. Nakikita ba 'yung panty ko sa ibaba? Chineck ko, ay naka cycling pala ako, buti naman. "Head Master! Head Master." natataranta na tawag ni Professor nang makapasok kami sa opisina. Ngumiti ako at kumaway doon sa little fairies na nagbukas ng double glass door. Dahil hindi ako tumitingin sa daan nabunggo ko yung pillar at bumagsak ako. Putek! Ang tanga ng poste! Tumayo na ako, napatigil ako sa nakita ko. Garden ba ito o opisina, may mga gumagapang na vines at flowers kasi sa wall. May cross aisle sa gitna at sa ilalim nito ay fishpond na may mga water lilies at ibat'ibang uri ng unfamiliar fish, ang sarap tumambay dito. "Head Master... She's here!" ulat ni Professor sa lalaking nakatalikod. Pinaikot niya ang kanyang swivel chair made of glass. Nagtama ang tingin namin ng lalaking may shoulder length na ash blonde hair na nakasuot ng makapal na eyeglasses. Napapitlag ako ng tumayo siya ng tuwid na parang nakakita ng multo. Hala! Grabe sila! Sa gandan kong 'to. "The prophecy is correct, A girl with violet eyes will save us from darkness." di makapaniwala na bulalas niya. Eh? ~×~ To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD